Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Chapter 126)

Share

Season 3 (Chapter 126)

last update Huling Na-update: 2025-10-04 13:17:00

Ilaria POV

Hindi ko na alam kung ano ang tama. Hindi ko na rin alam kung ano ang mali. Ang alam ko lang ay ang malaking sugat sa puso ko na hanggang ngayon ay patuloy na sumasakit. Bawat hininga ko ngayon ay may kasamang apoy. Apoy na anumang oras ay sasabog na dahil sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon.

Nasa tabi ako nun ng kabaong ng nanay ko nang subukan kong mag-stalk sa social media account ni Lorcan. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, nakita kong may bago siyang post. Picture na may bitbit na kandila at nakatayo sa tabi ng puntod. Nandito siya. Nandito siya sa Yay Town.

Nang maisip kong nasa malapit lang siya, nademonyo agad ang isip ko. Parang may isang maliit na apoy na sumiklab sa dibdib ko at kumalat na agad hanggang sa isip ko. Hindi na ako nagdalawang-isip. Kailangan ko siyang puntahan at makita. Alam ko kung nasaan siya ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nakita pa ako ni Manang Lumen. Tinanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya sinagot at pinansin dah
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
susana Tan
iisa lng nag update ,more update please, nakakagalit c Lorcan. gusto q n rin n patayin cya. napakasama niya
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 132)

    Ilaria POVSa park ng school kami huminto. Sa damuhan, naglatag na kumot si Rook, pagkatapos ay saka nilapag at hinanda ni Vandall ang box ng pizza, box ng chicken wings, box ng donut at mga milktea. May tubig din naman. Ang dami, at ayon sa kanila, utos ito ng bossing nila. Siyempre, walang iba kundi si Sir Keilys.“Ayos ka lang, Miss Ilaria?” tanong ni Nomad.Dahan-dahan akong tumango, pagkatapos ay saka ako lumingon ulit sa malaking cafeteria ng school namin. “Kung hindi tumawag si Sir Keilys, baka dumanak na ang dugo sa loob ng cafeteria,” pag-aamin ko sa kanila. Sa totoo lang, natakot ako kanina. Natakot ako bigla kasi ganoon ang iniisip ko. Basta, kakaiba, e. Para bang na-e-engganyo akong makakita ng taong madugo.“Anong ibig mong sabihin, Miss Ilaria?” tanong naman ni Vandall. Nahinto siya sa pagkagat sa pizza dahil sa sinabi ko.“Hindi ko alam. Habang mag-isa ako kanina, parang wala ako sa sarili ko. May mga ginawa ako na parang hindi ko matandaan. Basta, ang huling natatandaa

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 131)

    Ilaria POVIsang linggo na ang lumipas mula nang ilibing namin si Nanay Laria, pero para bang kahapon lang iyon. Naaamoy ko pa rin minsan sa hangin ang halimuyak ng bulaklak sa sementeryo, naaamoy ko pa rin ang kandilang unti-unting nauupos sa tabi ng larawan niya.Narito na ako sa White Cross College of Nursing. First day ng last sem ko. Graduating na ako. Dapat masaya ako, ‘di ba? Dapat puno ako ng inspirasyon at saya. Pero habang pinagmamasdan ko ang campus na ito, parang wala akong maramdaman kundi panlalamig. Basta, ang plain masayado ng lahat, na dati kapag nag-aaral ako ay araw-araw akong masaya.Bitbit ko ang bag ko habang naglalakad papunta sa building. Tahimik akong tumingin sa paligid—mga bagong mukha, mga dating kaklase, mga nagkukumahog sa paghanap ng room assignment. Lahat sila, parang may direksyon. Ako, parang wala. O baka meron, pero hindi gaya ng sa kanila. Ang direksyon ko ngayon ay hindi na lang diploma. Hindi na lang titulo. Dugo, gusto kong makakita ng mga taong

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 130)

    Keilys POV“Sabihin ninyo na po, Tatay Iggy. Sige po, makikinig at tutulungan ko po kayo.”Tumulo na ang luha sa mga mata niya kaya naisip ko agad na mukhang seryoso na ang inaalala niya. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.“Nung elementary pa si Ilaria, nagkasakit siya. Hindi ‘yong pisikal na sakit, kundi… ‘yong sa pag-iisip.”Napatingin ako sa kaniya. Atat na atat akong marinig kung anong sakit iyon.“Pag-iisip po?” tanong ko.“Oo.” Tumango siya, habang pinipisil ang rosaryo sa kamay. “Ilang taon din naming itinago ‘yon sa mga kapitbahay. Nasa ospital pa nga siya noon, sa isang espesyal na ward. Akala namin, wala nang pag-asa. Ang sabi ng doktor… may mga sandali raw na nawawala siya sa sarili.”Tahimik lang ako, habang nakikinig pero ‘yung kabog ng dibdib ko, sobrang lala na dahil sa paunti-unting pag-amin niya. Ramdam ko kasi ang panginginig sa boses niya.“Pag nagagalit siya,” patuloy ni Tatay Iggy, “hindi siya umiiyak gaya ng ibang bata. Hindi rin siya nagsisigaw. Pero bigla na la

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 129)

    Keilys POVTahimik na ulit ang buong kapilya kung saan nakaburol pa rin si Nanay Laria ngayong gabi.Si Ilaria, aba, maagang nagpahinga. Sa unang pagkakataon, tulog siya nang maaga.Sabi kanina ni Manang Lumen, parang iniinda nito ang sakit ng ulo. Binigyan naman daw niya ng gamot, pagkatapos ay saka na pumasok sa kuwarto at natulog.Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa gilid ng lumang bangko sa labas ng kapilya, habang pinagmamasdan ang ilaw ng mga kandilang nakahanay sa gilid ng kabaong ni Nana Laria.Kasama ko ang ang helltrace—sina Vandall, Rook, Nomad, at Jink.Pinakiusapan ko silang magpuyat ngayong gabi, hindi lang para tumulong, kundi para may makasama si Tatay Iggy. Hindi kasi ako mapalagay kung siya lang mag-isa. Baka may gawin na naman ang gagong si Lorcan.“Boss,” bulong ni Vandall habang nagbubuhos ng kape sa styro cup. “May napansin po ako kanina kay Miss Ilaria.”Agad nakuha ni Vandall ang atensyon ko. Basta tungkol kay Ilaria, may pake ka agad ako. “Bakit, anong napansin mo

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 128)

    Keilys POV“Sir, what if, i-train namin si Miss Ilaria?” suggest bigla ni Vandall.Napatingin ako sa kaniya bigla. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko tuloy.“Mukhang mapagti-trip-an na siya palagi nung Lorcan na iyon. Mainam po na may alam manlang siya sa self defense. Mas mainam din kung marunong siyang lumaban na. Para mapaghandaan niya ang mga laro sa buhay nung Lorcan Trey na iyon,” sagot niya, kaya napaisip ako.“So, mauuna pa si Ilaria sa pagte-train kaysa akin?” tanong ko, kaya napangiwi silang apat.“Siyempre, Bossing, sabay na kayo. Suggest lang naman po ito. Kasi, kawawa si Ilaria kapag napag-trip-an lang ito nang mapag-trip-an ni Lorcan.”“Sasabihan ko kayo kapag nakausap ko siya. Pero kung anuman ang maging desisyon niya, igalang natin. Kung hindi siya papayag, ako na lang ang magte-training. Gusto ko na ring paghandaan ang lintik na Lorcan na ‘yan. Nangako na rin ako kay Ilaria na tutulungan ko siya, kaya tutuparin ko iyon. Kaming dalawa ang magtutulong para mabura siya

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 127)

    Keilys POVGabi na, marami na naman ang mga tao. Si Ilaria, mula nung umuwi kami galing sa sementeryo ay nagkulong na sa kuwarto, tila napahaba ang tulog. Sabi ni Manang Lumen ay hayaan kasi baka nagbabawi ng tulog. Kaya kami nila Manang Lumen, Jopay, Charitie at Golda ang nag-asikaso sa lahat.Nakakalibang kasi ngayon ko lang naranasan ang ganitong lamay sa probinsya. Malaki ang kaibahan sa mga napuntahan ko ng lamay sa city.Lumabas ako saglit, gusto kong uminom ng alak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi kung ano ang magawa ko, lalo na’t apektado rin ako sa pagkawala ni Tita Laria. Baka kung anong desisyon ang bigla kong magawa.Tumingin ako sa malayo, doon ko napansin ang papalapit na sasakyan ng helltrace ko. Ngayon ko lang naalala na hinihintay ko pala sila para sa magiging report sa mission na binigay ko sa kanila.Doon na agad ako pumuwesto sa walang tao. Nang sa ganoon ay walang makarinig sa amin.“Tagumpay,” bungad agad ni Rook, sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa lu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status