CHAPTER SIX: DINNER
✧FAITH ZEICAN LEE✧ “Oo. Poppy is my sister, Faith.” Nakatingin pa rin sa akin si Chloe. “Sobrang mahiyain n’ya. Hindi s’ya sanay makihalubilo sa mga tao kaya hindi namin s’ya napilit na maki-join noong engagement party natin,” she explained. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Oo, halata nga na mahiyain si Poppy noong nakita ko siya noong gabing ‘yon. Parang ayaw niya akong kausapin. Narinig ko lang ang boses niya noong sinabi niya ang pangalan niya. Pero hindi ko na rin siya nakausap dahil agad na siyang umalis dala ang food niya. “Mas gusto n’ya nang nakakulong lang s’ya sa kuwarto kaysa makipag-socialize,” dagdag pa ni Mrs. Herald kasunod ang pagbuntong-hininga niya at pagbaling kay Chloe. “Chloe, tawagin mo Poppy, para maipakilala mo sa fiancé mo. Para makasabay na rin sa ating kumain.” Tumango agad si Chloe. “Yes, Mom.” ‘Tsaka siya tumayo sa upuan niya matapos niya akong sulyapan para magpaalam. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya sa dining. Tahimik akong naiwan sa harap ng parents ni Chloe. Si Mrs. Herald ang siyang nagssalita at nagkukuwento kung gaano kamahiyain si Poppy simula sa pagkabata nito. Lumaki raw ito nang walang kalaro dahil hindi lumalabas sa mansyon. A few moments later, we heard footsteps, causing Mrs. Herald to stop her story. I automatically stood up from my seat when I saw Chloe, who was now accompanied by her sister, Poppy. Poppy was clinging to one of Chloe's arms and almost hiding her face behind her. Even their parents stood up from their seats to face the two. Now, they were standing in the wide doorway of the dining room, with Chloe looking at me while Poppy kept her gaze on the floor. “Poppy?” malumanay na sambit ni Chloe, dahilan para mag-angat ng tingin sa kaniya si Poppy. “Halika. Ipakikilala kita sa fiancé ko.” Inakay niya si Poppy palapit sa ‘kin, halatang nahihiya ito. Noong nakatayo na silang dalawa sa harap ko, itinuro niya ako kay Poppy. “S’ya si Faith Zeican. S’ya ang mapapangasawa ko.” Ibinaling ni Poppy ang tingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang hiya. Alam ko rin na nakapagpakilala na ako sa kaniya noong nagkita kami sa party noong gabi, pero hindi ko naiwasang ilahad ang kamay ko sa kaniya. “Hi, Poppy. Nice to meet—” Natigilan ako nang tanggapin niya ang kamay ko, pero hindi para i-shake. Tinanggap niya ‘yon at mabilis siyang yumuko, kasunod ang pagme-meet ng noo niya at ng ibabaw ng kamay ko. He showed respect to me in the traditional way. Nagmano siya. 'M-Mukha na ba akong lolo sa paningin n’ya?' Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Chloe noong nakatayo na nang tuwid si Poppy. Natawa siya sa ginawa ng kapatid niya, pero si Poppy ay seryoso ang istura, na ngayon ay gumagala ang tingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakita ko ang paglunok niya na parang gusto niyang sunggaban ang mga nakahain. Gano’n na gano’n ang itsura niya noong nakita ko siyang palapit sa buffet noong party. “Gusto mong kumain?” Hindi ko naiwasang magtanong, kaya napatingin siya sa ‘kin. Saglit niya akong pinagmasdan bago niya ibinaling kay Chloe ang tingin niya, sunod sa parents nila. “Sumabay ka na sa amin, Poppy,” ani Mrs. Herald. Inakay ni Chloe si Poppy sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bale napapagitnaan na nila ako ngayon ni Chloe. Nakaupo na kaming lahat at nabigyan na rin ng isang maid si Poppy ng plato. Pero hindi pa rin kumikilos si Poppy para sumandok ng pagkain niya. Nakatanaw lang siya sa mga pagkain at tila nahihiyang kumilos. Noong hindi na ako nakatiis ay ako na ang umabot sa bowl ng kanin at inilapit ko ‘yon sa kaniya. Saglit niya akong nilingon, pero hindi siya nagsalita. Marahan siyang kumilos para maglagay ng pagkain sa plato niya. Noong may kanin na siya, tahimik na naman siya at palinga-linga sa mga putaheng nakahain. “Ano’ng gusto mo?” I asked her. Hindi siya kumibo, instead, itinuro niya ang isang putahe na malapit kay Chloe, 'yong seafood. Kinuha ‘yon ni Chloe para maiabot sa akin at siya ko namang ipinasa kay Poppy. “Ano pa?” tanong ko ulit sa kaniya. Sa halip na ituloy ang pagkain ko, sa kaniya ko muna itinuon ang atensyon ko dahil ramdam kong parang hindi siya komportable sa paligid niya. I don’t know why I feel this way. Nang ituro niya ang beef broccoli ay ‘yon naman ang iniabot ko sa kaniya. Muli ko siyang tinanong kung may gusto pa siya, pero umiling siya. Hindi ko muna inalis ang tingin ko sa kaniya. I watched as she took her first bite, and I heard her slight gasp and saw her eyes widen with the first taste, as if she had never experienced such food before. Dahil doon, naging sunud-sunod ang pagsubo niya, na para siyang may kakompetensya sa pabilisang kumain. “Babe, your food.” Nabaling ang tingin ko kay Chloe nang hawakan niya ako sa braso. Imbes kasi na pagkain ko ang pagtuunan ko ng atensyon ay na kay Poppy ang tingin ko. Tumango ako at muling hinarap ang pagkain ko, pero nakikita ko pa rin si Poppy mula sa gilid ng mga mata ko. Apura pa rin ang pagsubo niya, na parang gutom na gutom. “Ilang taon ka na, Poppy?” Dahil sa tanong ko, napahinto siya sa pagnguya. Hindi ko naiwasang muling ibaling sa kaniya ang tingin ko. Punung-puno ang bibig niya habang nakalingon din sa akin, pakurap-pakurap. “She’s seventeen, Faith.” Si Chloe ang sumagot dahil hindi makasalita si Poppy sa dami ng laman ng bibig nito. Seventeen? Bata pa pala siya. Matapos naming kumain, inalis na ng dalawang maid nila ang mga ginamit namin sa mesa. Ngunit nanatili pa rin kaming nakaupo at nagkukuwentuhan. Ang parents nila ang nagsasalita at about sa merger ng mga kompanya namin ang isinasaysay. Habang tahimik akong nakikinig, inihain naman ng isang maid sa amin ang chocolate chip cookies at butterscotch na bineyk ni Mommy para gawing dessert. Nakalagay iyon sa platito at lahat kami ay mayroon, maging si Poppy. Dahil nasa tabi ko lang si Poppy, hindi na naman nakaligtas sa akin ang mahina niyang pagsinghap nang tikman niya ang sa kaniya. Nilingon ko siya at hindi ko naiwasang mapangiti. Para siyang may sariling mundo. Habang puro business ang lumalabas sa bibig ni Mrs. Herald, si Poppy naman ay doon lang sa cookies niya nakatuon ang atensyon at parang wala nang mahalaga pa sa kaniya kun'di 'yon. Noong naubos niya ang nasa platito niya, lumingon siya sa maid na nag-serve niyon sa amin. Halatang gusto niya pa, pero parang hindi niya alam kung dapat ba siyang manghingi pa. “Have mine.” Saglit natigilan si Mrs. Herald sa pagsasalita nang makita niyang inilapit ko kay Poppy ‘yong platito ko na may cookies at butterscotch. Maging si Poppy ay natigilan, pero mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay Mrs. Herald. “Yes, Mrs. Herald, continue,” sabi ko para muli nitong ituloy ang sinasabi niya kanina about sa merger. -ˋˏ✄┈┈┈┈ Alas-otso y media ng gabi nang magpaalam na ako kay Chloe at sa parents niya. Hinatid nila ako sa labas kung nasaan ang sasakyan ko. “Pasyal ka ulit minsan, ha?” nakangiting sabi ni Mrs. Herald noong nakatayo na ako sa tabi ng sasakyan ko. “Opo,” nakangiti kong sagot, sunod ang pagbaling ko kay Chloe at Poppy. Nakakapit ulit si Poppy sa braso niya. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho, okay?” Si Chloe. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya ‘tsaka ako tumango. Noong nakasakay na ako sa loob ng sasakyan, I rolled down the window ang glance at them, then at Poppy. “Bye, Poppy.” Kumaway ako sa kaniya nang nakangiti, pero pagyuko ang naging tugon niya sa ‘kin, halatang nahihiya pa rin.CHAPTER SEVEN: GIFT FOR POPPY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ TULAD ko ay twenty-four na rin si Hope at Love, pero daig pa nila si Summer kung maghanap ng pasalubong sa tuwing manggagaling ako sa isang business trip. Tulad ngayon, kararating ko lang galing sa New Jersey, pero kinakalkal na ni Hope ang suitcase kong nasa paanan ng kama. Nakaupo rin si Love sa tabi niya at nakIkisali na rin sa paghahalungkat sa suitcase ko. Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa phone ko. Hinanap ko agad ang contact number ni Chloe para matawagan ko siya. Three days akong nanatili sa New Jersey for business purposes at masyado akong naging busy kaya naman hindi kami nagkausap. Gayon pa man, nangako naman ako sa kaniya na paglalaanan ko siya ng oras once na makabalik ako sa bansa. “Hello?” I spoke first nang sagutin niya ang tawag ko. “Babe! Oh my gosh! Nakabalik ka na?” I couldn't see her, but I could imagine her jumping for joy; it was evident in her voice. I smiled at the thought. “Yes. One hour a
CHAPTER EIGHT: POPPY'S CONDITION✧FAITH ZEICAN LEE✧MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Chloe sa pamilya ko habang nasa living room kami rito sa bahay. Matapos kasi ang dinner date namin ay naisipan naming pumasyal dito dahil sa request ni Mommy noong nakaraan na dalhin ko rito si Chloe. When I mentioned it to Chloe, she had no objections; instead, she was delighted.Mag-iisang oras na rito si Chloe at puro si mommy ang kakuwentuhan niya. Katabi ni mom si dad, pero madalang itong kumibo dahil tulad namin ay hindi kami maka-relate sa usapan nilang puro pampaganda. Chloe will be launching a new cosmetics product in the coming months. It's her own business, and I feel quite proud that her name will be featured on the products. She plans to call it CHLOE’S.“Sana next time ma-meet din namin si Poppy.” Natahimik kaming lahat sa biglang sinabi ni Hope na 'yon. Magkakatabi sila nila Love at Summer, pero tulad ni daddy ay madalang silang kumibo simula pa kanina dahil hindi rin sila maka-relate sa
CHAPTER NINE: SLEEPOVER ✧FAITH ZEICAN LEE✧ WALA na rin akong nagawa kun’di ang mag-stay kina Chloe dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitila ang ulan—pasado alas dies na ng gabi. ‘Yong sasakyan ko ay iniutos na lamang ni Mr. Herald sa driver nila na ipasok sa garahe. Nag-chat na rin ako sa DNA BUDDIES na hindi ako makakauwi ngayong gabi dahil nag-insist ang parents ni Chloe na dumito muna ako dahil madulas daw ang daan, ayaw nila akong payagang umalis. Pumayag naman si Mommy at Daddy, ang kaso ay inulan ako ng panunukso ni Hope matapos niyang gumawa bigla ng group chat na kaming tatlo lang nila Love ang miyembro. Inaasar niya ako na ngayong gabi na raw ako magiging isang ganap na tao. Tinatanong niya pa kung may dala raw ba akong condom, at pinaalala niya rin na hindi raw ito 100% na epektibo kaya pinag-iingat pa rin ako ng loko, dahil baka raw lumobo ang tiyan ni Chloe bago ang kasal namin. Akala niya ba katulad niya ako? Love chose not to participate in the teasing. Instead,
CHAPTER TEN: CHARMING VISITOR; POPPY.✧FAITH ZEICAN LEE✧Friday.6:03 P.M.KARARATING ni Chloe sa company. Dito siya ulit dumiretso sa opisina ko. This time ay hindi pizza ang dala niya kun’di iced coffee at fries. Lagi na talaga siyang dumadaan dito after ng working hours niya sa Herald Enterprise.“Good news?” Malapad ang ngiti niya nang ibaba niya sa harap ko ang para sa ‘kin noong nakalipat na ako sa sofa na gitna ng office. Wala kasing space sa working desk ko dahil maraming nakapatong na mga documents, naroon pa ang laptop ko. “Naipagpaalam ko na si Poppy kay Mom at Dad.” Nakaupo na siya ngayon sa tapat ko, magkaharap kami. Coffee table ang nakapagitan sa amin at naroon ang pagkain namin na dala niya. “Pumayag sila. ‘Yon nga lang, kailangan ko talagang samahan si Poppy. Hindi kasi s’ya sanay na maiwang mag-isa tapos hindi n’ya kilala ang mga nasa paligid n’ya. Sa bagay na ‘yon nag-wo-worry sila mommy.”“How ‘bout Poppy? Pumayag ba s’ya na lumabas?” I asked, curious.Tumango siya
CHAPTER ELEVEN: POPPY WITH THE LEE FAMILY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KATABI ni mommy si Poppy. Nasa kaliwa niya ito, habang nasa bandang kanan naman si dad. Kaharap nila kami ni Chloe. Nang dumating si Summer at maayos na ang itsura at damit, tumabi siya kay Chloe at nagsimula na ring maglagay ng pagkain sa plato niya. Si Mommy naman ay si Poppy ang inaasikaso. Siya ang nag-se-serve ng pagkain sa plato ni Poppy. “Ginising mo na ba ang Kuya Love mo?” tanong niya kay Summer. Pero hindi pa man nakasasagot si Summer ay dinig na namin ang pamilyar na footsteps ni Love, palapit sa amin. “Good morning,” mahina niyang bati pag-upo niya sa kabilang side ko. Poppy's eyes shot wide as she spotted Love, and we couldn't miss her audible gasp. Her eyes darted between us, clearly puzzled by our uncanny resemblance. I could almost imagine her shock if Hope were also here—it would be a real double-take moment. Dahil natatawa si Summer sa reaksyon niya, siya na mismo ang nag-explain kay Poppy. “Kambal sin
CHAPTER TWELVE: HOPE PICK-UP LINE✧FAITH ZEICAN LEE✧HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope.“Ang galing ko, ‘di ba? Ngayon naman, aalisin ko ‘yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy.” Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit.Sumunod siya.Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si Hope papunta sa likod ng couch at doon niya pinayuko para magtago. Napapailing na lang si Love habang pinanonood ang bunso namin.Bumalik ulit si Summer sa tabi ni Poppy
CHAPTER THIRTEEN: SUGAR-POPS✧FAITH ZEICAN LEE✧BANDANG alas dies ng tanghali noong hinatiran kami ni mommy ng meryenda sa sala. Kasama pa rin namin si Poppy dahil wala pa si Chloe, hindi pa ito nag-u-update sa ‘kin kung pabalik na ba siya. Kahit papaano, nagiging komportable na si Poppy sa amin.Kasalukyan kaming nanonood ng K-drama series sa Netflix sa malaking flatscreen TV nang ilapag ni mom ang tray sa coffee table sa gitna namin. Naroon ang dalawang klase ng pastries na bineyk niya kaninang umaga. Pero ‘yong cream puff lang ang pamilyar sa ‘kin. Kasunod niya si Ate Emy, na siya namang may bitbit naman ng tray ng drinks namin.“Mom, ano ‘yong isa? Bakit hindi namin ‘yan nakita kanina?” Tinuro ni Summer ‘yong katabi ng cream puff.Napangiti si Mom at kumuha ng isa, inabot niya ‘yon Summer, sunod ay inabutan niya rin si Poppy. Then she said, “Baklava ‘yan.”“Ewan. ‘Di ko sure.” Si Hope, na natatawang umabot naman ng cream puff.“Hindi kita tinatanong, Hope. Ang ibig kong sabihin, ‘
CHAPTER FOURTEEN: MISSING✧FAITH ZEICAN LEE✧“PANLALAKI po ba, sir? Para po ba sa inyo?” tanong sa ‘kin ng saleslady na siyang nag-a-assist sa ‘kin habang iniikot ko ang tingin ko sa mga naka-display na phone cases. Katatapos ko lang bumili ng bagong phone, at ngayon, phone case ang hinahanap ko.I shook my head. “Hindi. Pambabae ang kailangan ko. Ano ba ang design na sa tingin mo p’wede sa isang . . . uh, seventeen years old? Ipangreregalo ko kasi.” Nabanggit ko naman na sa kaniya ang unit na kailangan ko kaya hindi na siya mahihirapan mag-isip. Design na lang ang iisipin niya.“Depende po kasi, sir, eh. Ano po ba ang hilig n’ya?”Natahimik ako at napaisip, kasunod ang pag-iling ko. “I don’t know.”“How about color po? Gusto n’yo po bang sa color na lang po tayo magbase? Baka po alam n’yo ang favorite color n’ya?”Hindi rin ako sure sa bagay na ‘yon, pero naalala ko na kulay pink ang suot niyang lumang T-shirt noong una kaming nagkita sa party. “Pink na lang,” I told her.Tumango siy