Share

KABANATA 6

Isang linggo na ang nakaraan ng dalhin ako ni tiyo Leon dito sa palasyo, pinagsisikapan kong makitungo sa bawat isa. Ang tanging pinagkakaabalahan ko ay ang hardin at ang kusina, hindi pa ako masyadong maalam sa mga pagluluto kaya naging gabay ko si Manang Flora.

Hindi ko na muling nakita si Pablo, ngunit dito na namamalagi si Augustin. Nadadaanan ko ang silid nito, minsan ako naman ang nagaaya ditong kumain pagnauutusan ni Manang Flora.

Nasasanay na ako sa pamamalagi rito, may mga naging kaibigan na rin ako, si Lira ang pinakakasundo ko marahil dahil sa aming edad. Siya ang namamalengke at tagapagbili sa bayan. Madalas akong sumasama sa kaniya upang matulungan siyang mamili ng mga sariwang isda, karne at mga gulay. Wika niya kase madalas siyang mabulyawan ni Manang Flora dahil bilasa ang mga napipili niya.

Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga tanim na bulaklak sa hardin ng mapansin ko ang lalaki, si Senyor Augustin nagbabasa ito ng libro sa gilid. Tumikhim ako, bumaling ang kaniyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status