Share

KHMB: Kabanata 23

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-11-12 00:29:19

Payapa ang Sabado ng umaga sa loob ng mansyon ng mga De Leon. Sa malawak na hardin, nakaupo si Sabrina sa isang rattan swing chair habang nagbabasa ng libro, ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay. Sa 'di kalayuan, pinapanood niya si Thunder na nakikipaglaro kay Baby Lucas sa ibabaw ng picnic mat.

Naka-sando lang si Thunder at gym shorts, pawisan dahil sa pagpapasirko-sirko sa anak nila na tawa nang tawa. Wala na talaga itong bahid ng kinatatakutan at malupit na bilyonaryo ng May
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 24

    Lumipas ang ilang buwan, at unti-unting naging normal ang bawat araw sa mansyon ng mga De Leon sa Tagaytay. Si Baby Lucas ay lumalaking malusog at makulit, may namamana itong malalim na biloy sa pisngi mula kay Thunder at ang matatalim na mga mata ni Sabrina. Wala na ang mga anino ng nakaraan, ang natira na lang ay ang init ng isang pamilyang binuo ng pagpapatawad at sakripisyo.Isang hapon, habang abala si Thunder sa pag-aayos ng mga laruan ni Lucas sa sala, naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na glass doors ng balkonahe. Pumasok si Sabrina, suot ang isang simpleng beige linen dress habang may dalang dalawang tasa ng mainit na kape.Inilapag niya ang isa sa coffee table at naupo sa tabi ni Thunder. Kinuha ni Thunder ang tasa at pilit na isiniksik ang sarili sa tabi ng asawa, kahit kasya naman ang malaking sofa para sa kanilang dalawa. Sanay na si Sabrina sa pagiging clingy ng dating bilyonaryo. Parang asong ayaw maalis sa tabi ng amo nito at takot na baka maw

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 23

    Payapa ang Sabado ng umaga sa loob ng mansyon ng mga De Leon. Sa malawak na hardin, nakaupo si Sabrina sa isang rattan swing chair habang nagbabasa ng libro, ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay. Sa 'di kalayuan, pinapanood niya si Thunder na nakikipaglaro kay Baby Lucas sa ibabaw ng picnic mat.Naka-sando lang si Thunder at gym shorts, pawisan dahil sa pagpapasirko-sirko sa anak nila na tawa nang tawa. Wala na talaga itong bahid ng kinatatakutan at malupit na bilyonaryo ng Maynila. Ang nakikita na lang ni Sabrina ay isang amang handang maging payaso mapasaya lang ang kanyang pamilya.Isang mainit na ngiti ang sumilay sa labi ni Sabrina. Masasabi niyang perpekto na ang lahat. Naghilom na ang mga sugat ngunit sa mundo ng negosyo, ang nakaraan ay may ugaling kumatok kapag hindi mo inaasahan.Nabasag ang kapayapaan nang may isang pamilyar na itim na Mercedes Benz ang huminto sa driveway.Kumunot ang noo ni Sabrina. Bumaba mula sa sasakyan si Atty. Ramirez—ang dating head

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 22

    Binalot ng katahimikan ang buong mansyon ng mga De Leon, maliban sa isang pamilyar at mahinang pag-hele na nagmumula sa nursery room.Nakasandal si Sabrina sa hamba ng pinto, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang eksenang nasa loob. Sa ilalim ng dim light, nakatayo si Thunder. Suot nito ang isang kupas na puting t-shirt at lumang pajama. isang sitwasyon na napakalayo sa bilyonaryong CEO na nakilala ng buong bansa. At mas malapit sa isang simpleng tambay na nagpupuyat magdamag. Basang-basa ng pawis ang likod nito habang banayad na idinuduyan ang limang-buwang gulang nilang anak na si Baby Lucas. Sa balikat ni Thunder, may nakasampay na lampin at may mantsa pa. "Sshh, tulog na ang boss ko," malambing na bulong ni Thunder, "Puyat na puyat na si Daddy, anak. Baka naman pwedeng bukas na tayo magkwentuhan?"Hindi napigilan ni Sabrina ang mapangiti. Ang lalaking dati ay nagwawala kapag may na-late na report ng limang minuto, ngayon ay nagmamakaawa sa isang sanggol na matulog na. Unti-unt

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 21

    Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.Pero ang tunay na nagkakagulo ay hindi ang mga doktor, kundi ang lalaking halos magkandapatid-patid ang ugat sa leeg sa sobrang kaba. Nakahiga si Sabrina sa delivery bed, putlang-putla at pawis na pawis habang nararamdaman ang sunud-sunod na paghilab ng kanyang tiyan. Sa tabi niya, nakatayo si Thunder na mas mukha pang pasyente kaysa sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ng dating bilyonaryo. Hawak nito ang kamay ni Sabrina nang mahigpit, ngunit maingat na maingat para hindi ito masaktan."D

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 20

    Lumipas ang limang buwan, ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay ay nagbabadya ng paparating na Pasko, ngunit sa loob ng mansyon ng mga De Leon, iba ang init at tensyon na nararamdaman ng lahat.Nasa ika-tatlumpu’t walong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Sabrina. Ang kanyang tiyan ay bilog na bilog at mabigat dahilan upang halos hindi na siya makapaglakad nang mabilis. Subalit, kung mayroon mang mas nahihirapan sa sitwasyon, iyon ay walang iba kundi si Thunder. Ang dating walang-pusong bilyonaryo ay naging isang praning, over-protective at OA na asawa. Sampung beses yata nitong nire-repack ang hospital bag ni Sabrina araw-araw at halos hindi na ito pumapasok sa trabaho para lang mabantayan ang bawat pag-ikot ng asawa sa kama.Isang hapon, habang nakaupo si Sabrina sa terrace at umiinom ng paborito niyang chamomile tea, may tatlong itim na sasakyan ang pumasok sa malawak na driveway ng mansyon.Kumunot ang noo ni Sabrina nang makitang bumaba mula roon si Mr. Sy, kasama ang dalaw

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 19

    Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status