LOGINNatigilan siya... Oo nga, siya ang nagkwento. Nilabas lang niya ang kanyang sama ng loob noong time na iniwan siya ni Paulette.Ayon kina Tere at Tanya, na mga kaibigan ni Paulette, ay sumakay ito sa isang magarang kotse kasama ang matandang Instik. Nag-iwan pa ito ng tig-iisang milyon sa mga kaibigan nito.Nang pumunta siya sa bahay ni Paulette ay nagpatotoo pa ang mga kapitbahay na totoo ngang may bagong nobyo si Paulette na mayaman at iniwan ang bahay para sumama sa lalaki.Siya ang nagkwento ng lahat ng iyon sa mga kaibigan nya pero may parte sa kanyang puso na hindi naniniwala kahit pa klarong-klaro na... Ayaw maniwala ng puso niya dahil deep inside alam niyang mahal siya ni Paulette.Tanga ka, Elijah! Nagpapakatanga ka na naman sa isang babae! Katulad ng pagpapakatanga mo kay Lilac. Ano pa ba ang kailangan mong ebidensya para maniwala ka? asik ng kanyang utak.Ipinilig niya ang kanyang ulo sa mga naiisip saka tinapos ang pagbibihis. “Let’s go!” tipid na sabi niya saka naunang lu
3 MONTHS LATER:ELIJAH'S POV:Nagulat siya sa malakas na katok sa kanyang pinto, pero hindi siya bumangon sa kanyang higaan. Lasing siya kagabi at gusto pa niyang matulog.“Bro, wake up!” Narinig niya ang boses ng kanyang pinsan na si Liam nang pumasok. Hindi siya sumagot.“Bakit ka na naman naglasing? Sabi ni Tito Felix, inumaga ka na ng uwi. Saan ka ba galing?” singhal nito sa kanya.“Leave me alone!” inis na sabi niya saka nagtakip ng unan sa kanyang ulo. Pagsasabihan na naman kasi siya nito. Ayaw niyang pinakikialaman siya ng kahit na sino. Walang nakakaintindi sa pinagdadaanan niya.“Gusto man kitang pabayaan pero may meeting tayo sa munisipyo,” dagdag pa nito.Lalo siyang napasimangot at tumayo sa higaan. Ayaw man niya pero kailangan. Kasama nila sa meeting ang kanyang daddy at pagagalitan na naman siya nito kapag male-late siya.Nasa Quezon Province siya ngayon. Ilang araw pa lang ang nilalagi niya doon dahil sa Cebu siya namalagi dahil sa project nila sa Elise Corporation. Nga
Pagkatapos nilang mag-shopping ay kumain muna sila sa isang Chinese restaurant.“Ang mall na ito, iha, ay isasalin ko din sa pangalan mo sa pagdating ng panahon. Gusto kong ikaw na din ang mamahala dito.”“Lolo... baka hindi ko na kaya ang lahat ng ito.”“Of course you can, iha. I believe in you. Kanina lang ay nakita ko kung paano mo i-handle ang problema. Hindi ka nagpapatinag. May paninindigan ka. Ugali iyon ng isang magaling na negosyante.”Hinawakan ng kanyang mama ang kanyang kamay na parang proud na proud sa kanya. “Hindi ka ipapahiya ng anak ko, Lolo. Magaling siyang bata. Bukod sa may utak siya, ay meron din siyang puso.”“Mana ka talaga sa angkan natin, iha.” nakangiting sabi ng lolo“Ikaw naman, Elise, I want you to study and finish your schooling.”“Lolo, matanda na ako. Baka mag-classmate pa kami ni Charlotte niyan?” natatawang sabi ng mama niya.“Ayaw kong panghinayangan mo ang mga nawala sa’yo. Bata ka pa, you’re only 40 years old. There are a lot of opportunities ahead
“M-Master Li?” nauutal na sabi ng manager at dalawang sales girl nang makita ang lolo nila.“Lolo... ayaw nila kaming papasukin dahil hindi daw namin kayang magbayad.” sumbong niya.“Says who?” nakakunot ang noong tanong nito.“Sila pong tatlo. Pinahiya nila kami dito!”“Did you really say that to my girls?” tanong ni Lolo sa tatlo.Nanginginig ang manager sa harap nila. “Please forgive us, Master Li. We didn't know...”“And who are you to say that my girls can’t pay? Forgiveness is not enough. You embarrassed my girls. Apologize to them!" utos ni Lolo sa manager.“Ma’am, I’m sorry, I didn’t know that you were actually telling the truth.” nagkukumahog ang manager sa paghingi ng tawad, halos lumuhod na ito sa harap nila.“You embarrassed my family. Do you know what that means?”“S-sorry, Master Li. I didn’t know they were actually saying the truth." sabi ng isang saleslady.“What we wear is not the basis of who we are!” naiinis na sabi niya.Tumingin si Lolo sa kanya na para bang proud
Kinabukasan ay maaga silang nagising. Ayaw man niyang makisabay sa kanyang mga kapatid, pero aaminin niyang excited din siya sa kanila pag sa shopping. Sino ba naman ang taong hindi excited mag-shopping?Sabay-sabay silang lumabas sa kanyang kwarto ng matapos na silang makabihis lahat. Alam nya hinihintay na sila ni Lolo Li.“Ayan na pala ang mga girls ko. Handa na ba kayo?” nakangiting sabi nito. Nakaupo lamang ito sa sofa habang naghihintay sa kanila.“Tara na Lolo, excited na kami!” malaki ang ngiting sabi ni Charlotte. “Hahaha.. ano ba ang bibilihin mo, apo?”“Kahit ano, Lolo. Hindi ko pa alam.”“Sige, bilhin na lang ang lahat ng gusto mo.”“Tara na Lolo!” Sabi naman ng mama nya saka humawak sa braso ni Lolo. Akmang lalabas na sila ng bahay nang pigilan sila nito.“Doon tayo sa rooftop, mga apo. Doon naghihintay ang service natin.”Naguluhan sila pero sumunod na din.Pag-akyat nila sa rooftop ay may nakaabang na helicopter sa kanila.“Dito tayo sasakay, Lolo?”“Oo, mga apo.”“Wow
“Anyway, tara na at kakain na tayo,” aya ng lolo nila saka tumayo. “Bukas, saan n’yo gustong pumunta? Gusto n’yo bang mag-shopping at gumala?”“Yes, Lolo!” mabilis na sabi ni Charlotte at Asherette. Hindi na niya sinaway ang mga kapatid. Masaya ang lolo niya kapag nabibigay nito ang gusto nila. Pagbibigyan niya ang kanyang mga kapatid. Matagal din naman silang napagkaitan sa buhay. At sa dami ng kayamanan ng lolo niya ay maging sa ka apo-apohan nila ay hindi nila iyon mauubos.Pagdating nila sa dining table ay nakahanda na ang kanilang pagkain. May katulong din sila roon na isa ring Pilipina. Matagal na itong naninilbihan sa lolo niya.“Good evening, Madam Elise... Master Li. Nakahanda na po ang pagkain,” sambit ng katulong nila.“Salamat, Mina.”Kanya-kanya na silang upo sa kanilang pwesto. Maya-maya ay dumating na rin si Atty. Chan at tumabi ng upo sa kanya. Doon din nakatira ang abogado. Parang adopted na rin ito ng lolo niya.“Gary... sa susunod na mga araw ay turuan mo si Paulett







