Share

Chapter 11

Nakaupo siya sa gilid ng malambot na kama.

Nakailang subo lang siya ng pagkain, hindi naman niya kasi matagalan na kumain kaharap ang taong kumidnap sa kanya. Kahit na sabihin pang masarap ang nakahaing pagkain.

Pinilit pa siya ni Drix na dagdagan ang kinain niya pero mariin siyang tumanggi. Ni hindi niya ito tinitignan. Kahit dama niya na nakamasid ito sa kanya.

Ayaw niyang makipagtitigan sa mga mata nito, ayaw niyang tignan ang mukha ng lalaki.

Dahil sa isang kadahilanan.

Ayaw niyang maakit dito, ayaw niyang makita ang maganda nitong itsura, dahil sa totoo lang ay naaakit siya sa nakikita niya. Kahit na puno ng galit ang puso niya para sa lalaki, ang isang bahagi ng utak niya ay nagsasabi na masarap itong pagmasdan. Pilit kasi sumisiksik sa kanyang gunita ang mga umaapoy na sandali ng muli niyang maranasan na angkinin siya ni Drix.

Hindi niya iyon ginusto, pero iba ang sinasabi ng katawan niya.

Nag-iiba tuloy ang kanyang pakiramdam. Kaya para maiwasan iyon, hindi na lamang niy
kiyomi the otor

enjoy reading.! Please support my as a writer, kindly #VOTE# for my novel.. Thank you.

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status