FAZER LOGINIlaria POVKinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Sanayin ko na raw magpaaraw sa umaga, kaya maaga dapat magising.Nandito lang ako sa terrace ng bedroom namin ni Keilys. Dito lang din kasi ay may araw nang tatama sa akin. Hindi na ako lumabas.Mula rito, tanaw ko si Keilys, nakatagilid at tulog na tulog habang nakadantay sa hotdog pillow ko.Maya maya lang, may kumatok sa pinto.“Keilys, Ilaria,” boses ni Papa Sylas ang narinig ko, kaya dali-dali akong napatayo. “Ready na ba kayo?”Nagkatinginan kami ni Keilys. Pati siya ay nagising dahil narinig din niya ang boses ng papa niya.Lumapit tuloy ako kay Keilys at nagtanong ng pabulong. “Ready na para saan?”Ngumiti lang si Keilys. “Hindi ko rin alam. Sabi ni Papa, sumama raw tayo sa labas bukas. Iyon ang dinig ko kagabi nung magkausap kami. Nakalimutan ko lang banggitin sa iyo.”Paglabas namin ng kuwarto, nandoon na si Papa Sylas—naka-formal casual, mukhang handang-handa na ngang umalis. Halata sa mukha nito ang pagiging good mood
Ilaria POVIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kaming nagpunta sa OB-GYNE. Isang buwan ng paghihintay, panghuhula, at tahimik na pagdarasal tuwing gabi na sana ay tuloy na tuloy na ang pagbubuntis ko.Paalis kami ngayon ni Keilys. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse niya, kabado ako. Siyempre, pati na rin siya. Nagpasya kasi kaming bumalik sa doctor ko pagkalipas ng isang buwan, para raw may makita na. Para malaman kung sure na sure. At ito na ang araw na iyon. Ipapa-check up na ako ni Keilys.Ilang gabi akong nagdasal talaga. Isang buwan akong nag-ingat, nagkakain ng mga healthy food at nag-bed rest para lang ma-sure na hindi mapapasama ang pagbubuntis ko. Sa loob ng isang buwan, sana lang ay may magandang maging resulta.“Okay ka lang, Mahal?” tanong ni Keilys habang saglit niyang tinitingnan ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa strap ng bag ko.Tumango lang ako. “Oo. Medyo kinakabahan lang. Alam mo na, panay ang dasal natin na maganda at hundred percent sure na
Ilaria POVNasa labas na ang lahat ng boys, parang mga batang sigawan nang sigawan sa swimming pool area. Nakatanaw lang ako sa bintana, bawal makisali at baka kung mapaano pa ako.Masaya akong makita silang gano’n. Lalo na si Keilys. Bihira siyang maging ganap na carefree, kaya hinahayaan ko lang siya. Mabuti na lang at nandito ang mga kaibigan ko, kaya may makaka-bonding ako kahit na may ibang kasiyahan sa labas.“Guys, cinema room tayo,” sabi ko nung lapitan ko na ulit sina Golda, Charitie, at Jopay. “Masakit na sa tenga ‘yung sigawan nila. Doon tayo sa tahimik.”“Totoo,” natatawang sagot ni Golda. “Akala mo may gera sa pool.”“Sige na,” sabat ni Jopay. “Excited na akong makita ang sinehan dito sa villa ninyo.”Sabay-sabay kaming tumawa habang naglalakad papunta sa cinema room ng villa. Tahimik doon, malamig na rin ang aircon dahil binuksan ko na kanina bago ko pa sila ayain. May malaking screen sa harap, at naka-ready na ang movie.“Wow! Totoo nga, may sinehan dito sa bahay ninyo!
Keilys POVExcited akong makauwi sa villa. Pakiramdam ko, napaka-angas ko dahil magiging daddy na ako. Excited akong ipaalam sa lahat na magiging daddy na ako at magiging mommy na si Ilaria. Mabuti na lang at nandito ang mga kaibigan ko. On the spot kong maipagmamalaking nabuntis ko na si Ilaria.Pagpasok pa lang namin sa villa, ramdam ko na agad ang presensya ng lahat. May mga yabag ng paa, may mahinang usapan, at may amoy ng kape na halatang galing sa kusina. Halata ding kakagising lang ng karamihan, lalo na sina Toph, Ryle, at Jake na halatang puyat pa dahil sa kalasingan kagabi. Nasa kusina rin si Manang Lumen, habang ang Helltrace ay nagkalat sa sala, may nakahigang dalawa sa sofa at isa pang nakasandal sa dingding.Si Ilaria, naghanap agad ng upuan. Nakaupo siya agad sa sofa nang makapasok kami. Huminga ako nang malalim.“Makinig kayo,” malakas kong sabi.Tumigil ang lahat.Literal na napatingin sila sa amin.Si Jake na may hawak pang tasa ng kape, napatigil sa pag-inom. Si Ryle
Ilaria POVNagising ulit ako ng alas otso ng umaga. Maganda na ang pakiramdam ko, wala na ‘yung pakiramdam na hilo. Wala na rin akong nararamdaman na pagsusuka. Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan, wala, okay na talaga ako.Nasa tabi ko si Keilys. Nagising din siya kaninang madaling-araw nang dahil sa pagsusuka ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig kanina, hinehele pa niya ako ng parang baby, gumaan lang ang loob ko. Actually, nakatulong ‘yun para makatulog ako ulit. Kailangan ko kasing itulog dahil iba ang panlalata ko nung madaling-araw na iyon. Hinaplos ko ang buhok ni Keilys. Parang kahit tulog siya, naka-alert pa rin ang katawan niya sa bawat kilos ko. Umangat ang talukap ng mga mata niya at agad siyang umupo, nakakunot pa ang noo.“Okay ka lang ba?” agad niyang tanong, habang paos pa ang boses. Kawawa, mukhang puyat pa siya nang dahil sa akin.Tumango ako at ngumiti nang kaunti. “Oo. Kaya ko nang bumangon ng walang hilo.”Hindi pa rin siya kumbinsido. Bumangon siya at inalala
Keilys POVBumalik ako sa pool area na masaya na medyo kabado rin. Siyempre, kinabahan ako sa nangyari sa babaeng mahal ko. Naisip ko, paano kung nabagok ang ulo niya at hindi na magising. Natutuwa naman ako dahil naisiip kong—baka buntis na nga siya. Sana nga, kasi handa na rin naman na akong maging ama sa magiging anak namin. Kung saka-sakaling buntis nga siya, sana ay dalawa na ang anak namin ngayon kung hindi lang nawala ang first baby namin.Pagbalik ko, nandoon pa rin sina Toph, Ryle, at Jake. Buhay pa ang mga ito. May mga bote pa ng alak sa lamesa, may yelo sa timba, at nagtatawanan na parang walang iniintinding mundo. Kasama na rin dito ang helltrace dahil inaya namin kanina.Pero nang makita nila akong paparating, sabay-sabay silang tumahimik.“Oy,” bungad ni Jake, na agad tumayo. “Ano na? Kumusta na si Ilaria?”Sumunod si Ryle. “Bro, okay na ba siya?”Si Toph naman, tahimik lang, pero kita sa mata niya ang pag-aalala. Diretso ang tingin niya sa akin, naghihintay lang din ng







