LOGIN
EVE CASTRO
"Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bisita sa sarili kong tahanan. Nakasindi pa rin ang chandelier sa itaas, nagbibigay ng mainit na liwanag sa mga pagkaing ilang oras ko nang inihanda, ngunit kahit gaano pa kaganda ang mesa, hindi nito natatakpan ang katotohanang lumalamig na ang lahat. Ang steak na maingat kong niluto ayon sa gusto ni Denzel ay ilang beses ko nang pinainit. Ang soup na dapat ay mainit niyang hihigupin habang tahimik kaming magkausap ay unti-unti nang nawawalan ng usok. Maging ang wine na inilabas ko ay nanatiling hindi nagagalaw. Kanina pa ako sumisilip sa wall clock, pilit kinukumbinsi ang sarili ko na baka traffic lang siya, baka may emergency meeting, baka ngayong gabi ay uuwi siya nang hindi sobrang pagod at baka sa pagkakataong ito ay sabayan niya akong kumain tulad ng normal na mag-asawa. "Hanggang kailan ba ako magiging ganito sa iyo, Denzel?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa ito sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Kahit alam kong madalas ay hindi naman siya sumasabay sa akin, patuloy pa rin akong naghahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Kahit alam kong madalas ay diretso lang siya sa kwarto o sa study room nang hindi man lang ako tinitingnan, patuloy pa rin akong naghihintay sa dining table na parang may pag-asang may magbabago. Minsan naiisip ko kung tanga ba ako o sadyang masyado lang akong marunong umasa. Pero sa tuwing maiisip ko iyon, agad ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka kailangan ko lang maging mas patient. Baka kailangan ko lang mas intindihin siya. Baka balang araw, kahit konti, makita niya rin ako bilang asawa. At hindi lang isang pangalan sa marriage contract na pinirmahan niya para sa kapakanan ng pamilya niya. Napahawak ako sa baso ng tubig sa harap ko nang marinig ko sa wakas ang tunog ng sasakyang huminto sa labas. Mabilis akong napatingin sa malaking glass window at naramdaman ko ang kusang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dumating na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit alam kong napaka-late na niya. Hindi ko na inisip ang pagod sa katawan ko habang tumatayo ako at inayos ang buhok ko gamit ang nanginginig kong mga daliri. Nakakahiya mang aminin, pero sa simpleng pagdating pa lang niya ay sumasaya na agad ako na para bang isang batang matagal naghintay sa paborito niyang tao. Pagkabukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa labas kasabay ng amoy ng alak na nakadikit sa katawan ni Denzel. Nakatayo siya roon, matangkad at gwapo pa rin kahit halatang pagod at bahagyang lasing. Nakaluwag ang necktie niya at bahagyang gusot ang buhok na para bang ilang beses niya na iyong nahawakan sa magdamag. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang natural niyang presence, iyong tipong kahit tahimik lang siya ay agad mong mararamdaman na siya ang pinakamakapangyarihang tao sa silid. Napangiti ako habang lumalapit sa kanya. “You’re home,” sabi ko ng mahinaat pilit pinapasaya ang tono ng boses ko. “Hinihintay kita. Hindi pa ako kumakain. Sabayan mo sana ako.” Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salitang iyon ay parang biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Huminto siya sa mismong tapat ko at tumingin sa akin na para bang may mali akong nagawa. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tigas ng mga mata niya. “Why are you still doing this?” malamig niyang tanong. Napakurap ako. “What?” “Bakit hindi ka pa rin nagbabago, Eve?” sabi niya, mas matalim na ngayon ang boses. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na stop acting like this?” Parang may humigpit agad sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang sabayan kumain. Gusto ko lang naman siyang hintayin tulad ng ginagawa ng isang asawa. “Denzel, I was just waiting for you.” “Exactly,” putol niya, sabay tawa ng mapakla. “That’s the problem. Bakit hindi mo pa rin maintindihan?” Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko na agad ang kirot na dahan-dahang umaakyat sa dibdib ko kahit hindi pa man niya sinasabi ang mga susunod niyang salita. “I told you from the beginning why we got married,” malamig niyang sabi habang tinatanggal ang coat niya. “Nagpakasal tayo dahil iyon ang gusto ng lolo ko. He wanted to see me married before he died. That’s the only reason.” Parang unti-unting namanhid ang buong katawan ko. Alam ko iyon. Hindi ko naman nakalimutan. Simula pa lang ay malinaw na sa akin ang lahat. Pero masakit pa rin palang marinig iyon mula sa bibig niya, lalo na sa mga gabing tulad nito na pilit kong niloloko ang sarili ko na baka may nabago na kahit kaunti. “Denzel, gusto ko lang naman—” “Stop pretending, Eve,” putol niya agad. “Stop acting like this is a real marriage.” Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng salitang nasa isip ko. Napatitig lang ako sa kanya habang ang puso ko ay unti-unting nadudurog. “I don’t love you,” direkta niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang ipako sa isip ko ang bawat salita. “I never did. Ilang beses ko bang sasabihin iyon bago mo tanggapin?” Ramdam ko ang hapdi sa mata ko ngunit pinigilan ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Pero kahit gaano ko pigilan, pakiramdam ko ay may humihiwa sa loob ng dibdib ko. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Dumiretso siya paakyat ng hagdan, iniwan akong nakatayo sa gitna ng napakalaking foyer habang ang bawat yabag niya ay parang may kasamang sakit na tuluyang sumasaksak sa puso ko. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko. Mabagal akong bumalik sa dining table at naupo sa harap ng pagkaing inihanda ko. Sa unang pagkakataon ay mas ramdam ko ang lungkot kaysa sa katahimikan. Pilit kong isinubo ang pagkain kahit halos hindi ko na malasahan ang kahit ano dahil sa pagbabara ng luha sa lalamunan ko. Habang ngumunguya ako, kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa plato. Napakababa na siguro ng tingin ko sa sarili ko para manatili pa rin ako sa ganitong klase ng pagsasama. Pero mahal ko siya. At iyon ang pinakamasakit. Dahil mahal ko ang isang lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik. PAGKATAPOS kong piliting ubusin ang ilang subo, mabagal akong umakyat sa kwarto. Madilim na ang silid maliban sa bedside lamp na mahina ang ilaw. Nandoon na si Denzel, nakahiga sa kama at nakapikit na tila wala man lang nangyari kanina. Para bang wala siyang nasaktan. Para bang wala siyang babaeng iniwang umiiyak mag-isa sa ibaba. Maingat akong nagpunas ng mukha bago humiga sa kabilang side ng kama. Nakatalikod ako sa kanya, pilit kinokontrol ang paghinga ko para hindi niya marinig na umiiyak pa rin ako. Gusto kong kalimutan ang sakit. Gusto kong hindi na maramdaman ang bigat sa dibdib ko. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang init ng katawan ni Denzel sa likuran ko. Hindi ako gumalaw at hindi ako lumingon. Hanggang sa naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa leeg ko kaya napapikit ako. Masama pa rin ang loob ko at galit ako sa kanya.. Pero ang katawan ko ay traydor.. Sa bawat marahang halik na iyon, ramdam ko ang init na unti-unting gumagapang sa balat ko kahit pilit kong nilalabanan. Parang gusto kong itulak siya palayo. Parang gusto kong sabihin na nasaktan niya ako. Na hindi puwedeng ganito na lang palagi. Na hindi puwedeng pagkatapos niya akong durugin, gagamitin niya ako para makaraos siya. Pero hindi ko magawa. Dahil kahit gaano kasakit ang mga sinabi niya kanina, sa simpleng paghalik niya ngayon…muli na namang bumibigay ang puso kong matagal ng dapat natutong tumigas. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Dahil habang nakapikit ako sa dilim, alam kong kahit anong pilit kong itanggi, mahal na mahal ko pa rin ang lalaking unti-unting sumisira sa akin.SOFIAHindi ko alam kung paano ko natapos ang natitirang oras ng trabaho.Mula nang makita ko si Lily na nakayakap kay Andrew sa loob mismo ng opisina nito ay para bang nawalan na ako ng ganang gawin ang lahat. Ilang beses kong sinubukang kumbinsihin ang sarili ko na baka mali lang ang nakita ko, na baka may paliwanag iyon, pero sa tuwing pumipikit ako ay ang eksaktong eksenang iyon pa rin ang bumabalik sa isip ko. Kitang-kita ko kung paano siya yumakap kay Andrew. Kahit hindi ko narinig ang pinag-usapan nila, sapat na ang nakita ko para mabigatan ang dibdib ko.Mabagal kong inilapag ang huling folder sa mesa ko bago ako naupo. Hindi ko namalayang napabuntong-hininga pala ako nang malalim.Hindi iyon nakaligtas kay Janella."Hoy, Sofia, bakit para kang badtrip na badtrip ka? Kanina lang maayos ka pa ng umakyat ka ulit sa executive floor. Pagbalik mo ngayon, parang gusto mong awayin ang buong mundo. Ano bang nangyari?"Hindi ako nag-angat ng tingin sa monitor ko."Wala.""Ano'ng wala?
ANDREWDalawang araw ang lumipas matapos ang pag-uusap namin ni Sofia sa loob ng opisina ko. Akala ko pagkatapos kong aminin ang nararamdaman ko ay magiging magaan na ang pakiramdam ko, pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo yata akong naging sabik na makita siya. Halos araw-araw ko siyang nakikita sa opisina, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat iyon. Gusto ko siyang yayain na mag-lunch, gusto ko siyang ihatid pauwi, gusto kong makausap siya kahit ilang minuto lang, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong maramdaman niyang sinasakal ko siya. Sinabi ko na bibigyan ko siya ng oras, kaya kailangan kong panindigan iyon.Abala ako sa pagpirma ng ilang kontrata nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto."Come in."Hindi man lang ako nag-angat ng tingin dahil inakala kong sekretarya ko lang iyon na may ipapapirma ulit."Andrew."Napatigil ang kamay kong may hawak na fountain pen. Pamilyar ang boses na iyon.Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at nakita ko si Lily na nakatayo sa h
SOFIAPagkababa ko sa executive floor ay pakiramdam ko ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating sa elevator dahil ang laman lang ng isip ko ay ang nangyari sa loob ng opisina ni Andrew. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang seryoso niyang pag-amin na nagseselos siya, ang paraan ng pagkakayakap niya sa akin, at ang walanghiya niyang dahilan kung bakit bigla siyang napaatras kanina. Sa tuwing maaalala ko iyon ay kusa na lang umiinit ang magkabila kong pisngi. Kaya ilang beses akong huminga nang malalim habang pinapaypayan ang sarili gamit ang folder na hawak ko."Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, Sofia," bulong ko sa sarili. "Trabaho lang ang ipinunta mo rito. Kumalma ka."Pero paano ako kakalma kung bawat segundo ay mas lalo ko lang naaalala ang mukha niya?Pagdating ko sa departamento ay tahimik kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa at naupo na para kunwari ay normal lang ang lahat. Akala ko ay walang makaka
SOFIANapasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas na bahagi ng katawan niyang dumidiin sa akin. Parang biglang uminit ang magkabila kong pisngi habang nanlalaki ang mga mata kong napatingala sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil pakiramdam ko ay bigla na lang naglaho ang lahat ng salitang gusto kong sabihin."A-Andrew..." nauutal kong tawag habang muli ko siyang tinulak sa dibdib. "Ano ba? B-bitawan mo nga ako."Hindi siya agad kumilos. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ngayon lang siya muling nakahinga ng maayos matapos ang dalawang araw na pag-iwas sa akin. Ngunit nang mapansin niyang namumula na ako hanggang leeg ay saka lang siya tila natauhan.Mabilis niyang binitiwan ang baywang ko at napaatras ng isang hakbang."So-Sorry."Napakurap ako habang patuloy pa rin ang pag-iinit ng pisngi at katawan ko."H-ha?""Sorry," ulit niya habang napapakamot sa batok. "Hindi ko... hindi ko iyon sinasadya."Napatingin ako sa kanya ng may halong hiya at inis."Hindi sina
SOFIASINUBUKAN kong itinulak ang dibdib niya ngunit para bang wala siyang balak na bitawan ako. Mas lalo pa niyang idinikit ang noo niya sa gilid ng ulo ko habang mahina siyang bumuntong-hininga. Ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Kanina pa ako naghahanda sa isip ko na baka pagalitan niya ako dahil sa nakita niyang kasama ko sina Janella at Zid sa street food stall, pero heto siya ngayon, niyayakap ako na para bang matagal kaming hindi nagkita."Andrew..." mahinang tawag ko habang muli ko siyang sinubukang itulak. "Ano ba? Bitiwan mo muna ako. Baka may biglang pumasok dito. Kapag may nakakita sa atin, ano na lang ang iisipin nila? Dapat hindi mo ako niyayakap ng ganito.”Hindi niya agad sinagot ang sinabi ko. Sa halip ay mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako kapag binitiwan niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig an
SOFIADalawang araw ang lumipas mula nang makita ako ni Andrew na kumakain ng street food kasama sina Janella at Zid. Dalawang araw ding halos wala kaming naging maayos na pag-uusap.Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway o sa elevator, ngunit hanggang tinginan lang kami. Hindi na siya muling nagyakap o nang-asar katulad noong araw na iyon. Sa una ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay nakakahinga ako nang maayos sa opisina. Ngunit habang tumatagal, may kung anong kakaibang pakiramdam ang unti-unting gumugulo sa isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit tila hinahanap ko ang pangungulit niya.“Hindi…dapat maging masaya na lang ako kasi hindi siya nangungulit,” bulong ko sa sarili.Napailing ako sa sarili kong iniisip habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumentong kailangan kong ipasa bago mag-uwian."Sofia."Napalingon ako nang marinig kong tinawag ako ng isa sa mga staff mula sa executive floor."Yes po?""Pinapatawag ka ni sir Andrew sa opisina niya."Parang b
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig







