Share

LET'S GET MARRIED, BESTIE
LET'S GET MARRIED, BESTIE
Author: QueenBiankky

Chapter 1

CHAPTER 1

     Roxan Viex Balbacal, 25 years old. She's a girl with a pure heart. Handa siyang tumulong sa lahat lalo na sa mga kababaihan na nawawalan ng kumpyansa sa sarili. 

     She’s also an intelligent person. Nakapagtapos siya noon ng college sa isang sikat na University at siya’y tinaguriang Cum laude. 

     Now, she is a professipnal model hindi lang dito sa Pilipinas kun'di sa ibang bansa. She’s a runaway model, swimsuit model, editorial model, at kung ano-ano pa. Marami na siyang nakuhang karangalan hindi lang dito sa Pilipinas kun'di sa ibang bansa. She’s almost perfect na parang ideal girl ng mga kalalakihan.

     But did you know what is the most thing that known about her? She has a strict parents. Mahigpit ang mga magulang niya. Bawal pa siya mag-boyfriend sa edad na 25 years old pero nalabag ‘yon ni Roxan nang walang kaalam-alam ang mga magulang niya. Iyon ay dahil sa labis na pagmamahal niya kay Brandon Dela Luna. 

     Kahit ganun pa man, mahal na mahal pa rin niya ang mga magulang niya. She always did her best in her career, modeling, to provide everything for her parents and also to their business. 

     Oo, malayo si Roxan sa pamilya niya. She’s an independent woman na may sariling bahay at lupa sa isang sikat na subdivision. Si Architect Ian Caasandro Velasco na kaibigan niyang bakla ang nag-design ng bahay niya kaya naman  wala siyang naging reklamo.

     Roxan Viex Balbacal, kabilang sa isang mayamang pamilya at isang sikat na model. Sa totoo lang, hindi pinangarap ni Roxan na maging model. Nasa pagtuturo talaga ang puso niya. Yes, she wants to be a teacher pero pinilit siya ni Mrs. Balbacal to pursue modeling dahil mas malaki daw ang kita dito lalo na at isang sikat na model na nga si Roxan.

     Pinag-aagawan siya ng mga iba’t ibang kompanya dahil sa taglay niyang ganda na mala perfect. Sa tangos ng ilong, mapupungay na mga mata, mahabang buhok, magandang hubog ng katawan, mahahabang hita at mala perfect na hugis ng mukha ay sadyang mamangha ka sa kaniya. At isa sa mga bagay na nagustuhan sa kaniya ay kahit nga sikat na siya ay napaka humble pa rin niyang tao. Kaya naman, mas lalo siyang minamahal ng mga taga-suporta niya.

     “Smile!” sabay-sabay na wika ng mga photographer habang kinukuhanan ng litrato si Roxan. Lahat ay nasa kaniya ang tingin. Sa taglay naman talaga niyang kagandahan ay hindi mo maiiwasan na lingunin siya.

     Agad ngang ngumiti ang dalaga sa harap ng camera kaya kapansin-pansin ang kaniyang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.

     Suot-suot niya ang magarbong gown, branded na heels, branded na make ups para nga dito sa mga photo shoot na ilalagay sa tatlong iba't ibang sikat na magazine.

     Sa ganda ng kutis na meron siya ay sadyang bumabagay sa kaniya ang lahat ng mga suot niya. Halos lahat naman ata ng ipasuot dito ay babagay sa kaniya dahil sa ganda din ng hubog ng katawan meron siya.

     “Good job!” papuri sa kaniya ng  kaniyang manager na si Clint. Niyakap siya nito bago ibigay sa kaniya ang isang bouquet of flowers. “Ang gaganda ng mga pose mo,” proud pang wika nito.

     “Salamat Sir Clint,” ngiti ni Roxan dito habang kinukuhanan pa rin siya ng mga litrato.

     Araw-araw ay ganoon ang buhay ni Roxan. Model dito, model doon, rehearsal dito, practice doon kaya minsan lang siya makauwi sa mansion nila. Para nga mas malapit sa work, bumili na lang siya ng lupa at siya mismo ang nagpagawa ng bahay sa isang sikat na subdivision.

     “See you tomorrow Ms. Roxan,” paalam sa kaniya ng mga make-up artist niya bago mag-alisan ang mga ito. 

     “See you!” kaway ni Roxan. 

     Huminga ng malalim si Roxan pagkatapos ng nakakapagod na maghapon. Pagkatapos niyang magbihis ay kumuha muna siya ng mga products na panglinis sa mukha niyang puro make-up.

     Habang naghahanda siya, agad niyang hinablot ang cellphone sa bag. “Kailangan ko munang tawagan si bakla,” bulong nito sa sarili habang naghihintay siya na sagutin ng kaibigan ang tawag niya.

     “Maam naayos ko na po ang mga gamit ninyo,” sulpot ni Lex, ang isa sa mga assistant niya.

     “Thank you Ate Lex.”

     Roxan start to clean her face habang naghihintay pa rin ng sagot sa kaibigan niyang si Ian kaya nag-focus muna siya sa paglilinis ng mukha. 

     Pagkatapos nga lang ng ilang segundo, narinig na agad niya ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.

     “Bakla! Sunduin mo ako!”

     “Bakit? Nasaan ka ba ha?” tanong ni Ian na halatang busy sa mga ginagawa sa trabaho.

     “Kakatapos lang ng photo shoot para sa tatlong magazine," pagod ding boses ni Roxan.

     “Busy ako mars! Hindi ko keri gumala!” Napahilamos si Roxan sa sagot ng kaibigan. Kilala talaga sa pagiging isa sa pinaka masipag si Ian kaya naman ang hirap niyang yayain sa mga plano ni Roxan.

     Ian Cassandro Velasco, ang nag-iisang bestfriend ni Roxan. Ian is an Architect and a…..gay. Naging mag-bestfriend sila nung nagkakilala sila sa isang event. Hindi tinatawag ni Roxan si Ian na Architect dahil napaka-seryoso naman daw kapag ganun. 

     “Bakla please! Gusto ko muna ma-refresh. At saka ang tagal na kaya natin hindi nagkikita,” pagpupumilit pa ni Roxan sa kaibigan. 

     Sa sobrang busy kasi ng dalwa, minsan na lang talaga sila magka-bonding together. Kahit ang dami nilang mga gala at gimik ay hindi matuloy dahil busy si Roxan sa mga photo shoot. Si Architect Ian naman, marami ding ginagawa palagi lalo na at madami siyang project na pinaghahandaan.

      “Sabagay. Oh siya, saan kita susunduin?” walang reklamong boses at malambot na boses ni Ian.

     “Sa likod ng building. See you! Love you!” Hindi talaga maipagkakaila na excited si Roxan sabay wacky nito sa salamin.

     “Tsee! Magpapalibre ka lang eh! Nakakalurkey ka talagang babae ka,” asar ni Ian.

     Hindi talaga maipagkakaila na sobrang lapit ng dalwa sa isa’t isa. Ang totoo niyan, ang isa’t isa ang sandalan nila. Tulad ng mga normal at tunay na magkaibigan, may mga sikreto at problema na sila lang ang nakakaalam at nagdadamayan.

     “Maam Roxan ilalagay ko na po sa kotse ninyo ang mga gamit ninyo. Nga po pala, may gusto po ba kayong kainin?” tanong ni Lex. Ngumiti si Roxan bago sumagot at bago magbigay ng pera dito.

     “Ate Lex para sa'yo iyang pera. Kumain ka na, alam kong gutom ka na din. Isama mo na din sina Kitty at Jenette. Paniguradong gutom na din ang mga iyon sa pag-aayos ng mga outfit ko. And Ate Lex, ikaw na din ang magdala ng kotse pauwi,” dire-diretsong wika ni Roxan. 

     Buti na lang talaga at maaasahan si Lex. Sa dami-dami kasing gawain ni Roxan ay mabuti na meron siyang maaasahan na mga assistant tulad ni Lex. Oo sikat na model si Roxan even sa ibang bansa pero kahit ganoon, hindi siya tulad ng iba na ang daming assistant. Sanay siya na tumutulong din siya kay Lex. Ganun siya ka-disiplina sa sarili.

     “Sige po,” maikling sagot ni Lex.

     Pagkatapos mag-alis ng make-up si Roxan, agad na niyang hinablot ang sling bag niya. Dahil nga gusto niya ng privacy saglit, nagsuot siya ng isang white mask at red hat na pantaklob sa mukha niya. She need some privacy. 

     Mabilis na nagtungo sa likod ng building si Roxan. Now, suot niya ang red fitted dress at white heels kaya mas lalong kapansin-pansin ang tangkad niya at ang magandang hubog ng katawan meron siya. 

     Saktong paglabas ni Roxan, bumungad sa kaniya ang isang kulay blue na Ford Ranger. Ito ay walang iba kun'di kay bakla, kay Ian. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa bago pumasok si Roxan sa front seat. 

     Sa wakas, malayo siya sa katotohanan. 

     Pagpasok sa sasakyan, isang mataray na tingin ang binigay sa kaniya ni bakla.

     Kung pagmamasdan mo talaga si Ian, manghihinayang ka talaga. Sa ganda ba naman ng mukha nito at ganda ng katawan ay hindi siya mapagkakamalan na bakla. At ngayon, bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang black tuxedo. 

     Kung titingnan mo siya, para kang matutulala sa matangos niyang ilong, kulay asul na mata, makapal na kilay, at magandang hubog ng mukha pero kapag nagsalita na ito, magugulat ka. Mas boses babae siya kaysa kay Roxan. Ang mas nakakagulat pa, mas malambot pa ang katawan ni Ian kaysa sa kaibigan.

     Same vibes na same vibes ang dalwa lalo na sa mga ganitong trip nila. 

     “You’re too gorgeous, sis! Pero syempre mas maganda ako. Osige na nga maganda na tayo parehas!” iyamot na wika ni Ian habang nakatingin kay Roxan na nakataas ang kilay sa kaniya.

     “So what’s the plan?” tanong ni Roxan habang inaayos ang suot niya.

     Lagi kaseng hindi matuloy-tuloy ang mga lakad nila dahil sa sobrang busy sa kani-kanilang trabaho. Palagi silang trabaho, trabaho, trabaho.

     “You want to feel relax girl? I have a suggestion. Let’s have a two days vacation.”

     Vacation? In just two days? Paano natawag na bakasyon ang dalwang araw?

     Agad na nagtaka si Roxan sa suggestion ng kaibigan. Gayunpaman, isang malaking ngiti pa rin ang binigay ni Roxan noong marinig ang sinabi ng kaibigan. Agad siyang nabuhayan at na-excite.

     “G! Kahit pa libre ko lahat basta matuloy lang ‘yon,” tapik ni Roxan sa balikat ni Ian. Para siyang batang sabik na sabik makapaglaro sa labas ng bahay.

     Hindi pa rin sila umaalis, nananatiling nakatigil ang Ford ranger ni Ian para makapag-usap sila ng ayos at payapa.

     “The plan is we will go to SIKRETO Resort. Malayo ‘yon mars kaya malayo din tayo sa katotohanan,” wika ni Ian na nakasimangot na ngayon.

     “Kapag andun na tayo sa lugar na ‘yon, malayo tayo sa lahat. Malayo ka sa pagpapanggap at malayo ako sa katotohanan. Malayo tayo sa pasan-pasan na problemang tayo lang dalwa ang nagkakaintindihan, bakla.”

     Hanggang ngayon kase ay ganun pa rin kahigpit ang mga magulang ni Roxan sa kaniya. Para siyang robot na kinokontrol ng mga magulang niya. Si Ian naman, hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng buo niyang pamilya ang kasarian na pinili niya, ang pagiging bakla. 

     Naging tahimik ang dalwa. Niyakap ni Roxan ang braso ni bakla sabay patong ng ulo nito sa balikat ni Ian. Hinaplos naman ni Ian ang buhok ni Roxan na sumesenyas na magiging maayos din ang lahat. Iyon lagi ang ginagawa ni Ian kay Roxan para pakalmahin.

     “We will make it happen.” Iyon ang bulong ni Ian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status