Share

Chapter 3

CHAPTER 3  

     Kinukasan, after the shoot ni Roxan, maaga pa lang ay nasa Mall na silang dalwa ni Ian. Nag breakfast muna sila sa bahay ni Roxan bago namili ng mga kailangan nilang i-prepare.

     “So bakla what are the things we should buy first?” tanong ni Roxan habang inaayos ang croptop niyang color brown na pinartner niya sa white maong short. She’s so hot right now with her light make up.

     “Floral dress girl para feel na feel natin ang pagpunta sa beach.”

     Roxan smiled. Alam ni Roxan na gusto talaga ni Ian ng floral dress para ma feel na isa din siyang dalaga. Anything for her Ian. What can makes Ian happy, gagawin ni Roxan. Gagawin ni Roxan ang mga maliliit na bagay na magpapasaya kay bakla.

     “Okay. Hanap tayo ng dalwang floral dress at dalwang floral hat.”

     “Pak na pak! Gora na!”

     Nagsimula na nga silang maglibot-libot. As always, laging nakasuot ng shades, mask at hat si Roxan para hindi habulin ng camera. Kapag kase nasa public place siya, hindi talaga maiwasan na walang lalapit na camera sa kaniya kaya naman gumawa muna siya ng paraan para itago ang mukha. 

     Ito namang si Ian, kilos lalaki habang naglalakad dahil baka may makahalata sa kaniya. Marami pa naman siyang relatives na naninirahan sa Manila.

     “Girl bagay na bagay 'to sa atin! Tara sukatin natin!” Iyon ang malakas na sigaw ni Ian dahil silang dalwa lang naman ni Roxan sa loob ng shop. Masaya si Ian na hawak-hawak ang napiling dress. Pagkatapos nilang maisukat iyon, katulad ng ibang magkakaibigan, nagkuhanan pa sila ng litrato sa isa’t isa.

     Bumili din sila ng swimsuit at iba pang mga gagamitin nila para ma-enjoy ang lakad. 

     “Pwede kaya magdala ng boylet sa Resort?” Napatigil naman sa paglalakad si Roxan sabay hampas sa braso ni Ian. “Joke lang naman eh.”

     Pagkatapos nilang mamili ng mga gamit na gagamitin nila ay pinauna na ni Roxan si Ian sa parking lot. 

      Ang totoo niyan, may bibilhin kasi si Roxan na para kay Ian, walang iba kun'di wig. Alam kase niya na kasiyahan ni Ian na makapagsuot ng wig para magmukha itong babae. Gustong-gusto na kase ni Ian na magmukha siyang babae kahit minsan lang. 

     At Roxan as a supportive bestfriend of Ian, gagawa at gagawa siya ng paraan para mapasaya ang kaibigan.

     “For sure magugustuhan ‘to ni bakla.” Bumili siya ng iba’t ibang kulay ng wig, mga branded na wig. Hindi lang iyon, bumili din si Roxan ng mga make up products para ibigay kay Ian. Gusto niya na maramdaman ni Ian na babae siya, ‘yong kasarian na pinili ng kaibigan. 

     “May regalo ako sa’yo. Sana magustuhan mo. Basta tandaan mo bakla ha, support ako lagi sa’yo kung saan ka masaya,” ngiti agad ni Roxan sabay abot kay Ian ng tatlong paper bag. Nasa loob sila ng Ford Ranger ni Ian. May dalang kotse si Roxan, ang lamborghini niya. Pumasok muna talaga siya sa Ford Ranger ni Ian para ibigay ang regalo. 

     Napakunot ang noo ni Ian kay Roxan pero ngitian lang siya ng kaibigan. Sumenyas si Roxan na buksan na ang mga paper bag para makita na nito kung ano ang mga laman ng paper bags. 

     “Pwede kang maging malaya kapag ako ang kasama. So kung gusto mo, gamitin  mo ‘yang mga regalo ko sa’yo. Ako bahala sa’yo pamaya. Sa bahay mo tayo magsasaya.” Tanging nakangiti lang si Roxan kay Ian at habang pinagmamasdan niya ito, kitang-kita sa mata niya kung gaano siya ka-proud at ka-support kay Ian. 

     “Ano ba ‘to?” Hindi matatago na may halong saya at excitement si Ian habang unti-unti ng binubuksan ang mga paper bag. Sa sobrang supportive naman ni Roxan, kinuha niya ang camera niya para kuhanan ng litrato si Ian.

     “Hala!” Halos maiyak si Ian habang hindi mapakali ito sa sobrang sayang nararamdaman. Agad hinitak ni Ian si Roxan para yakapin ito kaya muntikan pang magpatak ang camera. Hindi na iyon ininda ni Roxan, alam naman kase talaga niya na sobrang saya lang ni Ian. Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Roxan.

     Mabilis na pinaandar ni Ian ang Ford Ranger niya papunta sa kaniyang isang malaking bahay. Excited na excited siyang gamitin ang mga regalo na binigay sa kaniya ni Roxan. 

     Pinaandar na din ni Roxan ang lamborghini niya at sumunod sa sasakyan ni Ian. Kahit nagmamaneho silang dalwa, nag-uusap pa rin silang dalwa kaya nagsisigawan sila sa daan. 

     “Talikuran man talaga ako ng pamilya ko, masaya ako na may kaibigan akong tulad mo. Basta tandaan mo din mars ha, andito lang din ako lagi sa tabi mo," bulong ni Roxan sa gitna ng pagyayakapan. 

     “Magiging malaya tayo sa tabi ng isa’t isa," sagot naman ni Roxan. 

     “Payakap nga ako sa kaibigan ko.” Nagyayakapan muli silang dalwa habang tumutunog ang speaker ni Ian.

      Katulad ng bahay ni Roxan, malawak din ang kay Ian. Mas malawak nga lang ito dahil hindi masyado mahilig bumili si Ian ng mga gamit. Tanging flat screen TV, tatlong sofa, aircon at isang frame lang ang makikita sa malawak niyang sala. 

     Dalwang palapag ang bahay ni Ian na siya mismo ang nag-design. Katulad sa bahay ni Roxan, may sariling kwarto si Roxan dito sa bahay ni Ian. Tapos sa rooftop ni Ian sila palaging tumatambay kapag nagkakayayaan magsaya. 

     “Gusto mo try natin ‘tong mga make up? Tapos isuot mo na din ang wig! At ‘yong lagi mong sinasabi, gusto mo magsuot ng heels, right? You’re free to use my heels, Mars!" masayang wika ni Roxan habang nagtatalunan sila sa sala. 

     “Talaga ba? Hala nakaka-excite naman ‘tong pakulo mo mars! Wait kukunin ko lang sa car mo ang heels! Wahh!” Walang inaksayang pagkakataon si Ian, agad itong nagtatakbo sa labas ng bahay para kunin ang heels na suot ni Roxan kanina. 

    Sinimulan na nila ang plano. Kahit hindi ganon kagaling mag-make up si Roxan, todo push siya maayusan lang si Ian. Pagkatapos ng make-up, pinasuot naman ni Roxan kay Ian ang binili niyang wig. Hindi pa magkaintindihan si Ian kung ano ang pipiliin niya sa madaming pagpipiliang wig. 

     “Ang ganda ng kaibigan ko! Wahhh mas maganda ka pa sa akin! Sige na isuot mo na ang heels!" Light make up lang ang looks ni Ian tapos suot niya ang color black na wig sabay suot niya sa white heels ni Roxan. 

     Rumampa-rampa si Ian habang nakikisabay sa indak ng kanta. Palakpak lang ng palakpak si Roxan at paminsan-minsang kinukuhanan ng litrato ang kaibigan na akala mo ay model din. Naging maingay ang buong bahay ni Ian dahil sa sigawan nilang magkaibigan. 

     "May kulang eh. Ian what if suotin mo din 'yong dress ko? Tamang-tama may dress ako sa bag ko!" 

     Mas lalong na-excite si Ian kaya walang pagdadalwang isip at agad niyang sinuot ang Red Long dress ni Roxan kaya nag mukha itong pupunta sa isang malaking event. Kaso sa laki ng braso ni Ian, mas lalo siyang gumawapo. Mas nangibabaw din ang kapatuan ng balat nito. 

     Sa gitna ng kasiyahan nila, maya-maya ay tumigil sa paglalakad si Ian. Tumulo ang luha nito sabay tingin kay Roxan.

     “Bakit? Anong problema mars? Hindi ka ba satisfied sa make up ko? Bak--" Hindi pa natatapos ni Roxan ang sasabihin ay biglang tumakbo papalapit sa kaniya si Ian. 

     Hindi sumagot si Ian bagkus ay agad itong tumakbo papunta kay Roxan. Agad nitong niyakap si Roxan ng mas mahigpit dahil alam ni Ian na ang lahat ng ito ay ginagawa sa kaniya ni Roxan para mapasaya siya, para maramdaman niya na malaya siya.

     “I can’t explain what I feel I right now. Thank you, Roxan. Pakiramdam ko ang laya-laya ko sa totoong ako."

     “Welcome as always," bulong naman ni Roxan. 

     They eat together habang nagchichikahan. Hanggang sa kumain sila ay hindi pa rin inaalis ni Ian ang make up at wig. Sout-suot pa rin niya ang heels at dress. 

     "Ang bonak mo talaga! Huwag mo sabihin na may communication pa rin kayo ng Jasper na 'yon? Nako Ian ha malilintikan ka sa'kin!" Inis na wika ni Roxan kay Ian habang kumakain sila sa isang malawak na kusina ni Ian. 

     "Honestly we still have a communication, Mars." 

     Agad itong napaghahampas-hampas ni Roxan. Si Jasper kasi ang ex boyfriend ni Ian. Oo, nagkaroon ng boyfriend si Ian at tanging si Roxan lang ang  nakakaalam noon. 

     Galit si Roxan sa Jasper na iyon dahil alam niyang pera lang ang habol nito sa kaibigan. 

     "Mahal ko eh," marupok na boses ni Ian. 

     "Ang mga bonak talaga nating dalwa. Imagine ako nagpapa baliw sa isang Brandon na walang trabaho tapos ikaw nagpapaka tanga sa isang Jasper na pineperahan ka lang!" tawa ni Roxan habang nagsisimula na silang mag hugas ng pinggan. 

     "Friendship goals!" sigaw ni Ian kaya sabay silang nagtawanan. 

     Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Roxan. Nakatanggap kase siya ng message sa ina na si Mrs. Rea Balbacal na tatawag daw ito sa kaniya pamaya. 

     “Bye bakla! Una na ako ha! See you na lang bukas!" todo kawat ni Roxan sa kaibigan. 

     “Ingat sa daan ha. See you tomorrow Mars, " kaway naman ni Ian na  topless na ngayon kaya nagingibabaw ang ganda ng abs niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status