Share

Chapter Two

02 – Kenzo Taddeo

Nang makabawi sa sinabi nito ay sumunod na ako sa paglalakad niya. Ayoko na munang isipin ang patungkol doon. Ayokong mag-assume ng kung ano dahil lang sa dalawang salita. I don’t know what he is up to by saying those words.

Nakita kong umupo siya hindi kalayuan sa upuan nila Sage. As far as I remember, doon ang upuan ng mga 18 roses ni Mint. Maybe he’s one of them. Hindi naman ako umupo sa table na para sa’kin dahil nagtungo ako sa pwesto ng mga photographer. Mamaya na lang ako uupo kapag nagsawa na ako rito o kaya kapag dumating na ang kapatid ko.

I look at my wristwatch to check the time, ba’t wala pa rin si Nexus? Ang tagal niya baka di siya masali sa opening march. Ti-next ko na siya kanina to check his whereabout and he said malapit na daw pero kanina pa ‘yong malapit niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa upuan nila Sage and still the sit for my brother is empty. Iyon na ang last na tingin ko dahil iniiwasan ko ang matingin sa gawi ni Kenzo kase baka magkatinginan kaming dalawa.

Nakikipag-usap lang ako sa mga katabi ko habang naghihintay. Lumipas ang ilang minuto nang lumabas na si Mint.

Ang ganda niya. She’s blazing in red.

Kasabay nang pagpasok niya ay ang pagtayo ng mga kasama niya sa cotillion at ang pagplay nang mini slideshow niya from infant up to now. Si Sage ang escort niya habang papasok. Hindi ko napansin na umalis pala si Sage sa table nila dahil nakaupo pa lang siya kanina.

My brother is cute in his suit. No he’s handsome.

Mabuti na lang nakaabot ang kapatid ko. Madami pang ganap ngunit nandito lang ako sa gilid kumukuha ng litrato. Hanggang sa magsimula na ang 18 roses niya.

Natawa ako nang makilala ang mga 18 Roses niya. Siraulo talaga ang babae na ’to. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip para gawing 18 Roses ang mga ex mo? At talagang sunod sunod pa sila. Kung sino ang nauna hanggang sa present boylet niya. Hindi naman sinakop ng mga ex niya ang 18 roses niya dahil sa hindi naman 18 ang ex niya.

Tumingin ako kay Mint na tumingin din sa akin nang nakangiti na siyang ikinatawa ko.

“Baliw,” I mouthed. She just gave me that proud attitude saying she slay it.

Iiling-iling ako hanggang sa matapos siyang isayaw ng boyfriend niya ngayon. In my entire dream hinding-hindi ko magagawa ang nagawa niya. Inviting all your ex-boyfriend to attend your 18th birthday? Mint is really crazy.

Naagaw nang pansin ko ang pagtayo ni Kenzo sa upuan niya. I knew it, he’s one of her 18 roses.

He’s also my last rose before.

Hindi ko alam pero sa pagtingin ko sa kaniya ay nagtama ang tingin namin. Ngumiti ito sa’kin na hindi ko inaasahang gagawin niya dahil sa nakatapat sa kaniya ang spotlight na dapat ay kay Mint ito nakaharap hindi sa akin. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya. I can’t take my eyes off of him habang naglalakad ito sa gawi ni Mint. Nakita ko pa siyang lumingon ulit sa gawi ko nang mahawakan niya ang kamay ni Mint and again he gave a smile nang dahil doon ay umiwas na ako. Hindi ko tuloy nakuhanan ng litrato.

Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa matapos ang event niya. Nagulat ako kanina nang tawagin ang pangalan ko dahil buong akala ko ay hindi na ako kasali. Nasabi ko kasi sa kanila na baka hindi ako makauwi sa birthday nila pero binago pala nila at isinama pa rin ako.

I’m just wearing a long sleeve burgundy lace V-neck short dress and I don’t have anything with me. Hindi rin ako nakapagbaon ng sasabihin ko sa kaniya. Mabuti na lang nagdress ako dahil balak ko lang sanang mag jeans and shirt, kun’di nakakahiya ang dami pa namang bisita.

Party-time na ng debut niya. Madami na ring bisita ang umalis at nagpapaalam sa kanila. Hindi ko mahanap ang kapatid ko, kasama siguro si Sage. Nandito lang ako sa bench na inupuan ko kanina kasama si Kenzo. Speaking of Kenzo, hindi ko na siya nakita kanina nang matapos ang program. Umuwi na rin yata. Well I think it’s good. Mamaya na lang din ako makikisama sa kanila. Papahinga muna ako sandali.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang tinitingnan ang mga pictures sa camera ko lalo na sa t’wing nakikita ko ang mga pictures ng kapatid ko. He’s not my baby anymore. He looks mature and he really is handsome.

Napahinto ako sa paglipat nang makita ko ang stolen picture ni Kenzo. Eto ’yong kaninang nagulat ako. Medyo blurry ang picture pero ang gwapo pa rin niyang tingnan dito. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig. Walang pagbabago bukod sa mas naging gwapo ito.

His side view is really a visual.

Agad agad ko itong inilipat nang makaramdam ako nang presensya sa tabi ko. Pagtingin ko ay nagulat ako sa nakita ko. It’s Kenzo and he’s smiling, looking at me.

“Hi?”

Pinilit kong ngumiti nang maayos, para bang sa inaakto ko ay hindi pa ako nakakamove on sa aming dalawa, “H-Hello.” I said, stuttering.

Shit! Ba’t nautal?!

Yumuko ako para huminga ng malalim at maitago ang biglang kabang nararamdaman ko. Kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko sa inaakto ko sa harapan niya.

“Ba’t ka mag-isa dito? Nando’n sina Nexus nag-iinom ah,” he said, still standing at nakatingin sa mga taong nagkakasayahan na, “Pati ilang kaklase natin no’n nand’yan.” dagdag pa nito at tumingin sa akin. Sa muling hindi ko na mabilang na pagkakataon ay nagkatinginan kaming ulit pero ngayon hindi na ako umiwas kundi ay ngumiti ako sa kaniya.

“Nagpahinga lang ako sandali, Tiningnan ko lang din ‘yong mga pictures na nakuha ko,” wika ko bago tumayo para umalis na. Tinapik ang balikat niya, “Tara na do’n.”

Nagsimula na akong maglakad matapos ko ‘yong sabihin, sinabayan naman niya ako.

Wala na akong oras mahiya dahil sa ilang gulat at utal na rin ang naipakita ko sa kaniya. Dadagdagan ko pa ba? Ayoko na rin siyang makasama ng kaming dalawa lang, I feel awkward especially to his behavior. I think I will misunderstand if I continue to stay with him for a long time.

Nakipagbeso, hug at nakipagkamay lang ako sa mga kakilala ko at kinuhanan na rin ng iilang pictures kasama sila. Magkatabi kami ngayon ni Kenzo dito sa isang mahabang lamesa na pinag-iinuman nila. Pinagtabi-tabi ang dalawang table para magkasama sama. Iilan na lang rin sa mga kakilala ni Mint ang nandito. Siguro nasa 20 na lang kami, kasama na ang taong nasa ibang mesa. Sa table naman namin ay wala pa siguro kaming sampu.

Nagsisimula nang lumalim ang gabi at nagsisimula na ring malasing ang mga taong kasama namin dito. Nakakaramdam na rin ako nang hilo, kahit ga’no ako kalakas uminom noon ay iba na ang ngayon dahil matagal ko nang tinigilan, ngayon na lang talaga ulit.

“Hey! Everyone look at me.”

Nakakunot noo ko namang tiningnan ang lasing nang si Mint habang may hawak itong bote ng alak at iwinawagayway pa ito. May balak pa yatang tumayo sa mesa dahil ang kalahating paa ay nakaangat na roon. Pilit naman siyang ibinababa nina Nexus at Sage, maging ang boyfriend niya ay inaawat na siya pero ayaw paawat ang gaga.

“Thank you for coming to my birthday, no to our birthday, so para sa ikadadagdag ng kasiyahan. Let’s do some body shots,” wika niya with her drunk voice.

Kita ko ang gulat sa mukha nang dalawang nakahawak sa kaniya. Nangiti ako dahil sa ka-cute-an nila, sayang hindi ko nakuhanan. Iiling-iling naman sa gilid niya ang boyfriend nito maging ako ay iiling-iling sa ginagawa ng gaga.

“Ayaw niyo? Gusto niyo ba love shots?”

Tumahimik ang buong table namin at walang nagsasalita ni-isa. The silence continue until she speaks again.

“Ayaw niyo rin?” padabog na ibinaba ni Mint ang hawak niyang bote sa mesa mabuti na lang at hindi ito nabasag, “E ’di, ’wag!” wika nito at umaktong nagtatampo.

“Tampo yarn, Mint?” rinig kong wika ng isa sa kaibigan niya habang natatawa. Tinarayan lang siya ni Mint. Inasar-asar pa nila si Mint kaya’t napuno nang tawanan ang table namin.

She better not be drinking too much again.

Inabot ko ’yong isang baso kong may lamang alak at balak na sanang inumin nang pigilan ako nang katabi ko, “Hey, nakakarami ka na ah.”

Tiningnan ko naman ito, “It’s okay, I can still handle.”

“No, pumipikit na rin mga mata mo kaya tama na,” seryosong wika niya.

“Kaya ko pa, nagsisimula pa lang ako. Mataas tolerance ko sa alak, remember?” wika ko saka hinablot sa kamay niya ang alak. May ilan pang natapon sa kamay ko pero hindi ko na ’yon pinansin. Nagtagay pa ako ulit at nang iinumin ko na ulit ay hinablot niya sa kamay ko saka siya ang uminom.

Umayos ako nang upo at humarap sa kaniya nang maayos, “What are you doing Kenzo?”

Tumingin lang siya sa akin at kita ko pa kung paano niya ilayo sa akin ang alak. Hindi ko na rin napapansin ang ibang tao sa paligid namin. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakikipagtitigan naman siya. Kita ko kung paano gumalaw ang lalamunan nito sa marahas niyang paglunok.

“It feels like,” I paused, “I’m still your girlfriend. Stop it,” wika ko nang hindi pinuputol ang tingin.

Huli na noong mapagtanto ko ang sinabi ko. Para akong binuhusan nang malamig na tubig at nawala ang hilong nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi ko.

I should be telling to myself not to drink too much instead of saying it to Mint.

Nang magkalakas ng loob para umiwas sa tingin niya ay tumayo ako saka naglakad palabas nitong garden at nagtungo sa labas ng gate. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin para makapag-isip ng maayos. Napahinga ako nang malalim nang maalala ko ang sinabi ko.

Nakakahiya.

“Lex…”

Napaiktad ako nang may humawak sa kamay ko. Agad ko itong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito nang mapagtanto kong si Kenzo ito.

Sumunod pala siya sa’kin.

Humarap ako sa kaniya ngunit hindi ko nakayanan ang tingnan siya dahil bukod sa bahagya akong nahilo sa pagharap sa kaniya ay nakakaramdaman na rin ako nang panghihina pero mas nangingibabaw pa rin doon ang nararamdaman kong hiya sa iniasal at sinabi ko.

 “I’m sorry, I didn’t meant anything when I said that,” paghingi ko nang pasensya.

Tinawag nitong muli ang pangalan ko sa pinakamahinahon at malumanay niyang boses pero hindi ako nag-angat ng tingin. Wala akong narinig na iba bukod sa pagtawag niya sa’kin. Katahimikan lang mula rito sa labas ang siyang bumabalot sa amin.

Hindi na nito binalak ulit na hawakan ang kamay ko pero ramdam ko ang kagustuhan niya mahawakan ako. It’s been 5 years since we broke up yet I’m still affected to his presence. I don’t know if it’s because I’m really not get over him or maybe it’s because this scenario reminded me of what we were before. I know nakapag-move on na ako but the memories is still hunting me. And I assure you, memories are hard to forget if the person who’s with you changed you from head to toe.

“I still want you to be my girlfriend, Lexus.”

My body froze and my mouth went slightly open dahil sa gulat sa binitawan niyang salita. Nag-angat ako nang tingin dahil sa sinabi nito at nagtama ang tingin namin.

What the hell?!

:)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status