Share

Chapter 12

Tahimik na siyang nakahiga muli sa malambot na kama.

Basa pa ang kanyang buhok, dahil sa naligo nga siya. Nakakaramdam muli siya ng antok kahit ayaw niyang matulog, idagdag pa na nakakaramdam siya ng panghihina.

Naghilakbot siya kanina ng nakalapit na sa kanya si Drix, akala niya ay may masama itong gagawin sa kanya ulit, ayaw na ayaw na kasi niyang mauulit pa na may mangyayari sa kanilang dalawa, hindi tama at hindi dapat.

Pero nang maramdaman niyang walang plano ito na kung ano sa kanya, dahil hinimas nito ang kanyang likod na parang inaalo siya at puno ng pag-aalala ay nawala ang kanyang kaba.

Pero sobra ang naging pag-iyak na ginawa niya kanina sa harapan ni Drix. Talagang bumigay siya ng todo. Yung pakiramdam na ibinuhos niya ang buong damdamin niya sa pag-iyak, dala ng sama ng loob ng nangyayaring pagkakakulong niya doon.

Nadedepressed na yata siya dahil sa kasalukuyang niyang sitwasyon.

Nakita naman niya sa mga mata ni Drix na nakaramdam ito ng awa sa kanya kahit hindi nag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status