"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Mike dahil guilty siya."Ano ang ginagawa mo, dito anak?' naguguluhan ding tanong ng tatay niya."Tatay mo siya, Olivia? Pinapapatay mo ako sa tatay mo?" tanong din ni Mike"Oo!" sigaw niya. "Pinapapatay kita dahil masama kang tao! Huhuhuhu..." iyak niya.Agad namang tumayo si Mike mula sa sahig at niyakap siya. "Sorry sweetheart. I didn't mean to hurt you. Dati pa 'yon... nagbago na ako. Hindi na kita sasaktan, promise!... mahalin mo lang ako at magsasama tayo ng anak natin." wika nito.Hindi pa man niya inamin na si Mike ang ama ng kanyang dinadala at ina-ako na ito agad na parang sigurado."Anak?..." pukaw ng tatay niya sa kanya."Tay, iwan mo muna kami...""Sige anak." sagot nito sa kanya, saka binalingan si Mike. "Lalaki!... Maswerte ka at andito ang anak ko. Kung hindi ay nakahandusay ka na sana diyan at naliligo sa sarili mong dugo. Kapag sinaktan mo pa ang anak ko, ay hindi ako mangiming ituloy ang pagpatay sa'yo!" banta ng tatay niya, s
********* HUNTER'S POV: "What about Tricia’s death? May kinalaman ka ba doon, Mike?" "No! Wala akong kinalaman doon. It was pure accident! Nagkataon lang na naswertihan ako at namalas siya, pero wala akong kinalaman doon, Hunter. Believe me!" Tiningnan niya ito nang mariin. Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. "Bueno… mauuna na ako sa inyo. She is all yours, Mike. Sana lang ay tuparin mo ang pangako mo sa akin, Olivia... na tutulungan mo ako kay Yassy. She is everything I have and I can't take na mawala siya sa buhay ko..." basag ang boses na sabi niya. Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon. Masaya siya para kay Mike at Olivia pero may parte din sa puso niyang naiinggit dahil hanggang ngayon ay malabo pa din sila ni Yassy. "I promised, Hunter… I will do everything to help you." Tumango lang siya at tumayo… tinalikuran niya ang mga ito at naglakad papunta sa kotse niya. Napangiti siya, nagkaroon siya ng konting pag-asa. Sana lang ay makatulong si Olivia sa pagbabalikan n
Kakalapag lang nila sa Ninoy Aquino International Airport galing ng London. Kanina pa siya iyak nang iyak. Simula sa London, hindi mawawala sa isip na baka hindi na niya maabutan si Hunter. Mugto na ang mga mata niya. Nakasuot lang siya ng malalaking glasses para hindi siya mapansin ng mga tao. Pero sa eroplano ay panay ang hikbi niya."Stop it, Yassy... andito na tayo... makikita mo na si Hunter." saway ng kuya niya. Pati ito ay mugto na din ang mata sa likod ng aviator shades na suot nito. Alam niyang nag-aalala din ito kay Hunter na bestfriend nito kahit magkaaway ang dalawa... at dahil iyon sa kanya."Kuya, I can't help it... paano kung hindi na natin siya maabutan?""Let's just pray na malayo siya sa kapahamakan, Yass... mabubuhay siya." Caleb assured her."Sana nga, kuya. Huhuh... di ko kakayanin na mawala si Hunter sa buhay ko. I love him so much... huhuhuh..."Tahimik lang si Caleb. Wala siyang pakialam kung malaman nito ang totoong damdamin niya para sa dating nobyo. Kahit pa
Wala nang nagawa ang mommy niya dahil hindi naman siya mapilit nito. Pasimpleng tiningnan ni Yassy si Olivia na tahimik na umupo sa kabilang sulok. Tumabi naman si Mike at hinaplos ito sa likod, tila pinapakalma. Napataas ang kilay niya. May kakaiba sa kilos ng dalawa. Para ba talaga kay Hunter ang papunta ni Mike doon… o para kay Olivia?Naputol ang pag-iisip niya nang lumabas na ang doktor mula sa recovery room.Agad siyang tumayo. “Doc, kamusta po si Hunter?”"Kayo po ba ang pamilya?” tanong ng doktor.“Opo, kami po ang mga magulang...” sagot agad ni Tita Helen at Tito Joaquin.“Ligtas na po sa kapahamakan ang pasyente sa ngayon, pero hindi pa natin masasabing ligtas na siya hangga’t hindi siya nagigising. He is still in a coma. Marami pong dugo na nawala sa kanya, at naipit ang isa niyang paa kaya kailangang lagyan ng support cast. May mga sugat din sa mukha niya mula sa salamin ng kotse. Buti na lang at hindi sa mata... kung hindi, may posibilidad na mabulag siya.”Tahimik lang s
Tumigil lamang ang kanilang pag-uusap nang dumating ang doktor, kasunod ang stretcher kung saan nakahiga si Hunter. Inilapit ito sa kama niya at itinabi roon.“Dito na po magpapagaling si Sir Hunter. Bisita-bisitahin ko na lang po siya dito.” wika ng doktor bago nilapitan ng pamilya si Hunter.Hindi pa rin ito nagkakamalay at puno ng tubo ang katawan, dahilan para kusang tumulo ang luha niya. Awang-awa siya kay Hunter.“Kamusta ka na, Yassy? Mas magaan na ba ang pakiramdam mo? Huwag kang masyadong ma-stress, masama 'yan sa baby mo.” nakangiting paalala ng doktor.“Maiiwan ko muna kayo. Kung may kailangan kayo, nasa clinic lang ako.” paalam nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.Ngayon, pareho na silang pasyente ni Hunter.“Magpagaling ka, anak...” sabi ng kanyang mommy habang hinihimas ang kanyang buhok. “Magpalakas ka para sa anak mo. Kapag nagising si Hunter at nalaman niyang pinabayaan mo ang anak niya ay siguradong magagalit 'yon.”Napaiyak siya... Alam niyang masaya ang ina para s
“Me too, Mom…” malungkot na sabi ni Caleb. “Pinagbawalan ko siyang makipagkita kay Yassy. Sinuntok ko pa siya para lang tantanan ang kapatid ko. Pero hindi ko alam… siya pala ang biktima dito. Kawawa naman ‘yung bestfriend ko…” sising-sisi si Caleb sa ginawa kay Hunter.“Huhuhu… hindi ko lubos maisip ang hirap na pinagdaanan ng anak ko…” umiiyak na wika ni Tita Helen. “At heto siya ngayon… nakaratay sa ospital… at hindi pa natin alam kung magigising pa siya…”“Don’t say that, sweetheart!” sagot ng daddy ni Hunter kay Tita Helen. “Mabubuhay ng anak natin. Magtiwala lang tayo... lalo na’t magkakaanak na sila ni Yassy. Let’s just look on the brighter side. Kapag gumaling si Hunter, puwede na silang magpakasal ni Yassy, magbuo ng pamilya gaya ng dati nating planong lahat simula pa ng mga bata pa sila.” Puno ng pag-asang sabi ni Tito Joaquin.Nagkaroon ng liwanag sa puso ni Yassy. Totoo nga... siya lamang ang babaeng minahal ni Hunter. At ngayong magkakaroon na sila ng anak, nagkaroon siya
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, wala na si Yassy sa tabi niya. Maaga itong pumunta sa school para asikasuhin ang ibang pang papeles sa pagka-graduate nila. Siya naman ay may pictorial mamaya sa agency bilang sa pagpa-part time model niya.Napapaisip siya... pagka-graduate nila ay mag-isa na lang siya doon dahil uuwi naman si Yassy sa Pilipinas. Binigyan ito ng trabaho ng dad niya. Hindi na rin siya pwedeng samahan doon ni Caleb palagi, may sarili din itong negosyo at career sa Pilipinas. Baka bisitahin nalang cya doon ng nobyo."Good morning…"Nagulat siya, biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Caleb."G-Good morning... What are you doing here? Baka makita ka ni Yassy..." pagdadahilan niya."Umalis na siya kanina pa." wika nito saka tuluyan nang pumasok sa kwarto niya. Umupo ito sa kama.Napahawak siya sa kumot… wala kasi siyang bra."Wala ba akong good morning kiss?" nakangiting wika ng nobyo niya."Ah, eh wala pa akong toothbrush eh…" bigla siyang na-conscious kaya
Magkahawak-kamay sila ni Caleb umuwi sa apartment nila. Pero pagpasok ng unit ay umaakto silang normal. Hindi nila pinapahalata kay Yassy na may relasyon na sila. Hindi pa siya handa na malaman ng kaibigan niya. Alam niya na may problema pa itong iniisip dahil kay Hunter. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ni Yassy."Hi bestie..." bati niya sa kaibigan nang pumasok sila. Nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV pero alam niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon nito."Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila."Ah eh... nagkita lang kami sa baba. Sabay na kaming umakyat." pagdadahilan niya saka tinabihan ito sa sofa."What are you watching?" pag-iiba niya ng usapan. Si Caleb naman ay dumiretso sa kitchen at inayos ang dala nilang pizza para sa dinner nila."I don't know...""Nagsasayang ka ng kuryente. Di mo naman pala alam ang pinapanood mo... may problema ka ba?"Bigla itong tumahimik at umiyak."Bestie... Wag kang gagaya sa akin ha... kasi masak
"Ganun ba ako kasama sa paningin mo, Belle? Hindi mo pa ba nakikita ang effort ko na magbago? Simula ng makilala kita ay ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Hindi na ako tumingin sa iba. That's how I love you, Belle." Lihim siyang kinilig. "Pero paano si Yassy?" "Ako ang bahala sa kanya... sagutin mo lang ako..." Hindi na niya napigilan ang ngumiti... Ang totoo ay mahal naman niya talaga si Caleb... Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong feeling sa isang lalaki. "S-sige... sinasagot na kita." nahihiyang wika niya saka yumuko. Sa edad niyang iyon ay ngayon pa lang siya nagkaroon ng nobyo at si Caleb ang first boyfriend niya. "Talaga, Belle?" tanong nito, tila hindi makapaniwala. "Y-yes, sinasagot na kita..." muling sabi niya. Ramdam niyang pulang-pula na ang pisngi niya sa hiya. Caleb cupped her face. "Look at me, Belle," utos nito. Agad naman siyang tumango ng tingin at nakipagtitigan dito. Parang matutunaw siya sa pamamaraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya... "Tama ba ang
CALEB LEDESMA & BELLE LAUREL: BELLE POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto na inookupa niya sa mansion ng mga Ledesma. Tapos na ang kasal ng bestfriend niyang si Yassy, kaya pwede na siyang umuwi ng Manila o di kaya bumalik ng London. Hindi naman sa ayaw niya doon. God knows kung gaano siya na-in love sa lugar na 'yon pati sa mga kaibigan ng bestfriend niya. Everybody is so welcoming... feel niya na belong siya doon, parang matagal na silang magkakilala kahit pa ngayon niya lang na- meet ang mga ito. Ang totoo ay ayaw pa niyang umalis pero kailangan na dahil ayaw na niyang makasalamuha pa ulit si Caleb. Habang nakikita niya ang lalaki ay naaalala niya ang ginawa nitong pananakit ng damdamin niya. Napapaluha na lang siya habang naaalala... wala siyang pinagsabihan kahit na sino. Maging sa bestfriend niyang si Yassy. Okay naman sana sila ni Caleb noong nasa London sila. They had mutual feelings. Alam niyang gusto siya nito at gusto niya din ang lalaki. Kahit na ang paninira si Ya
**********HONEYMOON:"Put me down, Hunter!" natatawang wika niya nang binuhat siya ng asawa mula sa baba papunta sa kanilang kwarto."Ano ba... baka mahulog ako!...""I will not let you fall, babe... syempre iingatan kita, at saka ang anak natin."Nang buksan nito ang kwarto nila ay dahan-dahan siyang nilapag sa kama. Tinitigan siya nito ng maigi na tila sinasaulo ang kanyang mukha."I love you, Mrs. Rosales. I finally call you my wife."Ngumiti siya pabalik at kinawit ang dalawang bisig sa leeg ni Hunter. "I love you too, my hubby. Naabot mo rin ang pangarap mong pakasalan ako, huh?" biro niya."Hahahaha!" ang lakas ng tawa nito."Oo nga, noh? Ilang beses din kitang sinubukang pikutin...""And I'm so happy too, babe... Kung hindi ka pa muntik nang mawala sa akin ay hindi ko pa mare-realize kung gaano ka ka-importante sa akin." Naalala niya nang muntik nang mamatay ang asawa kaya napauwi siya galing sa London. Since then, ay pinangako na niya sa sarili na mabuhay lang si Hunter ay ib
***********YASMIN THERESE LEDESMA & HUNTER ROSALES GRAND WEDDING:Dumating na ang araw ng kasal. Maagang gumising si Yassy, kahit halos hindi siya nakatulog sa excitement.Sa malawak na hacienda ng mga Rosales idadaos ang kasal, doon sa harap ng batis kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan ni Hunter. Doon na din ang reception pagkatapos ng kasal. Sa sobrang lawak nun ay kayang ma-occupy kahit isang libong katao.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Abala na sina Almira at Belle sa pag-aayos sa kanya. Nandoon din ang glam team, pero mas kampante siyang nasa paligid ang dalawang pinakamalapit sa puso niya.“Grabe, bestie... You’re glowing!” ani Belle habang inayos ang laylayan ng wedding gown niya.“Parang hindi ka kabado, ah.” dagdag ni Almira na naglalagay ng final touches sa buhok niya.“Kinakabahan ako... pero mas nangingibabaw yung saya.” sagot niya sabay ngiti.Lumingon siya sa salamin. Suot niya ang eleganteng off-shoulder na gown na bumagay sa kanyang maputi at makinis na balat.
Agad na namula ang mukha ni Elijah. Halatang hindi nito alam ang gagawin. Inabot nito ang camera sa kanya."Ikaw na ang kumuha, Doc... baka manginig ang kamay ko."Napailing na lang si Yassy habang tinanggap ang cellphone. “Grabe ka naman, parang hindi ka sanay sa babaeng maganda!” parinig niya kay Elijah na pulang-pula na.Napangiti si Lilac, halatang naaliw din sa pangyayari.“Pasensya ka na sa mga kaibigan kong baliw, Lilac ha. Ang lakas ng mga toyo ng mga 'yan,” wika ni Elijah na hiyang-hiya sa pinaggagawa nila."It's okay po, Sir Elijah. Picture lang naman," nahihiyang sabi ni Lilac. Tumabi ito kay Elijah, medyo nahihiyang ngumiti."Okay... Smile!" wika ni Yassy habang tinutok ang camera.Pagkatapos ng ilang shots, ay agad niyang tiningnan ang mga litrato. “Hmm, bagay kayo. Ipo-post ko ‘to sa group chat natin!”"Yassy naman!" sabay na reklamo ni Elijah. Namumulang wika ni Elijah... saka sila nagtawanan.“Mga anak...” tawag-pansin ni Mayor sa kanila. “Halina kayo sa bahay at may i
"Are you both ready? Let's go?""Sige, tara!" sambit niya saka inalalayan siya ni Hunter na makatayo sa upuan. Nauna silang lumabas ng kwarto, nasa likod naman nila si Belle.Muntik pa siyang napatalon sa gulat ng makitang andoon pala ang kuya Caleb niya sa labas at mukhang hinihintay sila."What the heck, kuya! Bakit ka nanggugulat?""Hindi ako nanggugulat... Nakatayo lang ako dito eh!""Bakit di ka nagsabi na andyan ka?"Sumimangot ito. Sasagutin pa sana siya ni Caleb nang makita si Belle sa likod niya."H-hi Belle... you look beautiful in that dress." Nauutal na wika ni Caleb sa kaibigan niya."Thank you..." tipid na sagot lang ni Belle. Mukhang hindi pa okay ang dalawa. Ang akala pa naman niya ay nagkabati na ang mga ito. Mukhang malalim ang tampo ni Belle sa kapatid niya."Kuya, ikaw na ang bahala kay Belle. Mauuna na kami ni Hunter sa kotse."Naka-abresyete siya asawa habang nakasunod na ang dalawa sa likod nila.Simula nang nanalo siya noon sa lungsod nila ng Miss Quezon, palag
"Meron..." wika nito sabay tingin sa kanya."Don't you dare, Elijah! Kahit magiging mayor ka na, ay babasagin ko ang mukha mo. Umayos ka ng sagot!" banta ni Hunter"Hahaha... what? Masyado ka namang war freak! Meron akong nagugustuhang babae pero secret muna...""Walang secret-secret dito! Kaya nga truth eh.""Ah.. ehh.. pero promise guys, wag niyong ipagkalat ha?""Damn.. ano akala mo sa amin, chismosa? We are all professionals here!" Sabat ni Liam.Natawa siya. Tama naman na professionals na silang lahat doon. Siya ay doctor, si Hunter ay engineer, si Almira ay school teacher, si Belle ay model, si Liam ay city councilor, at si Elijah ay incoming city mayor.Pero kung maka-asta sila kapag magkakasama ay parang mga bata pa din. And that's what she liked about their friendship."Sino na? Ang tagal naman sumagot!" nairitang wika ni Almira."...Yung isang candidate sa pageant bukas...""Gotcha! Hahaha... sabi ko na nga ba!" sigaw ni Liam."What?!""Halata ka, cuz!" natatawang wika ni Li