Marahan kong idinilat ang aking mga mata dumako ang aking paningin sa orasan ng silid.
Magaalas-singko na ng umaga maaring naghihintay na si Pablo sa ibaba. Nagpalit ako ng damit upang mas maging kumportable sa aking kasuotan. Hindi mawala sa aking kaisipan kung anong mayroon sa hacienda. Wala akong naririnig na kahit anong usapan o tunog mula sa ibaba marahil natutulog pa sila Manang Flora. Pababa na ako ng matapos kong isuot ang sapatos. Nang makarinig ako ng pagbubukas pintuan sa kabilang kuwarto, Pablo.“Magandang araw Senyor.” magalang na pagbati ko sa matipunong lalaki sa aking harapan. Nagulantang ako ng bigla itong humalakhak. “May nakakatawa ba?” pagtatanong ko sa aking sarili.“Magandang araw Binibini.” pagbati niya ng may panggagaya sa aking tinig. Napahalakhak ako ng de oras sa hindi inaakalang tinig na kaya niyang kopyahin.“Tayo na, maya-maya’y masikat na ang araw mahirap kung tingkad na tingkad ito habang nililibot ang lupain.” pahayag niya sa mas determinadong tono, tango nalang ang aking ginawad bilang sagot.Sumakay si Pablo sa kabayong nakahanda, hindi naman na ako nagulat. Maalam rin ako sa pagsakay sa kabayo naturuan ako ng aking ama bago ito pumanaw. Sinimulan ko ng iangat ang aking panghakbang sa stirrup. Nakita ko pa ang pagkamanghang reaksyon ng binata.Nagsimula na niyang patakbuhin ang kabayo gayon na rin ang kusang pagsunod ng kabayong aking sinasakyan. Palagay ko’y matagal ng magkasama ang dalawang kabayong ito.Malayo-layo na ang aming nalakbay puro puno at matataas na damo lang ang aking natatanaw. Hanggang sa nakita ko ang pulang bakuran napakalawak ng sakop nito.“Naririto na tayo, iwan mo na ang kabayo sila na ang bahala d’yan.” imik ni Pablo. Tumuloy na siya sumunod na lamang ako. Namamangha ako sa aking nakikita ang kuwadra ang malawak na lupaing tabas ang damo. Hindi ko mapigilang ngumiti ng matagpuan ng aking mga mata ang taniman ng mga bulaklak.“Napakasariwa ng hangin dito Senyor!” buong galak kong saad. Nais ko na dito nalang tumira kahit pa sa maliit na kubo lamang.“Napakaganda ng tanawin, binibini.” dagdag niya nilingon ko ito at walang imik na nagiwas tingin nang mapagtantong nakatitig ito saakin. Sinimulan na namin ang lumibot sa lupain upang maaga na ring makabalik sa palasyo.“Pablo! akala ko’y hindi ka paparito ngayon?” wika ng lalaking mahaba ang buhok. Bahagya itong nagulat ng maramdaman ang presensya ko. Yumuko ako bilang pagbati at nagangat tingin.“Narito ako upang ipasyal ang aming bisita, Amelia.” sagot ni Pablo.“Connor, Magandang umaga binibini.” pagpapakilalang saad ng lalaking mahaba ang buhok, tinugon ko rin ito.Nadaanan namin ang mga taniman at ang gulayan, maya-maya’y sumilaw ang punong hitik na hitik sa bunga. Mangga ito kumikislap-kislap ang aking mga mata, hinog na hinog na kasi ang mangga ayon sa balat nito.“Maari bang pumitas kahit isa lang?” ‘di maiwasang aking pagtatanong. Nagbabakasakaling pagbibigyan ang munti kong kahilingan.“Oo naman, ilan ba ang kaya mong kainin Amelia?” tugon ng binata. Sabay utos niya sa isa na kumuha na ng lalagyan. Namimitas ako ng may tuluyang nagabot saakin. Hiwa ng mangga. Kumuha ako at napapikit ako sa tamis nito.“Maraming salamat.” pagpapaalam ko bago napagpasyahang umuwi na sa palasyo. Si Pablo ang siyang nagdala ng mga napamitas. Habang na sa daan hindi ko lubos maisip kung ano ang mayroon sa makakapal na damo. Gayon nalang ang gulat ko ng magsimulang magwala ang aking sinasakyang kabayo. Ahas!“Amelia, kumapit ka ng mahigpit sa hawakan!” buong tinig na sigaw nito. Sinunod ko ito ngunit sa tindi ng pagwawala ng kabayo nahihilo ko itong nabibitawan. Bumaba ito sa kaniyang kabayo, inilabas ang kaniyang tabak at sinimulang ihambalos sa ahas. Wala pang ilang sandali ng ihagis niya sa mataas na damo ang patay na hayop, kumalma na ang kabayo.“Pumaroon na tayo.” huling imik niya bago tumuloy. Alas nuebe ay naroroon na kami sa palasyo, inilalabas ko ang mga napamitas na mangga sa sako. Nang biglang tumawag si Manang Flora “Hija, nakalimutan na ninyong mag-agahan. Pumasok ka na raw utos ni Senyor Pablo, naghihintay sila sa hapag-kainan”"Amelia" pagtawag ni Leo sa'kin. Lumingon ako at alam kong sa pagtawag ding iyon tila natigilan si Lira. Tuloy-tuloy ang paglakad ni Lira, ngunit tila desperado si Leo na pigilan rin siya. "Lira sandali!" sigaw nito. Hindi na hinintay pa ni Lira ang susunod na mga sasabihin niya at tuloy-tuloy na umalis. Nagsidatingan pa ang ilang mga sibilyan. Tila nagulat pa sa presensya ko. "Magandang hapon, senyora Amelia." bati nila, tumugon ako't hindi na napansin ang pagalis ni Leo. Naisipan kong magpahinga na lamang sa aking silid at tuluyang pumasok sa palasyo. Nang nasa ikalawang palapag ako napansin kong bukas ang aking silid. Binilisan ko ang pagakyat at nakita ko roon si Senyor Augustin na prenteng nakaupo sa gilid ng mesa. "Senyor." gulat na wikain ko. Ngumisi ito at tinapik-takip ang kamang nasa kaniyang tabi. "May paguusapan tayo kaya't maupo ka." pagaanyaya niya na animo'y kaniyang silid. "Maari tayong magusap sa labas Senyor Augustin." kinakabahang saad ko. "Ano pa't kaila
Inaayos ko ang aking pagkakahiga dahil ramdam ko pa din ang hapdi ng aking binti, nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Hija, kumusta ang lagay mo?" pagtatanong niya. "Ayos lang ho ako Don Griyego, h'wag ho kayong magalala 'di naman po malala at daplis lang." paninigurado ko. "Bakit ka lumalabas at pumupunta sa pamilihan? 'di ba't mayroong mga katulong upang gumawa noon?" dagdag niya pa. "Kaibigan ko po ang kasama ko sa pamimili, madalas kaming magkasama ni Lira." pagsagot ko. Kinakabahan ako at mukhang seryoso ang mukha nito. "Kung ganoon, dapat nagsasama kayo ng mga sibilyan upang makasigurado ang kaligtasan ninyo." mariing saad niya. "Sa susunod po, pasensya na po kung napagalala ko kayo at nakaabala pa sainyo." pagsangayon ko. "Sya sige, mauuna na ako magpagaling ka." pamamaalam niya bago umalis, tipid na ngiti lamang ang ginawad ko bilang sagot. Tila naramdaman ko ang pangungulila sa aking Ama. Kung naririto lamang siya ngayon baka hindi na ito umalis sa aking sil
Nagising na lamang ako sa isang madilim na silid at napansin ko si Lira sa aking tabi, mahimbing itong natutulog. Iginaya ko ang aking mga paningin sa loob ng kinalalagyan namin sa mga oras na ito nilukob ng takot ang aking kaisipan. Maaring hindi kami makalabas ng ligtas. Naisip kong bodega ang aming kinalalagyan, dumako ang aking mga paningin sa isang parte ng pader na mayroong mga nakatakip na kahoy, palagay ko'y bintana iyon. Maari kaming doon lumabas upang makatakas sa mga lalaking dumakip sa amin, may pagiingat ko itong nilapitan. Tama nga ang hinala kong bintana ito. "Amelia, nasasaan ba tayo?" pagsisimula ni Lira. "Hindi ko alam Lira. Ngunit ang maari lang nating gawin ay humanap ng paraan upang makatakas sa kanila." saad ko. Nakarinig kami ng mga yabag mula sa labas ng pintuan, nagkumpulan kami ni Lira sa isang tabi. Walang ano-ano'y bumukas ang pintuan at niluwa nito ang dalawang lalaki. "Boss, wala mukhang hindi sasagot si Senyor." sabi ng isa. "Ano? dapat may m
Natapos ang araw na iyon at nakabalik na ako ng palasyo, natutuwa ako at babalik na muli si Lira rito. Nagulat man ako na isa na pala siyang ina ngunit napakatatag niya, hindi ko maiwasang hangaan ang mga kaya niyang gawin at kung sino siya. Kinabukasan ay naparito na si Lira napakalalakas na naman ng halakhakan sa palasyo ng iba pang kasambahay sa kakulitin nito, maya-maya pa ay nagluto kami ng minatamis na saging upang meryendahin. Nang nasa mesa na kaming lahat nagpasimulang magsalita si Lira. “Paborito ito ng anak ko.” saad niya, habang hinihipan ang mainit na pagkain. Nagulat ang lahat at nagsitawanan ngunit seryosong tumingin si Lira sa kanila. “Hindi ako nagbibiro, may anak na ako.” nanahimik ang lahat nang ipagpatuloy niya ang pag-amin. “Baste ang pangalan niya dalawang taon na ito.” may ngiti sa labing banggit niya. “Kaya kahit mahirap at hinuhusgahan ako ng mga nakakakita sa akin, hindi ako napapagod magtrabaho para sa kaniya. Gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay ka
Narito na ako, bahagya akong nagulat sa kalagayan ng bahay nila Lira. Tagpi-tagpi ito, nakita ko si Lira nagsasampay ito. Hindi ako napansin ng babae kaya patuloy ito sa pagsasampay ng may sumigaw. “Ate Lira, si Baste ayaw tumigil kakaiyak!” sigaw mula sa kanilang bahay.“Oo, sandali lang. Baste anak hintayin mo si mama patapos na akong magsampay!” saad ni Lira. Bumaling ito sa may pwesto ko. Nagulat ito sa aking presensya.“Ay jusko!” sigaw nito mula sa pagkakagitla. “Amelia, bakit ka nandito? hindi ka manlang nagpasabi sana ay nasundo kita sa labasan!” pagaamok niya.“Hindi na kailangan Lira wala naman akong mabigat na bitbit.” paninigurado ko.“Kahit na baka mapaano ka pa, iba pa naman ang mga klase ng tao rito.” pagaalala nito.“Tuloy ka.” saad niya, habang binubuksan ang pinto. Tumuloy ako sa loob upang kami’y makapagusap marami-rami akong nais itanong at ikwento sa kaniya ngunit mas marami ata siyang dapat ipaliwanag saakin.“Pagpasensyahan mo na itong bahay namin. Alam mo naman
Umalingawngaw ang putok sa buong kagubatan. Nagsilabasan din ang mga mangangaso na bahagyang nagulat sa mga guwardiya sibil. Naalis na ang nakasipit na bakal kay Julio, tinapalan ko ng tela at dahon ang balat niyang nabaunan ng matalas na parte ng bakal. Tinignan ng kapitan ang mga mangangasong naglagay bitag sa daanan.“Pasensya na kapitan, Akala namin ay walang magdaraan sa kagubatan ngayong araw.” paumanhin ng isang mangangaso.“Hindi dapat ninyo nilalagyang bitag ang tabas na damong may lupa. Kahit pa maaring walang magdaan, ipamamalita ko kay Don Griyego ang nangyari upang wala ng makapangaso sa lugar na ito.” pagsasalitang may bahid na galit ni Kapitan. Tinignan ko ang mukha ng mga mangangaso, pamilyar ang mga ito lalo na ang isang matandang lalaking nanlulumo sa sinabi ng kapitan. Marahil ito ang kaniyang hanap-buhay.“Kapitan, hindi na kailangan. Ako na ang bahalang magsabi kay Don Griyego ng insidente. Upang hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga mangangaso.” singit ko sa us