Share

2 (Forced)

Author: JDOSCIENTOS
last update Huling Na-update: 2025-08-15 05:35:55

Mataas pa rin ang araw nang matapos ako sa café. Pawis na pawis ako sa biyahe pauwi, bitbit ang maliit na paper bag ng tinapay para sana sa hapunan ko. Pagdating ko sa bahay, hindi ko inabutan si Tito, salamat naman, pero nadatnan ko ang ilang bote ng beer na nakakalat sa mesa.

Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa banig nang biglang mag-ring ang cellphone ko. "Hello?"

"Zarina! May sasabihin ako, as in ngayon na," boses iyon ni Mia, matagal ko nang kaibigan mula high school. Siya 'yung tipo ng kaibigan na kahit anong katarantaduhan, gagawan ng paraan para maging exciting.

"Ano na naman 'yan?" tanong ko habang inaabot ang plastik ng tinapay.

"Girl, may nahanap akong trabaho. As in big time. Sa yate."

Napakunot noo ako. "Yate? Anong trabaho 'yan, maghuhugas ng pinggan?"

"Tanga! Hindi. Bidding work." Boses niya, parang may halong kilig at lihim na excitement.

Hindi ako mangmang. Naririnig ko na 'yan, mga exclusive gathering kung saan pinapresenta ang mga babae sa mayayamang lalaki, parang auction. May kumikita raw ng milyon sa isang gabi. Pero alam ko rin na hindi iyon simpleng trabaho. May kapalit iyon.

"Mia, hindi ako interesado," mabilis kong sagot. "Alam mo naman..."

"Alam ko, alam ko," putol niya. "Pero pakinggan mo muna. Hindi lahat doon may mangyayaring... alam mo na. May iba, escort lang for the night. Plus, ang laki ng bayad kahit hindi ka pumayag sa kahit ano."

Napabuntong-hininga ako. "Bakit ako?"

"Kasi, girl, maganda ka. Alam mo 'yan. Sayang ang lahi mo kung sa café ka lang habang buhay. Isang gabi lang, makakabayad ka sa utang mo. Puwede ka pang bumalik sa school."

"May iba pang paraan na trabaho para kumita ng pera," litanya ko sakaniya habang siya naman ay bumuntong hininga ng malaki.

"Alam ko pero magkano kinikita mo? 500 a day? Jusko ka, napakamahal ng bilihin ngayon dagdag mo pa bigas na 60 pesos na tapos yung ibibigay mo pa sa tito mong panot?" Tuloy-tuloy niyang sabi habang ako ay nakatulala.

Tumahimik ako. Totoo lahat ng sinabi niya, pero hindi ko alam kung handa ba ako.

Kinabukasan, pumunta si Mia sa café para personal na makipag-usap. Nakaupo siya sa pinakadulong mesa, naka-mini dress at mataas ang heels, parang laging handa sa pictorial.

Pagkatapos ng shift ko, hinila niya ako palabas. "Zarina, please. Hindi ito forever. Isang gabi lang, then tapos na. Isipin mo na lang na stepping stone."

"Stepping stone papunta saan?" sarkastiko kong tanong.

"Papunta sa buhay na hindi ka natutulog sa banig at hindi mo iniwasan ang Tito mong lasing araw-araw."

Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya, seryoso. "Hindi ko gusto 'to para sa'yo, pero mas ayokong makita kang ganyan araw-araw," dagdag niya.

Hindi ko alam kung inis o awa ang naramdaman ko, pero alam kong may tama siya.

Gabi na nang tumunog ulit ang cellphone ko.

From Mia: Girl, may slot pa bukas sa audition. Kung ayaw mo, sasabihin ko na lang na wala ka.

Tinitigan ko ang screen. Isang pindot lang ng "No" at tapos na ang usapan. Pero naalala ko ang utang kay Tito, ang bayad sa kuryente na tatlong buwan nang delayed, at ang tuition na wala pa ring kasiguruhan.

Me: Sige. Bukas. Anong oras?

Kinabukasan, dumiretso ako sa maliit na ukay-ukay sa kanto pagkatapos magtrabaho. Wala akong mamahaling damit, kaya pumili ako ng simpleng black dress na hanggang tuhod pero fitted. Hindi ito pang-yate level, pero wala akong choice.

Pag-uwi ko, nakita ko si Mia sa harap ng bahay, may hawak na malaking paper bag. "Girl, huwag mo nang suotin 'yan. Eto, suotin mo bukas," sabi niya, sabay abot ng pulang silk dress at silver stilettos.

Para akong hindi makahinga nang makita ko iyon. Ang ganda. Parang isang suot lang, kaya nitong gawing ibang tao ang kahit sinong magsuot.

"Mia, hindi ko matatanggap 'to..."

"Tanggapin mo na. Isang gabi lang naman, babayaran mo rin ako pag may pera ka na." Ngumiti siya, pero halatang gusto niyang siguruhin na seryoso ako.

Buong gabi akong nakatitig sa damit na ibinigay niya. Iniisip ko kung paano ako haharap sa mga lalaking alam kong titingin lang sa'kin bilang isang produkto. Iniisip ko rin kung paano kung may makakilala sa'kin doon—baka kumalat pa sa bayan.

Pero may mas malakas na tinig sa loob ko: Ito na ang pagkakataon para makaalis sa impyerno ng bahay ni Tito.

Tinupi ko nang maayos ang dress at inilagay sa paper bag. Wala nang atrasan.

Maaga akong nagising. Naligo ako ng matagal, sinigurong malinis at maayos ang sarili ko. Minsan lang ako mag-effort nang ganito, pero ramdam ko na kailangan ko ng confidence sa harap ng mga taong may hawak ng kapalaran ko ngayong gabi.

Pagdating ko sa meeting place na sinabi ni Mia, nandoon na siya, naka-all white dress at mukhang handang-handa. "Girl, ready ka na?" tanong niya.

"Hindi ko alam," sagot ko, pero ngumiti ako kahit pilit.

Sumakay kami sa kotse ng kakilala ni Mia na siyang magdadala sa amin sa pier kung saan nakadaong ang yate. Sa biyahe, tahimik lang ako habang siya naman ay panay ang paalala: "Just smile, wag ka kabahan, at huwag mo masyado isipin kung ano mangyayari. Dito, ang unang impression, 'yun ang puhunan."

Pagdating namin sa pier, halos mapanganga ako. Ang yate ay parang lumang pelikula ng mga milyonaryo—puti at kintab ang katawan, at halatang puno ng security. May nakapila nang ilang babae, lahat naka-mamahaling gown at sapatos na siguro mas mahal pa sa renta ng buong café.

Ramdam ko ang kaba habang pumipila kami. "Girl, relax. Natural ka lang. Ang ganda mo kaya," bulong ni Mia.

Habang papalapit kami sa entrance, ini-scan kami ng isang babaeng parang event coordinator. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa, tapos ngumiti kay Mia. "Ikaw ang plus one?"

"Oo, siya si Zarina," sagot ni Mia.

Tumingin siya sa'kin at sandaling tumango. "Pasok kayo. May briefing sa loob."

Pag-akyat namin, bumulaga sa'kin ang liwanag ng mga chandelier at ang bango ng mamahaling pabango na humalo sa hangin ng dagat. Parang ibang mundo ito, malayo sa maliit na café at sa bahay ni Tito.

Sa loob, may mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang lalaking naka-suit, lahat may hawak na tablet. Tiningnan nila kaming parang nag-e-examine ng bagong produkto sa store.

May babaeng lumapit sa'min at nag-abot ng number tags. "Isuot niyo 'to sa audition room," sabi niya.

Habang hinihintay ang turn namin, kumapit si Mia sa kamay ko. "Kaya mo 'to. Isipin mo na lang, pera 'to para sa future mo."

Huminga ako nang malalim. Future. Sana nga.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   5 (Hired)

    Pagkagising ko kinabukasan, mabigat pa rin ang katawan ko. Pero mas mabigat ang isip at damdamin. Ang mga alaala ng kagabi ay parang pelikulang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko, ang lamig ng kuwarto, ang init ng balat niya, at ang mabangis na paraan ng pag-angkin sa akin.Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang sobre ng pera. Selyado pa rin ito, pero parang dinadala nito ang bigat ng lahat ng nangyari. Ito na ang pinakamalaking halagang nahawakan ko... at alam ko kung saan ito galing.Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang maliit na kahon sa kabinet at kinuha ang pirasong foil pack ng pills. Walang pag-aalinlangan, ininom ko iyon sabay lagok ng malamig na tubig mula sa gripo.Hindi ako magbubuntis. Hindi ko hahayaang may mabuo sa gabing iyon.Matapos maligo at mag-ayos, dumiretso ako sa mall. Bumili ako ng isang eleganteng dress at mamahaling sandals para sa kaibigan ko. Nang makita niya ito, halos maluha siya."Zarina, para saan 'to?" tanong niya habang pinipisil an

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   4 (Bought)

    Malamig ang simoy ng hangin sa baybayin, pero iba ang init na nararamdaman ko habang papalapit kami sa dambuhalang yate. Makinis at puting-puti ito, kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng mga ilaw na nakapalibot dito. Ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga tao sa paligid, pero mas mabigat ang titig ni Sixto sa akin."Relax lang, Zarina..." bulong niya, nakalapat ang kamay sa bewang ko habang binabagtas namin ang tulay paakyat sa yate. "Mag-eenjoy ka mamaya... at kikita ka."Pinilit kong ngumiti kahit kumakabog ang dibdib ko. Sa unang hakbang sa deck, sinalubong ako ng amoy ng mamahaling alak at pagkain, halong halakhakan ng mga bisita. May mga waiter na naka-itim at puting uniporme, nag-aalok ng champagne at trays ng steak, caviar, at mga dessert na parang gawa para sa magazine cover.Kinuha ko ang isang baso ng champagne. Sa bawat lagok, unti-unting nababawasan ang kaba ko. Sixto, gaya ng dati, parang nasa sarili niyang mundo, nakikipagkamay sa mga kilalang negosyante at politi

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   3 (Screening)

    Ang hangin sa pier ay may halong alat at lamig na parang sumisingit sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ni Mia, parehong nakaharap sa napakalaking yate na kanina ko pa ini-stalk ng tingin. Kahit malayo, kitang-kita ko kung gaano kakintab ang yate at kung paanong bawat ilaw ay parang sumasayaw sa tubig.Hindi ito basta-bastang yate, parang mansion na lumulutang. Ang mga security na nakapaligid dito ay naka-itim na suit, may ear piece, at halatang hindi mo basta malalapitan kung hindi ka kasama sa listahan.Sa gilid, may mahabang pila ng mga babae, iba't ibang kulay ng balat, hugis ng mukha, at aura, pero iisa ang common denominator, lahat sila ay parang hinugot mula sa isang magazine . Ang iba, abala sa pag-aayos ng buhok gamit ang compact mirror, ang iba naman, nakatitig lang sa harap, marahil kinakabahan gaya ko."Ano, ready ka na ba?" bulong ni Mia habang nakatayo kami sa dulo ng pila."Ready? Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito," sagot ko, pilit ang tawa. Pero sa totoo lang

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   2 (Forced)

    Mataas pa rin ang araw nang matapos ako sa café. Pawis na pawis ako sa biyahe pauwi, bitbit ang maliit na paper bag ng tinapay para sana sa hapunan ko. Pagdating ko sa bahay, hindi ko inabutan si Tito, salamat naman, pero nadatnan ko ang ilang bote ng beer na nakakalat sa mesa.Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa banig nang biglang mag-ring ang cellphone ko. "Hello?""Zarina! May sasabihin ako, as in ngayon na," boses iyon ni Mia, matagal ko nang kaibigan mula high school. Siya 'yung tipo ng kaibigan na kahit anong katarantaduhan, gagawan ng paraan para maging exciting."Ano na naman 'yan?" tanong ko habang inaabot ang plastik ng tinapay."Girl, may nahanap akong trabaho. As in big time. Sa yate."Napakunot noo ako. "Yate? Anong trabaho 'yan, maghuhugas ng pinggan?""Tanga! Hindi. Bidding work." Boses niya, parang may halong kilig at lihim na excitement.Hindi ako mangmang. Naririnig ko na 'yan, mga exclusive gathering kung saan pinapresenta ang mga babae sa mayayamang lalaki, paran

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   1 (Wounds)

    "Zarina... bumangon ka na, anak."Mahinang tinig iyon ni Lola, na tila galing pa sa malayo. Nagdilat ako ng mata, pero hindi ko naabutan ang ngiting palagi niyang dala tuwing gigisingin ako. Ilang segundo pa bago ko ma-realize kung bakit... wala na si Lola.Si lola ko na kasama ko lumaki at binigay ang lahat para lang makakakain ako sa araw-araw. Tuwing may dala siyang pagkain ay pinapakain niya ito sa akin at aalukin ko siya pero sinasabi niya lagi ay, busog siya kahit kita ko sa mga mata niya na gusto niyang kumain pero pinapaubaya na lang ito sa akin. At tinutulog na lamang niya ang gutom na nararamdaman niya.Hindi ako sanay gumising sa katahimikan. Dati, kahit gaano kabigat ang problema, may boses pa rin akong naririnig sa bahay. Pero ngayong mag-isa na lang ako sa kwartong ito, para bang lumaki lalo ang espasyo, at lumamig ang hangin.Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pauwi sila galing sa bayan, excited pa raw dahil may p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status