Share

KABANATA 10

Natapos ang araw na iyon at nakabalik na ako ng palasyo, natutuwa ako at babalik na muli si Lira rito. Nagulat man ako na isa na pala siyang ina ngunit napakatatag niya, hindi ko maiwasang hangaan ang mga kaya niyang gawin at kung sino siya.

Kinabukasan ay naparito na si Lira napakalalakas na naman ng halakhakan sa palasyo ng iba pang kasambahay sa kakulitin nito, maya-maya pa ay nagluto kami ng minatamis na saging upang meryendahin.

Nang nasa mesa na kaming lahat nagpasimulang magsalita si Lira. “Paborito ito ng anak ko.” saad niya, habang hinihipan ang mainit na pagkain. Nagulat ang lahat at nagsitawanan ngunit seryosong tumingin si Lira sa kanila. “Hindi ako nagbibiro, may anak na ako.” nanahimik ang lahat nang ipagpatuloy niya ang pag-amin. “Baste ang pangalan niya dalawang taon na ito.” may ngiti sa labing banggit niya. “Kaya kahit mahirap at hinuhusgahan ako ng mga nakakakita sa akin, hindi ako napapagod magtrabaho para sa kaniya. Gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status