Share

KABANATA 7

Pagkatapos ng umagahan naghahanda kami ng makakain bago pumunta sa panliliguan.

“Talaga bang napakalinis ng tubig doon?” pangungulit sa akin ni Lira.

“Oo nga.” naiiritang sagot ko. Nakailang ulit na ako ng pagsagot sa mga tanong niya, kumakanta-kanta pa ito habang nagbabalot ng pagkaing aming babaunin.

“Lira at Amelia naghihintay na ang mga guwardiya sibil.” pasadyang saad ni Manang Flora.

“Susunod na po birheng Flora.” panunudyo ni Lira. Pinandilatan ni Manang Flora si Lira at pabirong hinampas. Nagtawanan kami sa kakulitan ni Lira.

Bumaba na kami ni Lira. Hinihintay na nga talaga kami ng mga sibilyan, dala-dala pa rin ng mga ito ang kanilang mga armas, tila may labanang magaganap sa pagitan nila at ng mga damo't puno. Natahimik si Lira parang natuod ito sa kinalalagyan ng makita ang mga sasama saamin patungo sa talon.

“Senyora Amelia” sabay-sabay na bati ng mga ito bago yumuko.

“Magandang araw” pagbalik bati ko sa kanila. “Huwag na ninyo akong tawaging senyora, ayos na ang Ameli
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status