EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hindi nito kayang itago ang katotohanang pakiramdam ko ay isa lang akong dekorasyon sa loob ng buhay ni Denzel. Isang taong naroon pero hindi kailanman naging mahalaga. Kaya nang mag-message si Limuel at yayain akong lumabas para magkape at mag-dinner, hindi na ako nagdalawang-isip. Alam kong kailangan kong makahinga kahit saglit lang.Pagdating ko sa kilalang restaurant, agad kong nakita si Limuel na naghihintay sa isang corner table. Elegant ang lugar, may soft piano music sa background, mahihinang ilaw at mga taong halatang may sarili ring mga kuwento habang kumakain. Nakangiti si Limuel nang makita niya ako, pero agad ding nawala ang ngiti niyang iyon nang mapansin niya siguro ang pagod s
最終更新日 : 2026-05-26 続きを読む