Share

Chapter 2

CHAPTER 2

     Roxan go to work too early dahil inagahan talaga ni Clint ang pictorial. Siya ang nag-drive ng Lamborghini kasama si Lex.

     She is so hot in her outfit, a white tube and a black short para mabilis siyang makapag change outfit. Hindi siya nagsusuot ng mga ganitong damit para ipagmayabang ang katawan. Nagsusuot siya ng mga ganitong damit dahil sa confidence na meron siya.

     “Magandang umaga sa babaeng napakaganda,” abang agad ni Clint kay Roxan habang nasa front door pa lang ito ng building.

     “Nako Sir Clint ang aga-aga nambobola agad kayo. Magandang umaga din po,” ngiti ni Roxan kahit medyo awkward. Nabigla kase talaga siya sa presensya ni Clint. Ang mas kinagulat pa niya, binigyan siya nito ng isang bouquet of roses. Sanay naman siya na makatanggap ng bulaklak kay Clint, nabigla lang talaga siya sa0 titig nito sa kaniya. 

     Hindi agad nakasagot si Clint sa kaniya bagkus ay tinitigan muna siya nito. Nagsimula naming kabahan si Roxan sa mga titig ni Clint.

     “L-lets start na. Nasa loob na din si Mr. De Sagun, ang manager ng B and L Underwear Shop,” nauutal na boses ni Clint bago pumasok. Sumunod naman agad si Roxan bitbit ang color white chanel niyang bag.

     Ang mga photographer, make up artist, designer at mga director ay isa-isang kumaway kay Roxan habang inaayos nila ang background para sa shoot. Ang background na gawa ng designer ay may theme na summer time dahil mga underwear ang isusuot ni Roxan. Siya kase ang nakuhang model ng B and L branded na mga underwear. Ito’y sikat na brand kaya isa itong malaking opurtunidad para kay Roxan. 

     “Choosing you is one of the best decision ever I had, Roxan. You’re so beautiful. I’m glad na nakita kita sa personal. Noon kasi ay sa magazine at sa billboard lang kita nakikita. Tama nga din ang asawa ko, you look so perfect,” nakangiting pagbungad ni Mr. De Sagun kay Roxan habang nakikipagbeso ito dito.

     Si Mr. Leonardo De Sagun ay kilala sa isang mayamang pamilya. Isa na itong negosyante simula noong siya'y isang binata pa lang. Dati din itong sumabak sa modeling dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Kahit nga ito'y tumatanda na, hindi pa rin maipagkakaila na gwapo siya. May katangkaran, makabuluhang mga mata, matikas na katawan at magandang postura.

     “I’m such a lucky girl to be chosen sa isang sikat na kompanya. Glad to meet you, Mr. De Sagun. Thank you for this wonderful opportunity.”

     Sinimulan na siyang ayusan ng tatlong sikat na make up artist kaya habang inaayusan siya, tinuon muna niya ang atensyon sa pagrereply sa mga kompanya na kumukha sa kaniya para maging ambassador ng iba’t ibang produkto. Sa dami ng nago-offer sa kaniya ay hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang unahin.

     “Another pose!”

     “Smile!”

     “Ayusin ang bewang!”

     “Good job!”

     “You’re so hot Maam Roxan!”

     Walang maibigay na komento si Mr. De Sagun dahil sa sobrang professional na pagkilos ni Roxan sa larangan ng modeling. Roxan is so attractive in any angle. Magaling siya gumawa ng pose lalo na pagdating sa facial expression. She is so perfect. Ang mala-dyosa niyang mukha, perfect na katawan at magandang ngiti ay sadyang nakakahumaling. 

     “Good job, Roxan. Everything is so perfect. Umasa ka na marami pang kasunod ito. Sige, mauna na ako. Let’s have a meeting next time,” ngiti ni Mr. De Sagun bago abot dito ng isang malaking bouquet of flowers at isang malaking box na naglalaman ng mga products ng B and L Underwear Shop. Sa dami niyang natatanggap na mga regalo at bouquet of flowers ay naiipon na ito ng naiipon sa kwarto niya. 

     Marami talaga siyang natatanggap na kung ano-ano galing sa iba’t ibang kompanya at lalo na sa mga taga-suporta niya.

     “Thank you din po,” pasasalamat niya bago siya nakipag-kamay dito.

      Agad na hinablot ni Roxan ang phone pagkatapos ng usapang iyon.

     ‘Ano na girl? Nakapapaalam ka na ba sa bebe Clint ko?’ Agad napangiti si Roxan sa message ni Ian. Naalala niya na kailangan na nga pala ng permiso ni Clint para sa balak nilang vacation nila.

     ‘Mars magpapaalam pa lang ako. Good luck talaga sa atin.’ Agad niyang reply sa kaibigan.

     After the pictorial, inayos niya ang white tube na suot niya na pinatunangan niya ng isng maliit na jacket at agad siyang lumapit kay Clint. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaalam. Hindi naman masungit si Clint, mukha lang talaga kase napakaseryoso din niyang tao. Pero ganun pa man, kinakabahan pa rin siya dahil first time niya magpaalam sa trabaho. Never kase nakapagpaalam si Roxan na umabsent sa trabaho.

     Gustong-gusto ni Roxan matuloy ang plano. Hindi kase biro ang trabaho ni Roxan. As a model, ang dami din niyang natatanggap na pangba-bash sa kaniya. Mabuti na lang talaga at palagi siyang may Ian na kino-comfort siya. Dahil doon, naha-handle niya ang stress.

     Si Roxan? Ang dami niyang responsibilities.

     Responsibility as a model.

     Responsibility as a daughter.

     Responsibility as an influencer.

     Responsibility as a woman.

     “Sir Clint can I have a favor?” Lumapit si Roxan kay Clint na isa-isang tinitingnan ang mga nakuhang litrato na ilalagay sa magazine at sa brochure ng B and L Underwear Shop.

     “Sure. Anything for you.”

     Roxan smiled sabay hinga ng malalim.

     “Ahmmm I think I need some fresh air po. Gusto ko muna po magpahinga kahit 2 days lang po,” magalang na paalam ni Roxan. Kahit kasing edad lang naman niya ang Manager ay magalang pa rin siya makipag-usap dito. 

     Si Clint ay matangkad, may mahabang buhok, may matangos na ilong, makisig, at sadyang attractive tingnan. Hindi kataka-taka na maraming models din ang humahanga sa kaniya.

     Clint looked at her.

     Nakaramdam ng kaba si Roxan sa magiging sagot ni Clint. Naayos na kase lahat ni Ian. Tanging pagsang-ayon na lang ni Clint ang kailangan para matuloy na lahat.

     “Sure, why not? Saan ba punta mo? Can I join?” Hindi agad nakasagot si Roxan lalo na at gusto pa ni  Clint maki-join eh lakad nila ni bakla iyon. Ayaw nila ng may kasamang iba para malaya talaga sila. Sa malayong Resort pa nga sila pupunta eh para daw walang makakilala sa kanila. Iyon ang gusto nila, some privacy.

     “Nako Sir, pasensya na po ha pero gusto ko kase ng ako lang po muna,” nahihiyang boses ni Roxan dito.

     “Sige basta promise me na mag-e enjoy ka doon. Don’t worry, ako na bahala magpaliwanag sa production. Send ko na lang sa’yo ‘yung mga schedule after ng vacation mo.”

      Isang yakap ang binigay ni Roxan kay  Clint dahil sa nararamdamang saya. Napangiti naman si Sir Clint at mas niyakap si Roxan ng mahigpit.

     Walang sinayang na oras si Roxan. Pagkatapos ng naykakapagod na photoshoot ay agad niyang binalita kay Ian na tuloy ang bakasyon nila ng dalwang araw.

     “Okay, let’s buy anything we need bukas na bukas din. Sa ngayon, magpahinga ka muna girl para mas ma-enjoy natin ang plano,” pagod na boses ni Ian mula sa kabilang linya. Tinapos kase niya ang mga papeles ng mga proyektong sisimulan niya next week. Hindi kase talaga biro ang pagiging isang Architect lalo na at madaming kumukuha sa kaniya. Kilala kase si Ian sa pagiging isang mahusay na arkitekto.

     “Okay bakla. Noted. Babye! See you tomorrow!”

     Pinaandar na ni Roxan ang Lamborghini niyang color pink. Hindi niya kasama si Lex dahil makikipag meeting ito sa isang babaeng ni-hire ni Roxan as a secretary niya. Si Lex din ang makikipag-usap sa mga taong bubuo sa Roxan’s Cosmetics. Ganun kahusay na assistant si Lex kay Roxan. Malaki kase ang utang na loob ni Lex kay Roxan dahil si Roxan ang nagpapaaral sa dalwa niyang kapatid bukod sa sinuswelduhan siya. Ganun kabuti ang puso ni Roxan.

    “Bago ang lahat, kailangan ko muna pala magpaalam kay Babe.”

     Gusto niya pa rin magpaalam sa boyfriend. Nakailang missed call siya, text at chats ay wala pa rin paramdam ang boyfriend niyang si Brandon. Wala naman siyang contacts ng mga magulang nito dahil kahit siya ay hindi kilala ng mga ito. 

     Never kase dinala o pinakilala ni Brandon si Roxan sa pamilya. Hindi din naman niya mapuntahan ito sa bahay dahil paniguradong walang Brandon siyang matatagpuan doon. Kung saan-saan kase gumigimik ang boyfriend niya. 

     Never din naman nakilala nina Mr. at Mrs. Balbacal na may boyfriend si Roxan. Sobrang strikto kase ng mga ito kaya hindi maamin ni Roxan. Ang totoo ay bawal pa talaga mag boyfriend si Roxan, sinuway lang talaga niya dahil sa sobrang pagmamahal ni Roxan kay Brandon.

     ‘Babe where are you? Puntahan kita. Give me the address.’

     Naalala ni Roxan na may contact siya ng isang kaibigan ni Brandon, si Julius, isang Engineer. Si Julius ay isa sa nakakaalam na may relasyon si Brandon kay Roxan. Secret relationship lang din kase sina Brandon at Roxan. Tanging mga kaibigan lang ni Roxan at Brandon ang nakakaalam na may relasyon sila. 

     Nagiging maingat lang ang dalwa. Walang post sa social media kapag nagsasama sila at palaging nagde-date ang dalwa ng pasikreto upang hindi makalabas sa media ang tungkol sa kanila ni Brandon. Isa lang kase ang kinatatakutan ni Roxan, ang malaman ito ng mga magulang niya. Mahirap man ang sitwasyon, nananatili pa rin si Roxan sa nabuong relasyon nila ni Brandon kahit pa advice n ani Ian na makipaghiwalay na dito.

     “Julius si Roxan ‘to. Tatanong ko lang sana kung nasan si Brandon. Baka alam mo. Are you with Brandon right now?”

     Ilang segundo pa bago nakasagot ito. Narinig ni Roxan na maingay sa kabilang linya. Parang may nagaganap na kasiyahan, may sigawan at parang nasa crowd ito. Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa bar si Julius.

     “Roxan he’s too drunk. Wala na din siya sa katinuan.” Agad napailing-iling si Roxan habang nag-aalala sa boyfriend na si Brandon.

     Brandon Dela Luna, isang matangkad na lalaki, chinito, may maaamong mata at may matangos na ilong. Tapos ito ng Engineering pero puro gimik pa rin ang inaatupag kaya walang trabaho. He is the boyfriend of Roxan for 3 years pero parang si Roxan lang ang kumakapit sa relasyon. Halos sa alak, pera at babae umiikot ang lahat kay Brandon. Kilala ito bilang isang fuckboy na bulakbol, pasarap sa buhay. Kung walang pera na natatanggap sa magulang, maglalambing sa girlfriend na si Roxan.

     “Nasan kayo? Pupuntahan ko kayo. I’m too worried,” halos hindi mapakali sa agmamaneho si Roxan sa labis na pag-aalala.

     “Nako Roxan ‘wag na. Baka kung ano pa ang magawa ni Brandon. Kilala mo siya kapag lasing ‘di ba? Don’t worry sa condo ko na lang siya dadalhin.”

     “Fine. Thankyou Julius ha.” Medyo kumalma ito dahil sa sagot ni Julius.

     “You’re welcome. Honestly ako nga dapat ang nagpapasalamat sa’yo eh kase natitiis mo pa rin ang ugali ng bestfriend kong ‘to. Roxan hindi mo ba talaga kayang pakawalan ‘to? Hindi naman sa namamakealam ako ha pero Roxan I feel it. Ramdam ko na parang ikaw na lang ang gumagawa ng paraan para mag work ang relationship ninyo. Alam ko din na alam mo na babaero ‘to. Roxan hindi ka ba napapagod? Parang hindi mo deserve ng ganung treatment eh.” 

     Biglang napatulala si Roxan sa kawalan nung marinig iyon. Pinipigilan niya ang sarili na umiyak.

     “H-hindi. Julius, I love him kahit anong mangyare,” nauutal niyang boses sabay hingang malalim.

     “Brandon is so lucky to have you, Roxan. Sige na, ako na bahala dito. I know na pagod ka din sa work. Take a rest.”

     “Thanks Juls!”

     Pagkatapos niya patayin ang cellphone ay doon bumuhos ang mga luha niya. Umiyak lang siya ng umiyak habang nagmamaneho. Nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Brandon pero nagpapakatatag siya dahil sa labis na pagmamahal. Hindi niya kayang sukuan ang kasintahan kahit pa ang daming dahilan para bumitaw na sa kanilang relasyon. Pero, hindi niya kayang pakawalan si Brandon kahit gaano pa kadami ang pagkakamali nito, kahit ilang paulit-ulit na siyang niloko nito.

     ‘Bakla payakap ako.’

     Pagkadating sa bahay ay agad siyang nagtungo sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. As always, kapag mabigat ang dibdib niya, si Ian agad ang tatakbuhan niya, ang sandalan niya sa lahat ng problema.

     ‘Sure. Sending hugs mars. Remember ang mga bisig ko ay para sa’yo. Alam kong tungkol na naman ‘yan sa mokong mong boyfriend. Tama? Hayst. Matulog ka na muna, alam kong pagod ka. Hayaan mo muna ‘yang boyfriend mo.’ Iyon ang mabilis ngang reply ni Ian. Kahit gaano talaga kadami ang trabaho nito, isang text lang ni Roxan, magre-respond agad siya lalo na at alam niyang siya lang ang matatakbuhan ni Roxan.

     Bumaba sa kwarto si Roxan papunta sa malawak niyang salas. Agad naman siyang sinalubong ni Manang Marita. “Maam Roxan handa na po ang hapunan.”

     “Sige po. Sabay-sabay na po tayo maghapunan ni Maries.” Si Manang  Marita ang isa sa kasambahay ni Roxan. Matagal na itong namasukan sa kaniya bilang isang kasambahay. Ito ang taga-luto ng mga pagkain habang si Maries naman ang tagalinis ng buong bahay.

     Si Maries naman ay isang dalagang namasukan din bilang kasambahay sa bahay ni Roxan. Kasabay ng trabaho, pinag-aaral din siya ni Roxan.

     Sa totoo naman ay hindi kasambahay ang tingin sa kanila ni Roxan, kundi pamilya. Pamilya ang turing sa kanila ni Roxan. Sa bawat pagsubok na kinahaharap nila ay nandun si Roxan para sa kanila.

     “Nga pala po Maam, ahm may nagdala po dito ng invitation kanina,” wika ni Maries habang naghahanda ng mga plato at baso sa isang mahabang lamesa sa malawak na kusina ni Roxan. 

     Malaki talaga ang buong bahay ni Roxan. Maganda ang buong paligid, may mga litrato ni Roxan sa bawat pageant. Maraming gamit pero maluwag pa rin. Planado kase ang lahat dahil si Architect Ian ang nagdesign nito. Lahat ay si Ian ang nagplano na naaayon sa kagustuhan ni Roxan.

     “Para saan daw? Sino nagdala ng invitation, Manang?” tanong agad ni Roxan habang inaabot ang color pink na invitation.

      ‘Trish Ellaine Britanicca turning 26! See you!’

     Nung makita ni Roxan kung anong nakasulat sa invitation ay agad niyang tinawagan si Trish Ellaine.  Si Trish Ellaine Britanicca ay kasamahan niya sa sa modeling. Sa lahat ng kaibigan sa modeling, ito ang pinaka-close niya pero dahil minsan na lang magkasama sa mga fashion show, pageant at event ay wala silang maayos na communication.

     “Oh Roxan! Buti napatawag ka. Did you already received my invitation? Huwag ka mawawala doon ha. Hindi ako papayag na wala ka don! Andun sina Sir Clint at ang mga ladies!” masayang-masayang boses ni Ellaine sa kabilang linya.

     “Natanggap ko na ang inviation Trish. Thank you nga pala. But sis I’m sorry kung hindi ako makakapunta ha. I hope ‘wag ka magtampo. May vacation kase ako to refresh. But don’t worry, may ipapadala ako sayong gift,” sagot ni Roxan habang binubuksan ang kaniyang laptop para makaorder na agad ng mga branded na regalo sa iba’t ibang shop. 

     “It’s fine. I understand naman. You deserve a vacation naman kase sobrang dami mong trabaho nung mga nakaraan. Nabalitaan ko nga na ikaw na naman ang ilalagay sa billboard tapos nalaman ko din kay Sir Clint na ikaw daw pinipiling ambassador ng isang branded na make up products. At kakatanggap ko lang ng balitang kinuha ka ni Mr. De Sagun na model. What a so much blessing!” puro papuri ni Ellaine kay Roxan. Agad naman napangiti si Roxan dahil ramdam niyang talagang proud sa kaniya ang kaibigan.

     “Ano ba parehas-parehas lang tayong magaling. I’m sure na makukuha ka din these days.” 

     “And congrats nga pala kase usap-usapan na you’re planning to open your own business. I’m so proud of you, Roxan. Halos lahat nasa iyo na. I’m sure your family truly proud of you. And I’m pretty sure that Brandon is so proud of you too. You’re so lucky girl. I hope ganan din ako,” medyo kakaibang tono ni Ellaine sa dulo. Napansin naman agad ni Roxan na parang disappointed si Ellaine sa sarili kaya agad siyang sumagot.

     “Ops Trish baka nakakalimutan mo na proud din ako sa’yo? Hanga nga ako sa’yo kase ikaw ‘yung nabigyan ng award last year right? Grabe you’re so gorgeous talaga!”

     Roxan has a pure heart talaga.  Hindi siya mapagmataas. She’s so humble kahit ang layo na ng narating niya sa buhay.

     “Thank you, Roxan. You’re always there pa rin talaga for me kahit ang tagal na natin hindi nagkaka-bonding. Sana after your vacation, makapag party na uli tayo,” paglalambing ni Ellaine.

     “Sure. Promise babawi ako sa’yo.” Nagpaalam na siya sa kaibigan bago patayin ang phone. Kumain na nga sila nina Manang Marita at Maries. Nagkwentuhan lang sila na parang isang buong pamilya habang nagtatawanan.

     Pagkatapos naman kumain ay nag-impake na si Roxan ng mga gamit niya for a vacation. All the credit cards, papers, accessories, outfits and make up products ay inayos na niya para kaunti na lang ang aayusin niya kinabukasan. Hinanda din niya ang camera niya para makapag take pictures sila ni Ian.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status