Partager

KHMB Kabanata 11

Auteur: Mysaria
last update Date de publication: 2026-09-15 20:16:21

Isang buwan ang lumipas, sa loob ng isang marangyang cafe sa BGC, nakaupo si Sabrina kasama ang pinsan niyang si Leandro. Suot ni Sabrina ang isang komportableng oversized coat para itago ang mas kapansin-pansin nang umbok ng kanyang tiyan. Tatlong buwan na siyang buntis kaya nahahalata na ang umbok nito.

"The Alcantara Group officially filed for bankruptcy yesterday. Kinuha na ng bangko ang penthouse nila. Wala nang natira kay Thunder kundi ang utang na aabutin siya ng habambuhay bago mabayara
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 19

    Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 18

    Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 17

    Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 16

    Sa loob ng malawak at malamig na opisina ng CEO sa top floor ng De Leon Tower, tanging ang tunog ng paglipat ng mga pahina at ang mahinang pag-type sa keyboard ang maririnig.Alas-kwatro na ng hapon, kanina pa nakatutok si Sabrina sa tambak na financial reports niya. Nakasandal siya sa kanyang ergonomic leather chair, bahagyang nakangiwi habang pasimpleng hinihimas ang kanyang ibabang likod. Sa ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis, unti-unti na niyang nararamdaman ang bigat, ang pananakit ng balakang at ang pamamanas ng kanyang mga paa.Sa kabilang dulo ng kwarto, nakatayo si Thunder. Parang isang rebultong hindi napapagod, kanina pa ito nakabantay sa tabi ng pintuan ng office niya. Ngunit kahit mukha itong estatwa, walang minutong hindi nito pinagmamasdan ang bawat galaw ni Sabrina.Nang makita ni Thunder ang muling paglukot ng mukha ng asawa at ang paghimas nito sa balakang, hindi na ito nag-atubili. Tahimik itong naglakad papalapit sa glass desk. Itiniklop nito ang laptop ni Sa

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 15

    Lumipas ang isa pang buwan. Unti-unting nasanay si Sabrina sa bagong nakagawian nila. Tuwing gigising siya, may nakahandang masustansyang almusal sa lamesa, hindi na sunog kundi perpektong naluto ng isang lalaking puyat kakapanood ng cooking tutorials. Wala nang kumpanya si Thunder. Wala na ang mga mamahaling sasakyan nito. Ang natira na lang dito ay ang dedikasyon nitong pagsilbihan siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng malaking salamin ng kanyang walk-in closet, maingat na inaayos ang kanyang navy blue power suit. Halata na ang apat na buwang umbok ng kanyang tiyan, ngunit sa halip na itago, buong pagmamalaki niya itong idinadala. Siya ang CEO ng De Leon Investment Group at ngayon ang unang araw ng pormal niyang pagbabalik sa corporate world matapos ang matinding iskandalo ng Alcantara Group.Isang mahinang katok ang umalingawngaw, unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Thunder. Nakasuot ito ng isang simpleng puting button-down polo na nabili lang malamang sa isang departm

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 14

    Dalawang araw makalipas bumagsak ang lagnat ni Thunder, inaasahan ni Sabrina na aabutan niya itong nakahiga pa rin sa guest room ng rest house sa Nuvali. Ngunit pagbaba niya ng hagdan, isang hindi pamilyar na ingay mula sa kusina ang umagaw sa atensyon niya. Amoy ng sunog na bawang at mantika ang sumalubong sa kanya.Nang sumilip siya, nakita niya ang dating bilyonaryong CEO na nakasuot ng simpleng puting t-shirt at apron. Hawak nito ang isang spatula na parang espada, tila nakikipaglaban sa tumatalsik na mantika mula sa kawali. Puno ng uling at pawis ang mukha nito at halatang kanina pa ito nagkakandarapa sa pagluluto."Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sabrina, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napatalon sa gulat si Thunder. Agad nitong pinatay ang kalan at aligagang humarap sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata, sabay kamot sa batok nito."Good morning," malamig na bati ng bilyonaryo. "G-Gusto ko sanang ipagluto ka ng breakfast.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status