LOGINKasangkapan sa pagtukoy ng direksyon. Hilaga o Timog, Silangan o Kanluran. Amelia, ikaw aking tahanan hihintayin kita kahit umabot pa ang aking buhay sa hangganan.
View MoreDISCLAIMER
Read this before proceeding to the actual story.This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated all the names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. This story is the product of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This is my first ever story so please bear with me. Thank you! :)This story includes strong language and also this might include profanities, violence, self-harm, explicit scenes, and abuse. If you are sensitive to this kind of topics, please do not proceed.Read at your own risk."Amelia" pagtawag ni Leo sa'kin. Lumingon ako at alam kong sa pagtawag ding iyon tila natigilan si Lira. Tuloy-tuloy ang paglakad ni Lira, ngunit tila desperado si Leo na pigilan rin siya. "Lira sandali!" sigaw nito. Hindi na hinintay pa ni Lira ang susunod na mga sasabihin niya at tuloy-tuloy na umalis. Nagsidatingan pa ang ilang mga sibilyan. Tila nagulat pa sa presensya ko. "Magandang hapon, senyora Amelia." bati nila, tumugon ako't hindi na napansin ang pagalis ni Leo. Naisipan kong magpahinga na lamang sa aking silid at tuluyang pumasok sa palasyo. Nang nasa ikalawang palapag ako napansin kong bukas ang aking silid. Binilisan ko ang pagakyat at nakita ko roon si Senyor Augustin na prenteng nakaupo sa gilid ng mesa. "Senyor." gulat na wikain ko. Ngumisi ito at tinapik-takip ang kamang nasa kaniyang tabi. "May paguusapan tayo kaya't maupo ka." pagaanyaya niya na animo'y kaniyang silid. "Maari tayong magusap sa labas Senyor Augustin." kinakabahang saad ko. "Ano pa't kaila
Inaayos ko ang aking pagkakahiga dahil ramdam ko pa din ang hapdi ng aking binti, nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Hija, kumusta ang lagay mo?" pagtatanong niya. "Ayos lang ho ako Don Griyego, h'wag ho kayong magalala 'di naman po malala at daplis lang." paninigurado ko. "Bakit ka lumalabas at pumupunta sa pamilihan? 'di ba't mayroong mga katulong upang gumawa noon?" dagdag niya pa. "Kaibigan ko po ang kasama ko sa pamimili, madalas kaming magkasama ni Lira." pagsagot ko. Kinakabahan ako at mukhang seryoso ang mukha nito. "Kung ganoon, dapat nagsasama kayo ng mga sibilyan upang makasigurado ang kaligtasan ninyo." mariing saad niya. "Sa susunod po, pasensya na po kung napagalala ko kayo at nakaabala pa sainyo." pagsangayon ko. "Sya sige, mauuna na ako magpagaling ka." pamamaalam niya bago umalis, tipid na ngiti lamang ang ginawad ko bilang sagot. Tila naramdaman ko ang pangungulila sa aking Ama. Kung naririto lamang siya ngayon baka hindi na ito umalis sa aking sil
Nagising na lamang ako sa isang madilim na silid at napansin ko si Lira sa aking tabi, mahimbing itong natutulog. Iginaya ko ang aking mga paningin sa loob ng kinalalagyan namin sa mga oras na ito nilukob ng takot ang aking kaisipan. Maaring hindi kami makalabas ng ligtas. Naisip kong bodega ang aming kinalalagyan, dumako ang aking mga paningin sa isang parte ng pader na mayroong mga nakatakip na kahoy, palagay ko'y bintana iyon. Maari kaming doon lumabas upang makatakas sa mga lalaking dumakip sa amin, may pagiingat ko itong nilapitan. Tama nga ang hinala kong bintana ito. "Amelia, nasasaan ba tayo?" pagsisimula ni Lira. "Hindi ko alam Lira. Ngunit ang maari lang nating gawin ay humanap ng paraan upang makatakas sa kanila." saad ko. Nakarinig kami ng mga yabag mula sa labas ng pintuan, nagkumpulan kami ni Lira sa isang tabi. Walang ano-ano'y bumukas ang pintuan at niluwa nito ang dalawang lalaki. "Boss, wala mukhang hindi sasagot si Senyor." sabi ng isa. "Ano? dapat may m
Natapos ang araw na iyon at nakabalik na ako ng palasyo, natutuwa ako at babalik na muli si Lira rito. Nagulat man ako na isa na pala siyang ina ngunit napakatatag niya, hindi ko maiwasang hangaan ang mga kaya niyang gawin at kung sino siya. Kinabukasan ay naparito na si Lira napakalalakas na naman ng halakhakan sa palasyo ng iba pang kasambahay sa kakulitin nito, maya-maya pa ay nagluto kami ng minatamis na saging upang meryendahin. Nang nasa mesa na kaming lahat nagpasimulang magsalita si Lira. “Paborito ito ng anak ko.” saad niya, habang hinihipan ang mainit na pagkain. Nagulat ang lahat at nagsitawanan ngunit seryosong tumingin si Lira sa kanila. “Hindi ako nagbibiro, may anak na ako.” nanahimik ang lahat nang ipagpatuloy niya ang pag-amin. “Baste ang pangalan niya dalawang taon na ito.” may ngiti sa labing banggit niya. “Kaya kahit mahirap at hinuhusgahan ako ng mga nakakakita sa akin, hindi ako napapagod magtrabaho para sa kaniya. Gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews