Share

Kabanata 4

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2025-11-19 11:41:37

Sa Elevator Nakaabang Si Kupido

•••

It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako.

"Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area.

"Tumpak ka d'yan hahahaha!"

"Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!"

"Need mo na yata magpa check up niyan?"

"Gaga bata pa 'ko!"

Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dispenser. Morning routine namin ito bago magsimulang magwork ng walong oras o higit pa. Madalas na usapan sa pantry ay mga kwentong tungkol sa kapwa katrabaho namin. Kinaiinisan o sadyang 'di lang namin makuha 'yong vibe...minsan tungkol sa problema sa pamilya o mga partners o mga ganap sa pinas tulad ng politics at mga kabitan na nagttrending sa socmed. Actually it depends kung sino magsisimula ng topic sa pantry. Ang pantry ang lugar na tinatawag namin na Room of Secrets, dahil imbes na pagkain ang datnan, chika ang inihahain.

"Teh! Iyong mga bagong hire talaga ngayon dito ang hahangin!" sambit ni maki habang nagtitimpla ng kape.

"Bunganga mo gaga ka! Baka may biglang pumasok at marinig ka!"

Open din kasi dapat ang pantry kahit kanino dahil nandito ang water dispenser at may iilan na naghuhugas ng kanilang mga tumbler tuwing umaga kaya maingat sa paglalabas ng saloobin dito.

"Pero alam mo totoo 'yon..." wika ko habang hinahalo ang aking kapeng naitimpla.

"Di ba?!" with her exaggerating reaction.

"Kung umasta akala mo kay tagal na rito...tapos parang ang baba ng tingin sa atin kasi admin lang tayo. Ang hirap kaya maging admin! Sila kaya mag file keeping!"

"Teh, ako nga papareceive ng docket pa, eh! Mabibigat 'yong iba ha? Tapos sasabihin sa'kin ako na naman? Like watdahel bruhh kanino mo gusto? Sa bisor mo ibigay ko?"

"Anong sinabi mo talaga?"

"Wala kang choice tulad ko...gano'n talaga sinabi ko! Kay bago bago ayaw na madagdagan work ampota! Kitang need ko mabalance 'yong bigay ko sa mga revenue officer, e? May tantusan ako!"

"Alam mo...may point talaga tayo, e."

"Hello? Hindi nagkakamali ang isang Maki Katrina Vallegas ng Poblacion, Makati City!"

"Ganda atake mo d'yan...muntanga!"

Pareho pa kaming dalawa natawa tapos isa-isang nagdadatingan ang ibang empleyado sa pantry kaya bumalik na kami ni Maki sa aming area at nagsimula ng magtrabaho kahit may natitira pa kaming sampung minuto bago mag alas otso.

Pagsapit ng lunch nagkaayaan kami ni Maki na kumain sa labas dahil pareho naming ayaw ang nakahain na ulam sa araw na ito...sinigang na hipon. Pareho kaming allergic sa hipon kaya kapag seafood ang menu matik na bababa kami para maglunch out sa Jollibee.

At parang nakikipaglaro talaga sa akin si kupido dahil no'ng pabalik na kami ni Maki sa office pasakay ng elev ay nandoon siya sakto nag-aabang din ng elevator. Mukhang naglunch out siya sa labas kasama ang mga katrabaho niya. Paglapit namin ni Maki roon ay sakto namang bumukas ang elevator, naglabasan ang mga nakasakay roon tsaka kami pumasok...pinauna niya pa nga ako...kami ni Maki tapos nginitian din.

"Lunch out din kayo, Aqee?" aniya.

Dumadami ang tao sa loob at magkatabi kami...iyong balikat namin nagkakasanggian kaya nahihiya ako magsalita, pero nandito na ako, e? Hindi pa ba ako makikipag usap sakaniya?

"Ahmm oo, e. Kayo rin ba?"

Napaka obvious naman jusko!

"Oo...tapos napabili rin ng kape sa Starbucks."

pinakita pa niya sa akin 'yong hawak niyang kape.

"Oh? Kape after a meal?"

"Sasakit tiyan ko roon noh? Hahahahaha!"

Natawa na lang ako kahit 'di naman talaga nakakatawa.

Iyong ibang kasama namin dito sa elev para bang walang pakealam sa amin at sa usapan namin...sabagay wala naman din kwenta para maissue...

"Hindi ka ba nagkakape?" biglaan niyang tanong.

"Nagkakape naman lalo na kapag libre..."

"Hahaha sige kapag nagkasalubong ulit tayo libre kita. Sayang si Cha kanina e, kakalabas lang ng elev kanina--"

"Oh? Hindi ko siya napansin!"

Wala naman talaga akong pake roon at hindi ko talaga siya napansin...iyong attention span ko napaka limited lang sa isang tao.

"Next time tayong tatlo noh? Kapag nagkasundo sundo tayo sa time!"

"Sure! Sabihan mo siya tutal close naman kayo."

"Oo, sige na...dito na kami. Bye, Aqee!"

Nginitian ko lang siya at tumango.

Pagkatungtong ng elev sa floor namin itong Maki grabe ang pang-aasar sa akin kay Rahab na kahit hindi niya kilala e, support daw siya sa amin...na baka ang taon na ito ay makahanap na ako ng bagong boyfriend.

Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko kung naghahanap ba ako? Naghihintay? Siguro kung may dumating ay ayos lang talaga sa akin, pero itong si Rahab kasi...nililito niya ako sa bagay na gusto ko mangyari. Sigurado naman ako na attracted lang ako sakaniya dahil oo, gwapo siya. Siya 'yong masasabi kong ideal guy ko physically, pero hindi ko pa siya ganoon kakilala. There's still doubt, yet what I feel is something I want to feel. Matagal na rin kasi noong huli akong kiligin. I'll probably trust fate this time.

And the funny thing is...fate do really love to play along. Para bang si kupido ay talagang nakatambay sa elevator at sinisigurado na magkikita kami hindi man three times a day, pero kailangan that day may pagkakataon na magkikita kami. If there's Jeepney love story, this here, is our elevator love story. Ako na ang magsusulat kung maging kuwento man, ako ang singer kung magiging kanta man, ako ang magtutula kung maging tula man.

•••

Pa-uwi, commute girly ako. Hirap akong makatsamba ng Jeep na hindi puno. Ayoko maging center passenger iyong uupo sa gitna dahil na-try ko 'yon isang beses at ang sakit sa binti! Manhid talaga inabot ko tapos wala pang bumababa na pasahero na malapit. Mapapadasal ka na lang talaga na sana may bumaba na para makapag unat ka man lang at makaupo ng maayos. Pero anong oras na? Halos mag-iisang oras na akong nag-aabang dito.

Kapag may dumaan talagang Jeep sasakay na 'ko...makikipag siksikan na talaga ako!

Anong oras na naman ako makakauwi nito! Mahaba na naman pila sa may Guada! Mapipilitan akong mag-abang doon sa baba jusko!

Sa gitna ng pagdadalamhati ko no'n ay may pumara na isang jeep, Guada ang biyahe. Sumenyas ang driver na isa pa raw kahit obvious naman na siksikan na sa loob, pero wala akong choice kundi i-grab na ang opportunity na iyon para makauwi lang lalo na't ramdam ko ang nagbabadyang ulan dahil sa simoy ng hangin at hindi karaniwang madilim na langit sa ganitong oras sa ganitong panahon. Siniksik ko talaga ang sarili ko sa kaunting space na natitira kahit na wala naman akong maupuan na.

"Kuya, sabit na lang ako...dito ka na." biglang sambit no'ng isa kaya napatingin kami sakaniya na biglang umalis sa upuan niya...

Si Cha nagpaubaya ng upuan sa akin. Nandoon pala siya halos sa tapat ko hindi ko man lang napansin.

Nakapag abot na rin ako ng bayad sa driver. Inayos ko ang pagyakap ko sa aking bag dahil uso ang dukutan dito sa Makati. Pumatak na rin ang ulan sa labas...napapasulyap ako kay Cha na nakasabit doon sa may entrance ng Jeep, kalahati ng katawan nito'y tuyo at kalahati ay nababasa na. Nakikipagsiksikan din siya sa dalawa pang sabit. Syempre may konsensya rin ako kaya no'ng pumara na 'yong katabi ko ay tinawag ko siya agad para maupo...hinarang ko talaga ang extrang upuan na 'yon para sakaniya, pero ang lalaking iyon ay binigay sa iba ang niligtas kong space para sakaniya. Binigay niya sa isang may gulang na lalaki na mayroong malaking bag.

Ayaw yata ako katabi no'n, ah?

Hanggang sa may bumaba bandang kalayaan, pero pinauna niya pang paupuin iyong kasama niya roon. No'ng halos nagbabaan na 'yong iba bandang 7-11 ng kalayaan tsaka pa lang siya naupo tapos doon pa sa bungad kahit na may space na rito sa tabi ko.

Nilalayuan ba 'ko no'n? Ang weird naman no'n!

Umuulan pa rin noong tumigil ang Jeep sa Guada kaya naglabas ako ng payong gano'n din si cha at agad na bumaba, dahil same way lang din naman kami binilisan ko ang aking lakad makasunod sakaniya. Hindi naman niya binibilisan ang paglalakad niya...hindi rin gano'n kabagal kaya no'ng makasabay ako ay agad ko siyang kinalabit na kaniya naman tinignan. Sa wakas at nagpansinan na rin kaming dalawa!

Tinanggal nito ang suot niyang wireless earphone sa kanang tainga at tinignan ako ng may expression na nagtatanong kung bakit...

Medyo may kaliitin nga siya sa akin kaya hindi eye level ang tinginan namin.

"Thanks pala kanina sa may Jeep..." wika ko.

"Okay..." tangi niyang sambit at mahiyang napangiti habang ibinabalik ang earphone na kaniyang tinanggal kanina.

Iyon lang? Ang tipid naman.

"Taga pateros ka 'di ba?" tanong ko. Magkasabay pa rin kaming naglalakad. "Naririnig mo ba 'ko?" tanong ko.

"Ahh...Oo. Hininaan ko 'yong volume nung music ko." aniya habang pinakita saglit ang cellphone niya at binalik iyon sa kaniyang bulsa.

"Shy type ka ano?"

Hindi siya naimik pero iyong labi niya nanipis.

"Hindi ako makapaniwala na naging kaibigan mo sila Jomar at Rahab...madaldal mga 'yon e? Ikaw tahimik lang."

"Hindi kasi tayo close..." aniya na walang preno.

Iniisip siguro nito feeling close ako sakaniya? Itong bansot na 'to...

"Huy hindi ako feeling close ah!"

"Wala naman akong sinabi."

"Parang gano'n na rin 'yong tinutukoy mo noh!"

Nagkibit balikat lamang siya. Ngayon ko lang din napansin na mahilig siya sa gano'ng porma...checkered sleeve, plain t-shirt, pants, sling bag...tipong street wear lang o memasuot. Bagay naman kaso nagmukha siyang estudyante imbis na edad namin. Para tuloy akong teacher dahil sa government uniform ko na may kasamang estudyante! Kaya dinistansya ko ng kaunti ang sarili ko sakaniya...mahirap na kapag naissue...baka bigla pang mapost sa f******k at magawan ng kwento jusku po!

"Bakit lumayo?" tanong niya.

"Hindi tayo close 'di ba?" tugon ko na kaniya namang nginiwian.

Pagdating namin sa terminal ng Jeep doon kami sa may babaan naghintay ng masasakyan...sa pinagbabawalan sumakay dahil mas madali roon at may nagpapasakay talaga na hindi kasapi sa terminal na iyon kundi doon pa sa may pinaka baba malapit sa perry ang pila. Hinahabol nga lang ang Jeep kapag dito nag abang dahil nga bawal kaya nagmadali kami ni Cha sumakay...pinauna niya pa ako kahit na nauuna na siya at sagabal pa iyong payong ko na halos nabasa pa nga siya noon nung sinara ko. Hindi pa rin kami magkatabi pero magkatapatan naman kami kaya feeling ko magiging magkaibigan na kami after nito. Hindi na awkward.

Pagtungtong namin ng Pateros ay tinapik niya lang ang tuhod ko at nauna ng bumaba. Umuulan pa rin pero nakapayong naman siya kaya hindi ko na siya inalok na sumabay pa sa akin sa tricycle atsaka nagmamadali siyang maglakad! Akala mo naman talaga susundan ko siya hanggang kanila?

No'ng makasakay agad ako ng tricycle nakasalubong pa namin siya. Kagaya ng dati tuwing napapansin ko siya napapadaan sa may simbahan ay tumitigil siya sandali at nagssign of the cross—respeto tapos lakad paalis na. Ang chill lang din niya tignan sa totoo lang. Ibang iba talaga siya doon sa dalawa niyang kaibigan. Personality wise I still prefer Rahab over the two. Iba 'yong panang ginamit ni kupido sa akin sa lalaking 'yon. Cha is a good friend of Rahab and a mutual friend of Jomar...may possibility na mapabilang siya sa circle of friends namin kaya I should get to know him too kapag nagkaroon ng chance.

This is finally fate taking my side.

•••

TBC.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 9

    Tadhanang Kay Gulo ••• Kinuwento ko kay Maki ang pag angkas ko sa motor ni Rahab kahapon...ang gaga tuwang tuwa para sa akin! Halos yugyugin ako sa tuwa akala mo nanalo ako sa lotto! "Buti na lang at nasa tamang lugar ka sa tamang oras!" aniya. "Salamat kamo kay Cha, 'yong mutual friend namin ni Rahab, siya 'yong nag-alok na isabay na ako e dapat siya ang angkas..." "Sabi sa'yo e! Kalabanin mo lang 'yang tadhana tignan mo at papabor sa'yo lahat!" "Sana nga hanggang dulo siya pumabor..." "Confidence to yourself, sister! Ayon ang kailangan mo!" Meron naman ako no'n, I mean lahat naman ng tao may ganoon e? Sadyang may doubt lang na nangingibabaw...iyong pagdududa ba sa kalamnan ko kapag nandoon ka na sa moment na 'yon...bigla kasing nawawala...nagiging estranghero sa mismong salita kung ano ba 'yon? "Ask mo 'yong Cha kung may plano ba ulit sila ni Rahab na sumabay siya tapos kausapin mo si kuya na ikaw na lang ulit, gawin mo siyang tulay!" payo ni Maki. "Baliw ka! Nakakahiya 'y

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 8

    Kahit Tangayin Pa'y Kakapit ••• Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na maging malapit kay Cha. Para bang may computation sa isip ko na kapag naging close kami ni cha ang equals noon ay magugustuhan ako ni Rahab? Paulit ulit kong sinasabihan ang sarili ko na baka masaktan na naman ako nito? Hindi man gaya noong nakaraang break up ko...baka mas masakit pa doon. Masakit naman talaga na hindi matugunan ang pagmamahal mo...na hindi ganoon kadali ang buhay pag-ibig...kapag gusto mo ay gusto ka rin? Isang pantasya na maraming taong gustong makamit. Masakit maisantabi at hindi piliin, pero mas masakit kung mag ggive up ka na lang agad kahit hindi mo alam kung may pag-asa ba o wala. Ika nga ng iba, falling in love is a game, staying in love is a challenge. Ang buhay ay napupuno ng pagsubok. Ang tadhana ay kailangan sinusubukan para magkaroon ng pagbabago. At kung matalo... Susubok ulit. "Nakasabay ko si crushie mo kanina sa elev ah?" sambit ni Maki pagkadating. "Late siya ah?" may disap

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 7

    Ang Pana ay Nasa Aking Palad ••• Napansin kaagad ni papa ang kaunting pagbabago na ginawa ko sa aking sarili. Tinignan niya ako bago makasakay sa motor na para bang nagtataka. Nakakapanibago ba na mag-ayos ako ng aking sarili? Imbes na medyo light make up e ipakita ko ang kulay mala rosas na labi ko? "Mukhang nag-ayos ka ng sarili mo ah? May ganap ba sa office niyo mamaya?" tanong ni papa bago ipaandar ang motor. "Wala naman...gusto ko lang gamitin 'yong lipstick na niregalo sa akin ni Maki noong birthday ko. Sayang kasi kung hindi magamit." Hindi na siya nagtanong pa. Katahimikan ang sumabay sa amin buong byahe papuntang office. Alas syete bente ng umaga noong kami dumating sa office at sa kalkyulado kong oras ay maaring nandoon na si Rahab sa sixth floor nag-aabang sa elevator. Ganitong oras kami madalas magkatugma kaya sigurado akong nandoon siya. Kung mali man ay tanggap ko rin dahil hindi naman talaga makokompyut ang oras kahit ano pang equation at formula ang aking subukan

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 6

    Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 5

    Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 4

    Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status