Share

13 - Kwarto

13

Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ko iyong sabihin lahat. Nakangiti ako at hindi na natanggal ang ngiti sa labi ko.

Wala naman sigurong masama kung sabihin at aminin ko na medyo nagkakagusto na ako sa kanya hindi ba? Hindi ko alam kung paano, pero pakiramdam ko gusto ko na siya. O masyado bang mabilis na aminin ko iyon sa sarili ko at baka mali lang ako at wala lang akong mapagdiskitahan? Ewan ko.

Binalik ko na ang phone ni Manang Kuring at saka bumalik agad sa kwarto ni Yrony. Napasinghan ako dahil amoy na amoy ko ang amoy niya sa bawat sulok ng kwarto niya, mas lalo ko tuloy siyang namiss.

"Baliw na ba ako?" Wala sa sariling sambit ko.

Napatitig ako sa kisame. Kahit kailan, hindi pa ako nakaramdam ng ganito, pero hindi ako tanga at inosente para hindi maramdamang nagugustuhan ko siya. 'Yung pang-aasar ko sa kanya. 'Yung subrang gaan ng pakiramdam ko kapag nandyan siya at yung pakiramdam na parang ligtas ako kapag nandiyan siya.

Hindi ko alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status