LOGINAng Pana ay Nasa Aking Palad
••• Napansin kaagad ni papa ang kaunting pagbabago na ginawa ko sa aking sarili. Tinignan niya ako bago makasakay sa motor na para bang nagtataka. Nakakapanibago ba na mag-ayos ako ng aking sarili? Imbes na medyo light make up e ipakita ko ang kulay mala rosas na labi ko? "Mukhang nag-ayos ka ng sarili mo ah? May ganap ba sa office niyo mamaya?" tanong ni papa bago ipaandar ang motor. "Wala naman...gusto ko lang gamitin 'yong lipstick na niregalo sa akin ni Maki noong birthday ko. Sayang kasi kung hindi magamit." Hindi na siya nagtanong pa. Katahimikan ang sumabay sa amin buong byahe papuntang office. Alas syete bente ng umaga noong kami dumating sa office at sa kalkyulado kong oras ay maaring nandoon na si Rahab sa sixth floor nag-aabang sa elevator. Ganitong oras kami madalas magkatugma kaya sigurado akong nandoon siya. Kung mali man ay tanggap ko rin dahil hindi naman talaga makokompyut ang oras kahit ano pang equation at formula ang aking subukan...pero sana tama ko! Ang mata ko'y naka-glue sa screen kung saan makikita ang numero sa elevator...napangiti ako sa aking kaloob looban noong tumigil ang sinasakyan ko sa sixth floor...tama nga ang mathematical equation ko! Nandoon siya sa tapat, may cup ng kape siyang hawak, noong makita ako ay malapad na ngiti ang kaniyang binigay at sa libre niyang isang kamay ay bahagya siyang kumaway. Teka hindi ba siya sasakay? "May hinihinatay po ako..." aniya doon sa kasama ko sa elev, tapos siya napalingap pa sa isang kanto halatang may hinihintay nga! Sinara naman agad noong kasama ko ang pinto...hindi na nga naghabol ng tingin si Rahab sa akin na madalas ko makita sa mga eksena sa pelikula. Sino hinihintay no'n? "Bakit parang tinabunan ka ng semento ng kamalasan diyan? Ang aga aga pa para magdrama oh!" wika ni Mika pagkalapag ng gamit niya sakaniyang desk. "Ang OA mo!" "Totoo naman teh! Ang aga pa para sakluban ka diyan ng kadramahan noh! Hindi pa tayo nakakapag kape!" Tama rin naman si Maki...ang aga pa para maging sawi? Minsan kailangan ko rin ng reality check sa sarili ko! Tulad ng tama ba 'tong nararamdaman ko? Hindi naman talaga ako ganito dati e! Ganito na ba ako kasabik ma-inlove ulit? Okay naman ako dati ah? Hindi naman ako namatay noong wala akong boyfriend? Bakit pinipilit kong maghabol? "Hoy teh! Ano? Tulaley ka diyan! Let's go drink coffee na!" aya ni Maki na akin naman sinunod. Dating gawi...nagkape kami sa pantry at doon muna nagchikahan. "Reality check mo nga ulit ako beh!" wika ko. "Tungkol saan?" "Parang teenager kasi nakakahiya!" "Jusko nahiya ka pa? Kailan ka nagkaroon no'n? Hiya na lang ang mahihiya sa'yo!" "Gaga ikaw 'yon!" Natawa lang siya sa katotohanan na iyon. Sinabi ko kay Maki na gusto kong i-reality check niya ako na kung tama pa ba ang kagagahan kong ito sa isang lalaki na hindi ko naman gaano kakilala. Nakaraan sabi niya ay ako na ang humawak sa tadhana ko na akin naman ngayong sinusunod kaso parang naiba yata ang ihip nito pabalik? Iyong tadhana parang sinusubukan ako lalo kahit na isang beses ko pa lang naman ito sinusubukan kalabanin. "Okay lang 'yan teh!" tugon niya. "Talaga ba?" "Anong sabi ko sa'yo ha? Ikaw na magpatakbo sa sarili mong tadhana! Malaki ka na! Hindi mo na kailangan gabayan ng guardian angel mo! Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan 'di ba?" "Sinubukan ko kanina kaso parang may kumokontra..." "Pagsubok tawag diyan! Wala naman kasing bagay na gusto mo na madali mong makukuha! Papahirapan ka muna bago ka rewardan! Hello that's life!" Kapag si Maki talaga nagsasabi...kahit nakakapangduda ay maniniwala ka pa rin. Kung hindi siguro ito ang trabaho niya bagay sakaniya sumabak sa networking! Isa ako sa maloloko niya! "Heto ang reality check ko sa'yo Aqee, listen very well," aniya kaya nakinig ako dahil seryoso na siya...tinawag na niya ako sa nickname ko kasi. "Hindi totoo 'yong you will never have to force something that's meant to be? Kasinungalingan lang 'yan! You have to force things in order to have it! Take the risk or lose the chance! Kung hindi mo man makuha 'yon...it's okay at least you tried! Believe me ganoon ginawa ko and look at my relationship now...matatag!" Pero hindi ba't kung gumana sakaniya ay may possibility na hindi gumana iyon sa akin? "Hindi ba't Maki...baka hindi ko lang talaga masyadong maintindihan 'tong nararamdaman ko dahil sa tagal na wala akong karelasyon e iyong maikling affection na naramdaman ko sa taong ito ay inisip ko na agad na love 'yon?" "Teh! Paano mo malalaman kung hindi mo nga susubukan?" nanlaki na ang mata niya sa akin. "Ayoko lang kasi mapahiya beh! Ang assumera ko naman kung hindi mangyari 'yon!" "Lahat naman ng tao nag-aassume e! Masaktan ka man at least nga sinubukan mo!" "Ayoko masaktan..." "Paano ka maggrow as a person niyan kung takot ka masaktan?" "Hindi ko kaya i-handle sarili ko kapag nasasaktan..." "Ganoon naman ang lahat, pero iyong natutunan mo after no'n ang importante doon. Kaya subukan mo! Sugal ang pag-ibig, Aqee! Paano ka mananalo kung hindi ka tumataya?" Tama...paano ako mananalo kung hindi ako tumataya? Susubukan ko ulit. Hindi naman iyon masama. Sabi nga nila...life is a game. Learn to play it. Win or lose, at least you played and learned because that was the prize of it. So in the next game of life, if you have to play it, play it differently than last time. Nalilito pa rin ako, pero I will play the game better than last time! ••• Hindi ko ulit nakita si Rahab...hindi kami nagkasabay sa elev noong pauwi. Most likely nag O.T siya o nag serve sa field. But either way, hawak ko pa rin ang pana ni kupido at may bukas pa naman...kung hindi ulit palarin bukas ay may buong isang linggo pa! Pagkasakay ko ng Jeep nakasabay ko nanaman si Cha. Nasa bandang likod siya ng driver at ako'y nasa gitna. Kinawayan ko siya ngunit hindi niya ako pinansin...kahit na alam kong nakita niya ako sa rearview mirror. Artista 'yan? Snobber! Akala mo naman gwapings! Kung hindi lang siya tropa ni Jomar at Rahab ay hindi ko naman sasayangin ang kauntiing segundo ko para batiin siya! Hindi ko na lang siya pinansin at naidlip na lamang sa buong byahe. Bawat para ay nagigising ako, pansin ko rin ang kaunting paglapit ni Cha sa pwesto ko. Halos apat na tao kasi ang pagitan namin kanina na ngayon ay dalawa na lamang. Siguro iyong mga sabit kanina ay nandoon na sa bandang harapan nakapwesto kaya naurong siya? Malayo pa rin naman ang byahe dahil nasa Makati Avenue pa rin kami at pagkatapos ng red light ay traffic ang bubungad sa kabila kaya naidlip ulit ako. Nagising na lamang ako na nasa kalayaan na at laking gulat ko na katabi ko na si Cha! "Hala! Sorry!" wika ko agad kahit hindi ko alam kung bakit ako nagsorry...hindi ko nga rin sure kung napasandal ba ako sa balikat niya o what? Hindi naman niya iyon pinansin marahil ay hindi niya naman narinig...nakasuot kasi siya ng earphone. Inayos ko na lamang ang aking upo at nadungaw sa bintana kung saan tanaw ko rin si Cha na naidlip na rin. Nagising siguro kanina? Puyat din yata siya dahil call center ang trabaho...hindi ba siya shifting schedule? Fixed ba siya na morning to hapon? Tss...bahala na nga. Hindi na ako nakaidlip noon at nanahimik na lamang din upang hindi magising ang katabi ko. Nang matungtong na namin ang Guadalupe ay tsaka ko lamang ginising si Cha. Nauna ako bumaba ngunit hinintay ko siya tutal pareho lang din naman ang lalakarin namin at pareho lang din naman ang lungsod na uuwian namin. "Musta tulog?" bungad kong sambit noong makababa siya. "Ikaw mas matagal nakatulog sa'tin hindi ako." "Ay inoorasan mo pala ako?" Hindi nanaman siya naimik. Patuloy lang siya sa paglalakad...siya sa may bandang kaliwa, ako sa kanan kung saan safe sa mga sasakyan. Bakit hindi ko samantalahin itong closeness namin ngayon ni Cha para malaman ng kaunti ang background ni Rahab? Sayang 'tong opportunity! "Hoy!" pagkalabit ko kay Cha. Sinenyasan ko rin siya na tanggalin niya ang isa niyang earphone na kaniya namang ginawa rin. "Bakit? Ano ba 'yon?" "Curious lang ako kung paano mo naging kaibigan si Rahab at Jomar? Hindi masyadong malinaw kwento ni Jomar noon e." "Sa intrams. Basketball player kami." Naghintay ako ng kaunti kung may dugtong pa iyong sasabihin niya ngunit wala na! "Tapos? Ayon lang?!" reklamo ko. "Haynako...bakit gusto mo malaman? Hindi ba sapat sa'yo na magkaibigan kami noong college hanggang ngayon?" "Sabi ko 'di ba nacucurious ako? Tutal wala rin naman tayong ibang mapag-uusapan kundi iyon lang naman!" "Pfff...sumali kami sa basketball team tapos kaming apat 'yong palaging magka team tuwing practice kaya naging close kami. Si Jomar unang nag approach sa amin kasama na niya roon si Tyron iyong asawa ng kaibigan mo...kami ni Rahab magkakilala na kami simula noong enrollment for first year kung saan inapproach ako ni Rahab tapos nakapag kwentuhan habang naghihintay sa pila. Okay ka na?" Tama nga si Jomar na medyo lamang si Cha sa closeness kay Rahab! "So, kayo ni Rahab ang talagang close? Tapos si Jomar at Ty naman?" "Hmmm...siguro? Close naman kaming apat. Nag-uusap usap naman kami." "Si Jomar kasi alam ko na buhay niya pati si Ty...kayo ni Rahab hindi pa masyado e!" "Bakit mo naman gusto malaman?" "Curious lang ba..." "Hindi nakakabuti ang pagiging curious palagi." "Mas hindi nakakabuti kung hindi ka curious palagi..." "Huh?" Slow... "Anyways, gaano mo kakilala si Rahab?" May pagaalinlangan sa kaniyang tingin pagkatanong ko no'n. "Bakit?" pagpatay malisya ko. Hindi dapat siya magtaka! Hindi niya dapat masense ang kung ano mang nakakapangtaka sa tanong kong iyon! "Bakit gusto mo malaman?" seryoso niyang tanong. "Curious lang nga!" "Curious lang ba talaga?" Nagdududa na siya! Hindi pwede 'to! Mabubuking ako! "Oo! Kung ayaw mo e di huwag mo sagutin!" pagdepensa ko. Natawa lang siya sa akin. Halata ba ako? "Mula college hanggang ngayon...gano'n ko siya kakilala." aniya na may ngiti sa labi. "Alam mo sa tuwing nagtatanong ako walang kwenta 'yong mga sagot mo!" "Sinasagot ko lang 'yong tanong mo." "Hindi e!" "Ano ba kasi gusto mo malaman?" seryoso na ulit siya. "Halata naman na may gusto ka kay Rahab..." Nagpantig bigla ang dalawang tainga ko sa sinabi niya! "Huy wala ah!" depensa ko kaagad. "Pinagsasabi mo diyan...jusku! Mali ka doon!" Tinignan niya lang ako na parang nanghuhusga ng pagkatao. "Wala talaga! Promise!" pamamanata ko pa sa kasinungalingan ko. "Duda sa'yo..." tangi niya lang nasabi at nagmadaling maglakad kaya hinabol ko pa. Buang din ang isang 'to! "Bakit nagmamadali ka?!" sambit ko noong makahabol sakaniya. "Mahaba na pila." Hindi ko talaga maintindihan din 'to si Cha! Hindi siya okay kausap na magiging okay tapos hindi na...gulo! "Cha, ayaw mo ba sa'kin?" bigla kong nasambit! Kinabigla ko rin iyon. "Sorry! Intrusive thought lang dapat 'yon! Biglang lumabas 'yong mga salita sa bibig ko! Hahahaha sorry! Nevermind na lang 'yon!" "Bakit mo naman naisip 'yon?" seryoso niyang pagkakasabi. "Huh? Joke lang 'yon! Huy!" "Sabi mo intrusive thoughts mo 'yon so ibigsabihin hindi siya joke at gusto mo talaga 'yon sabihin...kaya bakit?" Nakapila na kami, ako ang nasa unahan niya ngunit nakaharap ako sakaniya ngayon. "Kasi lumalayo ka sa'kin..." saad ko. "Ahhh..." tapos nagtango tango lang siya at pinaharap na ako ng tingin dahil umaabante na ang pila. After no'n nanahimik nanaman ulit siya at hindi na ako iniimik. Nakasalpak nanaman ang earphone niya sakaniyang tainga at walang marinig. Pagsakay ng Jeep ay hindi siya tumabi sa akin kundi pumwesto siya sa salungat kong pwesto. Tipong hindi niya ako kilala samantalang magkausap naman kami kanina...o ito 'yong sagot niya sa tanong ko? Baka ayaw nga niya sa akin? Napipilitan lang siya dahil makulit ako? Kahit gano'n ay hindi ko siya titigilan. Malapit siya kay Rahab, mas madami siyang info na alam...at baka iyong curiousity ko sa past ni Rahab ay kaya niyang sagutin. Maaari si Cha ang isa sa mga pagsubok na binigay sa akin upang makuha ko ang gusto ko? Ito yata ang tinutukoy ni Maki kanina. In order to get to my goal, I have to face this obstacle first...and I came prepared in full gear. ••• TBC.Kahit Tangayin Pa'y Kakapit ••• Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na maging malapit kay Cha. Para bang may computation sa isip ko na kapag naging close kami ni cha ang equals noon ay magugustuhan ako ni Rahab? Paulit ulit kong sinasabihan ang sarili ko na baka masaktan na naman ako nito? Hindi man gaya noong nakaraang break up ko...baka mas masakit pa doon. Masakit naman talaga na hindi matugunan ang pagmamahal mo...na hindi ganoon kadali ang buhay pag-ibig...kapag gusto mo ay gusto ka rin? Isang pantasya na maraming taong gustong makamit. Masakit maisantabi at hindi piliin, pero mas masakit kung mag ggive up ka na lang agad kahit hindi mo alam kung may pag-asa ba o wala. Ika nga ng iba, falling in love is a game, staying in love is a challenge. Ang buhay ay napupuno ng pagsubok. Ang tadhana ay kailangan sinusubukan para magkaroon ng pagbabago. At kung matalo... Susubok ulit. "Nakasabay ko si crushie mo kanina sa elev ah?" sambit ni Maki pagkadating. "Late siya ah?" may disap
Ang Pana ay Nasa Aking Palad ••• Napansin kaagad ni papa ang kaunting pagbabago na ginawa ko sa aking sarili. Tinignan niya ako bago makasakay sa motor na para bang nagtataka. Nakakapanibago ba na mag-ayos ako ng aking sarili? Imbes na medyo light make up e ipakita ko ang kulay mala rosas na labi ko? "Mukhang nag-ayos ka ng sarili mo ah? May ganap ba sa office niyo mamaya?" tanong ni papa bago ipaandar ang motor. "Wala naman...gusto ko lang gamitin 'yong lipstick na niregalo sa akin ni Maki noong birthday ko. Sayang kasi kung hindi magamit." Hindi na siya nagtanong pa. Katahimikan ang sumabay sa amin buong byahe papuntang office. Alas syete bente ng umaga noong kami dumating sa office at sa kalkyulado kong oras ay maaring nandoon na si Rahab sa sixth floor nag-aabang sa elevator. Ganitong oras kami madalas magkatugma kaya sigurado akong nandoon siya. Kung mali man ay tanggap ko rin dahil hindi naman talaga makokompyut ang oras kahit ano pang equation at formula ang aking subukan
Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi
Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo
Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis
Nilalaro ni Kupido ang kaniyang panaWala naman akong inaasahan na second encounter pagkatapos no'ng sa elevator kaninang umaga...pero napag-isipan kong mag lunch out mag-isa kahit na free lunch naman doon sa office namin...actually free meal 'yon. Sa division lang namin talaga uso ang free meal dahil budget 'yon ng hepe namin at 'yong mga ibang division na may handle ng iba't ibang district ay kkb sa pagkakaalam ko.Pero wala naman talaga akong ineexpect sa pagbaba ko...sa paglunch out ko sa jollibee...kasi wala naman akong napala buong lunch time sa baba. Nagmadali pa akong umakyat bago mag one para makapag break in-break out!Ano ba talaga 'tong gusto kong mangyari? Hays.Nagtrabaho na lang ako after no'n. Isa akong Admin Officer sa Assessment Division ng BIR-Makati. Ang main job ko ay receiving and monitoring of dockets, and file keeping. Dadaan sa akin halos lahat ng dockets from old revenue's to new revenues na napunta rito sa AD kaya hectic kapag clearance season dahil maglala







