ログインEVE
Dalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magigising na lang ako sa tabi ni Denzel tulad ng dati. Pero sa tuwing nahahawakan ko ang divorce papers na pirmado ko mismo, saka ko lang lubos na nare-realize na tapos na talaga ang tatlong taon kong pagkapit sa isang lalaking hindi naman ako kailanman pinili. Nakatira muna ako sa isang maliit na serviced apartment habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko muna sinabi kahit kanino ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil gusto kong ayusin muna ang sarili ko. Bago ko harapin ang panibagong yugto ng buhay ko. Hindi naging madali ang mga nakaraang araw. Madalas akong umiiyak sa gabi habang yakap ang unan, pilit kinukumbinsi ang sarili kong tama ang ginawa kong pag-alis. Pero sa tuwing maaalala ko ang eksenang nakita ko sa office ni Denzel, ang paraan ng pagyakap niya kay Celeste at ang lambing sa boses niyang kailanman ay hindi niya ipinakita sa akin, muli kong pinapaalala sa sarili ko na wala na akong dahilan para manatili pa. “Hayop kayong dalawa…napakasama ninyo…” gigil kong bulong. Nang araw na iyon, nakatanggap ako ng tawag mula kay Veronica Bowles. Nagulat pa ako na ang mismong byenan ko ang gustong makipagkita sa akin. Dahil sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Denzel, hindi naging malapit sa akin si Veronica. Palagi siyang elegante at maayos makitungo sa harap ng ibang tao, pero ramdam na ramdam ko ang lamig niya sa akin kapag kaming dalawa na lang. Madalas, pakiramdam ko ay hindi niya ako tunay na tinanggap bilang asawa ng anak niya. Ngunit pinili kong balewalain iyon noon dahil iniisip kong baka balang araw, matanggap din niya ako. Nagkita kami sa isang mamahaling café. Pagdating ko roon, agad kong nakita si Veronica na eleganteng nakaupo malapit sa malaking glass window habang umiinom ng tsaa. Gaya ng dati ay napakaayos ng itsura niya, mula sa mamahaling damit hanggang sa maingat na makeup sa mukha niya. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at tumayo para salubungin ako. “Eve,” malambing niyang bati habang hinahawakan ang kamay ko. “You look so pale. Have you been eating properly?” Pilitan akong ngumiti habang umuupo sa harap niya. “I’m fine, tita.” Tinitigan niya ako sandali bago marahang bumuntong-hininga. “I still can’t believe you and Denzel really separated. Hindi ko akalaing aabot kayo sa ganito.” Kung hindi ko kilala si Veronica, baka naniwala pa ako sa lungkot na nasa boses niya. Ngunit kahit paano, dama kong may kakaibang gaan sa aura niya habang pinag-uusapan namin ang hiwalayan namin ni Denzel. Napayuko ako habang hinihimas ang tasa ng kape sa harap ko. “Hindi ko na kaya ang ugali niya. Pagod na pagod na ako, tita. Kaya tinapos ko na.” Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at umiling na para bang nalulungkot talaga siya. “Eve, alam kong hindi madaling pakisamahan si Denzel. Masyado siyang malamig at matigas ang ulo, pero akala ko maaayos n’yo pa ang pagsasama ninyo.” Napakagat ako sa labi ko habang pilit pinipigilan ang emosyon ko. “Tapos na rin naman ang kontrata namin bilang mag-asawa. Siguro iyon lang talaga ang hanggang doon.” Malungkot siyang tumango. “I really hoped things would work out between the two of you.” Kagat-labi akong napayuko habang pilit ngumumingiti kahit masakit pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero sa sandaling iyon ay gusto kong maniwalang nalulungkot talaga siya para sa akin. Siguro dahil sa loob ng maraming taon ay hinangad ko ring magkaroon ng totoong pamilya sa mga Bowles. “I already left the mansion,” sabi ko habang iniiwas ang tingin ko sa kanya. “Hindi na ako babalik doon.” Bahagyang natigilan si Veronica bago marahang tumango. “Maybe that’s for the best,” sabi niya sa mahinang boses. “Minsan, mas mabuting umalis kaysa manatili sa relasyong ikaw lang ang nasasaktan.” Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Siguro dahil iyon mismo ang matagal ko nang gustong marinig mula sa kahit sino. Iyong may magsasabi sa akin na tama lang ang ginawa kong pag-alis. Nag-usap pa kami sandali hanggang sa magpaalam na rin ako. Bago ako tuluyang umalis, niyakap pa ako ni Veronica at marahang hinaplos ang likod ko na para bang totoong nag-aalala siya para sa akin. Ngunit nang makatalikod ako at naglalakad na palabas ng café, nakita mo ang bahagyang pagngiti niya matapos akong mawala sa paningin niya. PAGLABAS ko ng café ay agad kong tinawagan si Daniel. Sa lahat ng tao sa buhay ko, siya ang isa sa iilang alam kong hindi ako huhusgahan kahit gaano ako kagulo. Matagal ko na siyang kaibigan bago pa man ako nagpakasal kay Denzel. Guwapo si Daniel, napakayaman at isa sa pinakabatang billionaire CEOs sa bansa. Pero sa kabila ng pagiging successful niya, napakasimple niyang tao kapag kasama ako. Madalas nga kaming mapagkamalang dating noon dahil palagi niya akong kasama sa mga events. Lero wala siyang pakialam sa mga tsismis dahil aminado naman siyang lalaki talaga ang gusto niya. Nang marinig niya ang boses ko sa tawag ay agad niyang napansin na hindi ako okay. “Nasaan ka?” tanong iyan nang sagutin ang tawag ko. “Pwede ba kitang makita?” Hindi na siya nagtanong pa. “Send me your location. Susunduin kita.” Wala pang tatlumpung minuto, dumating na agad siya. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa bago malalim na napabuntong-hininga. “You look terrible,” sabi niya habang nakakunot ang noo. Natawa ako ng mahina kahit nangingilid ang luha ko. “Thank you.” “Don’t thank me. I’m serious.” Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin. “Get in.” Wala akong imik buong biyahe papunta sa mansion niya. Hindi niya ako pinilit magsalita agad. Kilala niya ako nang sapat para malaman kung kailan ako handang magkwento at kung kailan kailangan ko lang ng katahimikan. PAGDATING namin sa bahay niya ay agad akong napatingin sa napakalaking mansion na iluminado ng maiinit na ilaw. Ilang beses na akong nakapunta roon noon… pero sa pagkakataong iyon ay iba ang pakiramdam. Pakiramdam ko ay isa akong sugatang hayop na naghahanap ng matatakbuhan. Pagkapasok pa lang namin sa loob ay agad akong sinalubong ng katahimikan at malinis na ambiance ng bahay. Napakalawak ng buong lugar pero hindi iyon mukhang malamig dahil maayos at komportable ang bawat sulok. Si Daniel lang naman kasi ang nakatira roon mag-isa matapos mamatay ang mga magulang niya ilang taon na ang nakakalipas. Nag-iisa lang din siyang anak kaya wala talaga siyang ibang kasama sa bahay maliban sa mga kasambahay. “Come,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa malaking sala. Pagkaupo ko sa sofa ay saka ko lang naramdaman ang pagod na ilang araw ko ng pilit itinatago. Napayuko ako habang mahigpit na hawak ang handbag ko. Hindi agad nagsalita si Daniel. Hinayaan niya lang ako. At siguro iyon ang dahilan kung bakit tuluyan na akong bumigay. “Daniel…” nanginginig kong sabi bago tuluyang tumulo ang mga luha ko. Mabilis siyang lumapit sa akin. “Hey, hey…” “I really tried,” umiiyak kong sabi habang napapahawak sa mukha ko. “Sinubukan ko naman talagang maging mabuting asawa sa kanya.” Niyakap niya ako habang marahang hinihimas ang buhok ko. “Three years, Daniel,” umiiyak kong sabi. “Tatlong taon akong umasa na baka balang araw mahalin niya rin ako.” Hindi siya nagsalita agad. Mahigpit lang niya akong niyakap habang umiiyak ako sa dibdib niya. “Pero pinili pa rin niya si Celeste,” halos pabulong kong sabi habang humihikbi. Napansin kong bahagyang tumigas ang katawan ni Daniel nang marinig ang pangalan ni Celeste. “Ano’ng ginawa ng babaeng iyon?” Mabagal kong ikinuwento ang lahat, mula sa nakita ko sa office ni Denzel hanggang sa pagpirma ko ng divorce papers at pag-alis ko sa mansion. Seryoso siyang nakikinig habang unti-unting nagdidilim ang ekspresyon ng mukha niya. “That bas/tard,” madiin niyang sabi nang matapos ako. Napailing ako habang pinupunasan ang mga luha ko. “Ayoko na, Daniel. Pagod na pagod na ako.” “Then stop hurting yourself,” seryoso niyang sabi habang hawak ang magkabila kong balikat. Napatingin ako sa kanya. “Dito ka muna titira. This house is too big for me anyway. At least may kasama ako at may kachikahan, di ba?” Napatawa ako ng mahina kahit namumugto ang mga mata ko. “Daniel…” “I’m serious, Eve.” Ngumiti siya nang bahagya bago marahang hinawakan ang pisngi ko. “You’re my best friend. Hindi kita hahayaang mag-isa habang ganyan ka…habang may pinagdadaanan ka.” Tuluyan na naman akong napaiyak. Pero sa pagkakataong iyon, hindi dahil sa sakit. Kun'di dahil sa sobrang gaan sa pakiramdam na may isang taong handang saluhin ako matapos akong mabasag nang sobra-sobra. Matapos kong iwan si Denzel, pakiramdam ko ay may lugar akong ligtas na matatakbuhan habang unti-unti kong sinusubukang buuin muli ang sarili ko.DENZELHindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon. Matapos ang pag-uusap namin ni Celeste ay halos magdamag akong nakatitig lamang sa kisame. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mukha niya habang nagtatanong kung mahal ko pa ba siya.Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa kusina. Akala ko ay makakapag-almusal ako ng tahimik ngunit pagpasok ko pa lamang, agad ko nang nakita si Celeste na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya gising. May tasa ng kape sa harapan niya ngunit halatang hindi naman niya iyon iniinom. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na sana gustong makipag-usap. Ngunit mukhang wala akong pagpipilian. Agad akong naupo sa kabilang dulo ng mesa at nagsimulang kumain.Ilang minuto kaming walang imik. Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita."Denzel."Hindi ako agad tumingin sa kanya."Ano?""May itatanong ako."Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Parang may kung anong desperasyon do
DENZELBuong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang kontrol ko sa mga bagay na dati ay kaya kong kontrolin.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko.Masaya ako.Pakiramdam ko ay may direksyon ulit ang buhay ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng simpleng paghawak sa kamay ng anak ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na may batang tumatawag sa akin ng "daddy" na hindi dahil sa obligasyon kun'di dahil gusto niya.At habang naiisip ko iyon ay lalo lamang sumisikip an
EVEPagkauwi ko sa mansion ng gabing iyon ay agad kong naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mula pa kaninang umaga ay sunod-sunod na ang meetings ko sa opisina at halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Ang tanging nasa isip ko habang bumababa ng sasakyan ay ang maligo, magpalit ng damit at magpalipas ng oras kasama si Andrew bago matulog. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa sala.Napakunot agad ang noo ko dahil kilalang-kilala ko ang isa sa mga boses na iyon. Nang lumapit ako ay bumungad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahang makikita.Naupo si Denzel sa carpet habang katabi si Andrew. Nakakalat sa paligid nila ang iba't ibang piraso ng dinosaur puzzle at pareho silang mukhang abalang-abala sa ginagawa. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong matagal ng magkasama ang dalawang iyon dahil sa sobrang komportable nilang tingnan."Mommy!"Agad na tumayo si Andrew nang makita ako at mabilis na tumak
CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya ngunit nanatili lamang iyong naka-seen at walang kahit anong reply. “Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at reply?!” inis kong sabi bago hinawakan ang ulo ko.Habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang akong naiirita at kinakabahan dahil hindi naman siya dating ganoon. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho noon ay palagi siyang nagbibigay ng update kung nasaan siya o kung anong oras siya makakauwi. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagiging ibang tao.Nakahiga ako sa kama ngunit ni hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat paglingon ko sa kabilang bahagi ng higaan, lalo lamang akong naiirita dahil nananatiling bakante
EVEHindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan matapos sabihin ni Denzel na parang wala na siyang pakialam kay Celeste. Hanggang ngayon ay parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon.Sa likuran namin ay ang kumikislap na mga ilaw ng lungsod habang malamig na humahaplos ang hangin sa balat ko. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin ay wala akong ibang maisip kundi ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Dapat ba akong matuwa?Dapat ba akong magalit?O dapat ba akong mag-alala?Dahil kahit paano, fiancé pa rin niya si Celeste. At kahit gaano ko kagustong magpanggap na wala akong pakialam, alam kong hindi simpleng bagay ang sinabi niya."Denzel..." mahinang sabi ko."Huwag mo muna akong sermunan."Napairap ako."At alam mo pa talagang sisisermunan kita?""Kilala kita."Napailing ako bago tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan. Ayoko ng palawakin pa ang usapan na iyon dahil pakiram
EVEHindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapailing matapos sabihin ni Andrew na gusto niyang ipakilala si Denzel bilang boyfriend ko sa Family Day nila sa school. Sa totoo lang, parang ilang segundo ring tumigil ang takbo ng isip ko dahil sa sobrang diretso ng tanong ng anak namin. Nakaupo lamang siya sa gitna ng sala habang yakap ang paborito niyang dinosaur toy at walang kaalam-alam na muntik na niyang patigilin ang paghinga naming dalawa ni Denzel.Napatingin ako kay Denzel at agad kong nakita ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Halatang pinipigilan niyang matawa kaya lalo lamang akong nainis."Ikaw, huwag kang ngumingiti diyan," sabi ko habang pinandidilatan siya.Mas lalo tuloy siyang napangiti at parang matatawa pa nga."Ano na naman ang ginawa ko?""Huwag kang magkunwari. Natutuwa ka sa sinabi ng anak natin. Tama?”"Hindi naman…”"Sinungaling ka talaga kahit kailan!” nakanguso kong sabi.Malakas siyang natawa bago sumandal sa sofa. Samantalang si Andrew naman ay sa







