LOGINDalawang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyang maglaho si Sabrina na parang bula.
Sa loob ng panahong iyon, unti-unting naramdaman ni Thunder ang bigat ng kawalan nito, hindi lang sa kumpanya, kundi maging sa mismong bahay na tinawag nilang tahanan.
Alas-tres ng madaling araw, nakatayo si Thunder sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanyang penthouse habang hawak ang isang baso ng whiskey. Madilim na ang buong kwarto. Wala na ang mainit na ilaw na laging sumasalubong sa kanya tuwing umuuwi siya ng gabi. Wala na ang amoy ng bagong lutong hapunan at wala na rin ang babaeng tahimik na naghihintay sa sofa pero nakangiti kahit pagod na.
Sa halip, ang bumabalot sa buong penthouse ay ang masangsang at matapang na amoy ng mamahaling pabango ni Alexa.
“Thunder, babe, why are you still awake?”
Napapikit nang mariin si Thunder nang marinig ang boses ni Alexa mula sa p***o ng kwarto. Nakasuot ito ng manipis na silk robe, pupungas-pungas pero halatang iritado.
"I'm just thinking about the company, Alexa. Go back to sleep," malamig na sagot niya nang hindi ito nililingon.
Lumapit si Alexa at yumakap sa likod niya. "Don't stress yourself too much. Aayusin natin 'yan. Tsaka, I was thinking, pwede ba nating ipa-renovate itong penthouse? The minimalist style is so boring. Kamukha ng dating opisina ni Sabrina. It feels cheap."
Kumuyom ang panga ni Thunder. Ibinaba niya ang baso ng whiskey sa ibabaw ng mesa nang padabog dahilan para mapatalon sa gulat si Alexa.
"Cheap?" lumingon si Thunder at matalim na tinitigan ang dalaga. "The interior of this house was designed by a world-renowned architect na kaibigan pa ng Lolo ko. Walang babaguhin dito, Alexa. And for once, stop complaining about everything."
Namula si Alexa at nagsimulang mangilid ang luha. "B-Bakit ka nagagalit? I just wanted to make this place ours. Bakit ba ang init ng ulo mo simula nang umalis ang babaeng 'yon?!"
Imbes na sumagot, tinalikuran ni Thunder ang dalaga, kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng penthouse. Hindi niya masikmura ang presensya nito ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit ang babaeng pinangarap niya nang ilang taon ay tila nagiging isang malaking tinik sa lalamunan niya araw-araw.
Kinabukasan, sa loob ng Alcantara Group CEO's office. Isang makapal na folder ang ibinato ni Thunder sa pader. Nagkalat ang mga litrato at dokumento sa sahig. Nakatayo sa harapan niya ang pinakamagaling na private investigator sa buong bansa, namumutla at pinagpapawisan.
"Binabayaran kita ng milyun-milyon, tapos sasabihin mo sa akin na wala kang mahanap?!" asik ni Thunder habang nag-uumapaw ang galit sa dibdib. "Paano mawawala ang isang tao sa Pilipinas nang walang kahit anong trace?! Wala siyang passport records, walang credit card transactions at ni walang CCTV footage! Ano siya, multo?!"
Napalunok ang investigator. "S-Sir Thunder, ginamit ko na po ang lahat ng koneksyon natin sa NBI at sa immigration. Pero parang may isang napakalaking pwersa ang nagbura sa pagkatao ni Mrs. Alcantara. H-Hindi lang po siya basta nagtago. Ang mga files niya, naka-lock sa isang security clearance na ginagamit lang ng mga top-tier billionaire families sa Asya. Kapag pinilit ko pong buksan, baka pamilya niyo po ang balikan."
Natigilan si Thunder, parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sandaling iyon.
“Top-tier billionaire families?” Si Sabrina? Ang babaeng nagtitimpla ng kape niya, ang babaeng walang arte sa katawan at ang babaeng itinuring niyang isang simpleng ulila?
"Get out," mahinang utos ni Thunder habang hawak ang sentido.
Nang makalabas ang investigator, napasandal si Thunder sa swivel chair niya. Ang mga mata niya ay napadako muli sa Petition for Annulment na hindi pa rin niya naipapasa sa korte.
“Sino ka ba talaga, Sabrina? At bakit pakiramdam ko, hindi ikaw ang nawalan, kundi ako?” bulong pa niya.
Samantala, sa isang eksklusibong presidential suite sa BGC. Malayo sa tahimik at simpleng asawang nakilala ni Thunder, isang panibagong Sabrina ang nakaharap sa malaking salamin. Wala na ang mga boring na corporate slacks at maluluwag na blouse na palagi niyang suot.
Nakatayo siya roon, suot ang isang eleganteng emerald green silk dress na perpektong humuhulma sa katawan niya, bagama't maingat na itinatago ang bahagyang umbok ng dalawang-buwang tiyan niya. Ang buhok niyang dati'y nakatali lang lagi ay ngayon ay naka-style na’t wavy pa. May suot siyang diamond necklace na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso.
Siya na ngayon si Sabrina Isabel De Leon. Ang prinsesa ng pamilyang De Leon. Bumukas ang p***o at pumasok si Kuya Leandro. Suot nito ang paborito nitong Tom Ford suit at may hawak na isang manipis na tablet. Nang makita ang kapatid, isang mainit na ngiti ang sumilay sa labi ng kinatatakutang bilyonaryo.
"There's my beautiful sister," lumapit si Leandro at humalik sa noo ni Sabrina. "Are you ready? Ang dami nang nag-aabang sa pagbabalik ng nag-iisang prinsesa ni Lolo Fernando."
Ngumiti si Sabrina at marahang hinaplos ang tiyan niya. "Ready na, Kuya. Para sa baby ko, handa na akong bawiin ang mundo ko."
Inilahad ni Leandro ang tablet sa harap niya. Sa screen, makikita ang patuloy na pagbagsak ng stock market graph ng Alcantara Group at pulang-pula ang mga numero nito.
"Dalawang linggo pa lang simula nang iwan mo sila, nagkakagulo na ang kumpanya niya," natatawang kwento ni Leandro. "Lahat ng malalaking investors, lalo na si Mr. Sy, nag-pull out na dahil sa katangahan ng bago niyang Marketing Director. Ngayon, nagkukumahog si Thunder na maghanap ng bagong funder para hindi tuluyang ma-bankrupt ang real estate project nila."
Tinaasan ng kilay ni Sabrina ang graph. Isang malamig at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "At hulaan ko, ang De Leon Investment Group ang huling baraha niya?"
"Bingo," nakangising sagot ni Leandro. "Kanina pa nagmamakaawa ang secretary niya sa opisina natin para mabigyan sila ng appointment sa CEO natin. Hindi niya alam, ang CEO na pilit niyang pinapa-schedule-an ng meeting ay ang asawang pinalayas niya."
Tumingin si Sabrina sa labas ng bintana, tanaw ang matataas na gusali ng Maynila. Ang dating nararamdaman niyang pagmamahal sa lalaking yun ay tila ba naglaho na. Naalala niya ang mga huling salita ni Thunder sa kanya noon, kung paano nito sinabing papatayin nito ang sarili nitong anak. Hinding-hindi niya iyon mapapatawad.
"Wag mong ibigay agad ang appointment, Kuya," malamig na utos ni Sabrina, "Let him bleed a little more. Hayaan mong unti-unting mawasak ang pride niya. Kapag walang-wala na siya, tsaka natin siya haharapin."
Tumango si Leandro at mukhang bilib na bilib sa tapang ng kapatid. "Copy that, Madam CEO."
Sabrina touched her diamond necklace. The game has just changed. Thunder Alcantara wanted a war when he broke her heart. Now, she’s going to give him an empire's wrath.
"Matitikman mo rin ang impyerno, Thunder. At sisiguraduhin kong luluhod at luluha ka sa harapan ko," bulong ni Sabrina sa sarili.
Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant
Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam
Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet
Sa loob ng malawak at malamig na opisina ng CEO sa top floor ng De Leon Tower, tanging ang tunog ng paglipat ng mga pahina at ang mahinang pag-type sa keyboard ang maririnig.Alas-kwatro na ng hapon, kanina pa nakatutok si Sabrina sa tambak na financial reports niya. Nakasandal siya sa kanyang ergonomic leather chair, bahagyang nakangiwi habang pasimpleng hinihimas ang kanyang ibabang likod. Sa ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis, unti-unti na niyang nararamdaman ang bigat, ang pananakit ng balakang at ang pamamanas ng kanyang mga paa.Sa kabilang dulo ng kwarto, nakatayo si Thunder. Parang isang rebultong hindi napapagod, kanina pa ito nakabantay sa tabi ng pintuan ng office niya. Ngunit kahit mukha itong estatwa, walang minutong hindi nito pinagmamasdan ang bawat galaw ni Sabrina.Nang makita ni Thunder ang muling paglukot ng mukha ng asawa at ang paghimas nito sa balakang, hindi na ito nag-atubili. Tahimik itong naglakad papalapit sa glass desk. Itiniklop nito ang laptop ni Sa
Lumipas ang isa pang buwan. Unti-unting nasanay si Sabrina sa bagong nakagawian nila. Tuwing gigising siya, may nakahandang masustansyang almusal sa lamesa, hindi na sunog kundi perpektong naluto ng isang lalaking puyat kakapanood ng cooking tutorials. Wala nang kumpanya si Thunder. Wala na ang mga mamahaling sasakyan nito. Ang natira na lang dito ay ang dedikasyon nitong pagsilbihan siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng malaking salamin ng kanyang walk-in closet, maingat na inaayos ang kanyang navy blue power suit. Halata na ang apat na buwang umbok ng kanyang tiyan, ngunit sa halip na itago, buong pagmamalaki niya itong idinadala. Siya ang CEO ng De Leon Investment Group at ngayon ang unang araw ng pormal niyang pagbabalik sa corporate world matapos ang matinding iskandalo ng Alcantara Group.Isang mahinang katok ang umalingawngaw, unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Thunder. Nakasuot ito ng isang simpleng puting button-down polo na nabili lang malamang sa isang departm
Dalawang araw makalipas bumagsak ang lagnat ni Thunder, inaasahan ni Sabrina na aabutan niya itong nakahiga pa rin sa guest room ng rest house sa Nuvali. Ngunit pagbaba niya ng hagdan, isang hindi pamilyar na ingay mula sa kusina ang umagaw sa atensyon niya. Amoy ng sunog na bawang at mantika ang sumalubong sa kanya.Nang sumilip siya, nakita niya ang dating bilyonaryong CEO na nakasuot ng simpleng puting t-shirt at apron. Hawak nito ang isang spatula na parang espada, tila nakikipaglaban sa tumatalsik na mantika mula sa kawali. Puno ng uling at pawis ang mukha nito at halatang kanina pa ito nagkakandarapa sa pagluluto."Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sabrina, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napatalon sa gulat si Thunder. Agad nitong pinatay ang kalan at aligagang humarap sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata, sabay kamot sa batok nito."Good morning," malamig na bati ng bilyonaryo. "G-Gusto ko sanang ipagluto ka ng breakfast.







