HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Leopold ay tila ba wala pa rin siya sa kaniyang sarili.
Nanumbalik ang lahat ng sakit at guilt nang mamatay ang lahat sa team niya seven years ago.
Pakiramdam niya kahapon lamang nangyari ang lahat ng iyon. Ang bawat putok ng baril na kaniyang naririnig habang siya ay nasa gitna ng laban noon ang siyang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ngayon.
Ang bawat pagtangis at sigaw ng mga inosentang mamamayan na naipit sa gitna ng isang nakamamatay na laban ang siyang nananariwa sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
Kalahating oras na ring nasa loob lamang ng kaniyang sasakyan si Leopold. Hindi niya magawang bumaba mula roon dahil pakiramdam niya ay kaagad siyang hihilain patungo sa kailaliman ng lupa ng kaniyang mga namayapang kasama.
Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa manibela at mahigpit na piniga iyon.
Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Kasabay nang pag-alpas ng mga luhang pilit niyang pinipigilan ay ang pagyugyog ng balikat ng binata.
Bumuhos ang emosyong hindi niya kailan man ipinakita sa iba pa. Dahil sa lipunang ginagalawan, ang lalaki ay dapat malakas sa kahit na anumang pagdaanan nito sa buhay.
Itinatak na sa isipan ng madla na ang lalaki ay hindi dapat makikitang umiiyak o nasasaktan man lamang.
Ngunit ang mga lalaki ay tao rin lamang. Nasasaktan, nadadapa at kailangan din ng taong masasandalan.
Kinakailangan din nila ng mga balikat na maiiyakan sa sandaling hindi na nila kaya pa ang kanilang mga nararamdaman.
Ang trahedyang pilit niyang kinalimutan pitong taon na ang nakararan ay muli na namang nagmumulto sa kaniyang kasalukuyan. Muli pa’y nabalot ng pighati ang damdamin ng binatang si Leopold.
Humigit kumulang isang oras pa ang lumipas bago tuluyang napayapa ang damdamin ni Leopold. Eksakto alas-nuwebe na ng gabi nang mapag pasyahan niyang bumaba na sa sasakyan at pumasok sa kanilang tahanan.
Nang makapasok sa gate ay marahan niyang pinihit ang seradura at itinulak ang pinto na hindi gumagawa ng kahit na ano mang ingay sa pag-aakalang natutulog na si Lia.
Laking gulat niya nang mula sa madilim na salas ay lumundag patungo sa kaniya ang kaniyang anak. Pihado siyang kanina pa ito naghihintay sa kaniya.
“Daddy!”
Iwinaksi niya sa kaniyang isipan ang ala-ala ng kahapon at itinago sa
kaniyang mga ngiti ang sakit na dulot niyon.“Hi, baby! Bakit gising ka pa? it’s already late,” wika ni Leopold sa anak.
“Hinihintay po kasi kita eh. I’m scared po kasi tinurn-off ni Tito Mund yung lights sa room ko,” nagpapaawang tugon naman ni Lia.
“Is that so? Where’s your Tito Mund?”
“Nandun po!”
Naglakad si Leopold patungo sa sofa na itinuturo ni Lia bitbit habang bitbit sa kaniyang braso ang anak. Natunghayan niya roon si Raymund na nakangangang natutulog.
Gamit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo ay inipit niya ang ilong ng lalaki dahilan upang ito ay hindi makahinga at mapabalikwas ng bangon.
Tatawa-tawa naman si Lia sa ginawa ng kaniyang ama.
“Ano ba? What’s with you, bro? Natutulog ‘yung tao eh!” asar na tanong ni Raymund na sinabayan pa nito nang pag hikab.
Muntik naman nang mapabunghalit ng tawa si Leopold dahil sa kasalukuyang hitsura ng kaniyang pinsan.
Nagrereklamo kasi ito habang ang isang mata ay nakapikit pa. Indikasyon na half-asleep pa ang lalaki.
“What’s with you, what’s with you, ka riyan! Eh nauna ka pa ngang makatulog dito sa batang binabantayan mo eh.”
Napakamot sa ulo si Raymund “I’m sorry kuya. Medyo napagod lang ako kanina sa restaurant, napakaraming customers grabe.”
Umangat ang sulok ng labi ni Leopold.
Kahit pa babaero at maloko ang kaniyang pinsan ay maaasahan ito pag dating sa mga gawain na iniaatas dito.
Kaya nga ipinagkatiwala niya rito ang branch sa Tagaytay dahil alam niyang hindi nito pababayaan iyon.
“Oh siya, sige na magpahinga kana. Doon ka na lang matulog sa kwarto ko. Tatabihan ko na lang muna si Lia tonight.”
Nagningning naman ang mga mata ni Raymund dahil sa narinig. Agad itong tumayo at nag ninja run na animo’y isa ito sa mga karakter sa sikat na anime series na Naruto Shippuden.
Napailing na lamang ang mag-amang habang pinanonood na makalayo ang lalaki. ibinaba ni Leopold si Lia at sinabihan na magtungo na muna sa kuwarto nito dahil maliligo muna siya.
Hindi naman nag reklamo ang bata at agad na sinunod ang ama. Habang si Leopold naman ay nagtungo na sa shower room. Matapos hubarin ang lahat ng kaniyang saplot ay binuksan niya ang shower.
Hinayaan niyang dumaloy hanggang sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao ang lamig na nanggagaling sa tubig.
Pakiramdam kasi niya ay nililinis nito ang masalimuot niyang nakaraan.
Matapos ang labing-limang minuto ay lumabas na siya sa shower room at nagpalit nang pantulog na damit.
Dumiretso na siya sa kwarto ni Lia ngunit inabutan na niyang nahihimbing ang bata.
Mataman niya itong pinagmasdan. Pinawi nang mala-anghel nitong wangis ang bigat na dinadala niya ng araw din na iyon. Awtomatikong umangat ang sulok ng kaniyang labi at hinalikan ang bata sa noo.
Ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata upang ipahinga ang napapagod na niyang isipan. ‘Di rin nag tagal ay dinalaw na siya ng antok.
Ang pagod niyang isipan at katawan ay hindi na kinontra pa ang tawag ng pamamahinga.
NANONOOD ng telebisyon si Andrea nang mapabalita ang bombing incident sa loob ng gymnasium ng isang eskwelahan habang mayroong nagaganap na reunion party para sa mga alumni ilang oras pa lang ang nakararaan.
“Grabe, nakakatakot na talaga ang panahon ngayon,” bulong niya sa kaniyang sarili.
‘Ayon sa pulisya ay mayroon din daw silang nakitang bangkay ng isang lalaki na kinilalang si Crisostomo Almeda. Ang tagapagmana ng Almeda Oil Company na kilalang supplier ng krudo sa buong bansa.’
Napamulagat si Andrea nang marinig ang pangalan ng lalaki na naka-fling niya noon. Hindi rin naman sila nagtagal dahil sa tinataglay na kayabangan nito.
Hindi pa rin daw malinaw sa pulisya kung ano ang tunay na motibo ng pumatay sa nakababatang Almeda.
Subalit, base na rin sa mga pulis ay tila ba may kinikimkim na galit ang pumaslang dito dahil na rin sa paraan nang pagpatay niya sa lalaki.
Napatakip sa kaniyang bibig ang babae. Kahit pa hindi naging maganda ang pagkakakilala niya kay Crisostomo ay hindi pa rin naman tama na bigla na lang itong patayin ng kung sinong poncho pilato.
Maya-maya lamang ay tumunog ang kaniyang doorbell. Sinilip niya sa butas na kaniyang pinto kung sino ang nasa labas. Her father.
Andrea rolled her eyes. Sigurado siyang nagtungo na naman sa kaniyang condo unit ito upang pagalitan na naman dahil sa kung anong bagay na nagawa niya.
Binuksan niya ang pinto. Ang madilim na anyo ng kaniyang ama ang sumalubong sa kaniya. Nag dire-diretso ito ng pasok sa living room habang naiwan naman na nakatayo sa labas ng kaniyang unit ang dalawang bodyguards nito.
Naupo sa sofa ang kaniyang ama habang hinihintay siya na lumapit nito. Nang tumayo siya sa harapan nito ay iminuwestra nito ang kamay upang maupo siya sa katapat nitong upuan.
Upang hindi na sila mag simula pa nang pag-aawayan ay sinunod na lamang niya ito. “What do you want, Dad?”
“I heard that you’re dating again.”
“Is that what you want to talk about this late?”
Nag-igting ang mga panga ng kaniyang ama. “Damn it, Andrea! You’re already engaged and yet you’re still dating? Are you trying to ruin my name?”
“Did I asked you to make some arrangements for my wedding? ‘Di ba hindi niyo nga po ako tinanong kung gusto ko ba na mapakasal sa lalaki na hindi ko naman lubusang kilala? It was all your decision!”
Napatayo mula sa pagkakaupo ang ama ni Andrea. Nabigla na lamang siya nang lumapat sa kaniyang pisngi ang palad nito. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang saktan nito.
“I-I’m sorry, Andrea…”
Nag init ang sulok ng kaniyang mga mata. Hindi dahil sa sampal na iginawad nito sa kaniya kundi dahil nag iba na ang kaniyang ama marahil ay dahil na rin sa sulsol ng kaniyang madrasta.
“Sana hindi na lang si Mommy ang nawala. Sana siya na lang ang nasa tabi ko ngayon at hindi ikaw! Sana ikaw na lang ang namatay!”
Nagpupuyos ang damdamin na tumakbong palabas sa kaniyang condo si Andrea. Her tears began to fall when she reached the elevator. Kinapa niya kaagad ang kaniyang cellphone kung dala-dala ba niya iyon.
Kasabay ng pagpahid niya sa tumatagaktak niyang luha at pagsinghot upang lumuwag ang kaniyang paghinga ay ang pag dial niya sa numero ng kaniyang best friend na si Aileen.
Ilang segundo lamang ang hinintay niya bago siya tuluyang nakakonekta sa kaibigan.
“Hi gorgeous! What’s up?” bati ni Aileen sa kabilang linya.
“Ai…”
Agad naman na natunugan ni Aileen na may iniinda ang kaibigan. “Where are you? Pupuntahan kita.”
“N-no. Ako na ang pupunta riyan.”
“Ok. See you. Take care!”
Eksakto naman na naputol ang linya nang bumukas ang elevator. Pahid-pahid ang mga luhang naglandas sa kaniyang pisngi ay agad siyang nagtungo sa parking area.
Nang mapadaan sa isang mahabang tulay kung saan mayroong malaking ilog sa ilalim ay itinabi ni Andrea ang sasakyan at bumaba mula roon.
Pinagmasdan niya ang bilog na buwan pati na rin ang mga nagniningning na btuin sa kalangitan at ninamnam ang lamig na dulot nang simoy ng hangin.
Pinuno niya ng hangin ang kaniyang dibdib at saka buong lakas na sumigaw.
“I hate you, Mommy! You shouldn’t have died! You shouldn’t have left me!”
Napapitlag si Andrea nang maramdaman ang paggalaw ng kung sino sa kaniyang tabi.
“Hindi ka dapat nagagalit sa nanay mo. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang wala ka rin sa mundong ito,” anas ng lalaking naka-hood na mayroong malalim ngunit tila musika sa kaniyang pandinig ang boses.
Nagpahid ng luha si Andrea. “Mind your own business.”
Kahit hindi lingunin ng dalaga ang lalaki ay batid niya na mas matangkad ito sa kaniya. Nagkibit-balikat lamang ang lalaki sa kaniyang naging tugon.
“Fine. Just saying.”
Nang tatangkain na sanang lingunin ni Andrea ang lalaki ay nagtaka siya nang hindi na niya ito makita pa sa kaniyang tabi. Nang igala niya ang kaniyang paningin ay nakita niya itong naglalakad nang palayo mula sa kaniyang kinaroroonan.
What is he a ghost?
Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil sa isiping iyon. Nawala lamang ang atensyon niya rito nang mag vibrate ang kaniyang telepono at binuksan ang text message ng kaniyang kaibigan.
‘Where the hell are you?’
Mabilis siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at agad na pinaandar iyon. Binuksan niya ang bintana upang lumanghap ng sariwang hangin habang siya ay nagmamaneho. Balewala na sa kaniya kahit pa magulo ang ayos ng kaniyang buhok.
Wala pang labing-limang minuto ay narating na niya ang condo unit ni Aileen. Pinindot niya ang doorbell sa gilid ng pinto. Hindi naman siya nabigo dahil ilang saglit lamang ay nakaramdam na siya ng pag galaw mula sa loob.
Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang may kaliitang si Aileen. May lahing Chinese ito kaya naman medyo singkit din ang mata nito.
Kung hindi lang dahil sa height nito na pang high school ay qualified na itong sumali sa Bb. Pilipinas pageant.
Nang mag-angat ng tingin ito sa kaniya ay napatili ang dalaga na labis naman niyang ipinagtaka. Hindi pa ito nakuntento sa pag sigaw lang. Sinarahan pa siya nito ng pinto.
Andrea was dumbfounded. Napakurap pa siya upang i-assess kung ano ba ang mga naganap. Maya-maya ay nag vibrate ang kaniyang telepono. Tumatawag sa kaniya ang bruha.
“What are—”
“Andy, listen. Do not come to my place. Ok? Do not even go near the establishment!”
“What? Why?”
“I know you won’t believe me. But there’s a ghost outside my unit! And somehow she really looks like—you?”
Hindi makapaniwala si Andrea sa mga naririnig. Hindi niya lubos akalain na sa ipinagmamalaki niyang kagandahan ay pagkakamalan lang siyang multo ni Aileen.
Andrea heard few scratch noises over the phone. Muling bumukas ang pinto habang takot na nagtatago naman si Aileen sa likuran nito. Muling itinaas ng dalaga ang hawak na telepono at nag salita.
“Andy? Is that really you?” Pagkumpirma pa ni Aileen.
“Yes, you idiot! It’s me.”
Sinimangutan ni Andrea ang kaibigan at walang kaabog-abog na pumasok sa unit nito. Dumiretso siya sa ref at kumuha roon ng isang lata ng beer.
“What the hell happened to you? Bakit ba ganiyan ang hitsura mo?” Kunot-noong tanong ni Aileen sa kaniya.
“Huh? What do you mean?”
Napapailing na tumayo mula sa pagkakaupo sa stool chair si Aileen at kinuha ang salamin na nakalagay sa itaas ng ref nito. Maging si Andrea ay napasigaw rin nang makita ang sariling repleksyon doon.
Kumalat na kasi sa ilalim ng kaniyang mata ang liquid eyeliner na inapply niya sa mata marahil dahil sa ginawa niyang pag-iyak kanina.
Sinabayan pa ito ng gulo-gulo niyang buhok na para bang tinamaan siya ng kidlat bago siya magtungo sa unit ng kaibigan.
Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lamang ang takot ni Aileen kanina nang makita siya. Mukha nga naman talaga siyang isang masamang espirito na bigla na lang nangangatok sa mga condo unit na madaanan nito.
“Anyway, what’s your problem naman ngayon? Are you okay?” pag-iiba sa usapan ni Aileen.
Dahil dito ay muling nanumbalik kay Andrea ang sama ng loob sa kaniyang ama. “Dad found out that I was still dating men.”
“Oh tapos?”
“We had an argument. We both heated up. He slapped me in the end.”
Nanlaki naman ang mata ni Aileen dahil sa narinig. Maging siya ay hindi ineexpect na magagawang saktan si Andrea ng sariling ama nito. Hinimas-himas niya ang balikat ni Andrea upang iparamdam sa dalaga that everything will be alright.
Hindi na nila kailangan pa na mag salita para lang magkaintindihan. Higit pa sa kapatid ang kanilang turingan kaya naman ay kahit hindi mag-usap ay alam nila ang nadarama ng bawat isa.
At para kay Andrea ay wala na siyang hihilingin pang iba. Hindi na rin niya nanaisin pa na magkaroon ng maraming kaibigan. Aanhin mo ang maraming kaibigan kung naririyan lang sila sa tuwing kakailanganin ka nila?
Mas mabuti na ang magkaroon ng kakaunti ngunit tapat na kaibigan kaysa sa marami nga pero hindi naman totoo at gagamitin ka lamang.
Bago pa siya tuluyang mapaluha ay binago na ni Andrea ang usapan. “By the way, have you heard the news?”
“What news?” Kunot-noong tanong ni Aileen.
“Do you remember that arrogant bastard who tried to take advantage of me when I was drunk?”
“Crisostomo Almeda?”
“Yep!”
“Oh, ano’ng mayroon sa kaniya? Don’t tell me you’re going out with that bastard again?”
“He died earlier. He was brutally murdered.”
“WHAT?”
Nagulantang si Aileen sa kaniyang narinig. Kahit pa hindi niya gusto dahil sa pagiging arogante at muntik na nitong pambabastos kay Andrea noon ay bumigat pa rin ang kalooban niya sa nangyari dito.
“Nahuli ba yung salarin?”
“I think no. Sa palagay ko gumagala pa rin iyong kriminal hanggang sa ngayon.”
“Oh my god. Nakakatakot na talagang lumabas ng bahay sa panahon ngayon.
“Agreed.”
Maya-maya lang ay nagyaya na rin si Andrea na matulog. She was definitely mentally exhausted dahil sa naging sagutan nila ng kaniyang ama.
Hindi na rin nawala sa kaniyang isipan ang misteryosong lalaki na may magandang tinig na nakilala niya kanina. May kung ano sa lalaking iyon ang pumukaw sa natutulog niyang damdamin.
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi
LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch
NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le