แชร์

Kabanata 6

ผู้เขียน: the1999cut
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-20 14:08:39

Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo

•••

Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.

Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang f******k ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!

"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong F* nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!

Jomar Davila : Hugo Elias name niya sa F* pre!

Hugo Elias?

Aqeelah Bermejo : Bat Hugo Elias??

Jomar Davila : Full name kasi niya Rahab Hugo Elyas... malay ko sa trip niya ba?

Aqeelah Bermejo : Whatever tnxxx!

Jomar Davila : Stalk well! Kaso naka friends only yata mga post nun!

Aqeelah Bermejo : e di add siya!

Jomar Davila : Tapang Hahahhahahaha

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinearch ko agad ang pangalan niya. Lumabas naman ito agad. Profile niya parang matagal na...medyo bata bata pa siya rito. Naka casual outfit lang at parang sa may library pa ang kuha? I don't know...pero halatang old pic na ang profile niya...college days siguro? Sabagay 'gaya ni Jomar sa isang university nag-aral si Rahab samantala ako sa isang state college lang dito sa Pateros...kami ni Dons parehong sa Pateros Technological College nag-aral with BSOA course samantala iyong iba ay sa Rizal Technological University o University of Makati o Pamantasan Lungsod ng Pasig o Taguig City University. Ganito yata ako kaloyal sa aking hometown?

Simple lang ang cover photo niya parang picture ng mama niya na nasa Baguio dahil sa background nito. Hindi ko rin makita ang ibang posts niya sa timeline dahil sabi nga ni Jomar na naka friends only ang audience niya. I didn't even hesitate to click the Add Friend button.

Napakalikot tuloy ako ng mga tag posts at pictures niya na naka public. May ilan doon na halos high school at college friends niya yata? Nakita ko pa post ni Jomar na nakatag sila ni Cha...parang intrams? Sabi nga ni Jomar sa basketball team ng university sila nagkakilalang tatlo. Puro mga group pics wala man lang siyang solo?

"Teka nga...bakit karamihan ng group pics na 'to kasama niya 'tong girl?" pagtukoy ko sa isang babae na maganda, chinita, mukhang mabango pa nga!

"Who are you?" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan ang mga pics na nandoon ang babae.

Maganda siya kahit halos sa mga pics hindi siya ngumingiti, pero curious talaga ako kung sino siya...at halos mga pics na iba ay magkatabi sila! Ex? Hindi ko alam kung tatanungin ko ba si Jomar o hindi...I mean curiosity kills the cat...and I'm that cat!

Nag message agad ako kay Jomar at sinend ang pic na 'yon sakaniya. Agad naman sumagot ito at napatunayan ang hinala kong ex nga niya 'yon! Standard niya ay chinita na mukhang mabango't malinis at mahinhin! Kaasar!

Jomar Davila : Matagal din naging sila sa pagkakaalam ko e? Kasi nakilala ko na si Rahab magjowa na sila niyan...second year college kami nagkakilala e.

Aqeelah Bermejo: Bakit sila naghiwalay? Alam mo ba?

Jomar Davila : Hindi e!

Aqeelah Bermejo : Anong klaseng kaibigan ka?

Jomar Davila : Hoy! Hindi nagsasabi yun samin! Nagulat na lang kami hindi na pala sila nung nagkitakita kami nun! Kala nga namin forever na yun sila e!

Aqeelah Bermejo: Balita dun sa girl?

Jomar Davila: Hindi ko alam e. Hindi naman kami nun close...parang introvert yun e! Mailap sa tao! Mukhang mataray pa hahahahaha!

Chinita? Ekis ako do'n! Medyo matangkad? Hmm fifty-fifty! Mukhang mabango? Hmmm feeling ko hindi ako gano'n ka-fresh looking? Lugi talaga! May taste siya sa babae! Tapos mahinhin na mataray? Hindi ako 'yon! Siga ako maglakad jusku!

Jomar Davila : Si Cha ask mo! Mas close sila ni Rahab kesa sakin e! Nagkakilala yun nung enrollment nung college ayun yung kwento nila...

Aqeelah Bermejo : Kay Cha? Hindi rin kami close nun e!

Jomar Davila : E di tigilan mo na kakatanong mo hahahaha! Stalker yan?

"Bwisit...hindi ba talaga pwedeng curious lang ang girly pop na 'to? Hay nako!"

Habang palalim sa aking curiosity kay Rahab ay pansin kong ang friendly niya talaga? I mean...kitang kita ko na maraming nagmamahal sakaniya dahil sa mga birthday greetings sakaniya. Samantala ako 'yong mga tropa ko pinipiem lang ako!

Bukod sa birthday greetings may condolences na siguro kamag anak niya? Hindi ko na masyadong inalam pa dahil ang focus ko ay doon sa babae! Sa ex niya! Anong name ni ate mo girl? Jusku parang hindi siya sociable! Anti-socmed yata siya! Anong laban ko doon? Ang kalat kalat ng timeline ko! Makakita lang ako ng mga post na swak sa humor ko e nirerepost ko kaagad!

"Ganito na ba ako kainteresado kay Rahab? Oh my gosh...pati ex niya gusto ko malaman? Hibang na 'ko!" pagkausap ko sa aking sarili.

Sa sobrang hibang ko binalikan ko ang profile niya at tinignan ang mga photos nito sa album...hindi naman naka-lock ang profile niya kaya madaling mastalk. Dalawa lang ang profile niya...iyong current at itong grad pic niya ng college.

"Kainis! Sino hindi magkakagusto sa nilalang na 'to? Ako nga na indenial this past few days e eto na ngayon! Jusku! Favorite ba siya ni lord?" OA kong pagreact sa simpleng grad pic niya na nakangiti at clean cut.

Nakakapagtaka lang dahil mas latest ang pic na ito kaysa sa current niya kaya bakit niya pinalitan?

Binasa ko ang mahabang caption niya na common sa mga graduating...at doon sa caption na iyon dalawang tao lang ang pinasalamatan niya na binanggit niya ang pangalan...una ay iyong mama niya, pangalawa ay iyong ex niya na si Miel. Hindi nakatag ang f* ng ex niya...Miel lang talaga nakalagay. Totoo nga ang sinabi ni Jomar na college sweetheart sila dahil namention iyon ni Rahab sa caption niya. Doon ko lalo hinangaan ang kung anong meroon sakanila.

Through ups and downs...pero anong nangyari ngayon? Bakit sila naghiwalay?

Minsan nakakacurious din ang ganito. Mas invested pa ako malaman kung paano naghihiwalay ang dating magkarelasyon kesa doon sa naexperience kong break up. Bakit kapag nangyari sa akin napaka walang kwenta? I want to know the reason to why it ended? I mean ilang taon din iyon if during college and maybe after? Pero sino ba ako para magtanong ng gano'n? I mean, Rahab seems okay naman now? Ako lang siguro itong affected.

"Sayang din 'yong taon...hindi sila naghinayang doon?" pagtatanong ko sa aking sarili.

Ito ang nakakatakot sa pagmamahal...hindi mo alam kung hanggang kailan mananatili. Sino ba may gusto ng pagmamahalan na nauuwi lang sa aral ng buhay—na hanggang kabanata lang at hindi hanggang wakas? Nakakatakot maglaan ng oras at panahon sa isang bagay na hindi ka siguradong tatagal.

Oras na siguro para hindi na masyadong alamin ang nakaraan ni Rahab, dahil kung ano man iyon ay nasa nakaraan na...wala akong alam doon para pakealaman pa. Kung ano man ay kwento na nila ni Rahab iyon...kabanata na nila na nasundan na ng ibang pahina.

Ang importante ay ang ngayon.

Pagkatapos i-confirm ni Rahab ang friend request ko sa f******k...nilinis ko ang aking timeline. Iyong nandoon lang ay puro mala-motivational and inspirational...kulang na lang pati bible verses irepost ko na rin kaso baka pagtripan ako ng mga tropa ko. Ngayon ko lang narealize na kung gaano pala ako baguhin ng pag-ibig? Grabe iyong adjustment ko!

•••

Kagaya noong mga nakalipas na araw, tila sumasang-ayon sa aking kagustuhan ang lahat. Kahit malayo pa ako sa may bandang elev ay tanaw ko na agad si Rahab. Tila kabisado ko na iyong tangkad at tayo niya sa palagi naming pagkikita.

Ito marahil ang nagustuhan ko sa ideya ng pagmamahal...ang pagkasabik na makita ang taong pinili mong buhusan ng atensyon kaya kahit ilang beses ka pa mabigo kung ganito ang pakiramdam ng magmahal ay handa ka ulit subukan.

"Good morning, Aqee!" nakangiti niyang bungad sa akin pagpasok ko sa elev.

"Good morning din..."

Walang pinipiling oras o lugar ang tadhana...pero baka tama nga si Jomar na kailangan ako na ang kumilos sa ihip ng hangin nito patungo sa direksyon na gusto ko.

Dahan dahan, Aqee. Slowly but surely. Mahirap din umasa sa wala.

Bigla tuloy akong nagdalawang isip kahit isa lang naman ang utak ko.

"Lalim ng iniisip ah? Work agad? Wala pang eight hahaha!" aniya bigla.

"Hindi...kulang lang sa tulog."

Napuyat ako kakascroll sa account mo!

"Hmmm ganoon siguro kapag nagkaka edad na noh? Mabilis mapagod, pero hirap makatulog."

"True..."

Hindi ko na alam kung ano ang sunod kong sasabihin! Kung ano ba magandang topic na puwedeng i-segway roon!

"Anong pagkain ng aso mo?" bigla kong tanong.

Kingina bakit iyon?!

"Ha? Pagkain ng aso?"

"Ahmm oo...may aso ka ba?"

"Cat lover ako e."

"Ahh! Cat lover pala...pusa meron ka..."

"Oo...aso sa'yo?"

"Oo...poodle. Lahi ng pusa mo?"

"Half breed iyong akin...half-siamese half-puspin."

"Cute rin mga 'yon e hahahaha!"

"Oo, gentle baby sila. Hindi mo masyado kailangan bigyan ng atensyon. Iyong sa akin kasi suplada pero malambing...madalas non-chalant hahaha!"

"Ahh nonchalant..."

Mahilig talaga siya sa nonchalant ha?

"Bakit mo naman natanong 'yon bigla?" aniya.

"Balak ko kasi magpalit ng dog food sa aso ko e..." kahit ang totoo no'n ay ayaw nga ng aso ko ng dog food! Gusto niya karne rin!

"Sorry, hindi kita matutulungan diyan...may kilala ako na may aso rin kaso aspin 'yon...ay hindi ko lang sure kay Cha kung buhay pa 'yong aso nila kasi ang tanda na rin no'n sa dog age..."

"Okay lang...magtatanong na lang ako sa kakilala ko rin...thanks!"

Pagkatungtong ng elev sa floor nila ay nagpaalam siya sa akin na may malapad na ngiti at munting kaway. Sandali kong nalimutan iyong kahihiyan kong nasabi kanina para lang makausap siya.

Unti-unti ay nakikilala ko na rin siya...mga bagay na gusto niya. Mahilig siya sa kape, may alaga siyang pusa na half breed, mahilig siya sa nonchalant...kahit papaano ay nalalaman ko rin na hindi kami tugma, ako na ang gagalaw sa tadhana ko this time. Iihipan ko ang hangin ng aking tadhana patungo sa direksyon na kinatatayuan niya. Aagawan ko na rin ng role si kupido sa pagpana dahil madalas ng pinapana niya ay mali! Oras naman para sumapol ang pana sa tamang tao! I will aim that Cupid's arrow in the direction I set to target...with the help of the wind I call Fate.

•••

TBC.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 6

    Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 5

    Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 4

    Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 3

    Nilalaro ni Kupido ang kaniyang panaWala naman akong inaasahan na second encounter pagkatapos no'ng sa elevator kaninang umaga...pero napag-isipan kong mag lunch out mag-isa kahit na free lunch naman doon sa office namin...actually free meal 'yon. Sa division lang namin talaga uso ang free meal dahil budget 'yon ng hepe namin at 'yong mga ibang division na may handle ng iba't ibang district ay kkb sa pagkakaalam ko.Pero wala naman talaga akong ineexpect sa pagbaba ko...sa paglunch out ko sa jollibee...kasi wala naman akong napala buong lunch time sa baba. Nagmadali pa akong umakyat bago mag one para makapag break in-break out!Ano ba talaga 'tong gusto kong mangyari? Hays.Nagtrabaho na lang ako after no'n. Isa akong Admin Officer sa Assessment Division ng BIR-Makati. Ang main job ko ay receiving and monitoring of dockets, and file keeping. Dadaan sa akin halos lahat ng dockets from old revenue's to new revenues na napunta rito sa AD kaya hectic kapag clearance season dahil maglala

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 2

    Tadhana ay sumasaatinTumagal ang salu-salo, ilang alak na rin ang naiinom at natatagay ng mga bisita rito. Ang kuwentuhan ay unti-unting lumalalim. Iyong dalawang late ay magkatabi at tanaw na tanaw ko sila sa aking puwesto dahil halos katapatan ko lang sila...lalo na 'yong Rahab na kanina pa kakuwentuhan si Jomar."Paps, si Aqee nga pala..." halata sa boses ni Jomar ang pagkalasing at kanina ko pa hinihintay na ipakilala niya ako kaso inuna niya pa ang kuwentuhan. Pinakilala rin niya sila Tin at Dons."Itong dalawa pamilyado na 'yan, e!" turo ni jomar sa dalawa kong katabi. "Ito si Aqee, single 'yan! Bagay kayo! Irereto na kita agad, ha?"Ang gagu ng isang 'to talaga..."Gagu ka mar!" natatawa pang sabi no'ng lalaki."Aqee, si Rahab pala! Iyong sinasabi ko sa'yo kanina hahahaha gwapo no?" sabi ni Jomar.Nagkibit balikat lamang ako para kunwari nonchalant lang."Hello..." wika ni Rahab sa akin.Gusto ko talaga 'yong boses niya tapos 'yong tono ng tawa niya…hindi baduy pakinggan."Hi.

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 1

    THIS IS A WORK OF FICTION.All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, establishments, is purely coincidental.Please be advised that this story includes the use of foul words and adult humor or may contain mature / sensitive topics onward as the story progress.Enjoy reading!***"AMOR FATI"Love of fate-love all that your life has brought you.The sadness, the happiness, the pain, the pleasure.Love it all.***Si AqeelahThere is something to be said about two people who find each other time and time again. No matter what situations they end up in or how far apart they become - they come back to each other. Those are the people who have a little thing called fate on their side. Those are the people I envy. I want that too, but fate and love have their favoritism too...and it's not me.I've been in three relationships already. Each one didn't quite end up well. Iniisip ko kung ako na ba talaga ang problema o sadyang nilikha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status