Share

CHAPTER 762

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-01-19 23:41:24

Iisang sasakyan lang ang ginamit nila papunta doon. Si Elijah ang nagda-drive, si Lolo Li ang sa front seat at silang dalawa naman ni Paulette sa likod. May tatlong sasakyan na naka-convoy sa kanila at puno iyon ng bodyguards.

Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Si Lolo Li at Elijah ay panay ang kwentuhan at tawanan. Minsan nakikisali rin si Paulette.

"Ma, bakit tahimik ka diyan?"

"Ah eh wala. Nahihiya lang ako sa party mamaya. Baka ma-out of place ako."

"Don’t worry about it, Tita. I’m sure
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks author SA update sure ako si Gov Yan whahahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 975

    “Believe me, Marise…” halos pakiusap na saad nito. “Kahit tanungin mo pa mga staff n’yo sa grocery. Araw-araw akong pumupunta doon para abangan ka. Para lang makausap ka.”Hindi agad siya nakapagsalita. Unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa seryosong mukha ni Nicolas.“Totoo ba ‘yang sinasabi mo, Nicolas?” tanong ng kanyang lolo.“Opo, Mr. Li.”Huminga nang malalim si Nicolas bago tuluyang nagsalita. “Handa po akong ligawan si Marise… para ipakita sa inyong lahat na mahal ko talaga siya.”Napatingin ang lahat sa kanya.“Ano ang masasabi mo, Marise?” tanong ng kanyang lolo.“Lolo ayaw ko!” sigaw niya sabay tayo.Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Napahiya lang siya sa harap ng pamilya kaya hindi niya maamin na mahal niya rin si Nicolas. Dahil sa totoo lang, kahit gaano niya gustong magalit… hindi pa rin niya kayang pigilan ang sarili sa tuwing nakikita niya ito.Ngunit dahil sa bigla niyang pagtayo ay bigla ring umikot ang kanyang paningin. Kasabay noon ang ma

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 974

    Napatayo agad si Marise sa sobrang gulat. Halos muntik pang matumba ang baso ng tubig sa kanyang harapan dahil sa biglaang pag-angat niya.“A-anong ginagawa niya rito?” mahina ngunit nanginginig niyang bulong habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking nasa pintuan.Samantalang si Nicolas ay nananatiling nakatayo roon, hawak ang napakalaking bouquet ng dilaw na rosas. Ngunit kakaiba ang aura nito ngayon. Wala ang dating yabang, wala ang pamilyar nitong mapang-asar na ngiti. Para itong isang estudyanteng pinatawag sa guidance office, halatang kinakabahan at hindi malaman kung paano magsisimula.“G-good evening po…” pilit nitong bati habang bahagyang yumuyuko.“Good evening iho. Pasok ka,” kalmadong sagot ni Lolo Li.Napalingon agad siya sa matanda, halatang hindi makapaniwala. Ito ba ang nagpapasok kay Nicolas?“Lolo!… bakit andito siya?” halos pabulong ngunit puno ng reklamo niyang tanong.Nagkibit-balikat lamang ang matanda habang mahinahong umiinom ng tsaa.“Tinawagan

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 973

    MARISE POV:Nasa loob lang siya ng kanyang kwarto habang walang gana na nagbabasa ng magazine. Maaga siyang umuwi mula sa grocery dahil simula pa kanina ay masama na ang kanyang pakiramdam. Parang umiikot ang paligid at may kung anong bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.Ilang araw na rin ang lumipas mula nang muli silang magkita ni Nicolas sa party. At simula noon, hindi na siya ginulo ng lalaki. Mukhang epektibo ang pananakot ng kanyang lolo rito."Hmp! Mahinang nilalang!" iritadong sambit niya. "Konting pananakot lang, hindi man lang ako sinubukang suyuin?.. Eh di huwag!"Hindi rin niya inakalang si Nicolas pala ang lalaking gustong ipakilala sa kanya ng kanyang lolo. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magbusiness partner ni Noah at si Nicolas Monteverde. What a small world.“Ma’am Marise, pinapatawag na po kayo ni Sir Li. Dinner na raw po.”Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang boses ng kanilang katulong.“Okay, Manang,” mahina niyang sagot.Napabuntong

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 972

    Nagdaan ang mga sumunod na araw na parang bangungot para kay Nicolas. Hindi na siya lumalabas ng silid at hindi na rin pumapasok sa kompanya. Hinayaan niyang magulo ang lahat sa opisina dahil sa pagkawala niya… pero wala siyang pakialam.Magulo rin ang kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, ang iba’y wala nang laman, ang iba nama’y kalahati pa lang. Nakaupo siya sa malamig na sahig habang nakasandal sa gilid ng kama, hawak ang isang bote ng whiskey.Buong araw siyang lasing, at buong araw ding paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Marise… ang mga luha nito, ang sampal nito, at ang malamig nitong tingin na parang wala siyang halaga.Mariin siyang napapikit. Para bang may kamay na paulit-ulit na dumudurog sa dibdib niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto.“Leave me alone!” sigaw niya nang hindi man lang tumitingin.Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas pa rin ang pinto kahit wala siyang pahintulot. Napailing siya bago dahan-dahang napatingin doo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 971

    “Shut up, Anthony!” madiing putol niya habang nagdidilim ang mukha. “Hindi na makikipagbalikan si Marise sa’yo. Asikasuhin mo na lang ang buntis mong girlfriend.”“But I said I don’t love her!”Kita niya ang desperasyon sa mukha ng pamangkin. Halos mabaliw ito habang palipat-lipat ang tingin kina Marise at Mr. Li.Pagkatapos ay bigla itong natawa. Mahina, pero puno ng pangungutya.“Oh… yeah. I get it now...” Tumitig si Anthony sa kanya. “Ayaw mong bumalik si Marise sa akin dahil gusto mo siya para sa sarili mo, hindi ba, Uncle?”Namilog ang mga mata ng ilang taong nakarinig.“At oo nga naman,” patuloy ni Anthony habang natatawang umiling. “Kapag nakasal na kayo, lalo kang lalakas dahil nakakabit na ang pangalan mo kay Mr. Li. Tama ba ako, Uncle?”“Shut up, Anthony!” mariing sigaw niya.Napatingin sa kanya si Marise. Mariing humigpit ang kamao niya. Hindi niya alam kung galit ba ang nangingibabaw o takot.“Magkakilala na kami ni Marise bago pa man kayo magkakilala…” garalgal niyang sab

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 970

    NICOLAS' POV:Halos mabasag ni Nicolas ang basong hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak doon habang nakatingin kay Marise na papalapit sa kanila.Totoo nga ang hinala niya... Si Mr. Li ang bagong may hawak kay Marise. ito ang DOM na matagal na katanungan sa kanyang utak. .At mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita ang tuwang-tuwa nitong mga kamag-anak. Halatang ipinagmamalaki ng mga ito si Mr. Li na para bang naka-jackpot sa buhay. Nakangiti at magaan ang mga mukha. Para bang isang malaking biyaya ang pagdating ng matanda sa buhay ng pamilya ni Marise.Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam ang sumiksik sa kanyang dibdib.“Marise, come here. Bakit ba ang tagal mong maglakad?” inis na saad ni Noah.Napatingin siya rito. Mukhang napapansin din ni Noah ang tensyon kay Marise. Tahimik ito habang naglalakad, parang nag-aalangan. At kahit pilit nitong itinatago, kita niya ang pagkairita sa mukha ng lalaki.Is it because of Mr. Li? Dahil ba may rela

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 735

    Pagkatapos nilang kumain ay isa-isang umalis ang mga kaibigan nila. Halatang pinagtabuyan na ito ni Elijah, parang gusto talagang mapag-isa kasama siya. Walang tumutol, alam ng lahat na hindi biro ang pinagdaanan nila ngayong araw.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Nakahiga lang siya sa kama, nakapik

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 703

    Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, huminga siya ng malalim. Hindi niya naman sana kailangang ipaalam pa kay Paulette ang tungkol kay Lilac. Panandaliang problema lang naman ito at aalis din. Pero bakit nakokonsensya siya habang kausap si Paulette?Wala pa man isang minuto ay nag-ring na naman an

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 701

    "It’s not about money… it’s about security. Paulit-ulit kong pinapaalala sa inyo ang karanasan ni Elijah kung bakit ko siya pinaprotektahan. Ayaw kong makita ang anak ko na muling malugmok dahil sa pagmamahal sa maling babae. Alam n’yo kung paano siya magpakabaliw... halos ibigay niya ang kanyang b

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 730

    Pagkatapos niyang kausapin si Lilac, muli siyang napaisip. Tatlo hanggang apat na oras pa bago ito tuluyang makarating sa Quezon, depende pa sa pagda drive nya. Hindi niya kayang maghintay nang gano’n katagal."Hindi ko puwedeng hayaang masaktan si Paulette…"“Ano’ng nangyayari sa’yo, Elijah?”Napa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status