共有

Four

作者: Allecorianna
last update 公開日: 2026-05-26 17:36:42

EVE

MABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat sa mga nakaraang linggo. Sa totoo lang, matagal ko nang nakasanayan na isantabi ang sarili kong nararamdaman dahil mas madalas kong iniisip kung paano ko mapapaganda ang araw ni Denzel kaysa kung okay pa ba ako. Ngunit nang umagang iyon, habang nagsisipilyo ako sa bathroom, bigla akong nakaramdam ng matinding hilo at napahawak ako sa gilid ng sink para hindi matumba. Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay may kung anong kakaibang nangyayari sa katawan ko kaya matapos magpahinga nang ilang minuto, nagpasiya akong magpunta sa doctor.

“Ano ba ito? Bakit na nahihilo na naman ako?” sabi ko habang naglalakad.

Habang nasa clinic ako at hinihintay ang resulta ng tests, hindi ko mapigilang kabahan. Nakaupo sa harap ng doctor habang nakapulupot ang mga daliri ko sa handbag ko. Nang ngumiti ang doctor nang makita ako.

“Congratulations, ma'am. You're pregnant.”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“What?”

“Yes. You're pregnant ma'am. Kaya dapat alagaan mo na ang sarili mo,” masayang sabi ng doctor.

Pakiramdam ko, nabingi ako bigla. Hindi ako agad nakapagsalita dahil para bang hindi agad nag-sink in sa akin ang narinig ko. Ilang segundo akong nakatitig lang sa doctor habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko, pero hindi dahil sa sakit kun'di dahil sa sobrang dami ng emosyon na sabay-sabay na dumaloy sa akin. Nang tuluyan kong maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon, hindi ko namalayang namumuo na pala ang luha sa mga mata ko.

Buntis ako.

Magkakaanak na kami ni Denzel.

Hindi ko mapigilang mapahawak sa tiyan ko habang nanginginig ang mga labi ko sa halo-halong saya at kaba. Pakiramdam ko ay gusto kong tumawa at umiyak nang sabay.

“Oh my gosh…. magkakaanak na kami? Buntis ako?” naiiyak sa tuwa kong sabi.

Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, sa loob ng tatlong taong paulit-ulit akong nasasaktan at umaasa, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pag-asa. Sa simpleng katotohanang may anak kami, bigla akong naniwala na baka ito na ang magiging dahilan para magbago ang lahat. Baka ito na ang himala na matagal ko ng hinihintay. Baka kapag nalaman ni Denzel na magkakaroon kami ng anak, sa wakas ay makita niya ako hindi lang bilang babaeng pinakasalan niya dahil sa kontrata kundi bilang ina ng anak niya. Baka sa pagkakataong ito ay mabuo na rin ang pamilya na matagal ko nang pinapangarap.

Paglabas ko ng clinic, nakaupo ako sa loob ng sasakyan habang paulit-ulit kong tinitingnan ang test results na hawak ko. Hindi ko mapigilang ngumiti kahit may luha pa rin sa mga mata ko. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging ganito kasaya. Pakiramdam ko ay may liwanag na biglang sumilip sa madilim kong buhay. Sa loob ng maraming taon, puro sakit at pag-asa na hindi natutupad ang naging laman ng puso ko, pero sa araw na iyon, may naramdaman akong bagong dahilan para lumaban.

Naalala ko bigla na iyon din ang araw na magtatapos ang kontrata naming kasal ni Denzel.

Ilang araw na lang sana… tuluyan na kaming maghihiwalay ayon sa kasunduan. Pero nang sandaling iyon, hindi ko na iyon gustong isipin. Sa isip ko, ito na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanya ang totoo. Sigurado akong magugulat siya. Siguro hindi agad niya alam kung ano ang gagawin. Pero naniniwala ako na sa sandaling malaman niyang magkakaanak kami, baka mahalin na niya ako.

Habang nasa sasakyan papunta sa Bowles Corporation, hindi ko mapigilang isipin kung paano ko sasabihin ang lahat kay Denzel. Paulit-ulit kong inensayo sa isip ko ang mga salitang bibitawan ko. Iniisip ko kung paano siya mapapangiti, kung paano siya mapapatigil sa ginagawa niya, kung paano niya ako titingnan kapag nalaman niyang magkakaroon siya ng anak.

Sa isip ko, baka iyon na ang araw na magbabago ang lahat.

Pagdating ko sa main building ng Bowles Corporation, agad akong bumaba ng sasakyan habang mahigpit ang hawak sa maliit na paper bag at sa envelope ng test results. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong dumalaw noon, pero nang araw na iyon ay kakaiba ang pakiramdam ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad papasok sa malaking lobby. Ilang empleyado ang bumati sa akin ngunit halos hindi ko na iyon napansin dahil nakatuon lang ang isip ko sa isang bagay.

Kailangan niyang malaman na magkakaanak na kami.

Pagsakay ko ng elevator, napatingin ako sa sarili ko sa repleksyon ng salamin. Namumula ang pisngi ko sa kaba at excitement. Hindi ko mapigilang mapangiti habang muling hinahaplos ang tiyan ko.

Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong lumabas ng elevator at dumiretso sa office niya. Tahimik ang hallway, at naroon pa rin ang familiar niyang secretary sa desk.

“Mrs. Bowles,” nakangiting bati nito.

“Is Denzel inside?” tanong ko.

Bahagya itong nag-alangan pero ngumiti pa rin.

“He’s in his office.”

Tumango ako at hindi na naghintay pa. Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumakbo sa sobrang excitement.

Paglapit ko sa pintuan ng office niya, bahagya iyong nakabukas. Itinaas ko ang kamay ko para sana kumatok, pero bago pa ako makagawa ng kahit ano ay may narinig akong boses sa loob.

Boses ng babae kaya napahinto ako.

Bahagya akong lumapit sa siwang ng pinto, at sa nakita ko ay pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko.

Nandoon si Denzel at may babaeng nakayakap sa kanya.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa eksenang nasa harap ko. Maganda, elegante at sexy. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon dahil ilang beses ko nang nakita ang mukha niya sa mga lumang magazine at articles.

Si Celeste Harrington.

Ang babaeng matagalang tinatawag ng media bilang first love ni Denzel. Ang babaeng sinasabing tanging babaeng tunay niyang minahal. Nanginginig ang mga kamay ko habang mas humigpit ang hawak ko sa paper bag.

Hindi ko magawang gumalaw at hindi ko magawang huminga ng maayos.

Nakita ko kung paano hawak ni Denzel ang babae habang umiiyak ito sa dibdib niya. Marahan niya itong kinakausap sa boses na hindi ko kailanman narinig na ginamit niya sa akin.

Puno ng lambing na matagal kong hinintay pero hindi kailanman ibinigay sa akin.

“Denzel,” umiiyak na sabi ni Celeste. “I missed you.”

Bahagyang humigpit ang yakap ni Denzel sa kanya.

“It’s okay,” marahan niyang sabi.

At sa simpleng dalawang salitang iyon, pakiramdam ko ay may humiwa sa dibdib ko.

Hindi ko na halos marinig ang kasunod nilang usapan dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko, pero may ilang salitang tumagos pa rin sa akin.

“Some people can never be replaced,” marahan kong narinig mula kay Denzel.

Pakiramdam ko ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko.

Mabagal akong umatras mula sa pinto habang nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalakad pabalik sa elevator. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng building. Ang naaalala ko lang ay ang pakiramdam na para bang may malaking bahagi ng puso ko ang tuluyang napunit.

Pagdating ko sa loob ng sasakyan, doon ko lang napansing mahigpit ko pa ring hawak ang maliit na paper bag. Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakita ko ang puting baby shoes na kanina, sobrang saya kong binili.

Ngayon, pakiramdam ko ay parang kutsilyo na lang iyong nakabaon sa dibdib ko. Napahawak ako sa bibig ko habang tuluyan nang humagulgol sa loob ng sasakyan. Hindi ko na kayang ipaglaban ang sarili ko sa lalaking hindi naman pala ako kailanman pinili. Hindi ko na kayang magmakaawa para sa pagmamahal na malinaw namang hindi para sa akin.

Nang gabing iyon, pinirmahan ko ang divorce papers na ilang araw ko ng tinatanggihan. Pinirmahan ko ang lahat habang tahimik na tumutulo ang mga luha ko sa papel.

Pagkatapos noon, bumalik ako sa kwarto naming dalawa at dahan-dahang inilagay sa loob ng maliit na maleta ang ilang gamit ko. Hindi ako kumuha ng marami. Hindi ko rin dinala ang mga alahas at mamahaling bagay na ibinigay ng pamilya niya.

Ang dinala ko lang ay ang kailangan ko.

Bago ako tuluyang lumabas ng mansion, huminto ako saglit sa gitna ng sala at tumingin sa paligid ng bahay na minsan kong inakalang magiging tahanan ko. Tatlong taon akong umasa sa loob ng bahay na iyon. Tatlong taon akong naniwala na baka balang araw ay mahalin din niya ako.

Pero sa wakas, natutunan ko ring tanggapin na may mga pagmamahal na kahit ibuhos mo ang buong puso mo, hindi pa rin magiging para sa’yo.

Hinaplos ko ang tiyan ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi na ako puwedeng maging mahina la dahil may anak na ako. At sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pipiliin ko.

At sisiguraduhin kong ibang Eve na ang makikilala niya pagbalik ko.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Seventeen

    SOFIAHindi ko alam kung paano ko natapos ang natitirang oras ng trabaho.Mula nang makita ko si Lily na nakayakap kay Andrew sa loob mismo ng opisina nito ay para bang nawalan na ako ng ganang gawin ang lahat. Ilang beses kong sinubukang kumbinsihin ang sarili ko na baka mali lang ang nakita ko, na baka may paliwanag iyon, pero sa tuwing pumipikit ako ay ang eksaktong eksenang iyon pa rin ang bumabalik sa isip ko. Kitang-kita ko kung paano siya yumakap kay Andrew. Kahit hindi ko narinig ang pinag-usapan nila, sapat na ang nakita ko para mabigatan ang dibdib ko.Mabagal kong inilapag ang huling folder sa mesa ko bago ako naupo. Hindi ko namalayang napabuntong-hininga pala ako nang malalim.Hindi iyon nakaligtas kay Janella."Hoy, Sofia, bakit para kang badtrip na badtrip ka? Kanina lang maayos ka pa ng umakyat ka ulit sa executive floor. Pagbalik mo ngayon, parang gusto mong awayin ang buong mundo. Ano bang nangyari?"Hindi ako nag-angat ng tingin sa monitor ko."Wala.""Ano'ng wala?

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Sixteen

    ANDREWDalawang araw ang lumipas matapos ang pag-uusap namin ni Sofia sa loob ng opisina ko. Akala ko pagkatapos kong aminin ang nararamdaman ko ay magiging magaan na ang pakiramdam ko, pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo yata akong naging sabik na makita siya. Halos araw-araw ko siyang nakikita sa opisina, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat iyon. Gusto ko siyang yayain na mag-lunch, gusto ko siyang ihatid pauwi, gusto kong makausap siya kahit ilang minuto lang, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong maramdaman niyang sinasakal ko siya. Sinabi ko na bibigyan ko siya ng oras, kaya kailangan kong panindigan iyon.Abala ako sa pagpirma ng ilang kontrata nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto."Come in."Hindi man lang ako nag-angat ng tingin dahil inakala kong sekretarya ko lang iyon na may ipapapirma ulit."Andrew."Napatigil ang kamay kong may hawak na fountain pen. Pamilyar ang boses na iyon.Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at nakita ko si Lily na nakatayo sa h

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Fifteen

    SOFIAPagkababa ko sa executive floor ay pakiramdam ko ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating sa elevator dahil ang laman lang ng isip ko ay ang nangyari sa loob ng opisina ni Andrew. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang seryoso niyang pag-amin na nagseselos siya, ang paraan ng pagkakayakap niya sa akin, at ang walanghiya niyang dahilan kung bakit bigla siyang napaatras kanina. Sa tuwing maaalala ko iyon ay kusa na lang umiinit ang magkabila kong pisngi. Kaya ilang beses akong huminga nang malalim habang pinapaypayan ang sarili gamit ang folder na hawak ko."Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, Sofia," bulong ko sa sarili. "Trabaho lang ang ipinunta mo rito. Kumalma ka."Pero paano ako kakalma kung bawat segundo ay mas lalo ko lang naaalala ang mukha niya?Pagdating ko sa departamento ay tahimik kong inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa at naupo na para kunwari ay normal lang ang lahat. Akala ko ay walang makaka

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Fourteen

    SOFIANapasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas na bahagi ng katawan niyang dumidiin sa akin. Parang biglang uminit ang magkabila kong pisngi habang nanlalaki ang mga mata kong napatingala sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil pakiramdam ko ay bigla na lang naglaho ang lahat ng salitang gusto kong sabihin."A-Andrew..." nauutal kong tawag habang muli ko siyang tinulak sa dibdib. "Ano ba? B-bitawan mo nga ako."Hindi siya agad kumilos. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ngayon lang siya muling nakahinga ng maayos matapos ang dalawang araw na pag-iwas sa akin. Ngunit nang mapansin niyang namumula na ako hanggang leeg ay saka lang siya tila natauhan.Mabilis niyang binitiwan ang baywang ko at napaatras ng isang hakbang."So-Sorry."Napakurap ako habang patuloy pa rin ang pag-iinit ng pisngi at katawan ko."H-ha?""Sorry," ulit niya habang napapakamot sa batok. "Hindi ko... hindi ko iyon sinasadya."Napatingin ako sa kanya ng may halong hiya at inis."Hindi sina

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Thirteen

    SOFIASINUBUKAN kong itinulak ang dibdib niya ngunit para bang wala siyang balak na bitawan ako. Mas lalo pa niyang idinikit ang noo niya sa gilid ng ulo ko habang mahina siyang bumuntong-hininga. Ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Kanina pa ako naghahanda sa isip ko na baka pagalitan niya ako dahil sa nakita niyang kasama ko sina Janella at Zid sa street food stall, pero heto siya ngayon, niyayakap ako na para bang matagal kaming hindi nagkita."Andrew..." mahinang tawag ko habang muli ko siyang sinubukang itulak. "Ano ba? Bitiwan mo muna ako. Baka may biglang pumasok dito. Kapag may nakakita sa atin, ano na lang ang iisipin nila? Dapat hindi mo ako niyayakap ng ganito.”Hindi niya agad sinagot ang sinabi ko. Sa halip ay mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako kapag binitiwan niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig an

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Twelve

    SOFIADalawang araw ang lumipas mula nang makita ako ni Andrew na kumakain ng street food kasama sina Janella at Zid. Dalawang araw ding halos wala kaming naging maayos na pag-uusap.Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway o sa elevator, ngunit hanggang tinginan lang kami. Hindi na siya muling nagyakap o nang-asar katulad noong araw na iyon. Sa una ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay nakakahinga ako nang maayos sa opisina. Ngunit habang tumatagal, may kung anong kakaibang pakiramdam ang unti-unting gumugulo sa isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit tila hinahanap ko ang pangungulit niya.“Hindi…dapat maging masaya na lang ako kasi hindi siya nangungulit,” bulong ko sa sarili.Napailing ako sa sarili kong iniisip habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumentong kailangan kong ipasa bago mag-uwian."Sofia."Napalingon ako nang marinig kong tinawag ako ng isa sa mga staff mula sa executive floor."Yes po?""Pinapatawag ka ni sir Andrew sa opisina niya."Parang b

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One

    EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Five

    EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Three

    EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Two

    EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status