Share

KHMB 12

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-09-15 20:29:25

Isang linggo ang lumipas mula nang nangyari ang pagluhod at pagmakaawa ni Thunder sa harap ni Sabrina. Sa loob ng pitong araw na iyon, walang narinig si Sabrina mula sa dating asawa. Inakala niyang sumuko na ito, na ang yaman at pride pa rin ng isang Alcantara ang mananaig sa huli ngunit nagkamali siya.

Pabagsak na inilapag ni Leandro ang isang makapal na brown envelope sa ibabaw ng glass desk ni Sabrina sa loob ng De Leon tower. "Tingnan mo 'yan, Sab. The arrogant king has officially dethroned
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
more please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 15

    Lumipas ang isa pang buwan. Unti-unting nasanay si Sabrina sa bagong nakagawian nila. Tuwing gigising siya, may nakahandang masustansyang almusal sa lamesa, hindi na sunog kundi perpektong naluto ng isang lalaking puyat kakapanood ng cooking tutorials. Wala nang kumpanya si Thunder. Wala na ang mga mamahaling sasakyan nito. Ang natira na lang dito ay ang dedikasyon nitong pagsilbihan siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng malaking salamin ng kanyang walk-in closet, maingat na inaayos ang kanyang navy blue power suit. Halata na ang apat na buwang umbok ng kanyang tiyan, ngunit sa halip na itago, buong pagmamalaki niya itong idinadala. Siya ang CEO ng De Leon Investment Group at ngayon ang unang araw ng pormal niyang pagbabalik sa corporate world matapos ang matinding iskandalo ng Alcantara Group.Isang mahinang katok ang umalingawngaw, unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Thunder. Nakasuot ito ng isang simpleng puting button-down polo na nabili lang malamang sa isang departm

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 14

    Dalawang araw makalipas bumagsak ang lagnat ni Thunder, inaasahan ni Sabrina na aabutan niya itong nakahiga pa rin sa guest room ng rest house sa Nuvali. Ngunit pagbaba niya ng hagdan, isang hindi pamilyar na ingay mula sa kusina ang umagaw sa atensyon niya. Amoy ng sunog na bawang at mantika ang sumalubong sa kanya.Nang sumilip siya, nakita niya ang dating bilyonaryong CEO na nakasuot ng simpleng puting t-shirt at apron. Hawak nito ang isang spatula na parang espada, tila nakikipaglaban sa tumatalsik na mantika mula sa kawali. Puno ng uling at pawis ang mukha nito at halatang kanina pa ito nagkakandarapa sa pagluluto."Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sabrina, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napatalon sa gulat si Thunder. Agad nitong pinatay ang kalan at aligagang humarap sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata, sabay kamot sa batok nito."Good morning," malamig na bati ng bilyonaryo. "G-Gusto ko sanang ipagluto ka ng breakfast.

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 13

    Hindi naging madali ang pag-uwi. Kinailangan pang buhatin ng dalawang bodyguard ni Sabrina ang nawalan ng malay na si Thunder papasok sa likod ng SUV. Dahil sa magkakasunod na araw ng pagpapagod sa construction site, kakulangan sa tulog at ang huling buhos ng malakas na ulan, tuluyang bumigay ang katawan ng dating bilyonaryo.Sa buong byahe pabalik sa isang pribadong rest house ng mga De Leon sa Nuvali, walang ibang ginawa si Sabrina kundi titigan ang mukha ni Thunder. Ang lalaking dati ay hindi makikitaan ng kahit anong dumi sa katawan, ngayon ay puro galos, nakasuot ng manipis at butas-butas na t-shirt at amoy araw pa. Para itong isang tambay na napulot lang sa gilid ng kalsada at malayo sa kinatatakutang CEO na nakilala ng buong Maynila.Ngunit habang nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat, naramdaman ni Sabrina ang isang kakaibang kapayapaan. Wala na siyang galit na nararamdaman, o kung meron hindi na kagaya ng dati. Yung pader na binuo niya sa pagitan nila ng lalaki ay tuluya

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB 12

    Isang linggo ang lumipas mula nang nangyari ang pagluhod at pagmakaawa ni Thunder sa harap ni Sabrina. Sa loob ng pitong araw na iyon, walang narinig si Sabrina mula sa dating asawa. Inakala niyang sumuko na ito, na ang yaman at pride pa rin ng isang Alcantara ang mananaig sa huli ngunit nagkamali siya.Pabagsak na inilapag ni Leandro ang isang makapal na brown envelope sa ibabaw ng glass desk ni Sabrina sa loob ng De Leon tower. "Tingnan mo 'yan, Sab. The arrogant king has officially dethroned himself."Kunot-noong kinuha ni Sabrina ang envelope at inilabas ang mga litrato. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Sa mga larawan, makikita ang isang lalaking hindi lumalabas ng bahay nang walang suot na mamahaling Armani suit at Rolex watch. Ngunit ngayon, nakasuot ito ng kupas na t-shirt, butas na maong at maduming bota.Nasa isa sa mga construction site ito ng De Leon Real Estate sa Laguna. Nagbubuhat ng semento. Naghahalo ng graba sa ilalim ng tirik na araw. Kung kaya’t ang dating mak

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 11

    Isang buwan ang lumipas, sa loob ng isang marangyang cafe sa BGC, nakaupo si Sabrina kasama ang pinsan niyang si Leandro. Suot ni Sabrina ang isang komportableng oversized coat para itago ang mas kapansin-pansin nang umbok ng kanyang tiyan. Tatlong buwan na siyang buntis kaya nahahalata na ang umbok nito."The Alcantara Group officially filed for bankruptcy yesterday. Kinuha na ng bangko ang penthouse nila. Wala nang natira kay Thunder kundi ang utang na aabutin siya ng habambuhay bago mabayaran."Hindi nag-react si Sabrina. Tahimik siyang humigop ng chamomile tea. "At ang balita ko, nilayasan na rin siya ni Alexa matapos itong magising at maka-recover," dagdag ni Leandro habang nakangisi pa. "Nang malamang walang-wala na si Thunder, nakipag balikan daw doon sa bilyonaryong Pranses na asawa nito sa Paris. Ginamit lang pala si Thunder para pagselosin ang asawa niya.""Karma is a swift and brutal bitch," malamig na komento ni Sabrina."You did well, Sab," nakangiting sabi ni Leandro hab

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 10

    Dalawampung minuto ang lumipas, bumukas ang double doors ng VIP hallway. Tila huminto ang paghinga ni Thunder nang makita ang babaeng naglalakad palapit. Nakasuot si Sabrina ng isang malinis at puting lab coat na pumatong sa eleganteng itim na turtleneck dress. Kasunod niya ang ilang nars at espesyalista na nakayuko at nagbibigay-pugay sa bawat daanan niya. Ang kanyang mukha ay seryoso, malamig at walang kahit anong bakas ng emosyon.Ito ang asawa niya, isang henyong doktor at isang tagapagmana. Nang magtama ang mga mata nila, nakita ni Thunder ang pandidiri sa mga mata ni Sabrina."Anong ginagawa ng lalaking 'to sa ospital ko?" malamig na tanong ni Sabrina sa head doctor, ni hindi man lang binanggit ang pangalan ni Thunder."Dra. De Leon, siya po ang nagdala sa pasyenteng may ruptured aneurysm sa ER. Kayo lang po ang makakagawa ng surgery eh."Tiningnan ni Sabrina ang chart ng pasyente. Nang makita ang pangalang Alexa, isang mapait at malamig na ngiti ang sumilay sa labi niya. Tuming

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status