Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Chapter 217)

Share

Season 3 (Chapter 217)

last update Last Updated: 2025-12-09 17:31:43

Ilaria POV

Pagkatapos ng halos kalahating oras na biyahe mula mansiyon ng mga Trey, pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko habang umaakyat ako sa hallway papunta sa condo ni Keilys. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sobrang dami nang iniisip ko mula pa kanina. Ang alam ko lang, ramdam ko pa rin sa palad ko ang lamig ng maliit na susi na nakuha namin ni Rica kanina na parang nakaukit pa sa balat ko ang bigat ng sikreto na dala-dala ko.

Pagdating ko sa pinto ng condo, napansin kong madilim pa ang loob. Walang kahit anong ilaw na bukas. Ibig sabihin ay wala pa si Keilys.

“Okay, mukhang busy pa siya,” bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko, hindi ko na sinindihan ang ilaw. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas kampante ako sa dilim.

Binaba ko ang bag ko sa sofa saka ako diretso sa kuwarto ni Keilys kung saan naroon ang laptop niya. Naroon iyon sa study table niya, nakasara pero hindi naman naka-lock. Mabuti naman at hindi niya nilalagyan ng password, wala naman kasi siyang dap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Grace Satioquia
update po pls..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 219)

    Ilaria POVNung gabing iyon, kahit alas nuebe na, pinilit naming puntahan si Rica para ibalita ang nakita namin sa isang USB na nakuha namin sa taguan ni Lorcan.Pagbukas palang ng pinto ng condo niya, parang ayoko muna talagang harapin siya kasi ang bigat ng balitang dala-dala namin ni Keilys. Inakay agad ako ni Rica para makapasok sa loob. Pinaupo niya kami sa sofa sa may sala at agad na nagtanong.“Ano, may nakita ba kayo? Kaya ba kayo nagpunta ay may nakita kayo?” tanong niya, bakas sa mukha nito ang takot.Tumingin si Keilys sa akin. Siya ang nag-utos sa akin na magsalita. “Oo, Rica. May nakita kami,” pabitin kong sabi. Ayoko siya kasing biglain.“Ano? Nasaan? Anong nakita ninyo?” atat niyang tanong.“Mainam siguro kung mapapanuod mo ang nakita namin,” sabi ni Keilys at saka niya inabot kay Rica ang phone niya. Nalipat na rin kasi namin sa phone niya ang mga kuha ni Joshua at Lorcan para madali namin itong maipapakita sa kaniya.Inagaw naman agad ni Rica ang phone ng boyfriend ko

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 218)

    Keilys POVSteak ang binili ko sa labas para sa dinner namin ni Ilaria. Nagmamadali akong umuwi dahil gusto ko nang makita ang sinasabi niyang mga USB na dala-dala niya. Nilapag ko lang ang steak sa lamesa, pagkatapos ay tumuloy na ako sa kuwarto ko.Doon ko nadatnan si Ilaria, na nakatutok sa laptop ko.“What the fvck!” sabi ko nung madatnan kong may pinapatay si Lorcan Trey. Kitang-kita ko sa video kung paano niya pinagbabaril ang isang babae. At kung hindi ako nagkakamali, ang babae sa video na binabaril niya ay ‘yung nakita kong palagi niyang kasama noon. Silang dalawa ‘yung nakahuli sa akin noon habang nagsasarili sa kuwarto ni Larcon. Tama, siya nga ‘yon.“Pagkatapos niyang maka-sëx ang babaeng ‘yan, pinagbabaril niya, Keilys,” sabi ni Ilaria, habang gulat na gulat din.“Gago ang taong ‘yan, gago!” sagot ko na lang.“Anong gago, demonyo at baliw kamo. Hindi normal ang ginagawa niya. Pareho siyang tumitikim na lalaki at babae, pero madalas, kapag nakakatikim siya ng babae ay pina

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 217)

    Ilaria POVPagkatapos ng halos kalahating oras na biyahe mula mansiyon ng mga Trey, pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko habang umaakyat ako sa hallway papunta sa condo ni Keilys. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sobrang dami nang iniisip ko mula pa kanina. Ang alam ko lang, ramdam ko pa rin sa palad ko ang lamig ng maliit na susi na nakuha namin ni Rica kanina na parang nakaukit pa sa balat ko ang bigat ng sikreto na dala-dala ko.Pagdating ko sa pinto ng condo, napansin kong madilim pa ang loob. Walang kahit anong ilaw na bukas. Ibig sabihin ay wala pa si Keilys.“Okay, mukhang busy pa siya,” bulong ko sa sarili ko.Pagpasok ko, hindi ko na sinindihan ang ilaw. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas kampante ako sa dilim.Binaba ko ang bag ko sa sofa saka ako diretso sa kuwarto ni Keilys kung saan naroon ang laptop niya. Naroon iyon sa study table niya, nakasara pero hindi naman naka-lock. Mabuti naman at hindi niya nilalagyan ng password, wala naman kasi siyang dap

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 216)

    Ilaria POVEksaktong alas-tres ng hapon nang dumating si Rica.Sa pinto pa lang ng kuwarto ni Loraine, sumenyas na siya sa akin na gawin na agad namin ang paghahanap sa susi habang tulog si Loraine, habang may oras kami, at habang namamahinga ang ilan sa mga staff ng mansiyon.Lumabas kami nang dahan-dahan, sinigurado kong hindi magigising ang sleeping bruha.Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Rica.“Safe,” bulong niya. “Galingan na lang natin ang paghahanap, gusto kong makita na ngayon ang susi na ‘yan.”Tumango ako, habang patingin-tingin kami sa paligid. Sinigurado naming walang makakahalata sa kilos namin. Kung may gising man, si Camilla lang. Siya ang magiging spy namin habang nasa loob kami ng kuwarto ng demonyo.Naglakad kami papunta sa kuwarto ni Lorcan. Kung anong kinaganda ng kuwarto niya, siya naman kinapangit ng ugali ng may-ari nito. Pero, nakakainggit dahil ang laki talaga ng kuwarto niya. Lahat pa ng kagamitan ay halatang mamahalin. Halatang anak ng mayaman.“Gr

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 215)

    Keilys POVIlang araw na akong hindi ako mapakali. Simula nang sabihin ni Ilaria na araw-araw na siyang papasok sa kuwarto ni Lorcan para maghanap ng baho nito, hindi na ako tumigil sa pag-iisip kung paano ko siya poprotektahan.Kailangan niya ng mas matibay na seguridad, ‘yung hindi niya alam, hindi niya hinihingi, pero kailangan niya.Kaya ngayong hapon, sinamahan ko ang Helltrace sa pagpunta sa bahay ng taong nakakaalam ng lahat ng kilusan sa mansiyon ng pamilyang Trey. Ang CCTV operator.Huminto ang sasakyan namin sa harapan ng maliit, lumang bahay na may kalawang na gate. Tila hindi tumatanggap ng bisita ang may-ari nito dahil sa dami ng barbed wire at lock na makikita mo, parang kulungan kaysa tahanan.Naglakad kami papunta sa gate. Nasa gilid ko ang Helltrace na tahimik lang, pero mga alerto. Palipat-lipat ang tingin nila na parang tinitignan ang paligid sa mga posibleng panganib na puwedeng mangyari.“Boss Keilys,” sabi niya nang mahina, “sigurado ka ba rito? Sa tingin mo ay p

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 214)

    Ilaria POVHindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong maliit na box sa closet room ni Lorcan. Isang sikreto na maaaring magpabagsak sa buong pagkatao niya o magpatunay na totoo ang hinala kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Joshua.Kaya pagpasok ko ngayon sa mansiyon, buo na ang plano ko. At unang-una sa listahan kong kailangan gawin ay utusan si Camilla.Nasa pantry kami, maaga pa at abala siya sa pag-aayos ng mga tray ng almusal ni Ma’am Loraine at Sir Cane. Pagkapasok ko pa lang doon, hinila ko na ang isa niyang silya at pabulong akong nagsalita.“Camilla, may ipapahanap ako sa ’yo.”Nag-angat siya ng tingin, halatang kabado agad. “Ano na naman ’yan po ‘yan, Ma’am Ilaria? Baka mamaya—”“Huwag ka nang mag-alala. Hindi ito delikado, basta’t sumunod ka lang.” Tumingin pa ako sa paligid at baka may makakita o makarinig sa amin. “Kailangan ko ng susi. ‘Yung susi para mabuksan ko ang maliit na box na nasa closet room ni Lorcan.”Lumaki ang mga mata niya.“Ay naku, Ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status