Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-15
Oleh:  JDOSCIENTOSBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
7Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?

Lihat lebih banyak

Bab 1

1 (Wounds)

"Zarina... bumangon ka na, anak."

Mahinang tinig iyon ni Lola, na tila galing pa sa malayo. Nagdilat ako ng mata, pero hindi ko naabutan ang ngiting palagi niyang dala tuwing gigisingin ako. Ilang segundo pa bago ko ma-realize kung bakit... wala na si Lola.

Si lola ko na kasama ko lumaki at binigay ang lahat para lang makakakain ako sa araw-araw. Tuwing may dala siyang pagkain ay pinapakain niya ito sa akin at aalukin ko siya pero sinasabi niya lagi ay, busog siya kahit kita ko sa mga mata niya na gusto niyang kumain pero pinapaubaya na lang ito sa akin. At tinutulog na lamang niya ang gutom na nararamdaman niya.

Hindi ako sanay gumising sa katahimikan. Dati, kahit gaano kabigat ang problema, may boses pa rin akong naririnig sa bahay. Pero ngayong mag-isa na lang ako sa kwartong ito, para bang lumaki lalo ang espasyo, at lumamig ang hangin.

Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pauwi sila galing sa bayan, excited pa raw dahil may pasalubong silang bibingka para sa'kin. Hindi na sila nakarating. Isang truck ang sumalpok sakanila. Hindi ko alam kung aksidente ito sinadya dahil maraming pinagkakautangan ang magulang ko sa malalaking kumpanya.

At habang sinusubukan kong tanggapin iyon, sumunod naman si Lola. Hindi ko alam kung dahil ba sa katandaan o sa sobrang lungkot, pero tatlong linggo lang mula nang ilibing sina Mama at Papa, sumunod din siya. Para bang iniwan na rin ako ng lahat sa isang iglap.

Hindi ako anak-mayaman. Tourism student ako noon sa isang state university, pero dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga taong sumusuporta sa'kin, napilitan akong huminto sa pag-aaral. Naiwan akong walang bahay na masasabi kong akin, dahil ang maliit naming bahay, kinuha ng bangko bilang kabayaran sa utang ni Papa.

Wala rin akong makakapitan. Si Tito Greg lang, kapatid ni Papa, ang natirang kamag-anak ko dito sa bayan. Pero kung inaakala mong siya yung tipo ng kamag-anak na aakap at mag-aalaga sa'kin, nagkakamali ako.

"Hoy, anong oras na? Hindi ka pa ba maghuhugas ng plato?" sigaw ni Tito mula sa sala.

Dali-dali akong bumangon mula sa banig. "Opo, Tito."

Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan, narinig ko na ang tunog ng bote ng beer na inilapag niya sa mesa. Umaga pa lang, pero may amoy alak na sa buong bahay. Ganito siya araw-araw.

"Kung gusto mong tumira dito, magtrabaho ka. Hindi puwedeng kain ka lang nang kain," malamig niyang sabi, sabay tingin mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ako.

Hindi ko maiwasang kabahan sa mga tingin niyang iyon. May kung anong hindi komportableng damdamin na gumagapang sa'kin tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig.

Dahil walang tuition na pambayad, nagsimula akong maghanap ng kahit anong trabaho. Naging part-timer ako sa isang maliit na café sa bayan. Pero kahit anong gawin ko, kulang pa rin ang kinikita ko para makatulong sa gastusin sa bahay ni Tito, na sa totoo lang, halos siya lang naman ang kumakain ng marami at umiinom araw-gabi.

May mga pagkakataong uuwi ako galing trabaho at makikita ko siyang nakaupo sa sofa, nakatingin sa'kin habang nag-aabot ng baso ng alak. "Tikman mo, para maging matatag ka," sasabihin niya. Hindi ko tinatanggap. Kaya minsan, nauuwi sa galit at mura ang usapan namin.

Minsan, may gabing huli na akong nakauwi dahil sa overtime sa café. Pagbukas ko ng pinto, bigla niya akong hinila sa braso.

"Alam mo bang delikado sa labas sa ganitong oras?" malamig ang tinig niya pero ramdam ko ang diin ng hawak niya sa balat ko. Para akong napaso.

Hindi ko alam kung concerned ba siya o iba ang motibo niya, pero sa loob-loob ko, gusto ko nang makaalis sa bahay na iyon.

Noon, bago mangyari lahat, masaya at simple lang ang buhay namin. Si Papa, driver ng delivery truck. Si Mama, may maliit na sari-sari store. Si Lola, laging nakaupo sa may bintana habang naggagantsilyo. Kahit hindi kami marangya, buo at masaya kami.

Naalala ko pa nung high school ako, pinilit akong isali ni Mama sa muse competition kahit ayaw ko. Sabi niya, "Sayang naman ang ganda mo, anak. Magagamit mo 'yan balang araw." Tatawa lang si Papa at aakbay sa'kin, "Oo nga, baka balang araw maging artista ka."

Ngayon, hindi ko alam kung tama ba sila. Wala naman akong nakikitang "balang araw" sa sitwasyon ko ngayon, puro "ngayon" na puro hirap at pasakit.

"Zarina, pakidala nga 'to sa table three," tawag ni Ate Marites, supervisor ko sa café.

Hawak-hawak ko ang tray ng dalawang latte at cheesecake, iniwasan ko ang madulas na parte ng sahig. Sanay na sanay na ako sa gano'n, parang kabisado na ng katawan ko ang pag-iwas sa kahit anong ikakapahamak ko.

Habang papalapit ako sa table, narinig ko ang tawanan ng dalawang babaeng estudyante. "Siya ba 'yung anak nung namatay sa aksidente? Kawawa naman," bulong ng isa.

Hindi ko pinansin. Nakangiti akong inilapag ang order sa mesa, kahit sa loob-loob ko gusto ko nang umiyak.

Pagbalik ko sa counter, ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko dapat ikahiya ang nangyari, pero sa totoo lang, nakakapagod ipaliwanag sa lahat na kaya ko pa, na okay pa ako

Pag-uwi ko ng bahay, nadatnan ko si Tito na nakahilata sa sofa, lasing. Pero iba ang tingin niya sa'kin ngayong gabi, hindi lang basta masama o malamig, kundi parang may plano.

"Maganda ka naman, Zarina," sabi niya bigla. "Kung gusto mong kumita ng malaki, may kilala akong naghahanap ng—"

Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya. "Hindi ako interesado, Tito," putol ko agad, sabay akyat sa kwarto. Sinara ko ang pinto at isinandal ang sarili ko dito, ramdam ang panginginig ng tuhod ko.

Sa labas, narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.

Hindi ko alam kung paano ako nakakatulog sa ganitong sitwasyon. Siguro dahil sa pagod, o dahil wala na akong choice. Pero bago ko ipikit ang mata, tinititigan ko muna ang maliit na picture frame sa tabi ng banig, litrato naming apat.

"Mama, Papa, Lola... hindi ko alam kung anong gagawin ko," bulong ko. "Pero hindi ako susuko. Hindi ko hahayaang manatili ako dito habambuhay."

At sa unang pagkakataon mula nang mamatay sila, naramdaman kong may apoy na muling sumisindi sa dibdib ko. Isang determinasyong kahit anong mangyari, makakaalis ako sa lugar na ito.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status