Share

3 (Screening)

Penulis: JDOSCIENTOS
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-15 05:36:42

Ang hangin sa pier ay may halong alat at lamig na parang sumisingit sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ni Mia, parehong nakaharap sa napakalaking yate na kanina ko pa ini-stalk ng tingin. Kahit malayo, kitang-kita ko kung gaano kakintab ang yate at kung paanong bawat ilaw ay parang sumasayaw sa tubig.

Hindi ito basta-bastang yate, parang mansion na lumulutang. Ang mga security na nakapaligid dito ay naka-itim na suit, may ear piece, at halatang hindi mo basta malalapitan kung hindi ka kasama sa listahan.

Sa gilid, may mahabang pila ng mga babae, iba't ibang kulay ng balat, hugis ng mukha, at aura, pero iisa ang common denominator, lahat sila ay parang hinugot mula sa isang magazine . Ang iba, abala sa pag-aayos ng buhok gamit ang compact mirror, ang iba naman, nakatitig lang sa harap, marahil kinakabahan gaya ko.

"Ano, ready ka na ba?" bulong ni Mia habang nakatayo kami sa dulo ng pila.

"Ready? Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito," sagot ko, pilit ang tawa. Pero sa totoo lang, kumakabog ang dibdib ko hindi lang sa kaba, kundi sa nag aalangan ako na baka mapahiya ako at hindi makuha.

Isa-isang lumapit ang mga babae sa entrance kung saan nakapwesto ang isang babaeng naka-business attire. Tinitingnan niya ang bawat isa mula ulo hanggang paa, parang isang art collector na nagde-decide kung bibili ba siya ng painting o hindi.

Pagdating ng turn namin, sinipat niya muna si Mia. "Ah, ikaw na naman. May plus one ka?"

"Oo," sagot ni Mia, sabay turo sa'kin.

Tumingin siya sa akin, mabilis, pero matalim. Parang scanner na dumaan mula ulo hanggang paa ko. "Hmm. Pasok." Sabay abot ng dalawang number tags.

Pag-akyat namin sa deck, para kaming pumasok sa ibang mundo. Sa isang banda, may cocktail bar na puno ng mamahaling alak. Sa kabila, may lounge area na may mamahaling sofa at low tables. Puno ang paligid ng ilaw mula sa chandelier at ambient lamps, parang hotel lobby na dinala sa gitna ng dagat.

"Girl, first time mo sa ganito, 'di ba?" bulong ni Mia habang sinusundan namin ang usher papunta sa isang hallway.

"Obvious ba?"

"Hindi naman, pero kita sa mata mo na iniisip mong umalis," sabi niya, sabay tawa. "Relax. Audition pa lang 'to."

Namangha ako sa nakita ko. Parang isang kastilyo na matataas ang hagdan at ang mga chandelier na nagkikislapan  at ang sahig ay gawa sa marmol.

Dinala kami sa isang malaking room na puno ng salamin at ilaw, parang mini runway. Sa harap, may apat na lalaking naka-itim na suit, may hawak na tablet, at isang babaeng coordinator na hawak ang clipboard.

"Ladies," panimula ng coordinator, "this is a private selection for an exclusive event. Tonight, you will walk in front of our clients. They will take notes. Only a small number of you will be chosen to return for the main night. Do your best. First impression matters."

Halos manghina ang mga tuhod ko, pinagpawisan ako ng sobra, Hinawakan ko ang kamay ni Mia at tinitigan niya ako at tinanguan.

Nagpalitan ng tinginan ang mga babae sa paligid. Ako naman, parang gusto kong sumilip sa pinto at tumakbo palabas. Pero naalala ko kung bakit ako nandito—utang, bahay, future. Hindi na puwedeng umatras.

Isa-isa kaming tinawag. May musika sa background, soft jazz, habang naglalakad ang bawat babae sa mini runway. May dalawang ikot, isang simple walk at isang close-up sa harap ng table kung saan nakaupo ang mga judges.

Akala ko ang mga customer namin ay mga matatandang panot, malaki tiyan pero iba ngayon. Matatangkad at mga may hubog ang katawan ang mga customer namin.

Nang tawagin ang pangalan ko, huminga ako nang malalim. Hawak ko ang skirt ng red silk dress na hiniram ko kay Mia para hindi ito masyadong umalon habang naglalakad.

Una kong hakbang, ramdam ko ang tingin ng lahat. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang init na dumaloy sa katawan ko. Parang sa ilang segundo, hindi ako si Zarina na naghuhugas ng tasa sa café o si Zarina na pinagmumura ng tito niyang lasing, ako si Zarina na may dahilan para tingnan.

Pagdating ko sa dulo ng runway, tumingin ako diretso sa mata ng isa sa mga lalaking nakaupo sa mesa. May malamig at matalim na titig siya, green eyes, parang kulay ng mga luntiang mga damo. Tumango siya ng bahagya bago ako tumalikod at bumalik.

Matapos ang halos isang oras, tinawag ng coordinator ang mga pangalan ng mga napili. Isa-isa, lumalapit ang mga babae sa unahan para kunin ang envelope na may instructions para sa main event.

"Mia Santos."

Napangiti si Mia at kumaway sa akin bago lumapit para kunin ang envelope niya.

"Zarina Czyrine Montereal."

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung may narinig akong tama. Pero nang makita kong nakatingin sa'kin ang coordinator, nilakasan ko ang loob kong lumapit at kunin ang envelope.

Sa loob ng envelope, may card na may nakasulat na:

Return Date: Saturday, 8 PM. Yacht Pier #3.

May kasamang maliit na listahan ng "recommended attire" long gown, heels, and minimal accessories. May note pa: Confidence is your best outfit.

Paglabas namin ni Mia sa yate, parang parehong magaan ang hakbang namin. "Sabi ko sa'yo, kaya mo 'yan," ani Mia, sabay akbay sa'kin.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot," sagot ko.

Kinabukasan, dumiretso kami sa apartment ni Mia para magplano. Binuksan niya ang malaking cabinet niya na puno ng mga gown na para bang wardrobe ng isang artista.

"Girl, itong navy blue satin gown bagay sa'yo. Simple pero elegant. Tsaka itong stilettos na silver, para match sa earrings mo."

"Hiram na naman 'to, 'di ba?" tanong ko habang hinahaplos ang tela ng gown.

"Oo, pero huwag kang mag-alala. Alam kong babalik ka para ibalik 'yan, dala na rin ng malaking kita mo sa Sabado."

Sa gabi bago ang event, nakahiga ako sa banig sa bahay ni Tito, pero hindi ako makatulog. Iniisip ko kung anong mangyayari sa yate sa Sabado. Alam kong hindi lang simpleng "escort" ang magiging role ko, may posibilidad na mas malalim pa rito.

Pero sa halip na matakot, may parte ng puso kong curious. At sa likod ng curiosity na 'yon... may mukha ng lalaking may green eyes na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   5 (Hired)

    Pagkagising ko kinabukasan, mabigat pa rin ang katawan ko. Pero mas mabigat ang isip at damdamin. Ang mga alaala ng kagabi ay parang pelikulang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko, ang lamig ng kuwarto, ang init ng balat niya, at ang mabangis na paraan ng pag-angkin sa akin.Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang sobre ng pera. Selyado pa rin ito, pero parang dinadala nito ang bigat ng lahat ng nangyari. Ito na ang pinakamalaking halagang nahawakan ko... at alam ko kung saan ito galing.Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang maliit na kahon sa kabinet at kinuha ang pirasong foil pack ng pills. Walang pag-aalinlangan, ininom ko iyon sabay lagok ng malamig na tubig mula sa gripo.Hindi ako magbubuntis. Hindi ko hahayaang may mabuo sa gabing iyon.Matapos maligo at mag-ayos, dumiretso ako sa mall. Bumili ako ng isang eleganteng dress at mamahaling sandals para sa kaibigan ko. Nang makita niya ito, halos maluha siya."Zarina, para saan 'to?" tanong niya habang pinipisil an

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   4 (Bought)

    Malamig ang simoy ng hangin sa baybayin, pero iba ang init na nararamdaman ko habang papalapit kami sa dambuhalang yate. Makinis at puting-puti ito, kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng mga ilaw na nakapalibot dito. Ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga tao sa paligid, pero mas mabigat ang titig ni Sixto sa akin."Relax lang, Zarina..." bulong niya, nakalapat ang kamay sa bewang ko habang binabagtas namin ang tulay paakyat sa yate. "Mag-eenjoy ka mamaya... at kikita ka."Pinilit kong ngumiti kahit kumakabog ang dibdib ko. Sa unang hakbang sa deck, sinalubong ako ng amoy ng mamahaling alak at pagkain, halong halakhakan ng mga bisita. May mga waiter na naka-itim at puting uniporme, nag-aalok ng champagne at trays ng steak, caviar, at mga dessert na parang gawa para sa magazine cover.Kinuha ko ang isang baso ng champagne. Sa bawat lagok, unti-unting nababawasan ang kaba ko. Sixto, gaya ng dati, parang nasa sarili niyang mundo, nakikipagkamay sa mga kilalang negosyante at politi

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   3 (Screening)

    Ang hangin sa pier ay may halong alat at lamig na parang sumisingit sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ni Mia, parehong nakaharap sa napakalaking yate na kanina ko pa ini-stalk ng tingin. Kahit malayo, kitang-kita ko kung gaano kakintab ang yate at kung paanong bawat ilaw ay parang sumasayaw sa tubig.Hindi ito basta-bastang yate, parang mansion na lumulutang. Ang mga security na nakapaligid dito ay naka-itim na suit, may ear piece, at halatang hindi mo basta malalapitan kung hindi ka kasama sa listahan.Sa gilid, may mahabang pila ng mga babae, iba't ibang kulay ng balat, hugis ng mukha, at aura, pero iisa ang common denominator, lahat sila ay parang hinugot mula sa isang magazine . Ang iba, abala sa pag-aayos ng buhok gamit ang compact mirror, ang iba naman, nakatitig lang sa harap, marahil kinakabahan gaya ko."Ano, ready ka na ba?" bulong ni Mia habang nakatayo kami sa dulo ng pila."Ready? Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito," sagot ko, pilit ang tawa. Pero sa totoo lang

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   2 (Forced)

    Mataas pa rin ang araw nang matapos ako sa café. Pawis na pawis ako sa biyahe pauwi, bitbit ang maliit na paper bag ng tinapay para sana sa hapunan ko. Pagdating ko sa bahay, hindi ko inabutan si Tito, salamat naman, pero nadatnan ko ang ilang bote ng beer na nakakalat sa mesa.Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa banig nang biglang mag-ring ang cellphone ko. "Hello?""Zarina! May sasabihin ako, as in ngayon na," boses iyon ni Mia, matagal ko nang kaibigan mula high school. Siya 'yung tipo ng kaibigan na kahit anong katarantaduhan, gagawan ng paraan para maging exciting."Ano na naman 'yan?" tanong ko habang inaabot ang plastik ng tinapay."Girl, may nahanap akong trabaho. As in big time. Sa yate."Napakunot noo ako. "Yate? Anong trabaho 'yan, maghuhugas ng pinggan?""Tanga! Hindi. Bidding work." Boses niya, parang may halong kilig at lihim na excitement.Hindi ako mangmang. Naririnig ko na 'yan, mga exclusive gathering kung saan pinapresenta ang mga babae sa mayayamang lalaki, paran

  • Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)   1 (Wounds)

    "Zarina... bumangon ka na, anak."Mahinang tinig iyon ni Lola, na tila galing pa sa malayo. Nagdilat ako ng mata, pero hindi ko naabutan ang ngiting palagi niyang dala tuwing gigisingin ako. Ilang segundo pa bago ko ma-realize kung bakit... wala na si Lola.Si lola ko na kasama ko lumaki at binigay ang lahat para lang makakakain ako sa araw-araw. Tuwing may dala siyang pagkain ay pinapakain niya ito sa akin at aalukin ko siya pero sinasabi niya lagi ay, busog siya kahit kita ko sa mga mata niya na gusto niyang kumain pero pinapaubaya na lang ito sa akin. At tinutulog na lamang niya ang gutom na nararamdaman niya.Hindi ako sanay gumising sa katahimikan. Dati, kahit gaano kabigat ang problema, may boses pa rin akong naririnig sa bahay. Pero ngayong mag-isa na lang ako sa kwartong ito, para bang lumaki lalo ang espasyo, at lumamig ang hangin.Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pauwi sila galing sa bayan, excited pa raw dahil may p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status