Share

Chapter 3

Hello Lis;

 

Ang pinakamamahal kong kaibigan. Alam kong biglaan ang paglisan ko at hindi ko na nagawang puntahan ka para magpaalam dahil kailangan kong humabol sa sasakyan kong barko. Biglaan kasi ang pagtawag sakin ni kuya Sason. Alam kong kinabukasan ay hahanapin mo ako sa tagpuan natin, at alam ko ang mararamdaman mo sakaling malaman mo na naka alis na ako. Pero pinapangako ko Lis nababalikan kita after 6 years tutuparin ko ang pangako ko na patatayuan ko ng ating dream house yang lugar na tinatambayan natin. Dream house natin iyon ok? Hahanapin kita sa pag-uwi ko diyan at sana hintayin mo rin ako. Patutunayan ko na ang pangarap ay hindi magiging isang pangarap lang. Pakatandaan mo na ikaw lang ang babae na nagpapasaya sa aking buhay.

 

Nagmamahal;

Albert.

 

Mangiyak-ngiyak habang naka ngiti ang dalaga sa nabasa nito. Napaisip sya na sana noon pa nya binasa ito para sa ganun nabuhayan ito ng pag-asa. Naunahan lang kasi sya ng galit at tampo kaya minabuti nyang itago muna ito.

Aminin man nya sa sarili ay may lihim itong nararamdaman sa kaibigan, hindi nya lang pinahalata at baka iwasan sya nito. Minsan nya ding naitanong kung "may feelings di  ba sya sakin? Posible kaya?" Sadyang makulit lang minsan ang imahinasyon ni Melisa kaya siguro naitanong niya iyon.

 

Maya maya pa ay biglang may natanggap syang tawag mula sa kanyang ina. 

"Hello nay? Napa tawag po kayo ang aga aga pa po." Takang tanong ni Melisa agad cheneck ang oras.

 

"Ano kaba anak, lagi naman akong nagigising ng maaga hindi ba?mamamalengke kasi ako sa bayan para sa stock namin ng tatay mo dito. Salamat sa padala mo anak, Sige na matulog kana."

 

"Ganun ba nay, mabuti naman po. Nay. . .may balita ka po diyan na naka uwi sila Albert?" Diretsyong tanong ng anak.

 

"Si Albert, parang wala anak ehh, hayaan mo tatawagan kita pag nakita ko sya,alam ko naman na pupuntahan ko nun agad dito diba?"

 

"Sana nga inay." Tipid na sagot nito. 

 

"Siya nga pala anak, naalala mo pa ba iyong tambayan nyo ni Albert noon? Naku winasak na kahapon kasi may naka bili sa lupa na iyon isang Architect daw yung naka bili." Biglang saad ni Aling Marta.

 

"Hooo? Naku nay hindi ho pwede iyon! Doon po namin balak ipapatayo ang dream house na pangako ni Albert!" Mangiyak ngiyak na sagot nito agad na bumangon sa kakahiga.

 

"Ano, dream house nyo kamo ni Albert? Ano kayo mag-asawa ba?" litong tanong ng ina nito. Mga bata pa kayo noon, pwedeng hindi iyon matupad anak."

 

"Nay, alam kong tutuparin iyon ni Albert nay." Pang mamaka-awa nito.

 

"Melisa marami pang lupa dito na pwede mong pag tayuan ng gusto mo, mag ipon ka para makahanap ng lupa na pwede mong pagtayuan ng dream house mo pwede naman dito ah. Oh siya sige na matulog kana ulit, paalam na huh." Paalam ni aling marta.

 

Hindi na muli pang sumagot si Melisa sa tugon ng ina nito. Tulala ito habang lumalandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Humiga ito at niyakap ang unan. "Bakit ba kasi ang tagal mong dumating. Nakalimutan mo na ba ang lahat?" Mahinang sambit nito na bigla siyang naisip  Bigla niyang naalala kong pati ba ang puno na kanilang itinanim ay kasama rin sa pag wasak. Nag isip ng malalim ang dalaga sa gagawin.

 

"Sana hindi mo nalang sinabi sa anak mo ang tungkol doon, alam mo namang napaka importante iyon sa kanya eh." Sisi ni mang Jose sa asawa. Habang naglalakad papuntang lamesa.

 

"Sabihin ko man sa hindi eeh malalaman at malalaman din nya iyon. At isa pa wala naman syang magagawa pa." Sagot nito habang nag hahanda ng hapunan nila.

Maya maya pa ay may kumakatok sa labas ng pinto nito. At sa pag bukas.

 

"Inay."

" A-Anak?" Gilat na dalawang matanda.

 

"Bakit ka umuwi? Hindi ka man lang nagsabi sa amin." Gulat na tanong ni mang Jose na agad bumaling kay Aling Marta.

 

"Nay, tay mano po, gusto ko lang po sana kayo dalawin." Tipid na sagot nito Melisa.

"Abay mabuti naman, dito mo nalang gugulin ang dalawang linggo mong bakasyon." Dagdag pa ng ama.

 

"Kaya nga po." mahinang sagot nito.

 

Pagtapos ng hapunan ay agad ng pinagpahinga ng mag-asawa ang anak at alam nilang mahaba-habang byahe ang pinag daanan nito.

Batid na rin ng mag-asawa ang rason kung bakit ito umuwi ng alanganin. Iyon ay dahilan sa pag wasak ng lugar na sana ay magiging  dream house ng magkaibigan.

 

Umaga pa lang ay naabutan ni Marta ang anak na nasa labas ng balkunahe.

"Hhhmm ang aga mo namang nagising anak hindi kaba ginignaw?"

 

" Hindi din po kasi ako dinadalaw ng antok nay, kaya minabuti ko nalang na magpahangin muna dito." Tugon ng dalaga na hindi inaalis ang tingin sa malayo.

 

Patango-tango lang ang ina nito. "May balak kang puntahan iyon diba? tanong muli nito.

 

"Opo nay, gusto ko po sana maka-usap ang naka bili ng lupa na iyon na baka sakali kung pwede nya munang itigil ang pag papagawa, hihintayin ko lang sana si Albert para malaman nya din." bumuntong hininga lamang ang dalaga .

 

"Kakausapin mo ang nakabili ng lupa? Anak naman masyado ka ng kaawa-awa sa ginagawa mong yan, property na ng iba iyon at wala ka ng habol doon."

 

Muling nanahimik ang dalaga sa narinig ng ina. Dahil tama naman ang ina nito.

Ala sais ng umaga na sinimulan nyang lakbayin ang lugar na kanilang tagpuan.

Sa hindi kalayuan ay tanaw na nya ang malawak na lupain na halatang binungkal na. Agad syang tumakbo upang tingnan kong naputol ang punong mangga na kanilang itinanim noon.

 

"Sir, good morning po." tanong ni Melisa sa mga gumagawa.

 

"Good morning din po sa inyo ma'am." Tugon ng kausap.

 

"Sir, pwede ko po bang maka-usap ang naka bili ng lupa nito? Baka pwede naman po kahit saglit lang." agad-agarang paki-usap ng dalaga.

 

"Naku ma'am, nasa labas pa po sya ng bansa eh, sinu-supervice lang kami dito sa tulong ng kaibigan ni sir." Agad tinuloy ang ginagawa nito.

 

"Baka pwede ko pong mahingi ang contact number isa sa kanila sir please . . .may itatanong lang po kasi ako." Pag mamakaawa ni Melisa.

 

Maya maya pa ay may dumating na lalaki.

 

"Yes po?" Tanong sa kanya.

 

"Kayo po ba ang kaibigan ng nakabili ng lupa?

 

"Yes ma'am, bakit po sana? May appointment po ba kayo sa kanya?" Tanong pa ng lalaki na abala sa sinusulat.

 

"Wala po pero gusto ko po sana siya makausap kahit saglit lang. Kung pu-pwede po sana na huwag muna po kayo mag umpisa. Bigyan nyo po ako ng isang buwang palugit. Hihintayin ko lang kaibigan ko para ipaalam sa kanya ang nangyayari dito." Paliwanag ni Melisa na animo' isang maliit na bata.

 

"Naku ma'am, medyo naka settled na kasi ito na gagawin, actually po nagpapagaling kasi sya sa America . Architect kasi kaibigan ko doon. Nilihim nya lang sakin ito na gawin ko na agad. Nililihim nya din kasi ito sa gf nyang hilaw na meron syang property. Ang kaso is nalaman ng babae kaya gusti niya  na siya ang humahawak nito. Pero hindi ko sa kanya pinagkatiwala. Nag bilin kasi sa akin ang kaibigan ko na huwag kong susundin ang mga utos ng Devina dahil may mas magandang plano ang kaibigan na ipapatayo dito." mahabang salaysay ng binata.

 

"Bali yung fiance ng kaibigan mo ang syang nag ma-manage nito?pwede ko po ba sya kausapin?" Pangungulit pa ni Melisa.

 

Bumuntong hininga muna ang lalaki bago sumagot. "Nope, ako po ang inatasang mag mamanage dito. Kaya wala syang habol sa property ng kaibigan ko. Kaso dahil may sakit pa sya ay hindi nya magawang umuwi dito. Pero bahala kadin miss kung pupunta ka mamaya dito.

 

"Sige po salamat." tanging tugon nito.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status