Share

Chapter 4

Chapter 4

     This is it! Ito na ang pinakahihintay ng dalwa. It’s their time to relax. Magsasaya muna ang isang International model na si Roxan Viex Balbacal at ang isang Architect Ian Cassandro Velasco. 

     ‘Hey Babe! Good morning. Nga pala may lakad ako for two days. Ikaw? Kamusta nga pala ang lakad mo kahapon? Please Babe reply ka naman oh. I love you!’ 

     Pagkatapos ni Roxan i-send iyon sa boyfriend na si Brandon, agad naman niyang tinawagan si Ian.

    “Nakabili na ako ng drinks at snacks. Nasan ka na ba sis? Bilisan mo please,” sagot ni Roxan kay Ian sa kabilang linya. Ramdam kase ni Roxan na may mga sumusunod na sa kaniya. Hindi lang isa, as in maraming kumukha ng litrato niya na pagsisimulan ng kaguluhan dahil magtutumpok-tumpok sila.

    “Andito na ako sa likod ng Mall,” sagot ni Ian kaya mabilis na tumakbo si Roxan sa likod ng Mall. Hirap na hirap ito tumakbo dahil naka-heels pa rin siya ngayon. Nung nakita na naman niya ang Ford Ranger ni Ian, agad siyang sumakay sabay hingang malalim.

     “Ms. Roxan!” 

     Bilang pasasalamat ni Roxan sa mga bumabati sa kaniya ay binuksan niya ang bintana ng Ford Ranger ni Ian at kumaway-kaway ito at nagbigay ng ngiti. 

     “Hingal na hingal mars?” tanong ni Ian sabay utas sa kakatawa. Gulo-gulo na kase ang buhok nito tapos halos malaglag na ang mga pinamili nito dahil sa kakatakbo. Hindi naman kase talaga masungit si Roxan sa mga  humahanga sa kaniya, gusto lang talaga niya ng privacy.

     “Eh paano naman kase hinabol ako ng mga camera bakla! Ang tagal mo kase.”

     “Sorry na.”

     “Lets go na? Hooo!”

     “Huy mars peram ako ng panty at bra mo ha!” banggit ni Ian habang nakangiti ito. 

     “Okay, no problem bakla! I got you!” sagot ni Roxan habang nilalagay ang mga biniling damit sa likod ng kotse. Nag-apir ang dalwa sabay mas lalong nilaksan ni Ian ang volume ng music sa loob ng sasakyan niya. Hilig talaga nila ang mag-sound trip sa loob ng kotse ni Ian at sabay silang kakanta ng malakas. Pumiyok man ang isa’t isa, wala silang pakealam.

     “No cellphones muna para ma-enjoy talaga natin ang bawat moment,” paalala ni Ian habang nagmamaneho ito. Iyon lagi ang paalala ni Ian sa tuwing may lakad silang magkaibigan para naman daw ma-enjoy ang moment. Kaysa naman daw sa mag-cellphone kapag magkasama. Edi parang hindi din daw mage -enjoy kung ganun. Dapat daw nag-chat na lang sila sa isa’t isa kung wala ding usap-usap habang magkasama dahil nakatutok lang sa phone.

     Kung talagang lalaking-lalaki lang si Ian, he's the real definition of green flag. 

     “Tama ka dya bakla.” Alam kase nila kapag no cellphone, mapayapa. Walang manager na tatawag, walang client na mag me-message at walang ibang abala. Malayo sila sa katotohanan at ‘yon ang gusto nila sa ngayon.

     Tulog si Roxan sa byahe. Limang oras sila sa byahe, kaya limang oras din tulog si Roxan.  

     Sadyang limang oras ang byahe nila papunta sa SIKRETO RESORT pero napaka worth it puntahan dahil sa ganda nito. Patago ang lugar, napapaligiran ng mga puno, white sand at sadyang presko ang hangin papasok pa lang sa Resort. For sure na wala masyadong makakakilala sa kanila dito lalo na at napansin ni Ian na kaunti lang ang naka-park na kotse. It means kaunti lang ang andito ngayon.

     “Kaya pala naman tinawag na Sikreto Resort kasi tago ang lugar. Galing ha. Siguro ang cool ng may -ari ng Resort na ‘to. Wah for sure ang hot ng Manager dito,” bulong ni Ian sa sarili habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

     “Andito na pala tayo," boses bagong gising ni Roxan sabay unat ng katawan. Ngumiti naman si Ian na parang nang-aasar. 

     “Opo Madam. Ang sarap po ng tulog ninyo habang ako’y pinipigilan ang antok maipag-drive ka lang. Ikaw na babaita ka, pigil na pigil ako sa antok. Wala akong makausap para man lang para malibang. Pero wala eh, tulog ka din. Alangan naman na magsalita ako ng walang kausap.” pagkukunyareng naiiyamot si Ian. Agad naman siyang niyakap ni Roxan sa braso bilang paglalambing sa kaibigan.

     “Sorry na nga kase bakla. Huwag ka na mag-alala, libre ko na ang lunch natin.”

     Pagkatapos nilang i-park ang ford ranger ay binaba na nila ang mga gamit nila at pumasok na. Sinalubong sila ng isang maputing babae na hindi katangkaran. Maganda ang ngiti nito lalo na nung napatingin ito kay Ian.

     “Hi Maam and Sir, welcome po sa Sikreto Resort,” kinikilig na boses ng babae habang nakatingin lang ito kay Ian. Sa gwapong bakla talaga ni Ian ay malakas talaga ang dating niya lagi sa mga babae. Ramdam nanan agad ni Ian pinagmamasdan siya ng babae kaya kumilos na siya. 

     “Wow ang bongga naman ng pangalan ng resort mars! 'Yon ba talaga yung name ng Resort ninyong ito?” tanong ni Ian sa malambot na boses. 

     Natigilan ang babae nung marinig ang boses ni Ian. Nagpipigil naman ng tawa si Roxan sa gilid. 

     “Opo S-sir.”

     “Maam, not Sir hihi. Sige mauna na kami. Thank you,” kembot ni Ian bago hinitak si Roxan pagkatapos kunin ang susi ng kwarto nila. 

     “T-thank you din po Sir este mga Maam.” Napahampas si Roxan sa braso ni Ian habang nagpipigil ito ng tawa. "Sir pala ha," asar ni Roxan kaya naghabulan pa ang dalwa. 

     Makulay ang buong paligid. May mga palamuti ang bawat cottage na nadadaanan nila. Maaliwalas kahit saan mapadpad ang tingin mo sa iba't ibang sulok ng Resort  kaya naman nakaka refresh agad. 

     Madami na ang naliligo sa pool at nagi-slide. Marami din ang naliligo sa dagat, nagbabangka at tinatry ang iba’t ibang rides. May mga naggagala naman na mga magtitinda ng ice cream, buko juice at ice candy. May mga gumagala namang photographer sa iba’t ibang dako ng Resort. Libre kase ang picture dito.

     Lumingon-lingon si Ian sa paligid. Napataas ang kilay niya nung mapansing ang dami palang tao. Ang akala kase niya ay kaunti lang dahil iilang sasakyan lang ang naka-park sa parking lot.

     “Bakla bilisan mo maglakad! Ang bigat bigat na nga nitong mga bag natin, rumarampa ka pa d’yan, " reklamo ni Roxan habang binibuhat ang isang mabigat na travel bag ni Ian. 

     “Eh kase naman mars ang hot ng lalaking ‘yon! Tingnan mo!" 

     “Nako! Pamaya ka na maghanap ng boys bakla! Gusto ko muna magkape!” reklamo ni Roxan sabay hitak kay Ian na hindi maalis-alis ang tingin sa isang lalaking nasa kalayuan.

     Agad na nga silang nagtungo sa kwarto nila. Malawak ang kwarto na pina reserve nila. May isa itong banyo, isang balcony at may maliit na kusina sa gilid. May malaking flat screen TV sa isang maaliwalas nilang sala.

     Nilapag na nina Roxan ang gamit sa gilid ng kama habang inaayos naman ni Ian ang mga pagkain sa ref sa kusina. Pinagmasdan ni Roxan ang buong paligid at huminga siya ng malalim. 

     "This is what we need, some peace. Hoo ang galing natin bakla!” isang masayang sigaw ni Roxan kaya agad na lumapit sa kaniya si Ian sabay sigawan nilang dalwa. Hindi pa nakontento, nagtalunan sila na parang mga bata sa sobrang saya. Kapag sila talaga ang magkasama, nakakalimutan nila maging professional. Nakakalimutan nilang isa siyang model at isang Architect si Ian. 

     “Tara na, mag-lunch muna tayo. For sure gutom ka na naman." Roxan just smiled. 

     Naglalakad-lakad sila ng nakapulupot ang isang braso ni Roxan sa makisig na braso ni Ian. 

They want to eat na sa isang sikat daw na restaurant dito sa SIKRETO Resort. 

     "Wala naman siguro makakakilala  siguro sa akin dito no?” tanong ni Roxan sa kaibigan. Ngayon ay walang suot na shades at mask si Roxan. Hindi tulad ng kapag nasa City sila, halos kailangan niyang matakbluban ang mukha para lang hindi pagkaguluhan. 

     “Hindi din ako sure mars kase pang over the world nga ‘yang beauty mo.”

     “Baliw. Huy bakla buhatin mo ako papunta ‘don. Gusto ko lang ma-feel ‘yong katulad sa mga teleserye. Hindi naman kase ganun si Brandon sa akin eh. Kaya please ikaw na lang gumawa. Buhatin mo ako papunta don," paglalambing ni Roxan kay Ian habang tinuturo ang kakainan nilang Restaurant. 

     “Haysst ang kulit mo din no? Kalerki ka!" 

     “Bilis na!" Hindi nga natiis ni Ian ang kaibigan. Ayaw naman niya madissapoint si Roxan lalo na at alam niyang gusto talaga ma-feel iyon ni Roxan. Palibhasa hindi ginagawa ni Brandon ang mga ganung bagay sa girlfriend na si Roxan.

     Nagselfie si Roxan habang nakasakay sa likod ni Ian. Wala naman naging reklamo si Ian dahil malaki naman ang katawan  niya. Kayang-kaya niya ang isang sexy na babae na si Roxan. 

     "Welcome po Mrs. and Mr. Velasco. Your table number po is 58. Enjoy Maam and Sir!" pagbati sa kanila ng isang babae sa harap ng Restaurant. 

     'IT'S JUST A SECRET!' 

     Iyon ang nakasulat sa taas ng Restaurant kaya agad na namangha ang dalwa. 

     “Ahmm ako lang po ‘yong Velasco," sagot pa ni Ian. 

     “Ay sorry po. Akala ko po asawa ninyo Sir."

     Agad na nga silang umupo sa dalwang bakanteng upuan na gawa sa kahoy. Nature friendly kase dito kaya mamangha ka sa pagiging  creative ng mga tao dito sa Resort. Sadyang pinagplanuhan lahat. 

     “Wow lechon manok!" excited na sigaw ni Roxan habang hindi mapigilan ang sarili na umpisahan ng kainin ito. Agad naman nahampas ni Ian ang kamay nito. 

     “Owws. Sayo lahat ‘yan? Hayst girl tandaan mo model ka. Hinay-hinay sa pagkain ha," paalala agad ni Ian. 

     Sa totoo lang, kahit gaano pa madami kumain itong si Roxan, hindi siya tumataba. Still may flat pa rin siyang tiyan na parang hindi kumain. Kaya nga ang daming humahanga sa kaniya dahil sa ganda ng katawan nito. 

     Masaya, nagkukwentuhan silang kumain habang naka-on ang camera ni Roxan. Pagkatapos naman nila kumain ay nagtungo sila sa isang kubo na may tatlong maliliit na unan para pwede humiga. 

     “Bakla pwede bang buksan ko muna 'yong phone ko? Baka kase may nag message eh," paglalambing ni Roxan. 

     “Aysus umaasa ka lang na magme message ‘yong mokong mong boyfriend eh! Kahit ang totoo, wala naman ‘yong pakialam kahit nasan lupaop ka pa!" 

     “Huy grabe naman to.” Sa lakas ng trip ng dalwa, naghampasan sila ng unan kaya nagsitinginan sa kanila ang mga tao.

     “Hala bagay na bagay sila. Ang cute nila pagmasdan.”

     “Ang ganda nung girl no? Parang familiar sa akin. Tapos ‘yong boy parang nakita ko na din sa TV. Grabe ang gwapo.” Iyon ang mga bulungan ng mga dalagang napadaan sa kubo. 

    

     Pagpatak ng ala singko, uminom lang sila sa tabing dagat at nagkwentuhan habang hinintay ang paglubog ng araw.

     “Basta ako, ang tanging gusto ko lang ay matanggap ako ng mga tao sa totoong ako. Kaso paano? Eh sina Mama at Papa  asang-asa na mabibigyan ko sila ng apo na sarili kong anak," panimula ni Ian. 

     Iyon nga ang isang bagay na pinagdadaanan ni Ian. Gusto ng mga magulang niya na magkaroon siya ng anak, maging isa siyang ganap na ama at makabuo ng pamilya. 

     “Ako naman, ang tanging gusto ko lang ay ako na ‘yong kokontrol sa sarili ko. ‘Yong desisyon ko naman sana ang pakinggan. Kase bakla nakakasakal eh. Nakakasakal kapag parang kontrolado ka ng mga magulang mo, ‘yong desisyon nila ang gusto nilang masunod. Paano naman ako, ‘di ba?"

     Kontrolado, 'yan naman ang nagpapa-pressure sa kaniya. Bawal pa siyang magkaroon ng kasintahan kahit nasa edad 25 na. 

     “Hayss, huwag muna nga tayo magpakalungkot. Yakapin na lang kita girl. Cheers!”

     “Let’s drink bakla hanggang sa makalimutan natin ang lahat. Cheers!" They drink some alcoholic drinks habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status