Share

KHMB: Kabanata 21

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-10-14 22:09:58

Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.

Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 21

    Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.Pero ang tunay na nagkakagulo ay hindi ang mga doktor, kundi ang lalaking halos magkandapatid-patid ang ugat sa leeg sa sobrang kaba. Nakahiga si Sabrina sa delivery bed, putlang-putla at pawis na pawis habang nararamdaman ang sunud-sunod na paghilab ng kanyang tiyan. Sa tabi niya, nakatayo si Thunder na mas mukha pang pasyente kaysa sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ng dating bilyonaryo. Hawak nito ang kamay ni Sabrina nang mahigpit, ngunit maingat na maingat para hindi ito masaktan."D

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 20

    Lumipas ang limang buwan, ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay ay nagbabadya ng paparating na Pasko, ngunit sa loob ng mansyon ng mga De Leon, iba ang init at tensyon na nararamdaman ng lahat.Nasa ika-tatlumpu’t walong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Sabrina. Ang kanyang tiyan ay bilog na bilog at mabigat dahilan upang halos hindi na siya makapaglakad nang mabilis. Subalit, kung mayroon mang mas nahihirapan sa sitwasyon, iyon ay walang iba kundi si Thunder. Ang dating walang-pusong bilyonaryo ay naging isang praning, over-protective at OA na asawa. Sampung beses yata nitong nire-repack ang hospital bag ni Sabrina araw-araw at halos hindi na ito pumapasok sa trabaho para lang mabantayan ang bawat pag-ikot ng asawa sa kama.Isang hapon, habang nakaupo si Sabrina sa terrace at umiinom ng paborito niyang chamomile tea, may tatlong itim na sasakyan ang pumasok sa malawak na driveway ng mansyon.Kumunot ang noo ni Sabrina nang makitang bumaba mula roon si Mr. Sy, kasama ang dalaw

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 19

    Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 18

    Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 17

    Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 16

    Sa loob ng malawak at malamig na opisina ng CEO sa top floor ng De Leon Tower, tanging ang tunog ng paglipat ng mga pahina at ang mahinang pag-type sa keyboard ang maririnig.Alas-kwatro na ng hapon, kanina pa nakatutok si Sabrina sa tambak na financial reports niya. Nakasandal siya sa kanyang ergonomic leather chair, bahagyang nakangiwi habang pasimpleng hinihimas ang kanyang ibabang likod. Sa ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis, unti-unti na niyang nararamdaman ang bigat, ang pananakit ng balakang at ang pamamanas ng kanyang mga paa.Sa kabilang dulo ng kwarto, nakatayo si Thunder. Parang isang rebultong hindi napapagod, kanina pa ito nakabantay sa tabi ng pintuan ng office niya. Ngunit kahit mukha itong estatwa, walang minutong hindi nito pinagmamasdan ang bawat galaw ni Sabrina.Nang makita ni Thunder ang muling paglukot ng mukha ng asawa at ang paghimas nito sa balakang, hindi na ito nag-atubili. Tahimik itong naglakad papalapit sa glass desk. Itiniklop nito ang laptop ni Sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status