Share

KHMB: Kabanata 5

Penulis: Mysaria
last update Tanggal publikasi: 2026-08-27 22:07:12

Dumating ang lunes ng umaga, para kay Thunder ito na sana ang simula ng perpektong linggo niya. Wala na ang babaeng pilit na ipinakasal sa kanya at sa wakas ay nasa tabi na niya ang babaeng totoong nagmamay-ari ng puso niya. Ngunit pagkapasok pa lang niya sa kanyang opisina, ramdam niya na para bang may mali. 

Wala ang paborito niyang kape sa ibabaw ng mesa. Ang mga dokumentong kadalasang naka-arrange by priority na may kasamang maliliit na sticky notes ay nakatambak lang na parang basura.

Agad niyang pinindot ang intercom. "Anton, nasaan ang kape ko?"

"S-Sir," nauutal na sagot ng assistant niya. "Tinitimpla ko na po. Pero hindi ko po makuha 'yung saktong timpla ni Ma'am Sabrina. Siya po kasi talaga ang personal na nagtitimpla niyan para sa inyo tuwing umaga."

Kumunot ang noo ni Thunder. "It's just coffee, Anton. Wala na si Sabrina rito kaya matuto kang gumawa ng sarili mong trabaho."

Pinatay niya ang intercom at padabog na umupo. Pilit niyang iwinawaksi ang iritasyon.

“Coffee. Right. Hindi siya kawalan dahil lang sa kape.”

Ilang minuto ang lumipas, pumasok si Alexa. Suot nito ang isang fitted na designer dress na mas angkop sa isang red-carpet event kaysa sa isang corporate setting. May dala itong kape mula sa isang sikat na café.

"Good morning, babe," malambing nitong bati bago humalik sa pisngi niya. "I brought you coffee. And guess what? I already reviewed the marketing plan for the Sy-Montecillo account. We're ready for the board meeting."

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Thunder. "Good. Let's go."

Ngunit ang inaasahan niyang maayos na meeting ay naging isang malaking sakuna.

Sa loob ng boardroom, nakatayo si Alexa sa harap ng projector, nakangiti nang pagkatamis-tamis. "So, for the real estate project, I suggest we hire top influencers from Paris to promote the luxury condos. We should focus on aesthetics, high-fashion campaigns and less on the technical structural benefits. People want beauty, not boring blueprints."

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Ang mga board members ay nagkatinginan at halatang dismayado.

Hindi nakapagpigil si Agnes, ang dating assistant ni Sabrina. "Miss Alexa, with all due respect, the Sy-Montecillo account is an eco-friendly structural project targeting traditional investors. Hindi po uubra ang high-fashion concept diyan. Ang strategy ni Ma'am Sabrina d'yan ay i-highlight ang sustainability at ROI ng mga investors over a 10-year period. Kung influencers ang gagamitin natin, pagtatawanan tayo ng mga kliyente natin mamayang hapon."

Namula si Alexa nang marinig ang sinabi ng dalaga.  Agad itong tumingin kay Thunder na para bang isang batang napahiya. "Thunder, she's insulting my ideas in front of everyone."

Nag-init ang ulo ni Thunder. Tiningnan niya ng matalim si Agnes. "Agnes, please sit down. Alexa is the new Marketing Director here. Kung ano ang gusto niyang mangyari, 'yun ang susundin ninyo. And stop bringing up Sabrina's outdated strategies!"

Umigting ang panga ni Agnes at padabog na umupo dahil sa inis. "Yes, Sir. But don't say I didn't warn you."

Pagdating ng hapon, nangyari ang kinatatakutan ni Agnes. Ang CEO ng Sy-Montecillo Group ay hindi man lang tinapos ang presentation ni Alexa.

"Is this a joke, Thunder?" malamig na tanong ni Mr. Sy, ang pinakamalaking investor ng Alcantara Group. "Nasaan si Sabrina? We agreed to sign because of her comprehensive market analysis. Ano 'tong pinapakita niyo sa akin? Fashion magazine?"

"Mr. Sy, Sabrina is no longer with the company. Alexa here has fresh, innovative ideas—"

"I don't care about fresh ideas if it doesn't make sense!" putol ng matanda, bago tumayo at inayos ang coat nito. "Tell Sabrina that until she's the one handling my account, this deal is completely off."

Paglabas ng kliyente, naiwan si Thunder na nakakuyom ang mga kamao. Umiiyak na nakahawak si Alexa sa braso niya. "I'm sorry, Thunder. I thought they would like it."

"It's fine, Alexa. It's not your fault."

Pero habang tinitingnan niya ang umiiyak na si Alexa, may isang katanungan ang bumabagabag sa isip niya. “Bakit pakiramdam ko, unti-unting gumuho ang kumpanya ko nang umalis si Sabrina?”

Samantala, sa VIP Wing ng De Leon Medical Center sa Tagaytay. Parang nasa loob ng isang royal suite si Sabrina. Ang hospital bed ay gawa sa memory foam, ang mga kumot ay gawa sa pure silk at may tatlong nurse na nakatayo sa gilid, handang pagsilbihan siya anumang oras.

Nakaupo siya sa kama habang maingat na ipinapahid ni Dr. Valderama, ang pinakamagaling na OB-GYN sa buong bansa ang malamig na gel sa kanyang sinapupunan.

Sa paligid niya ay parang mga nakabantay na gwardiya ang kanyang pamilya. Nakaupo si Lolo Fernando sa isang mamahaling silya, mariing nakahawak sa kanyang tungkod, habang sina Kuya Marco at Kuya Leandro ay nakasandal sa pader, parehong seryoso at pinagpapawisan sa kaba.

"Doktora, bakit niyo dinidiin nang ganyan ang tool sa tiyan ng apo ko? Baka masaktan ang bata!" bulyaw ni Don Fernando.

Napangiti ang doktora. "Don Fernando, kailangan po ito para mas malinaw nating makita ang baby sa monitor. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ito masakit."

"Make sure it doesn't hurt her or I'll buy this entire hospital and fire everyone," seryosong banta ni Leandro.

Natawa si Sabrina, isang tunay at masiglang tawa na limang taon nang hindi naririnig ng pamilya niya. "Kuya, atin na itong ospital. Wag kang masyadong OA."

"We just want you safe, Princess," nakangiting sagot ni Marco pero nakabantay pa rin ang mga mata sa screen.

Maya-maya pa, may isang mabilis na tunog ang umalingawngaw sa buong kwarto. Biglang natahimik ang lahat. Nawala ang pagka seryoso nina Marco at Leandro. Ang mga mata ni Don Fernando, na kilalang walang inuurungan sa negosyo ay biglang nangilid ang luha.

"That's the heartbeat, Señorita Sabrina," malumanay na sabi ng doktora sabay turo sa isang maliit na tuldok na kumukurap sa monitor. "Your baby is very healthy and strong."

Napatakip si Sabrina sa kanyang bibig habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ang tunog na iyon, iyon ang pinakamagandang musikang narinig niya sa buong buhay niya.

Lumapit si Don Fernando at hinawakan ang kamay niya. "Naririnig mo ba 'yan, apo? Isang De Leon. Isang malakas at matapang na De Leon."

Tumingin si Sabrina sa monitor at bumulong, "Nandito lang si Mommy, baby. Ibibigay ko sa'yo ang buong mundo. Hinding-hindi ka makakaranas ng sakit kagaya ko."

—

Samantala, alas-otso na ng gabi, pero nasa loob pa rin ng opisina si Thunder. Nag-iisa na lang siya roon dahil umuwi na si Alexa at sumama raw ang pakiramdam nito sa stress.

Nakatingin si Thunder sa tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan, mga problemang iniwan ng palpak na presentation kanina. Napasabunot siya sa sarili. 

Wala sa sariling kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang numero ni Sabrina.

Gusto niya itong pagalitan, gusto niyang isumbat dito kung bakit iniwan nito nang magulo ang mga files ng kliyente. Gusto niyang marinig ang boses nito na nagso-sorry at sasabihing bukas ay aayusin nito lahat. Subalit ilang ring ang nakalipas agad na narinig niya ang boses ng operator sa cellphone niya. 

"The number you have dialed is no longer in service."

Natigilan si Thunder. Inulit niya ang pagtawag ngunit ganoon pa rin. Kunot-noong binuksan niya ang HR database para hanapin ang emergency contact at address ni Sabrina. Pero nang mabuksan niya ang profile nito, nanlamig ang buong katawan niya. Lahat ng impormasyon tungkol sa dalaga ay halos blangko. Isa lang ang nakasulat doon, isa itong orphan. 

Limang taon silang naging mag-asawa. Sa iisang bubong sila natulog pero ngayon niya lang napagtanto, wala siyang alam kahit isa tungkol kay Sabrina. Hindi niya alam kung saan ito umuuwi, kung sino ang mga kaibigan nito o kung saan ito hahanapin.

Bumaba ang tingin niya sa pinirmahang annulment papers at sa kumikinang na wedding ring sa ibabaw ng mesa.

Sa unang pagkakataon, isang matalim at hindi maipaliwanag na takot ang gumapang sa dibdib ng isang Thunder Alcantara. Takot na baka ang babaeng pilit niyang itinapon ay hindi na kailanman babalik pa sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 22

    Binalot ng katahimikan ang buong mansyon ng mga De Leon, maliban sa isang pamilyar at mahinang pag-hele na nagmumula sa nursery room.Nakasandal si Sabrina sa hamba ng pinto, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang eksenang nasa loob. Sa ilalim ng dim light, nakatayo si Thunder. Suot nito ang isang kupas na puting t-shirt at lumang pajama. isang sitwasyon na napakalayo sa bilyonaryong CEO na nakilala ng buong bansa. At mas malapit sa isang simpleng tambay na nagpupuyat magdamag. Basang-basa ng pawis ang likod nito habang banayad na idinuduyan ang limang-buwang gulang nilang anak na si Baby Lucas. Sa balikat ni Thunder, may nakasampay na lampin at may mantsa pa. "Sshh, tulog na ang boss ko," malambing na bulong ni Thunder, "Puyat na puyat na si Daddy, anak. Baka naman pwedeng bukas na tayo magkwentuhan?"Hindi napigilan ni Sabrina ang mapangiti. Ang lalaking dati ay nagwawala kapag may na-late na report ng limang minuto, ngayon ay nagmamakaawa sa isang sanggol na matulog na. Unti-unt

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 21

    Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.Pero ang tunay na nagkakagulo ay hindi ang mga doktor, kundi ang lalaking halos magkandapatid-patid ang ugat sa leeg sa sobrang kaba. Nakahiga si Sabrina sa delivery bed, putlang-putla at pawis na pawis habang nararamdaman ang sunud-sunod na paghilab ng kanyang tiyan. Sa tabi niya, nakatayo si Thunder na mas mukha pang pasyente kaysa sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ng dating bilyonaryo. Hawak nito ang kamay ni Sabrina nang mahigpit, ngunit maingat na maingat para hindi ito masaktan."D

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 20

    Lumipas ang limang buwan, ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay ay nagbabadya ng paparating na Pasko, ngunit sa loob ng mansyon ng mga De Leon, iba ang init at tensyon na nararamdaman ng lahat.Nasa ika-tatlumpu’t walong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Sabrina. Ang kanyang tiyan ay bilog na bilog at mabigat dahilan upang halos hindi na siya makapaglakad nang mabilis. Subalit, kung mayroon mang mas nahihirapan sa sitwasyon, iyon ay walang iba kundi si Thunder. Ang dating walang-pusong bilyonaryo ay naging isang praning, over-protective at OA na asawa. Sampung beses yata nitong nire-repack ang hospital bag ni Sabrina araw-araw at halos hindi na ito pumapasok sa trabaho para lang mabantayan ang bawat pag-ikot ng asawa sa kama.Isang hapon, habang nakaupo si Sabrina sa terrace at umiinom ng paborito niyang chamomile tea, may tatlong itim na sasakyan ang pumasok sa malawak na driveway ng mansyon.Kumunot ang noo ni Sabrina nang makitang bumaba mula roon si Mr. Sy, kasama ang dalaw

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 19

    Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 18

    Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB: Kabanata 17

    Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status