Share

Kabanata 5

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2025-11-20 00:31:09

Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo

•••

I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo ay sementado na.

May panahon na nadadamay ang government employee sa suspension tuwing may bagyo at kinaliligaya ko 'yon dahil hindi ko kailangan makipagsapalaran sa ulan. Hindi ako mababasa, hindi ko kailangan lumusong sa baha. Hindi ko mapeperwisyo si papa sa paghatid sa akin at hindi ako mahihirapan sumakay sa Jeep pauwi. Bagay na pinapasalamat ko palagi, pero tila ba parang mali. Nasa bahay ako nagpapahinga pero iyong iba nakikipagsapalaran sa labas upang kumita pa rin. Iyong guilt tila lalamunin ka rin.

"Hindi pa ba suspended? Lakas ng ulan sa labas oh! Mukhang babahain na dito sa buendia yare talaga!" dalamhati ni Maki.

Nakasilip kami sa bintana binabantayan ang ganap sa labas.

"Baka mamaya pa mag announce...late naman palagi 'yon." tugon ko.

"Egul kung gano'n nandito na tayo sa office e?"

"Parang hindi ka pa sanay..."

"Ayoko na magsapatos...magccrocs na lang ako! Hey twinning tayo!" tinutukoy ni Maki ang suot naming crocs na pareho at sabay naming binili hinanda talaga namin para sa tuwing umuulan ay nakacrocs na kami papasok or pauwi.

"Baliw ka Maki..."

"Ang hirap mo naman pasayahin!" aniya na parang nagtatampo kung maglakad pabalik sa area niya. Tinawanan ko lang siya.

Sa ganitong panahon minsan nakakatamad din magtrabaho. Bakit kaya kapag maulan nakakatamad gumalaw? Hays!

"Nagkita ba kayo no'ng boylet mo sa elev ulit?" tanong ni Maki.

"Huy bunganga mo teh! Jusku!" tinawanan niya lang ang reaksyon kong iyon.

Narinig naman ng iba ang sinabi ni Maki at nakiusyoso na rin...mga chismosa talaga jusko! Wala akong nagawa kundi magkuwento ng kaunti dahil baka mamaya kilala nila ang tinutukoy naming lalaki ni Maki mayari talaga ako!

Kinilig naman sila sa akin kahit na ang sinabi ko lang ay may kakilala ako rito na napromote tapos palagi kaming nagkakasalubong sa elev tapos single rin. Iyong hiyaw nila feeling ko abot hanggang kabilang section dito. Actually wala naman pakelamanan mga tao rito e.

"Ang OA niyong lahat ah! Kaibigan lang 'yong tao!" sambit ko.

"Diyan 'yan nagsisimula Aqee!" bulyaw no'ng matanda rito sa section namin.

"Sino 'yan para mapaakyat natin dito!" pang-aasar no'ng Chief Section namin.

"Hala Sir huwag! Nakakailang 'yon!"

"Papuntahin hahahaha!" pang-aasar din ni Maki na tinignan ko ng masama pero tawang tawa ang gaga.

Pagkatapos ng tawanang iyon ay balik trabaho na rin kami agad...sayang binabayad ng gobyerno sa amin kung hindi kami nagtatrabaho ng mabuti rito.

"So, hindi pa kayo nagkikita? Hindi pa nagsasalubong tadhana niyo for today?" wika ni Maki no'ng papunta kaming pantry para doon kumain ng lunch...wala pa rin anunsyo ng government work suspension, estudyante lang.

"Hindi pa...hindi yata pumasok?"

"Sa tingin mo hindi pumasok? May kakilala ko sa forty-nine tanungin ko!"

"Teh tigilan mo! Mabubuking talaga ako niyan! Happy crush lang kasi 'to huwag kayong OA!"

"Hahahahaha ikaw 'tong OA sa atin!"

Nakapuwesto na kami sa pantry sumusubo na rin ako ng pagkain, pero itong si Maki ayaw paawat binibring up niya talaga ang topic tungkol kay Rahab...

"Teh kanina ka pa ah? Magtataka na 'ko sa iyo niyan tanong ka ng tanong tungkol sa taong 'yon baka mamaya matapilok na 'yon dahil pinag-uusapan natin siya!" sambit ko.

"Nakakatawa ka kasing asarin beh! Kitang kita 'yong gigil mo hahahaha!"

"Ang bad mo ah!"

Nag peace sign na lamang siya.

"Gaga ka hindi ko aagawin sa'yo 'yong crush mo noh! May jowa ako loyal 'to!"

At palagi niya 'yang sinasabi sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon. Binibida niya ang boyfriend niya sa akin para raw mainspire ako.

"So, friends kayo...ano 'yon ayaw mo masira friendship niyo?" tanong niya.

"Hindi naman kami gano'n ka-close...may mutual friend lang kami tapos sa kasal ng kaibigan kami nagkakilala...gusto siya i-reto sa akin no'ng mutual friend namin kaso parang hindi niya trip?"

"So, ikaw? Trip mo sana?"

"No'ng hindi ko siya nakikita pa...hindi. Tapos no'ng nakita ko siya hmm pwede na."

"Ayy bakla ka gusto mo kasi gwapo!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya o baka kasi natawa ako sa realization na 'yon?

"Hindi sa gano'n gaga!" wika ko na tinatawanan pa rin niya. "Hindi naman kasi talaga ako interesado sa reto-reto...gusto ko 'yong tinadhana kami gano'n! Tipong right person at the right place and at the right time!"

"Inarte ka ha? Kabog!"

"Cute kasi ako..." tila binalewala niya ang sinabi kong 'yon tapos gusto niya magpatuloy pa ako sa sasabihin ko. "Tapos ayon nga hindi niya trip kaya sinabi ko na lang hindi ko rin bet 'yong ganoon. Feeling ko gusto niya 'yong kilala niya na talaga something? I mean hindi rin siya fan ng love at first sight..."

"Anti-romantic siya teh! Sigurado ako nag fail 'yong previous relationship niya tapos hindi siya makaget over doon!"

"Hmm baka nga? Pero alam mo sa tingin ko nakatadhana kami hahahaha!" kinikilig pa ako no'ng sinabi 'yon.

"The fuck ano ka teenager? Anong tadhana sinasabi mo? Naniniwala ka sa ganiyan? Naka ilang relasyon ka na ba? Tatlo. Lahat 'yon inisip mo na nakatadhana sa'yo 'di ba? Anong nangyari? Nawala! Kaya bakla huwag ka maniwala sa tadhana tadhana na 'yan! Ano 'yon pinagtagpo kaso may umepal? Hello! Sa panahon ngayon Aqee ikaw na ang gagawa ng tadhana mo. Ikaw ang kikilos! Bakla ka paano kapag naunahan ka? Madaming maganda at matangkad sa district nila taob ka!"

"Wow ha! Salamat sa encouraging words na 'yan ha? Kaibigan ka talaga! Kailangan pa ilagay 'yong matangkad? Like five-two ho height ko!"

Tinawanan nanaman niya ako. Lakas talaga mang-asar ng isang 'to!

Sakto pagkatapos namin kumain ni Maki inanunsyo na suspended na rin ang pasok ng government worker starting 1PM. Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa ng oras ni Maki agad kaming bumalik sa aming puwesto at nag-ayos ng gamit, nag shutdown ng pc at nag ayos ng sarili.

"What if pagkabukas ng elev noh nandyan si crush mo? Itutulak talaga kita papasok bakla!" sambit ni Maki.

Waiting game kaming dalawa para sa elev at iyong sinabi ni Maki ay tila hiniling kong mangyari ng palihim...pero no'ng bumukas ang elev ay wala si Rahab. Nakisiksikan kami ni Maki sa loob at para bang para sa amin na lang talaga ang natitirang space sa harap. Sa bawat pagbukas ng pinto ay inaasahan ko na makikita siya. Hindi ko alam kung bakit ako ganito...siguro totoo ngang mabilis lang ako mainlove? Nagiging sabik at tuliro ako kapag may nagugustuhan...hinihiling na mapasaakin nga at mabuti ang tadhana sa mga hiling kong iyon dahil natutupad naman kaya lang hindi rin nagtatagal.

Malapit na kami sa Ground floor at bigo akong makita si Rahab sa araw na 'to. Okay lang naman...hindi naman nabubuo ang isang araw ko dahil lang sa isang lalaki e? Ang OA naman no'n.

Narating ang Ground floor, bumukas ang pinto ng elevator at ang bumungad sa akin ay si Rahab nakatayo sa may tapat...kasama niya si Cha.

Hindi ko alam kung kapansinpansin ba ang liwanag sa mata ko no'ng makita siya. Babatiin ko na sana ang dalawa no'ng maramdaman ko ang pagtulak sa akin mula sa likod.

Gagang Maki 'to!

Akala ko sa sahig ang bagsak ko, pero sa bisig pala niya...

Gagang Maki 'to...

"Okay ka lang, Aqee?" tanong ni Rahab habang nakaalalay sa akin dahil iyong isa niyang kamay may hawak na kape.

"Ayy! Sorry! Natisod yata ako jusku nakakahiya!" agad akong umayos ng tayo at umurong upang hindi harang sa elevator. Nakita ko si Maki na dinaanan lang ako na akala mo hindi ako kilala.

"Uuwi ka na?" tanong ni Rahab.

"Oo...mahirap sumakay mamaya e."

"Ingat ha!" aniya na tinanguan ko at nginitian.

"Malakas ulan sa labas." biglang sabat ni Cha.

Nakalimutan ko magkasama pala sila...liit kasi.

"May payong akong dala."

"Osiya Aqee, Bye!" pahabol pa ni Rahab at nagmadali ng sumakay sa elev...may pahabol pang pagkaway at ngiti hanggang magsara iyong pinto.

Malapad ang ngiting pinakita ko kay Maki no'ng nilapitan ko siya sa kaniyang pwesto sa may lobby habang hinihintay ako.

"So, ano sasabihin mo sa'kin?" aniya.

"Thank you beh! May kwenta ka rin pala talaga!"

"Ako pa ba? Kaya this time, huwag mo na hintayin 'yong tadhana mo na kumilos...ikaw na mismo gumawa ng sarili mong tadhana at tutulungan pa kita!"

"Kaibigan ka talaga!" at nag apir pa kaming dalawa.

kung ito man ay tadhana o lucky coincidence, masaya akong nangyari 'yon! I mean saglit lang ang pagsilay na 'yon, pero kinumpleto na agad ang buong araw ko kahit na one-thirty pa lang ng tanghali ngayon! He's so fine I can't get him off my mind! Jusku po!

•••

TBC.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 9

    Tadhanang Kay Gulo ••• Kinuwento ko kay Maki ang pag angkas ko sa motor ni Rahab kahapon...ang gaga tuwang tuwa para sa akin! Halos yugyugin ako sa tuwa akala mo nanalo ako sa lotto! "Buti na lang at nasa tamang lugar ka sa tamang oras!" aniya. "Salamat kamo kay Cha, 'yong mutual friend namin ni Rahab, siya 'yong nag-alok na isabay na ako e dapat siya ang angkas..." "Sabi sa'yo e! Kalabanin mo lang 'yang tadhana tignan mo at papabor sa'yo lahat!" "Sana nga hanggang dulo siya pumabor..." "Confidence to yourself, sister! Ayon ang kailangan mo!" Meron naman ako no'n, I mean lahat naman ng tao may ganoon e? Sadyang may doubt lang na nangingibabaw...iyong pagdududa ba sa kalamnan ko kapag nandoon ka na sa moment na 'yon...bigla kasing nawawala...nagiging estranghero sa mismong salita kung ano ba 'yon? "Ask mo 'yong Cha kung may plano ba ulit sila ni Rahab na sumabay siya tapos kausapin mo si kuya na ikaw na lang ulit, gawin mo siyang tulay!" payo ni Maki. "Baliw ka! Nakakahiya 'y

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 8

    Kahit Tangayin Pa'y Kakapit ••• Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na maging malapit kay Cha. Para bang may computation sa isip ko na kapag naging close kami ni cha ang equals noon ay magugustuhan ako ni Rahab? Paulit ulit kong sinasabihan ang sarili ko na baka masaktan na naman ako nito? Hindi man gaya noong nakaraang break up ko...baka mas masakit pa doon. Masakit naman talaga na hindi matugunan ang pagmamahal mo...na hindi ganoon kadali ang buhay pag-ibig...kapag gusto mo ay gusto ka rin? Isang pantasya na maraming taong gustong makamit. Masakit maisantabi at hindi piliin, pero mas masakit kung mag ggive up ka na lang agad kahit hindi mo alam kung may pag-asa ba o wala. Ika nga ng iba, falling in love is a game, staying in love is a challenge. Ang buhay ay napupuno ng pagsubok. Ang tadhana ay kailangan sinusubukan para magkaroon ng pagbabago. At kung matalo... Susubok ulit. "Nakasabay ko si crushie mo kanina sa elev ah?" sambit ni Maki pagkadating. "Late siya ah?" may disap

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 7

    Ang Pana ay Nasa Aking Palad ••• Napansin kaagad ni papa ang kaunting pagbabago na ginawa ko sa aking sarili. Tinignan niya ako bago makasakay sa motor na para bang nagtataka. Nakakapanibago ba na mag-ayos ako ng aking sarili? Imbes na medyo light make up e ipakita ko ang kulay mala rosas na labi ko? "Mukhang nag-ayos ka ng sarili mo ah? May ganap ba sa office niyo mamaya?" tanong ni papa bago ipaandar ang motor. "Wala naman...gusto ko lang gamitin 'yong lipstick na niregalo sa akin ni Maki noong birthday ko. Sayang kasi kung hindi magamit." Hindi na siya nagtanong pa. Katahimikan ang sumabay sa amin buong byahe papuntang office. Alas syete bente ng umaga noong kami dumating sa office at sa kalkyulado kong oras ay maaring nandoon na si Rahab sa sixth floor nag-aabang sa elevator. Ganitong oras kami madalas magkatugma kaya sigurado akong nandoon siya. Kung mali man ay tanggap ko rin dahil hindi naman talaga makokompyut ang oras kahit ano pang equation at formula ang aking subukan

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 6

    Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 5

    Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 4

    Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status