Share

Chapter 28

Binuksan niya ang email na dumating kaninang umaga. Ngayon niya palang matitingnan kasi may tinapos siyang mga papeles na nireview. Nang makita na photoshoot ang title ng document ay agad niya itong binuksan. Bumungad roon ang lahat ng kuha nilang dalawa ni Leilani noong nagdaang araw. Isa-isa niyang binuksan ang bawat larawan at pinag-aralan ang bawat detalye ng ekspresyon sa mukha ni Leilani. "Anggaling ng anggulo ninyo diyan." Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang may biglang bumulong sa kanyang likuran. Kung hindi lang ito nakailag agad ay siguradong sapul ito ng bolpen na awtomatikong naihagis niya rito. 

Kumulo bigla ang dugo niya nang makitang si Pierce iyon. Hindi niya pa rin makalimutan ang hiya na naramdaman dahil sa ginawa nitong pagbitag sa kanya. "Sino ang nagsabi sayo na pwede kang pumasok ng basta nalang sa opisina ko?" aniya rito. "Hindi ka ba nasabihan ng sekretarya ko na pinagbabawal kong pumasok ang mga babaero sa loob ng linggong ito?" Tila walang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status