13Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ko iyong sabihin lahat. Nakangiti ako at hindi na natanggal ang ngiti sa labi ko.Wala naman sigurong masama kung sabihin at aminin ko na medyo nagkakagusto na ako sa kanya hindi ba? Hindi ko alam kung paano, pero pakiramdam ko gusto ko na siya. O masyado bang mabilis na aminin ko iyon sa sarili ko at baka mali lang ako at wala lang akong mapagdiskitahan? Ewan ko.Binalik ko na ang phone ni Manang Kuring at saka bumalik agad sa kwarto ni Yrony. Napasinghan ako dahil amoy na amoy ko ang amoy niya sa bawat sulok ng kwarto niya, mas lalo ko tuloy siyang namiss."Baliw na ba ako?" Wala sa sariling sambit ko.Napatitig ako sa kisame. Kahit kailan, hindi pa ako nakaramdam ng ganito, pero hindi ako tanga at inosente para hindi maramdamang nagugustuhan ko siya. 'Yung pang-aasar ko sa kanya. 'Yung subrang gaan ng pakiramdam ko kapag nandyan siya at yung pakiramdam na parang ligtas ako kapag nandiyan siya. Hindi ko alam
14Yrony's POVWe both stared at the result of the two DNA test. I sighed and put the paper down after reading it and conforming to the result. I don't know what to feel. I would have been happy because, finally, we already saw the lost granddaughter of Don Alvarez, and we can now fulfill the promise that was made from our lolo, but instead of being happy, my chest feels heavy.Negative siya sa tumayong ama niya at positive naman siya sa DNA nila ni Don Alvarez. She is Affeya Alvarez."Positive. She is really the daughter of Tita Greta," Janica said softly katulad ko ay nagulat, pero napangiti rin kalaunan, hindi gaya ko na nanatiling seryoso."What's your plan now?" I glanced at dad when he asked me that, na para bang ako ang dapat na mag desisyon ngayon.Hindi agad ako nakapagsalita."We need to inform Zay about this, Kuya. She might be surprised by everything that will happen in her life because she is not just an ordinary girl now. She is the only heir of Don Alvarez," Janica said
15Pakiramdam ko wala akong karapatang magsalita nang malaman kong mama at papa pala iyon nila Yrony. Pwede kayang magkulong na lang ako sa kwarto? Pakiramdam ko kasi may kailangan silanh pag-usapan na hindi dapat ako kasali.Si Yrony at Denver ay kamukha ng papa nila, habang si Janica naman ay kuhang-kuha ang mama niya. Gwapo si Yrony at Denver, ilang beses ko na mga iyon nasabi, pero napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko mas gwapo anh papa nila.Hindi na ako magtataka ngayon kung gaano sila kagaganda at kagugwapong nilalang. Subrang ganda ni Janica, iyon pala ay subrang ganda ng mama niya, para lang silang magkapatid. Gagi? Ang ganda ng lahi nila. Magpalahi kaya ako kay Yrony? Nakagat ko ang labi at gusto na lang matawa sa naisip, pero shempre hindi ako tumawa! Baka mamaya sabihan nila akong baliw.Nagpakilala sila sa'kin habang nakangiti. Hindi ba nila alam na isa ako sa mga kidnapper ng anak nila at ngayon ay nakangiti sila? Tahimik na lang ako hanggang sa makapasok kami dah
16"Anong? Bakit? Teka," halos hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya napatayo na ako. Inulit kong binasa ang nakalagay sa papel na iyon, pero isang salita lang anh rumehistro sa isip ko.Negative. Natawa ako kasi baka naman prank lang naman 'to hindi ba? Peeo nang tinignan ko si Yrony sa harap ko na nananatili ang seryosong expression ay nalaglag ang balikat ko."Si papa, pinuntahan mo? Anong ginawa mo? May ginawa ka sa kanya? May ginawa ako sa sayo, pero huwag mo siyang idamay rito kasi wala naman siyang alam! At saka ano 'to? Bakit may DNA test? Sino ka ba talaga at anong kailangan mo sa'kin?" Tuloy-tuloy ang bawat pagtanong ko dahil talagang hindi ko na alam ang sagot kung bakit.Napatitig ako sa papel na hawak ko. Negative. Nanginginig na talaga at kulang na lang ay tuluyan ko iyong mabitawan. Hindi ko tunay na ama si Papa, pero bakit? Nag-init ang mata ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pero paanong hindi ko siya tunay na ama? At sino siya para gawin 'to,Para akon
17Okay. Binablackmail niya ako at alam niya na si Papa ang kahinaan ko. Sa ngayon medyo may tampo ako kay papa. Ampon niya lang pala ako, pero hindi man lang niya sinabi. Hindi ko kailanman iyon naisip dahil hindi niya pinaramdam na hindi niya ako anak.Nasa kwarto na ako ni Janica. Tulog na tulog na ito habang ako ay tahimik na umiiyak dahil sa pag-iisip ng lahat ng nalaman ko sa buhay ko. Napakaraming tanong na gusto kong itanong sa kanila, lalo na kay Papa.Iniisip ko na baka nagsisinungaling lang sila, pero tuwing iniisip ko kung ano naman mapapala nila sa pagsisinungaling ay napapahagulgol na lang kasi alam kong wala silang mapapala. Wala silang mapapala kung mantitrip lang sila.Mugto ang mata ko kinabukasan dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Pagbaba ko ay walang tao sa baba, pero naririnig ko ang boses nila sa labas. Dumeretso ako sa kusina, pero nagdalawang isip akong tumuloy nang makita ko si Yrony roon.Nakaharap ito sa laptop niya habang may kape sa gilid niya. Napasulya
18 "You know that I can open this damn door using a key, right? Damn it! Open this fucking door, Zay!" Rinig kong galit na sambit niya sa labas ng kwarto ni Janica habang hindi tumitigil sa pagkatok. Kanina pa siya katok ng katok at napasimangot na ako nang sabihin niya iyon. Oo! Alam ko, pero bahala ka sa buhay mo! Ilang beses pa siyang kumatok na para bang wala siyang kaguran. Napatakip ako sa tenga ko hanggang sa wala na akong marinig na katok. Napasulyap ako sa pinto at nakahinga na ng maluwag, pero napasinghab na lang nang kumatok ulit siya. "Ano ba! Sabing ayoko!" Bulyaw ko na. "Sa ayaw at sa gusto mo, mag tatrain ka! And what the fuck do you mean a while ago? Ihahain mo ang sarili mo? Fucking come out here and we'll talk about your damn behavior! Napupuno na ako sayo, Azaylie! Hindi na ako natutuwa!" Sunod-sunod na sambit nito habang patuloy pa rin sa kumakatok. As if naman nagpapatawa ako? Ano bang akala niya? Na nagpapatawa ako? Gwapo nga siya, pero wala siyang isip! Ba
19Seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Ilang araw na hindi niya ako pinilit sa sinasabi niyang traning. Ilang araw din siyang abala sa laptop niya at hindi ko maiwasang isipin na baka yung Venus na iyon ang pinag-aabalahan niya.Nailagay at tinukod ko ang palad ko sa pisngi ko habang nakatitig sa kanya. Nasa duyan ako habang nakatitig sa kanya. May hawak siyang baril at tinatamaan ang mga target na nilagay niya sa harap niya.Ang cool niyang tignan. Naka all black habang seryosong nakatitig sa target niya. Ang gwapo niyang tignan. Napailing ako sa sarili ko at sinubukang tanggalin ang tingin sa kanya, pero para bang may magnet siya sa mata ko kaya bumabalik ang tingin ko sa kanya.Lahat ng target ay halos natatamaan niya. Walang mintis sa subrang galing niya.Ilang araw kong pinag-isipan ang lahat ng sinabi niya, pero hindi ko pa rin talaga matanggap. Ayoko pa ring tanggapin kung sino talaga ako. Pakiramdam ko hinding-hindi ko iyon matatanggap dahil hindi naman ako napunta sa magulang
20"Okay. Hindi na 'yun tyamba," sambit nito na mas lalo kong ikinairita."Tyamba yun! Sinasabi mo lang yan kasi—""Then what do you want me to say? Kanina sinabi kong tyamba, naiinis ka, ngayon namang sinabi ko na na hindi iyon tyamba, naiinis ka pa rin?" Malumanay na tanong nito sa'kin habang mapungay ang matang nakatingin sa'kin."Dapat ang sinabi mo kanina noong nabaril ko yung target, ang galing galing mo, Zay, pero imbes na sabihin mo 'yun, sasabihin mo pa na tyamba lang 'yun!" Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero naiinis talaga ako!Nakagat nito ang labi at patuloy lang sa pagtitig sa'kin na para bang pinag-aaralan niya ang bawat parte ng mukha ko."Unang baril ko kaya yun! Sige nga, iharap mo nga sa'kin kung may taong unang baril pa lang nakatamaan na agad ang target! Iharap mo!" Bulyaw ko pa.Napansin ko ulit ang pagngiti niya kaya inis na siyang tinulak, pero hinawakan niya ang bewang ko at pinanatili sa harap niya. Galit ang titig ko sa kanya, pero nanatili ang