Share

Chapter Three

Dream and Questions

‘Nakauwi na kaya ang isang ’yon?’

Lumabas na ako nang kusina matapos maghugas. Papunta na sana ako nang kwarto marinig ko ang pagtunong ng doorbell namin. Naglakad na ako papunta sa pinto para silipin kung sino ba iyon at laking gulat ko nang makita ko roon si Kenzo.

“Siraulong Kenzo!”

Agad-agad akong lumabas dala ang payong na nakita ko sa gilid na ginamit siguro kanina ni Papa nang lumabas ito at nagtungo sa gate. Kitang kita ko ang basang-basa na si Kenzo.

“Sorry.”

Iniabot niya sa akin ang basang boquet of red roses na dala niya. Even the small pikachu stuff toy ay basang basa. Para siyang basang sisiw sa itsura niya. With his messy wet hair at ang tshirt niyang basang basa na halos hindi na pantay sa balikat niya maging ang pagdikit nito sa katawan niya. Ang layo niya sa ‘neat look’ niya talaga. He’s a messed right now.

Ngumiti ito nang alanganin sa akin habang nanginginig na ang labi dahil sa lamig. Hindi ko ito napansin kanina na dala niya. Hindi ako ngumiti kaya nawala ang ngiti niya sa labi at yumuko.

“Dumiretso kana sa bathroom at maligo baka lagnatin ka pa. Mamaya na tayo mag-usap. Ikukuha muna kita nang damit mo sa kwarto,” wika ko at iniwan siya.

Naglakad na ako patungo sa bathroom saka kumatok sa pinto para iabot ang damit niya. Nagtungo na ako sa sala at naupo sa sofa matapos kong pumasan ang basa niya kanina mula sa labas.

“H-Hon…”

Napalingon ako sa nagsalita at kita ko ang alanganing tingin ni Kenzo. Halos hindi pa ito makatingin sa akin nang ayos.

“I’m sorry,” mahinang wika niya na sakto lang para marinig ko.

Ano bang gagawin ko sa isang ’to? Pano ko magagawa ang plano ko kung simple pa lang ang away namin ay ganito na siya. Wala na sira na ang plano ko para bukas sa anniversary namin.

He’s so adorable.

“Come here,” wika ko at tinapik pa ang p’westo sa tabi ko. Agad naman itong lumapit at naupo kahit alangan.

Niyakap ko siya nang maupo siya, “How can I pretend to be mad if you’re like this, ha?” bulong ko rito at mas ibinaon pa ang mukha ko sa dibdib nito. Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya, “Sayang surprise ko for our fifth year anniv.” wika ko pa.

“It's okay, there's no need for that,” he said. Alam ko nakangiti siya habang sinasabi niya iyan, “I love you,” he added and tighten his hug.

Hinigpitan ko rin ang pagyakap ko sa kaniya.

“I love you too. Let’s go to the bed,” wika ko at humiwalay na sa yakap.

Napangiwi ako nang bumangon ako sa pagkakahiga. Kagigising ko lang tapos iyon agad ang maalala ko. Sa dami nang p’wede kong mapanaginipan ay bakit iyon pa?

Inilibot ko ang tingin sa kwarto ni –

“Kaninong kwarto ’to?!” sigaw ko nang mapagtanto kong hindi pamilyar itong kulay white and mint green bedroom.

The room is so simple yet looks elegance. Agad-agad akong tumayo para lumabas sa dito sa kwartong ito.  Paglabas ay bumungad agad sa akin ang papaakyat na si Mint.

“Mint?” napatingin siya nang banggitin ko ang pangalan niya.

“Oh, gising kana pala Ate Lex. Tagal mo pong tulog ah,” wika niya na ikinataka ko kaya’t tiningnan ko ang phone kong hinablot ko kanina desk sa kwarto niya. Its 1:00 o’clock in the afternoon, “Nga pala Ate, ganda ba bago kong kwarto?”

Saglit na nagflash sa akin ang itsura nang kwarto niya, “Yes, but wait!” wika ko at sinundan siya papasok ng kwarto niya, “Who brought me to your room?” I asked. I remembered passing out when I was still outside going away to Kenzo.

Tiningnan ko kung paano siya dahan-dahang umupo sa kama niya at inayos ang nakataob na frame ng picture niya saka siya tumingin sa akin habang may ngiting mapang-asar.

“Of course Ate, it’s Kuya Ken. You both looked so sweet last night,” wika niya at tumingin sa pintuan na para bang may inaalalang magandang pangyayari, “Carrying you like a bride while you clinging your hands in his neck, kinilig kami Ate,” wika niya at muling tumingin sa akin.

Umirap muna ako bago magsalita, “Nagtanong lang ako kung sino, hindi ko sinabing magkwento ka.”

Tumawa naman ang bruha. Tumabi ako sa kaniya at nahiga ulit sa kama. Nakaramdam kase ako nang pagkahilo.

Damn! Hangover!

“Ano bang nangyari kagabi Ate?” pagbasag niya sa ilang minutong katahimikang bumalot sa kwarto.

Ano nga ba?

“Huwag mo muna akong kausapin at masakit ang ulo ko baka masampal kita,” wika ko rito na ikinatawa niya ulit. Alam naman niyang ayaw kong kinakausap ako once na ganitong kagigising ko lang at may hang-over pa.

Tumayo siya saka nagtungo sa mga damit niya yata at may kung anong hinahalungkat doon. Hinayaan ko na lang siya dahil ang sakit nang ulo ko. Nakatulala lang ako sa may kisame niya at pilit inaalala ang nangyari kagabi.

“I still want you to be my girlfriend, Lexus.”

“Pusang gala!” naisigaw ko nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kenzo kagabi. Napaupo pa ako pero agad din akong nahiga dahil parang umikot ang paligid ko sa ginawa ko. Nakaramdam naman ako nang kamay na humawak sa balikat ko at bahagyang idinilat ang mata para makita kung sino, it’s Mint.

“Can I still be your man?”

Pusang gala talaga! Mas sumasakit ang ulo ko sa isa-isang naaalala ko.

“Do I still have a place in your heart?”

Parang gustong takpan ang tenga ko kahit hindi naman talaga siya nagsasalita ngayon sa harapan ko. Para bang naririnig ko ang boses nito habang nagsasalita ngayong naaalala ko ito.

“Can you still give me another chance?”

“Stop! Stop!” wika ko habang pinupukpok na ang ulo ko nang mahina gamit ang isang kamay ko para mahinto ang salita niya sa isip ko.

“Am I too late?”

“Shit!” asik ko sa inis. Rinig ko na rin ang nag-aalalang boses ni Mint kaya’t tumingin ako rito at ngumiti, “I’m okay. Don’t worry,” I said and tapped her shoulder.

Tumingin ito sa akin nang nag-alala at tumango. Napatingin naman ako sa may pinto nang bumukas ito at iluwa nito ang kapatid ko maging si Sage. Binigyan ko sila nang nagtatakang tingin.

“Is everything, okay?” nag-aalangang tanong ni Nexus, kapatid ko. Kita ko ang pagpapalitan nila nang tingin sa isa’t isa kaya’t umupo ako at tumango nang bahagya. Tinawag siguro ni Mint dahil nakita kong ibinaba niya ang cellphone niya kanina.

“What happened ba Ate?” pagtatanong ulit ni Nexus at lumapit sa amin saka nakiupo sa kama, ganoon din ang ginawa ni Sage na may dala pang pitcher ng tubig at baso. Kinuha ko naman ito at uminom na rin bago ilagay sa mesang malapit sa akin.

“Wala, masakit lang ang ulo ko,” wika ko para ’di na sila magtanong pa. Kita ko naman na gusto pa nilang magtanong pero nginitian ko lang sila isa-isa. Medyo nahimasmasan ako nang makainom ako nang tubig kaya’t ’di na gano’ng nahihilo.

Nagpalipas lang kami ng oras habang magkakausap patungkol sa mga nangyari kagabi at mga kahihiyan nilang ginawa nang matulog ako. Bidang bida si Mint sa pagkukwento habang natatawa lang kami sa kaniya. Nang matapos ay naligo na ako sa kwarto niya. Binigay na rin niya sa akin ang mga damit kong dala ni Nexus, ’yung mga pinadala ko. Saka kami nagtungo sa isang kwarto kung saan siya inayusan kagabi para buksan ang mga regalo sa kaniya.

Halos maghapon kaming nasa kanila, mabuti at wala ang parents niya maghapon kung hindi ay hindi ako makakatagal sa bahay nila dahil sa para bang may tinatagong galit sa akin ang parents niya.

Nandito ako ngayon papasok sa Mall para kitain ang mga kaibigan ko noong college. Hindi ko alam kung kanino nila nabalitaan na nakauwi na ako pero hayaan na, nandito na rin naman ako. Wala pa rin naman akong gagawin ngayong gabi kun’di tatambay sa bahay. I am wearing a buckle-belted pocket patch shirt romper with white wedge rubber shoes saka ko lang nilugay ang buhok ko. Hindi na ako nagsuot ng kung anu-anong accessories dahil sa hindi ko naman talaga hilig magsuot dati pa dahil pakiramdam ko nakagapos ako, simpleng hikaw lang at isang singsing sa index finger ko.

Nilabas ko ang cellphone ko para sana tanungin kung nasaan sila pero napatingin ako sa orasan at makitang 7 o’clock pa lang pala. 8 pm ang usapan namin para sa get together namin. Napaaga pala ako kaya’t hindi na muna ako nagchat at muling itinabi sa dala kong bag ang cellphone.

Habang nagpapalipas nang oras ay nagtingin-tingin na rin ako sa mga boutique at shops panregalo ko man lang sa kanila. Nakalimutan ko sa bahay ang mga panregalo kong damit at shoes na binili ko para sa kanila bago ako umuwi ng pinas.

It’s almost 8 o’clock na kaya inopen ko na ang phone ko, to see kung may humabol ba sa mga pupunta. Alam ko apat lang kami dahil busy yung tatlo kaya baka may humabol pa e. Bumili na lang ako nang relo na magkakatulad, para wala nang naiiba at magkakatulad kami. I can’t wait to see them and can’t to give my gifts to them.

Nang makarating sa restaurant na sinabi nila ay agad akong pumasok at muntik nang mabitawan ang hawak ko nang may makabungguan ako.

 “Fria?”

“Liev?”

Sabay naming wika nang makilala ang nakabungguan. Isang malawak naman na ngiti ang lumarawan sa mukha ko.

“Good to see you again,” He said and show his heart-shaped lips smile.

...

:)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status