LOGINSa loob ng grand ballroom ng Shangri-La The Fort, nagtipon ang mga pinakamakapangyarihang pamilya at bilyonaryo ng Pilipinas para sa taunang Elite Tycoons Charity Gala. Dati, pumapasok si Thunder sa mga ganitong kaganapan nang naka taas-noo, at may kumpyansa sa sarili. Ngunit ngayon, ramdam niya ang bigat ng mga pasimpleng tingin at bulungan ng mga kapwa niya negosyante sa kanya.
Alam ng buong industriya ang nangyayari. Paubos na ang pondo ng Alcantara Group, nag-pull out na rin ang mga malalaking investors at nasa bingit sila ng bankruptcy dahil sa mga maling desisyon ni Alexa.
"Babe, why is everyone staring at us?" bulong ni Alexa habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Thunder. Suot nito ang isang kumikinang na gold sequined gown na masyadong masakit sa mata,"Are they admiring my dress? Galing pa 'tong Paris eh."
Napatiim-bagang si Thunder. Pilit niyang inalis ang braso niya mula sa pagkakakapit ng babae. "They are staring because our company’s stock is bleeding, Alexa. Kaya please, umayos ka ngayong gabi. We are here to find the CEO of the De Leon Investment Group. Sila na lang ang pag-asa natin. Kapag hindi natin nakuha ang pondo nila, babagsak ang kumpanya."
Umirap si Alexa at tila walang pakialam sa seryosong problema. "Chill, Thunder. We'll just charm them. Ako ang kakausap sa CEO nila. I’ll just use my connections."
Hindi na sumagot si Thunder. Sumasakit ang ulo niya tuwing naririnig ang boses nito. Kumuha siya ng champagne sa dumaang waiter at nilagok iyon. Habang nagmamasid siya sa paligid, hinahanap ng mga mata niya si Mr. Sy, umaasang mapapakiusapan pa itong bumalik.
Ngunit imbes na si Mr. Sy ang makita niya, biglang tumahimik ang buong ballroom. Nawala ang mahinang musika ng orchestra. Ang lahat ng atensyon, pati na ang mga flash ng camera ay napunta sa grand double doors ng hall.
Pumasok ang tatlong lalaking nagtataglay ng kapangyarihan at authority na hindi matatawaran. Si Don Fernando De Leon, kasama ang dalawang apo nitong sina Marco at Leandro. Ang presensya pa lang ng mag-lolo ay sapat na para yumuko ang mga pinaka malalaking CEO sa silid.
Pero hindi ang mga lalaking De Leon ang nagpatigil kay Thunder. Kundi ang babaeng nasa gitna ng mga ito.
Nakasuot ng isang custom-made crimson red gown ang babae kaya naman super perfect ng hulma nito. Ang buhok nito ay naka-ayos nang elegante, nagpapalitaw sa isang diamond necklace na kumikinang nang higit pa sa lahat ng ilaw sa buong silid. Ang kanyang mga hakbang ay banayad ngunit puno ng kapangyarihan. Wala na ang maamong mukha ng abbae, ni wala na ang nag-aalangang ngiti nito noon.
Nanlamig ang buong katawan ni Thunder. Nabitawan niya ang baso ng champagne kaya naman nabasag ito sa sahig.
"Oh my god," bulong ni Alexa sa tabi niya’t halatang nandidiri. "Is that, Sabrina? Paano nakapasok ang basurang 'yan dito? Sino'ng sugar daddy ang nauto niya para makapasok sa VIP event na 'to?!"
Hindi pinansin ni Thunder si Alexa. Tila may magnet na humihila sa mga paa niya. Naglakad siya papalapit sa direksyon kung nasaan ang mga De Leon, hindi alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga tao.
Gusto niyang bawiin ang asawa niya. Gusto niyang alamin kung bakit kasama nito ang pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Asya.
Nang makalapit sila, eksaktong nakikipag-usap si Sabrina kay Mr. Sy, ang kliyenteng nag-pull out sa kumpanya ni Thunder. Nakangiti ang matanda kay Sabrina. Isang ngiting punong-puno ng respeto.
"Sabrina," tawag ni Thunder sa babae.
Dahan-dahang lumingon si Sabrina. Tiningnan niya si Thunder mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri. Walang bakas ng pagmamahal at sakit. Blangko lang ang ekspresyon nito at napakalamig ng tingin sa kanya.
Bago pa man makapagsalita ulit si Thunder, sumingit na si Alexa. Lumapit ito nang nakataas ang kilay at tiningnan si Sabrina na para bang nandidiri.
"Well, well. Look who we have here," matinis at mapanuyang sabi ni Alexa, sapat para marinig ng mga taong malapit sa kanila. "Ang lakas din talaga ng loob mo, 'no? After you abandoned your job and left Thunder’s company in a mess, nandito ka ngayon naghahanap ng bagong maloloko? Kaninong imbitasyon ang ninakaw mo para makapasok dito? Or are you serving drinks tonight?"
Katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Namutla si Mr. Sy sa narinig at mabilis na umatras, tila takot na madamay sa gulong paparating.
Gusto sanang patahimikin ni Thunder si Alexa, pero hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya kay Sabrina, pilit hinahanap ang asawang dating sumusunod sa lahat ng utos niya.
Ngunit imbes na mapahiya, isang mahina at nakakapasong tawa ang kumawala sa mga labi ni Sabrina. Tumingin siya kay Alexa.
"Serving drinks?" kalmadong tanong ni Sabrina. Kinuha niya ang isang baso ng wine mula sa waiter at marahan itong pinaikot. "Alexa, right? The fashion expert wanna-be na nagpabagsak sa stocks ng Alcantara Group sa loob lang ng dalawang linggo. Hindi na ako nagulat na nandito ka. Sanay ka namang pumulot ng mga tira-tira sa basurahan."
Namula si Alexa sa galit. "How dare you?! Alam mo ba kung sino ang binabangga mo?! Thunder, do something! Pinalayas mo na 'yan ah pero ang yabang-yabang pa rin!"
"Sabrina, stop this. Umuwi na tayo. Mag-usap tayo."
"Umuwi?" Tinaasan ng kilay ni Sabrina si Thunder. "Saan? Sa penthouse mong amoy cheap na pabango? Thunder, the moment I signed those annulment papers, we stopped being US. Wala kang karapatang utos-utusan ako."
"Wag kang magmatigas, Sabrina!" nagtitimping asik ni Thunder. "You have nothing! Wala kang trabaho at wala kang pamilya rito! Kung bumalik ka sa akin ngayon, papatawarin ko ang ginawa mong panggugulo sa kumpanya. I can still give you a comfortable life!"
Natahimik ang paligid. Bago pa man makasagot si Sabrina, isang mabigat na kamay ang dumapo sa balikat ni Thunder, sinundan ng isang malamig at nagbabantang boses.
"Sino ang binibigyan mo ng komportableng buhay, Alcantara?"
Napalingon si Thunder, nakatayo sa likuran niya si Leandro habang nandidilim ang mukha.
Sa kabilang gilid ay lumapit din si Marco. Ang dalawang haligi ng De Leon Empire ay nakatayo sa magkabilang tabi ni Sabrina, tulad ng mga haring nagbabantay sa kanilang reyna.
Napakunot ang noo ni Thunder at unti-unting kinabahan. "Mr. De Leon… Sir. I-I was just talking to my ex-wife."
"Ex-wife?" Isang mapanganib na ngiti ang sumilay kay Leandro. Tumingin ito kay Sabrina at maingat na inalalayan ang bewang nito. "I think you're mistaken. Hindi mo asawa ang kausap mo. Binabastos ng basurang kasama mo ang nag-iisang APO ni Don Fernando De Leon."
Nanlaki ang mga mata ni Thunder. "A-Apo? De Leon?"
Naglakad papalapit si Don Fernando,"Meet the CEO of the De Leon Investment Group, Mr. Alcantara. Ang apo kong nag-iisang tagapagmana, si Sabrina Isabel De Leon."
Napaatras si Thunder, bigla ata siyang naliho. Pakiramdam niya ay guguho ang sahig na kinatatayuan niya. Ang asawang inapi niya at binalewala niya ay ang mismong taong luluhuran niya para maisalba ang kumpanya niya?
Nanginginig naman si Alexa sa takot. Namumutla itong napakapit sa braso ni Thunder, "I-Impossible, hindi ba’t isa lang siyang ulila?"
"Nandito ka ba para humingi ng pondo, Mr. Alcantara?" malamig na tanong ni Sabrina.
"S-Sabrina, I didn't know…" puno ng pagsising bulong ni Thunder.
"Don't worry," ngumiti si Sabrina, ngunit hindi umabot sa mga mata niya. "Hindi ako madamot. Bibilhin ko ang Alcantara Group pero sa isang kondisyon."
Lumapit siya nang bahagya at bumulong sa paraang silang dalawa lang ang makakarinig, "Luluhod ka muna sa harapan ko at titingnan mo kung paano ko unti-unting susunugin ang buong buhay mo. See you in court, Thunder."
Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam
Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet
Sa loob ng malawak at malamig na opisina ng CEO sa top floor ng De Leon Tower, tanging ang tunog ng paglipat ng mga pahina at ang mahinang pag-type sa keyboard ang maririnig.Alas-kwatro na ng hapon, kanina pa nakatutok si Sabrina sa tambak na financial reports niya. Nakasandal siya sa kanyang ergonomic leather chair, bahagyang nakangiwi habang pasimpleng hinihimas ang kanyang ibabang likod. Sa ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis, unti-unti na niyang nararamdaman ang bigat, ang pananakit ng balakang at ang pamamanas ng kanyang mga paa.Sa kabilang dulo ng kwarto, nakatayo si Thunder. Parang isang rebultong hindi napapagod, kanina pa ito nakabantay sa tabi ng pintuan ng office niya. Ngunit kahit mukha itong estatwa, walang minutong hindi nito pinagmamasdan ang bawat galaw ni Sabrina.Nang makita ni Thunder ang muling paglukot ng mukha ng asawa at ang paghimas nito sa balakang, hindi na ito nag-atubili. Tahimik itong naglakad papalapit sa glass desk. Itiniklop nito ang laptop ni Sa
Lumipas ang isa pang buwan. Unti-unting nasanay si Sabrina sa bagong nakagawian nila. Tuwing gigising siya, may nakahandang masustansyang almusal sa lamesa, hindi na sunog kundi perpektong naluto ng isang lalaking puyat kakapanood ng cooking tutorials. Wala nang kumpanya si Thunder. Wala na ang mga mamahaling sasakyan nito. Ang natira na lang dito ay ang dedikasyon nitong pagsilbihan siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng malaking salamin ng kanyang walk-in closet, maingat na inaayos ang kanyang navy blue power suit. Halata na ang apat na buwang umbok ng kanyang tiyan, ngunit sa halip na itago, buong pagmamalaki niya itong idinadala. Siya ang CEO ng De Leon Investment Group at ngayon ang unang araw ng pormal niyang pagbabalik sa corporate world matapos ang matinding iskandalo ng Alcantara Group.Isang mahinang katok ang umalingawngaw, unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Thunder. Nakasuot ito ng isang simpleng puting button-down polo na nabili lang malamang sa isang departm
Dalawang araw makalipas bumagsak ang lagnat ni Thunder, inaasahan ni Sabrina na aabutan niya itong nakahiga pa rin sa guest room ng rest house sa Nuvali. Ngunit pagbaba niya ng hagdan, isang hindi pamilyar na ingay mula sa kusina ang umagaw sa atensyon niya. Amoy ng sunog na bawang at mantika ang sumalubong sa kanya.Nang sumilip siya, nakita niya ang dating bilyonaryong CEO na nakasuot ng simpleng puting t-shirt at apron. Hawak nito ang isang spatula na parang espada, tila nakikipaglaban sa tumatalsik na mantika mula sa kawali. Puno ng uling at pawis ang mukha nito at halatang kanina pa ito nagkakandarapa sa pagluluto."Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sabrina, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napatalon sa gulat si Thunder. Agad nitong pinatay ang kalan at aligagang humarap sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata, sabay kamot sa batok nito."Good morning," malamig na bati ng bilyonaryo. "G-Gusto ko sanang ipagluto ka ng breakfast.
Hindi naging madali ang pag-uwi. Kinailangan pang buhatin ng dalawang bodyguard ni Sabrina ang nawalan ng malay na si Thunder papasok sa likod ng SUV. Dahil sa magkakasunod na araw ng pagpapagod sa construction site, kakulangan sa tulog at ang huling buhos ng malakas na ulan, tuluyang bumigay ang katawan ng dating bilyonaryo.Sa buong byahe pabalik sa isang pribadong rest house ng mga De Leon sa Nuvali, walang ibang ginawa si Sabrina kundi titigan ang mukha ni Thunder. Ang lalaking dati ay hindi makikitaan ng kahit anong dumi sa katawan, ngayon ay puro galos, nakasuot ng manipis at butas-butas na t-shirt at amoy araw pa. Para itong isang tambay na napulot lang sa gilid ng kalsada at malayo sa kinatatakutang CEO na nakilala ng buong Maynila.Ngunit habang nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat, naramdaman ni Sabrina ang isang kakaibang kapayapaan. Wala na siyang galit na nararamdaman, o kung meron hindi na kagaya ng dati. Yung pader na binuo niya sa pagitan nila ng lalaki ay tuluya







