LOGINDENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri
EVE Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang paghinga ko matapos marinig ang mga sinabi ni Denzel. Ilang segundo akong nakatulala habang nakatingin sa kanya at paulit-ulit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Dahil sa totoo lang ay parang nababaliw na ang lalaking ito. Napakurap ako ng ilang beses bago ako tuluyang natawa. Ngunit pilit lamang iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. "Baliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kanya. Hindi siya ngumiti at sa halip ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Hindi ako baliw." "Hindi ka baliw sa lagay mo na iyan? Denzel, alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Nagyayaya ka ng kasal na parang nagyaya ka lang kumain sa labas. Bigla-bigla mong sasabihin sa akin na magpakasal tayo samantalang may fiancé ka. Ano bang tumatakbo sa isip mo?" Huminga siya ng malalim bago tumingin sa dagat at saka muling bumaling sa akin. "Matagal ko ng iniisip ito." Natawa ako sa s
EVE Hindi ko namalayan na lumalawak pala ang ngiti ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Denzel. Noong una, sobrang kabado ako dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutumba kami. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti akong nasasanay. Ang sarap pala sa pakiramdam na humahampas ang malamig na hangin sa mukha ko habang mabilis kaming tumatakbo sa mahabang kalsada. Sa kaliwa ay puro puno at sa kanan naman ay matatanaw ang malawak na dagat. Kaya paulit-ulit akong lumilingon para pagmasdan ang tanawin. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata. Dahil noon pa man ay gusto ko nang maranasan ang ganitong bagay ngunit hindi nangyari. "Bakit parang nakangiti ka?" malakas na tanong ni Denzel dahil halos tangayin ng hangin ang boses niya. "Hindi ako nakangiti!" sigaw ko pabalik kahit alam kong nahuhuli niya ako. Tumawa siya ng malakas. At nakakainis lang dahil ang sarap pakinggan ng pagtawa niya. "Sinungaling ka talaga. Kanina ka pa nakangiti. Akala mo yata hindi ko nakikita.”
EVE Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Mabigat pa ang mga mata ko at pakiramdam ko ay kulang pa ako sa tulog. Kaya hindi muna ako agad bumangon. Nakapikit lamang ako habang dahan-dahang inuunat ang mga kamay ko. Hanggang sa may matamaan akong mainit at matigas na bagay sa tabi ko. Agad akong napamulat at halos mapasigaw sa gulat nang makita kong mahimbing na natutulog si Denzel sa tabi ko habang nakayakap pa sa bewang ko. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko at mahimbing na mahimbing ang tulog na para bang sariling kuwarto niya ito at wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ko pag gising ko. "Ano ba naman ito!" mabilis kong sigaw habang pilit siyang itinutulak. Bahagya siyang gumalaw at unti-unting nagmulat ng mata. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin na para bang hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ako samantalang ako naman ay halos lumabas na ang mga mata sa inis. "Bakit ba?" antok na antok niyang tanong sabay hikab. "Bakit nandito ka pa? Hindi k
EVEMahimbing na natutulog si Andrew sa kandungan ko. Kanina lamang ay halos ikutin niya ang buong bahay sa kakalaro kasama si Denzel kaya hindi na rin ako nagtaka nang bigla siyang antukin. Nakapikit siya ngayon habang nakadikit ang pisngi niya sa tiyan ko at mahigpit pa rin ang hawak niya sa damit ko. Na para bang kahit tulog ay ayaw niya pa rin akong pakawalan. Paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang buhok niya habang si Denzel naman ay tahimik lamang na nakaupo sa harapan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit seryoso siyang nakatingin sa amin. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatitig. Ngunit sa tuwing tatanungin ko siya ay ngingiti lamang siya na para bang wala siyang iniisip.Napansin ko na naman ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Kaya tuluyan na akong napakunot-noo at napabuntong-hininga bago nagsalita. "Ano ba talaga ang tinitingnan mo? Kanina ka pa nakatitig na parang hindi mo pa ako nakikita sa buong buhay mo."Bigla siyang natauhan at saka ngumiti. Hindi iyong pilyo niyang
EVE Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa opisina at wala ring klase si Andrew. Pagkatapos ng nakakapagod ngunit masayang Family Day kahapon , napagdesisyunan kong manatili lamang sa bahay at gugulin ang buong araw kasama ang anak ko. Mahimbing pa sana ang tulog ko ngunit nagising ako dahil sa maingay na tawanan mula sa ibaba dahil bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Piinakikinggan ang masayang boses ni Andrew at ang malakas na tawa ni Denzel. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na mula nang marinig ko ang ganoong kasayang tawa sa loob ng bahay na ito. “Nandito na naman pala siya. Ang aga niya yatang magpunta,” natatawa kong bulong. Napabuntong-hininga ako bago bumangon at nagsuot ng robe. Nang makalabas ako ng kuwarto at magsimulang bumaba ng hagdan ay mas lalo kong narinig ang ingay sa kusina kaya agad akong napakunot-noo. Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawang iyon? Ilang
DENZELHindi ko akalaing ganoon pala kasaya ang Family Day.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho pauwi sa mansion ni Eve. Nakaupo sila likuran habang mahimbing na natutulog si Andrew sa kandungan niya. Nakasandal ang ulo ng anak ko sa dibdib niya at mahig
EVEMATAPOS ANG mainit at mabilisan naming bembangan sa banyo, pareho na kaming handang umalis. Nakasuot ako ng simpleng floral dress habang si Denzel naman ay naka-polo shirt at maong. Nang makita ko siya ay bahagya akong natigilan. Dahil kahit gaano ko piliting itanggi, talagang napakaguwapo ng
EVE Maaga akong nagising kinabukasan dahil pagising sa akin at sa malakas na boses ni Andrew na paulit-ulit akong tinatawag. Hindi ko pa man lubusang naimumulat ang mga mata ko ay napangiti na agad ako dahil halatang-halata ang excitement sa boses ng anak ko. Mabilis akong bumangon at napansin
EVE Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Pero hindi na rin ako nagpumiglas pa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni Denzel. Oo, aminado akong mahal ko pa rin siya. Pero ngayon, magiging matalino na ako. Dahil nakakapanibago kung bigla na lang siyang naging ganito sa akin. Kasi di ba?







