Share

Kabanata 11

Takot

Naglalakad na ako papasok ng restaurant at halos hindi nakawala sa paningin ko ang mapanuksong tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at dire-diretsong nagtungo sa locker room.

Hindi ko alam kung anong mayroon pero nagulat ako nang salubungin at mahina akong hinampas ni Kendra sa braso kaya bahagya pa akong napaigtad.

“Bakit?”

“Ikaw ha, hindi ka nagsasabi…” anito at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

Hinarangan ko ang kamay niya at nagsalubong ang kilay. Ilang araw nakasara ang restaurant tapos ganito ang bubungad.

Sinong hindi magtataka?

Ngumiti lalo nang mapanukso si Kendra bago nagsalita muli. “Kung hindi pa nag pa-party si Vincent hindi pa namin malalaman.”

Umiling ang ulo ko sa kaniya at tinalikuran na siya ngunit agad niya akong hinaranga ang dadaanan ko.

“Kendra-”

“Niligawan ka pala ni Vixon, pero dinedma mo lang…” sambit niya dahilan kaya ako’y napalik tingin sa kaniya.

Namilog sa gulat ang mga mata ko at hindi kaagad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status