Share

Chapter 5. Poppy

CHAPTER FIVE: POPPY

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"Hey, babe." Malapad ang ngiti sa 'kin ni Chloe nang pumasok siya sa opisina ko. Kararating niya lang, may bitbit siyang box ng pizza. Kapansin-pansin din ang engagement ring sa daliri niya.

Si Mommy ang pumili niyon noong bumili ako, isinama ko siya dahil wala akong alam sa mga singsing. Hindi ko alam kung ano ang taste ni Chloe, at para masiguro ko na magugustuhan niya 'yon, si Mommy ang pinag-decide ko dahil pareho naman silang babae.

"Hey." Tumayo ako sa working chair ko at sinalubong siya nang nakangiti. Noong magkaharap na kami, tumingkad siya para dampian ng halik ang pisngi ko. I had gotten somewhat used to it, as it had been two weeks since we officially got engaged. During those two weeks, she often came here at the company after her shift at Herald Enterprise para kahit papaano ay magkaroon kami ng bonding. Anyway, she's a finance manager at their company, so she's busy just like me. We only get time to go on dates during the weekends.

"Maupo ka muna. Magpapa-ready lang ako ng coffee kay Colleen." I guided her towards the couch na nasa gitna ng opisina ko.

"I like your secretary. She's kind," komento niya nang makaupo na siya. Sinang-ayunan ko siya sa pamamagitan ng ngiti at pagtango bago ko lingunin si Colleen mula sa glass wall. Agad niya akong napansin at sumenyas agad ako sa kaniya ng coffee for two, na agad nito namang naintindihan.

Naupo ako sa harap ni Chloe, binubuksan niya ang box ng pizza na dala niya. I stared at her. She's smiling. Simula nang maging engaged kami, wala pa akong nakitang pagkakataon na nakasimangot siya. Lagi siyang masaya, lalo na kapag magkasama kami. I can feel na talagang gusto niya ako, hindi 'yon maikakaila ng mga kilos niya. However, I couldn't help but wonder. Why didn't she ever mention that she had a sibling? And why, in the news and magazines I've read about their family, is she always referred to as the only child of the Heralds?

Simula nang banggitin 'yon sa akin ni Hope noong gabi sa engagement party, gusto ko nang tanungin si Chloe tungkol doon. Pero hindi ko muna ginawa dahil naisip kong baka kusa niya rin sabihin since engaged na kami at hindi magtatagal ay magiging mag-asawa na. Pero sa dalawang linggo na lumipas, wala siyang binabanggit, and I wonder why.

'Ang narinig kong bulungan ng iba kanina, nasa ibang bansa raw 'yong nakababatang kapatid ni Chloe na 'yon. Pero may iba namang nagsasabi na narito lang daw sa bansa.' Muli kong naalala ang sinabi ni Hope.

"Thank you, Colleen." Chloe smiled widely at my secretary nang i-serve nito sa amin ang kape. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa opisina dahil sa paglalakbay ng utak ko.

"You're welcome," Colleen replied with a smile bago siya nagpaalam.

Once Chloe and I were alone in my office again, she began recounting the events of her day to me habang pinagsasaluhan namin ang dala niyang pizza. Tahimik akong nakikinig sa kaniya, at panaka-nakang tumatango at ngumingiti kapag nakangiti rin siya para maramdaman niyang nakikinig ako.

"By the way, Mom and Dad would love to have you over again for some conversation," she said, shifting the topic after a moment. "If you're free this weekend, we could have dinner with them. Is that okay?"

Smiling, I nodded to her. "Mm. Let's do that. Hindi ko rin sila masyadong nakakuwentuhan noon sa party dahil busy sila sa mga bisita."

Mahigit isang oras nag-stay si Chloe sa opisina ko. Noong napansin niya ang oras, siya na ang kusang nagpaalam. Nag-offer ako na ihahatid ko siya, pero tumanggi siya dahil dala naman daw niya ang sasakyan niya. Isa pa, para maituloy ko na raw ang ginagawa ko. Bigla kasi siyang nahiya nang ma-realize niyang isang oras niya raw pala akong naabala.

"That's alright, Chloe. You're my fiancé, so I should definitely make time for you," sagot ko sa kaniya habang palabas kami sa opisina ko. Sinamahan ko siya sa paglabas 'tsaka ko binilinan si Colleen na eskortan na lang siya hanggang sa lobby.

☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

Pasado alas-otso na ng gabi noong makauwi kami nila Hope at Love sa bahay. Magkakasunod na humilera ang sasakyan namin sa driveway. Iba-iba ang pinanggalingan namin kanina. Si Love ay galing sa Lee University, si Hope naman ay sa Lee Entertainment, habang ako ay sa Lee Company. Pero kanina nang mag-chat ako sa group chat naming DNA BUDDIES na hindi ako aabot sa dinner sa bahay dahil male-late ako nang uwi, nag-decide si Hope na mag-overtime na rin at antabayanan na lang ako para sa labas na lang daw kami kumain. Nang ma-seen din ni Love ang chat na 'yon, nag-reply rin siya sa group chat na mag-e-extend siya ng oras sa laboratory para sabay-sabay na lang daw kami. Kaya magkakasama kaming kumain sa labas at sabay-sabay rin umuwi. Gano'n siguro talaga kapag iisang sperm lang. Hindi nila kayang mabuhay nang wala 'yong isa.

"Ano'ng puwede kong dalhin sa parents ni Chloe sa Saturday?" tanong ko habang nasa living room kami. Hindi pa kami nakapagbibihis pero dito kami dumiretso nang matanaw namin sila Mommy at Daddy rito. Binanggit ko sa kanila na dadalaw ako sa mansyon nila Chloe sa sabado.

Si Love ang sumagot. "Get them flowers."

"And pastries," Mom suggested. "Hayaan mo, mag-ba-bake ako para sa kanila." She smiled. Sila lang ni Love ang nagbigay ng suggestions dahil abala si Hope sa phone niya. Good thing, dahil alam kong wala naman siyang i-su-suggest na matino.

"How's Chloe?" pangungumusta ni Dad.

Nagkuwento ako sa kanila, sinabi kong galing si Chloe sa company kanina. Natutuwa ako dahil kita ko rin sa kanila na maayos ang pakitungo nila kay Chloe noong gabi ng engagement party namin. Though, hindi pa nakapunta si Chloe rito sa bahay, pero lagi nila kaming kinukumusta kung okay ba kaming dalawa sa isa't-isa.

Binalingan ako ni Mommy, may ngiti sa labi niya. "Dahil papasyal ka sa kanila, next time, sabihan mo si Chloe na pumasyal din dito sa atin."

I nodded. "Mm. I will."

"Wala pala 'to si Tito Betlog, eh. Mahinang nilalang." Nabaling ang atensyon naming lahat kay Hope dahil sa sinabi niya. Nasa screen pa rin ng phone niya ang tingin niya.

"Bakit?" Dad asked.

Nag-angat si Hope ng tingin sa amin, una kay Dad. "Tinanong ko s'ya kung may alam s'ya tungkol sa nakababatang kapatid ni sis-in-law-of-attraction. Sabi n'ya wala raw. Sara siguro antenna n'ya ngayon kaya hindi makasagap ng signal. Baka kailangan pang ikot-ikutin." Natawa pa siya. "Kapag nagkita kami, paiikutin ko s'ya nang malala hanggang sa mahilo s'ya, baka sakaling may masagap na impormasyon."

Napairap sa kaniya si Love. "Kaya pala tahimik ka kanina pa, naghahanap ka ng tsismis. Kalalaki mong tao, Hope, kailan ka ba magbabago? Kailan ka magpapakanormal?"

Humalakhak ito bago sumagot. "Hindi ako p'wedeng magbago. Alam n'yo namang ako ang happy virus sa pamilyang 'to! Kapag nagpakanormal ako, magiging boring na pamilya natin, sinasabi ko sa inyo."

"Virus?" Biglang sumulpot si Summer, nakasuot na ng pantulog, ternong pajama at bitbit ang ipad niya. "Kaya pala mukha kang ebola." Sabay irap niya kay Hope at tumabi kay Mommy.

We all burst into laughter, not because of our youngest's remark, but because of the way Hope's face twisted in annoyance. He loved making fun of Summer, but whenever Summer fired back, she could easily hit Hope's core.

☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

SATURDAY.

Bitbit ko ang dalawang bouquet ng bulaklak, habang may maid na tumulong sa 'kin para siya ang magbitbit sa box ng chocolate chips at butterscotch na bineyk ni Mommy para dalhin ko ngayon dito kina Chloe. Ang maid na rin ang nag-guide sa akin papasok sa mansyon.

Pagdating namin sa loob, sinalubong agad ako ni Chloe, kasunod niya ang parents niya at lahat sila ay nakangiti sa 'kin. Unang humalik sa pisngi ko si Chloe nang tuluyan kaming magkalapit. Inabot ko sa kaniya ang isang bouquet at sa mommy niya naman ang isa.

"Hello, Mr. and Mrs. Herald." Būmeso sa akin ang mommy niya, and her father and I exchanged handshakes. They ushered me straight to the dining room as it was dinner time already. They suggested we chat there over dinner.

May nakahain nang pagkain sa mesa nang pumuwesto kami roon. Mommy ni Chloe ang nagsasalita, kinukumusta niya sa akin ang parents ko, maging ang trabaho ko sa Lee Company. Lahat ng mga ibinabato nila sa aking tanong ni Mr. Herald ay nasasagot ko naman nang maayos kahit papaano. Kahit medyo nahihiya pa ako sa kanila.

We were halfway through the meal when I briefly scanned the surroundings, hoping to catch sight of Poppy again. I wasn't sure who she was or what role she played in the mansion. Pero base sa nakita kong kalagayan ng suot niya noong na-meet ko siya rito noong gabi ng engagement, malamang na baka anak siya ng isa sa mga maids nila rito.

"How many housemaids do you have here?" Hindi ko naiwasang magtanong.

"Five, babe." Si Chloe ang sumagot.

Five. Oo. Sa pagkakatanda ko, lima nga ang nakita kong maids nila noong party. Limang unipormado. Ibig sabihin, baka isa sa kanila ang ina ni Poppy.

"Bakit mo naitanong?" Si Chloe.

Wala sa sarili kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya. "Nothing. May na-meet kasi akong, um, babae rito noong engagement party natin. Medyo bata pa. Akala ko housemaid n'yo rin s'ya."

"Babae?" Kumunot ang noo ni Chloe at nabaling na rin sa akin ang atensyon ng parents niya.

"Uh, yeah. Her name is Poppy."

Biglang nasamid si Mrs. Herald kaya agad siyang inabutan ng tubig ng asawa niya na katabi niya lamang sa mesa. Nakatingin ako sa kaniya. Nang makabawi na siya at napunasan na niya ang kaniyang bibig, muli siyang nag-angat sa akin ng tingin. Saglit na naglipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Chloe na katabi ko lamang din bago siya nagsalita.

"Poppy, you say?"

I nodded. "Yes."

"Saan mo s'ya na-meet?"

"Noong engagement party po namin ni Chloe," sagot ko kay Mrs. Herald. "She was trying to approach the buffet table then. She appeared shy and hesitant, so I assisted her in getting her food."

"Babe." I turned to Chloe as she gently rubbed my back. She smiled faintly at me. "Uhm, actually, si Poppy . . . she's my younger sister."

My brows furrowed. "What?"

Suddenly, the image of Poppy from that night came rushing back to me, and judging by her appearance and demeanor, it never occurred to me that she could be Chloe's sister. Mas aakalain pang anak siya ng katulong dahil sa ayos niya na parang napabayaan. Lumang damit, lumang tsinelas, hindi nasuklay na buhok. And now, she's telling me Poppy is her younger sister? Kung gano'n nga, bakit hindi nila iniharap sa amin noong party para ipakilala?

Comments (15)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
kapatid nga nya c Poppy
goodnovel comment avatar
ar_zee16
smell something fishy s pamilyang to! pakiramdam q ang plastic ni Chloe.. kahit tsismoso si Betlog n don nagmana si Hope e mukhang may sense ung nasagap nya.. ...
goodnovel comment avatar
Jessica Izza Inacay
finish na taLga, tuwing si Howp na ang nagsasaLita si betLog naiimagine ko... asyong, hndi ata ikaw ang ama ni Howp...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status