Third Person's POV
"Kamusta na si Sir? Balita ko, na-ospital daw siya kahapon. Ano ba talagang nangyari sa kanya?" tanong ni Maggie habang pinapanood si Trixie na mag-ayos ng gamit.
Humarap sa kanya ang babae at saka ngumiti.
"'Wag mo na ngang isipin ang lalaking 'yon, kasalanan din naman niya kung bakit siya na-ospital. Patay gutom kasi."
"Ha?"
Tumawa lamang si Trixie at saka tinapik ang balikat ni Maggie bago na siya umalis at bumaba ng ground floor habang dala-dala ang notebook niya. Dumaan din muna siya sa malapit na café at bumili ng kape para kay Derrick.
Panay ang tingin niya sa wrist watch habang nakasandal sa isang kotse. Kanina pa kasi siya sa parking lot para hintayin ang boss niya, kahit na labag sa kalooban niyang gawin iyon.
Akmang aalis na siya nang maya-maya'y may dumating na dark blue na kots
(Continuation of chapter 7)Ang magaganda nitong mata, pilik-mata, matangos na ilong, makinis na kutis, at ang mapupula nitong labing nakaawang pa. Napalunok siya nang doon na napadpad ang paningin niya. Para bang tinutukso siya nitong halikan iyon."Ehem." Nang matauhan ay siya na mismo ang umiwas ng tingin. Mabilis na humiwalay sa kanya ang babae at inayos ang suot nito."Bwisit ka talaga! Ano bang trip mo? Nananahimik ako tapos gagawa ka ng mga kalokohan!" litanya sa kanya ni Trixie at umupo sa isang upuan na nasa tabi ng lamesa."Tss. Bumawi lang ako sa ginawa mo sa akin noong isang gabi. Now you know kung anong naramdaman ko noon."Inayos ni Derrick ang neck tie at saka sumandal sa swivel chair habang nakatingin sa sekretarya.Pinaningkitan siya ng mata ng babae at akmang babatuhin ng notebook nang mabilis siyang nagtaas ng kamay.
Third Person's POVKanina pa pinagmamasdan ni Joel ang kaibigan na kanina pa din nakatulala sa kawalan habang nakakunot ang noo. Ni hindi niya ito makausap o hindi man lang kumukurap."Rick, lalim ng iniisip, ah. Babae ba 'yan?" tanong niya at saka tumawa.Nakuha niya ang atensyon ng kaibigan. Napahilamos na lamang ito sa mukha at saka iiling-iling na sumandal sa inuupuan."Kilala mo ba si Wilford?" tanong ni Derrick.Sandaling nag-isip ang kaibigan niya."Wilford? You mean the grandson of your dad's friend?""Yup.""Okay… so what about him? May nangyari ba?"Muli na namang bumalik sa pagkatulala ang lalaki. Naaalala kasi nito ang hitsura ni Wilford at sa tuwing mangyayari iyon ay parang gusto niyang basagin ang mukha nito.Naputol ang usapan nila nang biglang bumuka
(Continuation of chapter 8)Diretso ang tingin ni Trixie at Derrick sa isa't-isa. Nakatayo sila sa magkabilang court at sa pagitan naman nila ay ang net. Pareho silang may hawak na raketa at nakasuot ng sports wear."Hindi pa 'ko natatalo sa buong buhay ko, Sandoval," wika ni Derrick.Tumaas ang isang sulok ng labi ni Trixie."Siguro ito ang unang beses."Kumapit si Derrick sa net at matalim na tiningnan ang babae. Hindi siya makakapayag na matatalo siya ng isang babae at dahil lamang sa isang walang kwentang laro."Ehem. Magtititigan na lang po ba kayo d'yan?"Sabay silang napatingin kay Marga na nasa dulo ng net. Sa tabi niya ay isang maliit na blackboard. Siya ang magsisilbing scorer sa laro.Hindi na nila iyon pinansin at naglakad na papunta sa kanilang mga pwesto. Kinuha ni Marga ang shuttlecock at
Third Person's POV"So, paano ba 'yan? Mauna na 'ko," wika ng binata na ngayon ay nakatayo na sa harapan ng kotse niya.Madilim na ang paligid at lumalamig na din sa labas. Isang araw na naman ang natapos.Bahagya siyang yumuko upang mapantayan si Marga. Madungis na ito at maasim na ang amoy. Masyado kasing nag-enjoy sa paglalaro niya kanina kasama ang ibang bata."Aalis na 'ko, magpapakabait ka sa mommy mo, ha?" Ginulo niya ang buhok nito.Napangiti naman ang bata dahil doon at saka sunod-sunod na tumango. Napangisi si Derrick at saka dumiretso ng tayo. Si Trixie naman ngayon ang tiningnan niya."I won, so it means nagse—"Naputol ang sasabihin ni Trixie nang iangat ng binata ang palad para patahimikin siya."Don't mention that stupid scenario," wika niya at ibinaba ang kamay. Nakapamulsa siyang
(Continuation of chapter 9)"Hindi ka ba marunong magkabit ng seatbelt?" inis na tanong sa kanya ng binata habang inaayos nito ang seatbelt niya.Naiilang tuloy ito sa posisyon nila ngayon. Ang akala talaga niya kanina ay hahalikan siya nito. Ngunit mabilis naman niya iyong binura sa isipan. Boss niya ito, mortal enemy, at isa pa… bakit ba niya iniisip ang mga gano'ng bagay? As if naman na may gusto siya sa boss niya?Matapos no'n ay umayos na siya ng upo. Gano'n din si Derrick at pinaandar na ang sasakyan. Wala pang kalahating minuto ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant."Dito tayo kakain?" tanong niya sa binata."Of course, mukha ba 'yang cinema?"Inirapan na lamang niya ito at siya na mismo ang nagbukas ng pinto at lumabas. Sabay na silang pumasok doon. Sa entrance pa lang ay nasinghot na ng ilong niya ang napaka
Third Person's POV"I don't like her. Itigil mo nga 'yang iniisip mo. And besides, hindi siya bagay sa 'kin," wika ni Derrick. Nagtipa na siyang muli sa laptop.Nagkibit-balikat na lamang si Joel at saka tumayo mula sa lamesa."Okay, sabi mo, eh. Anyway, si Tito Lucas talaga ang sadya ko. Maiwan muna kita." Tinapik pa niya ang balikat ng kaibigan bago na lumabas ng opisina nito.Napapaisip pa din hanggang ngayon ang binata. Hindi nga ba niyo gusto si Trixie? Alam niyang kailan man ay hindi magsisinungaling ang nasa loob niya. Pero ayaw naman niyang magpadala nang dahil lang sa mga maliliit na bagay na nararanasan niya. Siguro kailangan pa niya ng konting panahon para hanapin ang sagot sa tanong ni Joel.—————"Trix, hindi ka ba papasok? Anong oras na, oh. Baka ma-late ka," ani Dara habang nagsusuot ng stockings nito.
(Continuation of chapter 10)Hindi na mabilang ni Trixie kung ilang beses na ba siyang napalunok habang dahan-dahang naglalapit ang mga mukha nila.Natigil ang pangyayaring iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Derrick mula sa bulsa. Doon lang tila sila natauhan at nagmamadaling bumangon para makalayo sa isa't-isa. Hindi sila makatingin sa parehong mga mata. Namumula sa kahihiyan ang babae."Hello?" wika ng binata matapos sagutin ang tawag.Tahimik lang na naglakad papalabas ng silid si Trixie kahit nanlalabo ang paningin. Abala sa pakikipag-usap si Derrick kaya hindi niya namalayang nakalabas na pala ng kwarto ang babae. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng maiinom.Ngunit bigla namang naibagsak ni Trixie ang babasaging baso na naglalaman ng tubig. Naging sanhi ito ng ingay kaya narinig agad ito ng binata."Trixie?" Mabilis niyang pinatay
Third Person's POV"Yes, Joel. Ipadala mo na lang kay Maggie mamaya sa office ni Dad. Thanks."Nang makapasok sa parking lot ng MCC ay kaagad hinanap ng mata niya ang isang tao. Inaasahan niya kasing sasalubong sa kanya si Trixie sa umaga kagaya noon. Ngunit bumagsak lang ang balikat niya nang wala siyang madatnang babaeng nakasuot ng office uniform.Mukhang hindi pa din magaling ang babae. Pagkaparada niya ng sasakyan ay kinuha na niya ang susi bago lumabas."Good morning, Sir." Isang tinig ng pamilyar na babae ang nadinig niya.Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Paglingon niya sa kanyang likuran ay nakatayo na doon ang kanyang sekretarya. Malawak ang ngiti nito habang hawak ang baso ng kape at ang notebook niya."Here's your coffee," dagdag pa niya at saka inabot ang kapeng hawak para sa bi