ログインLusing POVPagkaalis nina Sylaila at Fabian para ihatid ang malaking order sa beach resort, ako muna ang naiwan sa puwesto habang kasama ko si Isla.Nakaupo siya sa isang maliit na monoblock chair sa gilid ng ihawan habang tutok na tutok sa kinukulayang activity book. Paminsan-minsan ay inilalabas pa niya ang dila niya kapag masyado siyang naka-focus sa pagkukulay.Napangiti ako. Ang cute talaga ng batang ito.“Isla.”Napatingin siya sa akin. “Yes po, Ate Lusing?”“Tapos mo na bang kulayan ‘yang prinsesa mo?”Agad siyang napangiti. “Hindi pa po.”“Parang limang oras mo nang kinukulayan ‘yan ah.”Napatawa siya. “Matagal ko talaga akong mag-color para maganda ang kakalabasan,” sagot naman nito habang seryoso sa pagkukulay.Nasa harap namin ang isang plato ng bagong ihaw na hotdog. Paminsan-minsan ay kumukuha kami pareho. Mainit-init pa iyon. Libre na iyon sa amin kasi sold out kami. Kumbaga, tiba-tiba na talaga kaya hayahay na lang.“Ang sarap.”Tumango agad si Isla habang ngumunguya. “
Sylaila POVHindi biro ang isang daang stick ng pork barbecue.Hindi rin biro ang isang daang stick ng tenga ng baboy. At lalo namang hindi biro ang limampung buong inihaw na manok. Kaya naman simula pa kanina ay parang piyesta ang ihawan namin.Mainit sobra at ang usok. Nakakapagod, pero masaya aahil alam naming malaking kita ang kapalit nito.“Fabian! Tignan mo nga kung sunog na ‘yang manok!” sigaw ko.“Ayos pa po ‘yan!" sagot niya habang pinapahiran ng sauce ang isa sa mga manok.Sa kabilang banda naman ay abala si Lusing sa pagbibilang ng mga barbecue.“Pitumpu’t lima…Siyamnapu…Siyamnapu’t lima…Teka lang! Nalito ako!”Natawa nalang ako sa kaniya.“Ayan kasi, panay kasi titig kanina sa lalaking um-order kaya nagkakandalito ka,” buska ni Fabian sa kaniya.“Aba, hindi ko kasalanan kung gwapo si Marco!”Ayan na naman silang dalawa. Panay tuloy ang tawa ko kapag silang dalawa ang nag-aasaran. Hindi na rin talaga kumpleto ang tindahan namin dito kung walang maingay na Fabian at Lusing.
Chusan POVI quietly took the elevator up to my condo. As I stared at the numbers lighting up on the elevator door, I couldn't help but remember what I did on the yacht. The live. The wine. The things I said.Sa totoo lang, nahihiya ako sa parents ni Sera. Ano kayang iniisip nila matapos mapanuod ang mga sinabi ko?Bumukas ang elevator. As soon as I stepped out, I immediately saw Mara. She was standing outside my condo unit with her arms crossed. Naku. Alam ko na ang mangyayari.Paglapit ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita at mas nakakatakot iyon.“Miss Mara—”“Pumasok muna tayo sa loob.”Binuksan ko ang pinto at pumasok kami sa loob.Pagkasara pa lang ng pinto ay agad siyang humarap sa akin.“Alam mo ba kung gaano ka ka-viral ngayon?”Napakamot ako sa batok. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.” “Trending ka sa lahat ng social media platforms!”Napabuntong-hininga ako. “Oo na.”“Oo na?” Lalo siyang nainis. “Chusan, milyon-milyong tao ang nanood sa live mo!
Sylaila POVAlas otso pa lang ng umaga ay nasa puwesto na kami sa palengke. Katabi ko si Lusing na abala sa pag-aayos ng mga sangkap habang si Fabian naman ay sinisindihan na ang malaking ihawan. Unti-unti nang nabubuhay ang paligid. Maiingay na naman ang mga nagtitinda ng gulay, isda, karne, at kung anu-ano pa. May mga mamimiling maagang namamalengke habang ang iba naman ay naghahanap ng almusal.Ako naman ay nakaupo sa harap ng puwesto namin habang inaayos ang mga nakatusok na barbecue.“Ang aga natin ngayon kaya mukhang makakarami ulit tayo ng benta,” sabi ni Lusing habang inaayos ang mga lalagyan ng sawsawan.“Mas mabuti nang maaga kaysa mawalan ng benta,” sagot ko sa kaniya habang nakatingin naman kay Isla na abala na naman sa pagco-color sa books niya.“Tama ka naman doon, Ate Ila,” sagot sa akin ni Fabian.Makalipas ang ilang oras ay naging normal ang takbo ng negosyo namin. Maraming bumibili ng barbecue,hotdog, at tenga ng baboy. Maaga palang ay tila foodtrip na agad ang mga t
Chusan POVMaagang-maaga pa lang ay gusto ko nang tumalon sa dagat. Hindi dahil may problema, kundi dahil sa apat na taong kasalukuyang nasa harapan ko ngayon.Sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl. Mga kaibigan kong walang ginawa kundi pagtawanan ako simula nang magising sila.At alam ko kung bakit. Dahil iyon sa live ko kagabi.Nag-viral na ang ilan sa mga clip na in-edit ng mga fans ko. Sa lintik na live na ginawa ko habang lasing. Nasa open-air breakfast deck kami ng yate. Nasa likurang bahagi iyon kung saan tanaw ang malawak na dagat habang kumakain kami.May mahabang lamesa roon. May mga prutas.Bacon, Eggs, Toast, Pancakes, at kung anu-ano pang pagkain.Pero wala akong ganang kumain, dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng mga lokong ito.“Good evening, everyone!” biglang panggagaya ni Zyric sa boses ko iyon kasi ‘yung isa sa mga bungad ko kagabi sa live ko.Halos mabulunan si Arthyl sa kakatawa. Napasubsob naman si Calder sa lamesa. Samantalang si Stellan ay paulit-ulit na puma
Sylaila POVClearing day sa palengke ngayon. Ibig sabihin, walang bukas na puwesto at walang vendor na magtitinda. Day off naming lahat.Nakangiti tuloy akong bumangon mula sa higaan habang inuunat ang mga braso ko. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng ganitong pahinga. Sunod-sunod ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Mula sa pagkahilo ko, sa mga pabalik-balik na alaala at kung ano-ano pa.Kaya naman nang maisip kong maglakad-lakad ngayong umaga, agad akong ginanahan talaga.Lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Isla na nakaupo na sa sofa. Maaga rin itong nagising.“Nanay!”Ngumiti agad siya.“Hindi mo ako ginising, nauna ka pa!”Tumango ako.“Baka po kasi napagod kayo kahapon kaya hinndi ko na po kayo inistorbo,” magalang niyang agot.Lumapit ako at ginulo ang buhok niya.“Gusto mo bang maglakad-lakad tayo ngayong umaga?”Nanlaki agad ang mga mata niya.“Talaga po?”“Oo.”Tumalon pa siya sa tuwa. Pinagbihis ko siya ng bagong damit. Pagkatapos ay pinuntahan ko na rin si Lusing kabil
Ilaria POVMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man sumisikat ang araw, tumunog na ang alarm clock ko. Alas singko ang usapan namin ni Nanay. May mahalaga raw siyang ibabalita, at gusto niya akong makita nang personal. Wala naman siyang binanggit sa tawag kagabi, pero ramdam kong hindi ordin
Keilys POVMadaling araw nang magising ako. Tila sinisindihan ng apoy ang buong katawan ko. Namumugto ang mga mata ko, at ang lalamunan ko ay tuyong-tuyo. Nang igalaw ko ang aking mga braso, parang biglang nanginig ang katawan ko. Para akong binugbog. Nanlalata. Nanginginig lalo sa lamig.“Damn,” m
Ilaria POVMaghahapunan na nang bigla akong tawagan ni Doberlyn. Hindi ko alam kung ba’t ko pa sinagot ang tawag niya, pero siguro dala na rin ng kabiglaan at pangungulit niya sa text kanina pang umaga. Isa pa, gusto ko na ring matapos ang gulong inumpisahan niya.“Puwede ba tayong magkita?” bungad
Ilaria POVPagdating namin sa city, tapik-tapik na ni Toph ang balikat ko, nakatulog pala ako. Nakakahiya, baka nakanganga pa ako.“Sorry, Sir Toph, baka nakanganga at naghihilik pa ako,” sagot ko habang inaayos ko ang sarili ko.“Ayos lang, nakakaantok kasi ang daan kanina sa probinsya, panay ang







