Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Thunder.Luluhod? Siya, si Thunder Alcantara, ang kinatatakutang CEO ng Maynila, luluhod sa babaeng itinuring niyang palamuti lang sa bahay sa loob ng ilang taon?"Sabrina, let’s not do this here," pakiusap ni Thunder. Pilit niyang inaabot ang kamay ni Sabrina, ngunit bago pa man niya ito mahawakan, isang matipunong braso ang humarang sa kanya.Walang iba si Marco. Madilim ang anyo nito, parang isang leong handang kumitil ng buhay anumang oras. "Hawakan mo siya, Alcantara at sisiguraduhin kong putol 'yang kamay mo bago ka makalabas ng hotel na 'to."Agad na natakot si Thunder at tuluyang napaatras. Sa tabi niya, hindi na nakapagpigil si Alexa. Ang kaba nito kanina ay napalitan ng desperasyon at pamumula sa hiya. Kung totoong De Leon si Sabrina, paano na siya? Paano ang pangarap niyang maging reyna ng high society?"This is a scam!" matinis na sigaw ni Alexa habang dinuro-duro niya si Sabrina na tila nawawala sa sarili. "Hindi totoo 'yan! Kilala k
Last Updated : 2026-09-11 Read more