LOGINIliana POVNarinig ko ang sunod-sunod na sigaw sa labas. Nagising ako doon kasi may speaker din talaga sa loob ng kuwarto ko para mabilis kong marinig kung may kalaban bang darating. Tumingin ako sa orasan, halos madaling-araw na pala.BEEP…BEEP…BEEP...Biglang umalingawngaw ang alarm ng phone ko. Sobrang lakas nun kasi naka-set up talaga na todo para magising ako. Doon na ako tuluyang napabangon.Kasabay nun ang pagtawag ng isa sa mga security guard sa labas, Agad kong sinagot para malaman ko kung anong nangyayari.“Hello, anong nangyayari ngayon sa labas?” tanong ko agad sa kabilang linya.“Ma’am Iliana, may grupo ng mga armadong lalaki sa labas ng gate. Mukhang—”“Assassins?” putol ko agad sa sasabihin niya.Napabuntong-hininga siya bago ulit sumagot. Nagtataka siguro siya dahil alam ko na agad. “Opo, ma’am, mga assassin nga.”Dahil doon ay lalo akong napatayo at naghanda. “Buksan niyo ang outer perimeter. Huwag niyong papasukin sa main hall hangga’t wala kami,” utos ko, habang k
Iliana POVGising na si Zariyah nung pumasok ako sa clinic nung hapong iyon. Nadatnan ko rin na nagpapaliwanag na siya sa asawa niya. Nung marinig kong parang galit na galit si Hendrix, hinayaan ko muna silang dalawa na mag-usap.Pumunta na lang ako sa kuwarto ni Jate. Nadatnan ko siyang gising pero nakahiga.“Iliana?” tawag niya sa akin. Lumapit ako at saka ko pinamulsa ang kamay ko.“Bakit?” tanong ko.“Nakabalik na si Tita Davina sa inyo. Bakit hindi niyo pa ako pinapakawalan?” tanong niya sa akin habang parang bangkay na hindi makagalaw.“Dahil pagbabayaran niyo pa ang lahat ng kasalanan ninyong mag-iina sa amin,” seryoso kong sagot sa kaniya.“Isa pa, ilang araw ko nang hindi magalaw ang katawan ko. Anong ginawa ninyo sa akin? Bakit bigla akong naging baldado?”Napangisi ako. “Ganiyan kasi ang ginawa niyo sa mama ko nung una. Kaya ginaya lang niya. Ayan, ikaw naman ang nabaldado ngayon.”“Putangina kayo! Mga hayop! Wala kayong awa!” sigaw niya. Iyan na lang ang tanging nagagawa n
Iliana POVHindi puwedeng dalhin sa ospital si Zariyah kasi baka doon na siya tuluyang patayin ng mga kalabanan. Kaya naman nagpagtawag si Mama Davina ng mga private doctor at nurse para dito na lang gamutin si Zariyah. Agad din nilang hinanda ang lahat ng kakailanganing gamit para magamot at maligtas ang buhay niya.Kinailangang salinan ng dugo si Zariyah sabi ng doctor. Mabuti na lang at magka-blood type sila ni Vandolf. Siya na ang nagsabing sasalinan niya ng dugo si Zariyah. Lahat ng kailanganing gamit ay pinabili aga ni Mama Davina para masagawa agad ang paggagamot kay Zariyah. Gaya ko, malaki rin talaga ang utang na loob ni Mama sa kaniya kaya gusto nitong bumawi. Kung hindi kasi dahil kay Zariyah, hindi siya makakawala sa kamay nila Tito Harry at Tita Venice.Pagkatapos ng lahat, sa wakas ay nagpapagaling na lang si Zariyah. Naroon na ito sa clinic na ginawa na rin dito sa mansion. Ito ay para kapag may nasugatan din na iba sa amin, mayroon na kaming sariling gamutan dito sa ba
Iliana POV“Anong nangyayari? B-bakit kailangan naming sumama sa inyo? Bakit sinasabi mong kami ang pakay nung dalawang assassin na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Hendrix nung aminin na namin ni Kuki sa kaniya ang lahat-lahat.Lumapit si Kuki sa kaniya. “Hendrix, puwede bang doon na tayo mag-usap nang mabuti sa mansion nila Iliana? Mabuti pa’y sumama na muna kayo ni Ariyah sa amin. Doon na rin kayo magkikita at mag-uusap ni Zariyah. Susunod siya sa atin.”Napatitig na lang si Hendrix sa amin. Parang nagdadalawang-isip kung sasama ba siya o hindi. Kaya doon ko na ginamit ang susi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko pinakita ang video ni Zariyah. “Panuorin mo ‘to, Hendrix,” sabi ko sa kaniya.Tinanggap niya ang cellphone ko. Nang ma-play niya ang video, seryoso niya itong pinanuod.“Hendrix, asawa ko, patawad sa mga ginagawa kong hindi mo pa alam hanggang ngayon. Pero saka na ako magpapaliwanag. Mas mabuti kung sumama na muna kayo kina Iliana. Doon tayo magkita-kita sa bahay nila
Iliana POVHuli na para hindi kami magpakita. At hindi rin naman ubrang umalis na lang bigla dahil mission naming makuha sina Hendrix at Ariyah. Hindi naming puwedeng pabayaan ang mag-ama ni Zariyah. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, kaya gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan at maligtas ang mga mahal sa buhay ni Zariyha. Ngayon ako babawi sa kaniya.“Ang lakas ng loob n’yo,” sabi ni Portia, habang iniikot ang leeg niya. Bumaba na kasi kami ni Kuki sa sasakyan para magpakita sa kanila.“Sinasabi na nga ba’t taksil na si Zariyah,” dagdag ni Raica, habang nanlilisik ang mga mata niya sa amin ni Kuki.Wala na, tuluyan na nilang nalaman ang sikreto namin ni Zariyah. Pero parang ganoon na rin kasi balak na rin nilang kunin ang mag-ama ni Zariyah. Siguro ay para mahawakan sa leeg si Zariyah, na hindi namin hahayaang mangyari.Kulang pa man ako sa mga totoong battle, pero mukhang ngayong umaga, mararanasan ko na ang isa sa mga matinding totoong laban sa mga walangyang assassin na
Kuki POVNag-message si Zariyah kay Iliana. Ang sabi nito, tignan at protektahan ang asawa at anak niya. Ito ay dahil naghihinala na sa kaniya sina Harry at Venice. Kaya anumang oras daw ngayon ay pupuwede siyang tumakbo at umalis sa kanila.Malaki ang utang na loob sa kaniya ni Iliana kaya agad-agad ay aasikasuhin namin ang sinabi nito.Madaling-araw ngayon, heto, kasama si Iliana, umalis kami para puntahan ang asawa at anak ni Zariyah. Gamit-gamit ang isang van. Kailangan kasi naming ilayo ang pamilya niya.“Kuki, gusto ko ng kape?” inaantok na sabi ni Iliana. Katabi ko siya rito sa harap. Ako ang nagda-drive. Alas tres ng madaling-araw nung tumawag sa kaniya si Zariyah. At kahit inaantok at pagod dahil sa battle niya kagabi, heto, nagawa niyang bumangon pa rin para tulungan naman si Zariyah.“Sige, dadaan tayo sa coffee shop,” sagot ko habang naghahanap na malapit na madadaanang kapihan. “Gusto ko rin kasi ng cake, o kahit anong matamis, need ko ng energy dahil kulang na kulang ang
Ilaria POVNakaupo na ako ngayon sa harap ng malaking salamin, habang abala ang makeup artist na naglalagay ng foundation sa mukha ko. Ito na, inaayusan na ako para sa sagala mamaya. “Pang-sagala ang look natin, ha. Pang-gabi, kailangan bongga,” ani ng makeup artist na nakangiti habang pinipisil a
Keilys POVSumusobra na talaga si Lorcan Trey. Hindi pa makapagsalita si Ilaria hanggang ngayon, pero mabuti na lang at naglakas-loob si Doberlyn na kausapin ako. Sinabi niya sa akin ang lahat-lahat nang nalalaman niya at tungkol sa mga madidilim na gawain ng hayop na iyon. Hindi ko gets kung bakit
Ilaria POVDay off, parang ganoon ang eksena ko ngayon. Day off sa pagiging personal maid at dila napaliktad ang sitwasyon. Naging parang driver ko kasi ngayon si Sir Keilys. Nagpaalam kasi ako kaninang umaga sa kaniya para lumuwas sa Manila. Kailangan ko na kasing mag-enroll dahil malapit na ang p
Ilaria POVMinsan lang kami magkakasama-sama ng mga kaibigan ko sa labas ngayon dahil pare-pareho ay mayroon ng trabaho, pero dahil lahat ay free ngayong araw, ayon, game na agad kaming magkita-kita matapos ang napakasayang fiesta. Oo, ngayon na lang ulit kami nagkita-kita.Pagkatapos ng ilang lingg







